النجم
An-Najm
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ
Open ayah 53:1[Isinusumpa Ko] sa bituin kapag ito ay naglalaho,
مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمۡ وَمَا غَوَىٰ
Open ayah 53:2Ang inyong kasamahan [si Propeta Muhammad] ay hindi naligaw, at hindi rin nagkamali,
وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلۡهَوَىٰٓ
Open ayah 53:3At siya ay hindi nagsasalita mula sa [kanyang sariling] pagnanasa.
إِنۡ هُوَ إِلَّا وَحۡيٞ يُوحَىٰ
Open ayah 53:4[Sapagka’t] ito ay kapahayagan na ipinahayag [sa kanya].
عَلَّمَهُۥ شَدِيدُ ٱلۡقُوَىٰ
Open ayah 53:5Itinuro sa kanya ng isang matindi sa lakas [ang Anghel Gabriel] -
ذُو مِرَّةٖ فَٱسۡتَوَىٰ
Open ayah 53:6Isang nagtataglay ng lakas [ng katawan at isip], at siya ay lumitaw sa [kanyang] likas na anyo.
وَهُوَ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡأَعۡلَىٰ
Open ayah 53:7At habang siya ay nasa pinakamataas na [bahagi ng] alapaap.
ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ
Open ayah 53:8Pagkaraan, siya ay lumapit at pumanaog,
فَكَانَ قَابَ قَوۡسَيۡنِ أَوۡ أَدۡنَىٰ
Open ayah 53:9At nasa layo [o agwat na] dalawang dipa o higit pang malapit;
فَأَوۡحَىٰٓ إِلَىٰ عَبۡدِهِۦ مَآ أَوۡحَىٰ
Open ayah 53:10Kaya kanyang ipinahayag sa Kanyang alipin ang anumang kanyang ipinahayag.
مَا كَذَبَ ٱلۡفُؤَادُ مَا رَأَىٰٓ
Open ayah 53:11Ang [kanyang] puso [o isip] ay hindi nagsisinungaling sa anumang kanyang [tunay na] nakita.
أَفَتُمَٰرُونَهُۥ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ
Open ayah 53:12Kaya, kayo ba ay makikipagtalo pa sa kanya [tungkol sa] anumang kanyang nakita?
وَلَقَدۡ رَءَاهُ نَزۡلَةً أُخۡرَىٰ
Open ayah 53:13At katiyakang siya [ang Anghel Gabriel] ay kanyang nakita sa ibang [pagkakataon ng] pagbaba [nito].
عِندَ سِدۡرَةِ ٱلۡمُنتَهَىٰ
Open ayah 53:14Sa puno ng lote [Sidrat-ul-Muntaha] [ang kadulu-duluhang bahagi ng hangganan].
عِندَهَا جَنَّةُ ٱلۡمَأۡوَىٰٓ
Open ayah 53:15Sa tabi nito ay [naroon ang] Hardin ng Kanlungan.
إِذۡ يَغۡشَى ٱلسِّدۡرَةَ مَا يَغۡشَىٰ
Open ayah 53:16Nang matakpan ang puno ng lote [Sidrat-ul-Muntaha] ng anumang tumakip [nito].
مَا زَاغَ ٱلۡبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ
Open ayah 53:17Ang paningin [ng Propeta Muhammad] ay hindi lumihis, ni sumuway.
لَقَدۡ رَأَىٰ مِنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ
Open ayah 53:18Katiyakan, kanyang nakita ang mga dakilang tanda ng kanyang Panginoon.
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱللَّٰتَ وَٱلۡعُزَّىٰ
Open ayah 53:19Kaya, isinaalang-alang ba ninyo sina Lat at Uzza?
وَمَنَوٰةَ ٱلثَّالِثَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ
Open ayah 53:20At si Manat, ang ikatlo – bilang isa pa?
أَلَكُمُ ٱلذَّكَرُ وَلَهُ ٱلۡأُنثَىٰ
Open ayah 53:21Para ba sa inyo ang [anak na] lalaki at sa Kanya ang [anak na] babae?
تِلۡكَ إِذٗا قِسۡمَةٞ ضِيزَىٰٓ
Open ayah 53:22Iyon, kapag nagkagayon, ay isang di-makatarungang hatian.
إِنۡ هِيَ إِلَّآ أَسۡمَآءٞ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَمَا تَهۡوَى ٱلۡأَنفُسُۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ ٱلۡهُدَىٰٓ
Open ayah 53:23Sila ay walang anupaman maliban sa mga pangalan na inyong ipinangalan sa kanila - kayo at ng inyong mga ninuno. At walang ibinaba [o ipinahayag] ang Allah ng anupamang batayan [tungkol dito]. Sila ay walang sinusunod maliban sa hinuha at sa anumang pagnanasa ng [kanilang] kaluluwa. At katiyakan, mayroon ng dumating mula sa kanilang Panginoon na patnubay.
