القمر

Al-Qamar

The Moon · Surah 54 · Ayahs: 55 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. ٱقۡتَرَبَتِ ٱلسَّاعَةُ وَٱنشَقَّ ٱلۡقَمَرُ

    Open ayah 54:1

    Ang Oras ay papalapit na, at ang buwan ay nahati [sa dalawang bahagi].

  2. وَإِن يَرَوۡاْ ءَايَةٗ يُعۡرِضُواْ وَيَقُولُواْ سِحۡرٞ مُّسۡتَمِرّٞ

    Open ayah 54:2

    At kung sila ay makakita ng isang ayah [himala], sila ay nagsisilayo at nagsasabing: "Isang salamangka na dagling maglalaho’’.

  3. وَكَذَّبُواْ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَكُلُّ أَمۡرٖ مُّسۡتَقِرّٞ

    Open ayah 54:3

    At kanilang itinakwil at sinunod ang kanilang mga [sariling] pagnanasa. Nguni’t sa bawa’t bagay - isang kapasiyahan [ang itinakda para rito].

  4. وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّنَ ٱلۡأَنۢبَآءِ مَا فِيهِ مُزۡدَجَرٌ

    Open ayah 54:4

    At katiyakang dumating na sa kanila ang mga balita na may [dalang sapat na] babala [upang makaiwas sa ibubungang kasamaan nito] -

  5. حِكۡمَةُۢ بَٰلِغَةٞۖ فَمَا تُغۡنِ ٱلنُّذُرُ

    Open ayah 54:5

    Malawak na karunungan - subali’t ang babala ay hindi nagdulot ng buti [sa kanila].

  6. فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡۘ يَوۡمَ يَدۡعُ ٱلدَّاعِ إِلَىٰ شَيۡءٖ نُّكُرٍ

    Open ayah 54:6

    Kaya, sila ay talikdan mo [O Muhammad]. Sa Araw [na] na ang isang tagatawag [na anghel] ay mananawagan para sa isang bagay na kinatatakutan [o inaayawan, at ito ay ang pagtutuos ng mga gawa],

  7. خُشَّعًا أَبۡصَٰرُهُمۡ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ كَأَنَّهُمۡ جَرَادٞ مُّنتَشِرٞ

    Open ayah 54:7

    [Ang] kanilang mga mata ay nangayupapa, sila ay magsisilabas mula sa mga libingan na wari bang sila ay mga tipaklong na naglilipana.

  8. مُّهۡطِعِينَ إِلَى ٱلدَّاعِۖ يَقُولُ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَسِرٞ

    Open ayah 54:8

    [At sila ay] nag-uunahan sa [kinaroroonan ng] tagatawag. Ang mga di- naniniwala [sa oras na iyon] ay magsasabi: ‘Ito ay isang Mahirap na Araw.’

  9. ۞كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ فَكَذَّبُواْ عَبۡدَنَا وَقَالُواْ مَجۡنُونٞ وَٱزۡدُجِرَ

    Open ayah 54:9

    Ang mga mamamayan ni Noah ay nagtakwil [sa kanilang Sugo] nang una sa kanila. Kanilang itinakwil ang Aming alipin [si Noah] at nagsabing: ‘Siya ay isang baliw.’ At siya ay ipinagtabuyan [o walang pakundangang inalipusta].

  10. فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَغۡلُوبٞ فَٱنتَصِرۡ 

    Open ayah 54:10

    Kaya siya [si Noah] ay nanalangin sa Kanyang Panginoon, ‘Katotohanan, ako ay kanilang pinangibabawan, kaya, [ako ay Iyong] tulungan.’

  11. فَفَتَحۡنَآ أَبۡوَٰبَ ٱلسَّمَآءِ بِمَآءٖ مُّنۡهَمِرٖ

    Open ayah 54:11

    Kaya, Aming binuksan ang mga pintuan ng kalangitan na may ulan na [walang ampat] ang pagbuhos.

  12. وَفَجَّرۡنَا ٱلۡأَرۡضَ عُيُونٗا فَٱلۡتَقَى ٱلۡمَآءُ عَلَىٰٓ أَمۡرٖ قَدۡ قُدِرَ

    Open ayah 54:12

    At Aming pinangyaring sumabog ang mga batis sa lupa, ang mga tubig [ng kalangitan at ng kalupaan] ay nagtagpo [o nagsanib] para sa isang pangyayaring naitakda [ng maganap].

