الطور

At-Tur

The Mount · Surah 52 · Ayahs: 49 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. وَٱلطُّورِ

    Open ayah 52:1

    [Isinusumpa Ko] sa bundok.

  2. وَكِتَٰبٖ مَّسۡطُورٖ

    Open ayah 52:2

    At [sa] Aklat na nakasulat [o nakatitik],

  3. فِي رَقّٖ مَّنشُورٖ

    Open ayah 52:3

    Sa papel [o dahong] ikinadkad nang bukas [o hayagan].

  4. وَٱلۡبَيۡتِ ٱلۡمَعۡمُورِ

    Open ayah 52:4

    At [sa] malimit-dalawing bahay [dalanginan].

  5. وَٱلسَّقۡفِ ٱلۡمَرۡفُوعِ

    Open ayah 52:5

    At [sa] bubungan [o kalangitang] itinayo nang mataas,

  6. وَٱلۡبَحۡرِ ٱلۡمَسۡجُورِ

    Open ayah 52:6

    At [sa] dagat na nag-aalimpuyo [sa pag-uumapaw ng Apoy]

  7. إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ لَوَٰقِعٞ

    Open ayah 52:7

    Katotohanan, ang parusa ng iyong Panginoon ay magaganap.

  8. مَّا لَهُۥ مِن دَافِعٖ

    Open ayah 52:8

    Walang makapipigil nito para sa Kanya [upang ito ay ipatupad],

  9. يَوۡمَ تَمُورُ ٱلسَّمَآءُ مَوۡرٗا

    Open ayah 52:9

    Sa Araw [na iyon] ang langit ay mag-uuga nang pag-ugang paikot.

  10. وَتَسِيرُ ٱلۡجِبَالُ سَيۡرٗا 

    Open ayah 52:10

    At ang mga bundok ay maglalaho [sa kinatitirikan], [at] magiging alikabok.

  11. فَوَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 52:11

    Kaya, kasawian sa Araw na iyon, sa mga nagtatakwil –

  12. ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي خَوۡضٖ يَلۡعَبُونَ

    Open ayah 52:12

    Yaong mga [abala] sa [walang kabuluhang] talakayan, [na wari bang] nagsisipaglaro [lamang].

  13. يَوۡمَ يُدَعُّونَ إِلَىٰ نَارِ جَهَنَّمَ دَعًّا

    Open ayah 52:13

    Sa Araw na sila ay itataboy sa Apoy ng Impiyerno, isang [marahas na] pagtaboy.

  14. هَٰذِهِ ٱلنَّارُ ٱلَّتِي كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ

    Open ayah 52:14

    [At sasabihin sa kanila] Ito ang Apoy na lagi ninyong itinatakwil.

  15. أَفَسِحۡرٌ هَٰذَآ أَمۡ أَنتُمۡ لَا تُبۡصِرُونَ

    Open ayah 52:15

    Kaya, ito ba ay isang salamangka, o hindi ba ninyo nakikita?

  16. ٱصۡلَوۡهَا فَٱصۡبِرُوٓاْ أَوۡ لَا تَصۡبِرُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡكُمۡۖ إِنَّمَا تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 52:16

    [Kaya, magsipasok kayo upang] sunugin doon, maging kayo man ay matiisin o hindi matiisin, walang kaibahan para sa inyo. Kayo ay binabayaran lamang [para] sa anumang lagi ninyong ginagawa.

  17. إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَنَعِيمٖ

    Open ayah 52:17

    Katotohanan, ang mga natatakot [sa Allah] ay nasa mga hardin at ligaya.

  18. فَٰكِهِينَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ وَوَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ

    Open ayah 52:18

    [Doon ay kanilang] tinatamasa ang anumang [kasiyahang] ipinagkaloob sa kanila ng kanilang Panginoon, at sila ay pinangalagaan ng kanilang Panginoon sa parusa ng nagliliyab na Apoy.

  19. كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 52:19

    [At sa kanila ay sasabihin], “Magsikain kayo at magsiinom kayo nang nasisiyahan para sa anumang [kabutihang] lagi ninyong ginagawa.”

  20. مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ سُرُرٖ مَّصۡفُوفَةٖۖ وَزَوَّجۡنَٰهُم بِحُورٍ عِينٖ 

    Open ayah 52:20

    Sila ay magsisipagsandal sa mga sandalang [inayos na] magkakahanay. At sila ay Aming ipakakasal sa mga babaing busilak na may malalaki [at maningning na] mga mata.