أَمۡ لِلۡإِنسَٰنِ مَا تَمَنَّىٰ
Open ayah 53:24O mayroon ba para sa tao ng anumang kanyang minimithi?
فَلِلَّهِ ٱلۡأٓخِرَةُ وَٱلۡأُولَىٰ
Open ayah 53:25Subali’t, sa Allah ang pagmamay-ari ng huli [kabilang buhay] at ng una [buhay sa mundo].
۞وَكَم مِّن مَّلَكٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغۡنِي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ أَن يَأۡذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرۡضَىٰٓ
Open ayah 53:26At gaano karami ang mga anghel na nasa mga kalangitan na ang pamamagitan ay di-makatutulong kahit anupaman malibang pagkaraang pahintulutan [ito] ng Allah sa sinumang Kanyang nais at kinalulugdan.
إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ لَيُسَمُّونَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ تَسۡمِيَةَ ٱلۡأُنثَىٰ
Open ayah 53:27Katotohanan, yaong mga di- naniniwala [hinggil] sa kabilang buhay ay pinangalanan ang mga anghel ng mga pangalang pambabae,
وَمَا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّۖ وَإِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغۡنِي مِنَ ٱلۡحَقِّ شَيۡـٔٗا
Open ayah 53:28At sila ay walang kaalaman dito. Wala silang sinusunod maliban sa hinuha [lamang] at tunay na ang hinuha ay hindi makapananaig laban sa katotohanan sa anupaman.
فَأَعۡرِضۡ عَن مَّن تَوَلَّىٰ عَن ذِكۡرِنَا وَلَمۡ يُرِدۡ إِلَّا ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
Open ayah 53:29Kaya layuan mo [O Muhammad] ang sinumang tumatalikod sa Aming mensahe at walang hinahangad kundi ang [karangyaan ng] makamundong buhay.
ذَٰلِكَ مَبۡلَغُهُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱهۡتَدَىٰ
Open ayah 53:30Iyan ang kabuuan ng kanilang kaalaman. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang nakababatid sa sinumang naliligaw mula sa Kanyang landas at Kanyang nababatid ang sinumang napatnubayan.
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَسَٰٓـُٔواْ بِمَا عَمِلُواْ وَيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ بِٱلۡحُسۡنَى
Open ayah 53:31At sa Allah ang pagmamay-ari ng anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan - upang Kanyang bayaran yaong mga gumagawa ng kasamaan para sa anumang kanilang ginawa, at bayaran yaong mga gumagawa ng kabutihan ng pinakamabuting [gantimpala].
ٱلَّذِينَ يَجۡتَنِبُونَ كَبَٰٓئِرَ ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡفَوَٰحِشَ إِلَّا ٱللَّمَمَۚ إِنَّ رَبَّكَ وَٰسِعُ ٱلۡمَغۡفِرَةِۚ هُوَ أَعۡلَمُ بِكُمۡ إِذۡ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ وَإِذۡ أَنتُمۡ أَجِنَّةٞ فِي بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡۖ فَلَا تُزَكُّوٓاْ أَنفُسَكُمۡۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱتَّقَىٰٓ
Open ayah 53:32Yaong mga umiiwas sa mga malalaking kasalanan at mga kahalayan, [at nakagagawa ng] maliliit lamang, katotohanan, ang iyong Panginoon ay Tigib ng Kapatawaran. Siya ang higit na nakababatid sa inyo nang kayo ay Kanyang likhain mula sa lupa, at nang kayo ay mga sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng inyong mga ina. Kaya huwag ninyong purihin [at ituring] ang inyong mga sarili bilang dalisay. Siya ang higit na nakababatid kung sino sa inyo ang may takot [sa Kanya].
أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي تَوَلَّىٰ
Open ayah 53:33Hindi mo ba nakita ang isang tumalikod [sa Islam].
وَأَعۡطَىٰ قَلِيلٗا وَأَكۡدَىٰٓ
Open ayah 53:34At siya ay nagbigay nang kaunti, at pagkaraan ay tumigil?
أَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلۡغَيۡبِ فَهُوَ يَرَىٰٓ
Open ayah 53:35Siya ba ay may kaalaman sa Ghaib [di-nakikitang pangyayari], kaya kanyang nakikita?
أَمۡ لَمۡ يُنَبَّأۡ بِمَا فِي صُحُفِ مُوسَىٰ
Open ayah 53:36O, hindi ba isinalaysay sa kanya ang anumang nasa mga kalatas ni Moises?
وَإِبۡرَٰهِيمَ ٱلَّذِي وَفَّىٰٓ
Open ayah 53:37At [sa kalatas] ni Abraham na tumupad [ng kanyang mga tungkulin] -
أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰ
Open ayah 53:38Na walang tagapagpasan ng mga dalahin ang magpapasan sa mga dalahin [o kasalanan] ng iba.
وَأَن لَّيۡسَ لِلۡإِنسَٰنِ إِلَّا مَا سَعَىٰ
Open ayah 53:39At katotohanan, walang makakamtan ang tao maliban sa anumang [kabutihang] kanyang pinagpapakasakitan;
وَأَنَّ سَعۡيَهُۥ سَوۡفَ يُرَىٰ
Open ayah 53:40At katotohanan, ang kanyang pagpapakasakit ay kanyang matutunghayan –
ثُمَّ يُجۡزَىٰهُ ٱلۡجَزَآءَ ٱلۡأَوۡفَىٰ
Open ayah 53:41Pagkaraan, siya ay babayaran nang lubusan para rito.
وَأَنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلۡمُنتَهَىٰ
Open ayah 53:42At katotohanan, sa iyong Panginoon ang wakas.
وَأَنَّهُۥ هُوَ أَضۡحَكَ وَأَبۡكَىٰ
Open ayah 53:43At katotohanan, Siya ang gumagawang matuwa at lumuha [ang sinuman];
وَأَنَّهُۥ هُوَ أَمَاتَ وَأَحۡيَا
Open ayah 53:44At katotohanan, Siya ang nagdudulot ng kamatayan at nagbibigay ng buhay;
وَأَنَّهُۥ خَلَقَ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰ
Open ayah 53:45At katotohanan, Siya ang lumilikha sa dalawang kasarian - ang lalaki at babae -
مِن نُّطۡفَةٍ إِذَا تُمۡنَىٰ
Open ayah 53:46Mula sa [patak ng] semilya kapag ito ay lumalabas.
وَأَنَّ عَلَيۡهِ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰ
Open ayah 53:47At katotohanan, sa Kanya [nakaatang] ang ibang [kasunod na] paglikha [sa Araw ng Pagkabuhay].
وَأَنَّهُۥ هُوَ أَغۡنَىٰ وَأَقۡنَىٰ
Open ayah 53:48At katotohanan, Siya [rin] ang nagbibigay ng yaman at ng kasapatan;
وَأَنَّهُۥ هُوَ رَبُّ ٱلشِّعۡرَىٰ
Open ayah 53:49At katotohanan, Siya ang Panginoon ng Sirius;
وَأَنَّهُۥٓ أَهۡلَكَ عَادًا ٱلۡأُولَىٰ
Open ayah 53:50At katotohanan, Siya ang pumuksa sa unang [mga mamamayan ng] ‘Aad,
وَثَمُودَاْ فَمَآ أَبۡقَىٰ
Open ayah 53:51At sa [mga Tribu ng] Thamud – wala Siyang kinaligtaan [kahit isa man].
وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ هُمۡ أَظۡلَمَ وَأَطۡغَىٰ
Open ayah 53:52At sa mga mamamayan ni Noah noon. Katotohanan, sila ang nakahihigit sa paggawa ng mga kamalian at palasuway.
وَٱلۡمُؤۡتَفِكَةَ أَهۡوَىٰ
Open ayah 53:53At sa mga bayang itinaob, Kanyang inihagis [o ibinato nang] paibaba [ang bayan ng Sodom at Gomorrah],
فَغَشَّىٰهَا مَا غَشَّىٰ
Open ayah 53:54At sila ay tinabunan ng anumang Kanyang itinabon [bilang parusa].
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكَ تَتَمَارَىٰ
Open ayah 53:55Kaya, alin ba sa mga biyaya ng iyong Panginoon ang iyong pinag- aalinlanganan?
هَٰذَا نَذِيرٞ مِّنَ ٱلنُّذُرِ ٱلۡأُولَىٰٓ
Open ayah 53:56Ito [si Propeta Muhammad] ay isang tagapagbabala, mula sa [tulad niyang] mga naunang tagapagbabala.
أَزِفَتِ ٱلۡأٓزِفَةُ
Open ayah 53:57Ang papalapit na Araw ay lumapit na [ang Araw ng Pagkabuhay na Muli],
لَيۡسَ لَهَا مِن دُونِ ٱللَّهِ كَاشِفَةٌ
Open ayah 53:58Walang sinuman bukod sa Allah, ang makapapawi nito,
أَفَمِنۡ هَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ تَعۡجَبُونَ
Open ayah 53:59Kaya, sa salaysay na ito [ng Qur’an], kayo ba ay nagtataka?
وَتَضۡحَكُونَ وَلَا تَبۡكُونَ
Open ayah 53:60At [sa kabila nito] kayo ay nangangatuwa at hindi [man lamang] nagsisiluha [sa nakaliligalig na babala ng parusa],
وَأَنتُمۡ سَٰمِدُونَ
Open ayah 53:61At [habang] kayo ay nahihilig sa [walang kabuluhang] paglilibang?
فَٱسۡجُدُواْۤ لِلَّهِۤ وَٱعۡبُدُواْ۩
Open ayah 53:62Kaya, magpatirapa kayo sa Allah at [Siya ay] inyong sambahin.