  21. وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱتَّبَعَتۡهُمۡ ذُرِّيَّتُهُم بِإِيمَٰنٍ أَلۡحَقۡنَا بِهِمۡ ذُرِّيَّتَهُمۡ وَمَآ أَلَتۡنَٰهُم مِّنۡ عَمَلِهِم مِّن شَيۡءٖۚ كُلُّ ٱمۡرِيِٕۭ بِمَا كَسَبَ رَهِينٞ

    Open ayah 52:21

    At yaong mga naniwala at kanilang mga supling [o inapong] sumunod sa kanila sa paniniwala – sila ay Aming pagsasama-samahin sa kanilang mga supling [o inapo], at sila ay hindi Namin pagkakaitan ng anumang bagay [bilang gantimpala] ng kanilang mga gawa. Bawa’t tao ay mananagot para sa anumang kanyang pinagsumikapan.

  22. وَأَمۡدَدۡنَٰهُم بِفَٰكِهَةٖ وَلَحۡمٖ مِّمَّا يَشۡتَهُونَ

    Open ayah 52:22

    At sila ay Aming pagkakalooban ng mga prutas at karne mula sa anumang kanilang inaasam-asam.

  23. يَتَنَٰزَعُونَ فِيهَا كَأۡسٗا لَّا لَغۡوٞ فِيهَا وَلَا تَأۡثِيمٞ

    Open ayah 52:23

    Sila ay magpapalitan sa isa’t isa ng kopita [ng alak] na kung saan ay walang [ibubungang] masamang salita o ng kasalanan.

  24. ۞وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ غِلۡمَانٞ لَّهُمۡ كَأَنَّهُمۡ لُؤۡلُؤٞ مَّكۡنُونٞ

    Open ayah 52:24

    At sila ay palilibutan ng mga [tagapagsilbing] kabataang lalaki na wari bang sila ay mga iningatang perlas.

  25. وَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ

    Open ayah 52:25

    At sila ay magsisilapitan sa isa’t isa, nagtatanungan sa isa’t isa.

  26. قَالُوٓاْ إِنَّا كُنَّا قَبۡلُ فِيٓ أَهۡلِنَا مُشۡفِقِينَ

    Open ayah 52:26

    Sila ay magsasabi: “Katotohanan, maging noon pa mang kapiling namin ang aming mga pamilya, [aming] kinatakutan na [ang pagsuway sa Allah].

  27. فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا وَوَقَىٰنَا عَذَابَ ٱلسَّمُومِ

    Open ayah 52:27

    “Kaya, ang Allah ay naggawad ng kabutihang-loob sa amin, at kami ay pinangalagaan laban sa parusa ng nagbabagang Apoy.”

  28. إِنَّا كُنَّا مِن قَبۡلُ نَدۡعُوهُۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡبَرُّ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 52:28

    “Katotohanan, kami ay lagi nang dumadalangin sa Kanya noon pa man. Katotohanan, Siya ang Mapagbigay, ang Mahabagin.

  29. فَذَكِّرۡ فَمَآ أَنتَ بِنِعۡمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٖ وَلَا مَجۡنُونٍ

    Open ayah 52:29

    Kaya, [sila ay] paalalahanan mo [O Muhammad] sapagka’t ikaw, sa pagpapala ng iyong Panginoon, ay hindi isang manghuhula at hindi isang baliw.

  30. أَمۡ يَقُولُونَ شَاعِرٞ نَّتَرَبَّصُ بِهِۦ رَيۡبَ ٱلۡمَنُونِ 

    Open ayah 52:30

    O sila [mga di-naniniwala] ay nagsasabi [tungkol sa iyo] na: “[Si Muhammad ay] isang manunula; kami ay naghihintay para sa kanya ng isang kapahamakan [pagdating] ng [takdang] panahon.”

  31. قُلۡ تَرَبَّصُواْ فَإِنِّي مَعَكُم مِّنَ ٱلۡمُتَرَبِّصِينَ

    Open ayah 52:31

    Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Magsipaghintay kayo sapagka’t tunay ngang ako ay kasama ninyong naghihintay.”

  32. أَمۡ تَأۡمُرُهُمۡ أَحۡلَٰمُهُم بِهَٰذَآۚ أَمۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ

    Open ayah 52:32

    Ang kanila bang pag-iisip ang siyang nag-uutos sa kanila [upang sabihin] ito, o sila ay sadyang mga taong palasuway [sa kautusan ng Allah]?

  33. أَمۡ يَقُولُونَ تَقَوَّلَهُۥۚ بَل لَّا يُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 52:33

    O sila ba ay nagsasabing: “Siya [si Muhammad] ang kumatha nito [ng Qur’an?]” Hindi, [bagkus] sila ay hindi naniniwala!

  34. فَلۡيَأۡتُواْ بِحَدِيثٖ مِّثۡلِهِۦٓ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 52:34

    Kaya, hayaan mo silang magpakita ng isang salaysay na katulad nito [ng Qur’an] kung sila ay [tunay na] makatotohanan.

  35. أَمۡ خُلِقُواْ مِنۡ غَيۡرِ شَيۡءٍ أَمۡ هُمُ ٱلۡخَٰلِقُونَ

    Open ayah 52:35

    O sila ba ay nilikha mula sa walang [pinagmulang] bagay, o sila ang mga tagapaglikha ng kanilang mga sari-sarili?

  36. أَمۡ خَلَقُواْ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۚ بَل لَّا يُوقِنُونَ

    Open ayah 52:36

    O sila ba ang lumikha sa mga kalangitan at sa kalupaan? Bagkus, sila ay walang katiyakan [sa paniniwala].

  37. أَمۡ عِندَهُمۡ خَزَآئِنُ رَبِّكَ أَمۡ هُمُ ٱلۡمُصَۜيۡطِرُونَ

    Open ayah 52:37

    O nasa kanila ba ang kaban [ng yaman] ng iyong Panginoon, o sila ang mga tagapamahalang susupil [sa mga ito]?

  38. أَمۡ لَهُمۡ سُلَّمٞ يَسۡتَمِعُونَ فِيهِۖ فَلۡيَأۡتِ مُسۡتَمِعُهُم بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ

    Open ayah 52:38

    O sila ba ay mayroong hagdanan [patungo sa langit] na sa pamamagitan nito sila ay makakapakinig? Kaya, hayaang ang kanilang tagapakinig na magpakita ng malinaw na batayan.

  39. أَمۡ لَهُ ٱلۡبَنَٰتُ وَلَكُمُ ٱلۡبَنُونَ

    Open ayah 52:39

    O Siya ba ay mayroong mga anak na babae at kayo [namang mga tao] ay mayroong mga anak na lalaki?

  40. أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ أَجۡرٗا فَهُم مِّن مَّغۡرَمٖ مُّثۡقَلُونَ 

    Open ayah 52:40

    O ikaw ba [O Muhammad] ay humihingi ng kabayaran sa kanila kaya sila ay nabaon sa utang?

  41. أَمۡ عِندَهُمُ ٱلۡغَيۡبُ فَهُمۡ يَكۡتُبُونَ

    Open ayah 52:41

    O nasa kanila ba ang [kaalaman ng] Ghaib [bahaging di-nakikita] kaya [ito ay] kanilang naisusulat?

  42. أَمۡ يُرِيدُونَ كَيۡدٗاۖ فَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ هُمُ ٱلۡمَكِيدُونَ

    Open ayah 52:42

    O sila ba ay naglalayon ng isang balakin? Subali’t yaong mga di- naniniwala – sila ang layon ng isang balakin.

  43. أَمۡ لَهُمۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 52:43

    O sila ba ay may ibang diyos bukod sa Allah? Luwalhati sa Allah [Siya ay Mataas nang higit kaysa] sa anumang kanilang itinatambal [sa Kanya].

  44. وَإِن يَرَوۡاْ كِسۡفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ سَاقِطٗا يَقُولُواْ سَحَابٞ مَّرۡكُومٞ

    Open ayah 52:44

    At kung sila ay makakita ang isang nahuhulog na piraso ng langit, [sila ay] magsasabing: “[Ito ay] mga ulap na nangagtipon [o nangagbunton].”

  45. فَذَرۡهُمۡ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي فِيهِ يُصۡعَقُونَ

    Open ayah 52:45

    Kaya, sila ay iyong hayaan hanggang kanilang makaharap ang kanilang [takdang] Araw na sila ay datnan ng kawalang-ulirat [sa sindak].

  46. يَوۡمَ لَا يُغۡنِي عَنۡهُمۡ كَيۡدُهُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ

    Open ayah 52:46

    Sa Araw na hindi makapagdudulot sa kanila ang kanilang [masamang] balakin ng anupaman at sila ay hindi matutulungan.

  47. وَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ عَذَابٗا دُونَ ذَٰلِكَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 52:47

    At katotohanan, yaong mga mapaggawa ng kamalian ay may parusa [sa mundong ito] bago pa iyang [parusa sa kabilang buhay], at gayunman, karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam.

  48. وَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ فَإِنَّكَ بِأَعۡيُنِنَاۖ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ حِينَ تَقُومُ

    Open ayah 52:48

    At maging matiisin ka [O Muhammad] para sa pasiya ng iyong Panginoon, sapagka’t katotohanan, ikaw ay nasa Aming paningin [o pagsubaybay]. At luwalhatiin mo ng mga papuri ang iyong Panginoon sa iyong pagbangon.

  49. وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡهُ وَإِدۡبَٰرَ ٱلنُّجُومِ

    Open ayah 52:49

    At sa [ilang] bahagi ng gabi, Siya ay iyong luwalhatiin at [gayun din] sa paglaho ng mga bituin.