  13. وَحَمَلۡنَٰهُ عَلَىٰ ذَاتِ أَلۡوَٰحٖ وَدُسُرٖ

    Open ayah 54:13

    At siya [si Noah] ay Aming isinakay sa [sasakyang-dagat na] yari mula sa mga pinagputul-putol na kahoy at pako.

  14. تَجۡرِي بِأَعۡيُنِنَا جَزَآءٗ لِّمَن كَانَ كُفِرَ

    Open ayah 54:14

    Naglalayag sa ilalim ng Aming mga paningin [o pagsubaybay] bilang kabayaran para sa kanya na hindi pinaniwalaan.

  15. وَلَقَد تَّرَكۡنَٰهَآ ءَايَةٗ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

    Open ayah 54:15

    At katiyakan, ito ay Aming iniwan bilang isang [bakas ng] babala. Subali’t, mayroon pa kayang isang makaaalala [sa babalang ito]?

  16. فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

    Open ayah 54:16

    Kaya, gaano [ba kasindak-sindak] ang Aking parusa at babala?

  17. وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

    Open ayah 54:17

    At katiyakan, Aming ginawang madali ang Qur’an para maalaala, subali’t, mayroon pa kayang isang makaaalala [sa babalang ito]?

  18. كَذَّبَتۡ عَادٞ فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

    Open ayah 54:18

    Ang [mga mamamayan ng] ‘Aad ay nagtakwil; kaya gaano [ba kasindak-sindak] ang Aking parusa at babala?

  19. إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِي يَوۡمِ نَحۡسٖ مُّسۡتَمِرّٖ

    Open ayah 54:19

    Katotohanan, Aming ipinadala laban sa kanila ang isang nagngangalit na hangin sa araw ng walang tigil na pamiminsala.

  20. تَنزِعُ ٱلنَّاسَ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٖ مُّنقَعِرٖ 

    Open ayah 54:20

    Hinuhugot [nito] ang mga tao na tila mga puno ng datiles na binubunot [sa pagkakatanim].

  21. فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

    Open ayah 54:21

    Kaya, gaano [ba kasindak-sindak] ang Aking parusa at babala?

  22. وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

    Open ayah 54:22

    At katiyakan, Aming ginawang madali ang Qur’an para maalaala, subali’t, mayroon pa kayang isang makaaalala [sa babalang ito]?

  23. كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِٱلنُّذُرِ

    Open ayah 54:23

    Ang [mga Tribu ng] Thamud ay nagtakwil sa babala.

  24. فَقَالُوٓاْ أَبَشَرٗا مِّنَّا وَٰحِدٗا نَّتَّبِعُهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٍ

    Open ayah 54:24

    At sila ay nagsabing: “Ang isa bang lalaking kabilang sa atin ay nararapat nating sundin? Katotohanan, kapag nagkagayon, tayo ay mahuhulog sa kamalian at kahibangan!”

  25. أَءُلۡقِيَ ٱلذِّكۡرُ عَلَيۡهِ مِنۢ بَيۡنِنَا بَلۡ هُوَ كَذَّابٌ أَشِرٞ

    Open ayah 54:25

    “Ang mensahe [o babala] ba ay ipinadala lamang sa kanya [kay Propeta Salih] mula sa atin? Hindi! siya ay isang pangahas na sinungaling!”

  26. سَيَعۡلَمُونَ غَدٗا مَّنِ ٱلۡكَذَّابُ ٱلۡأَشِرُ

    Open ayah 54:26

    [Subali’t] kanilang mapag-aalaman bukas kung sino ang pangahas na sinungaling!

  27. إِنَّا مُرۡسِلُواْ ٱلنَّاقَةِ فِتۡنَةٗ لَّهُمۡ فَٱرۡتَقِبۡهُمۡ وَٱصۡطَبِرۡ

    Open ayah 54:27

    Katotohanan, Aming ipapadala sa kanila ang babaing kamelyo bilang pagsubok para sa kanila. Kaya, sila ay iyong subaybayan at maging matiisin.

  28. وَنَبِّئۡهُمۡ أَنَّ ٱلۡمَآءَ قِسۡمَةُۢ بَيۡنَهُمۡۖ كُلُّ شِرۡبٖ مُّحۡتَضَرٞ

    Open ayah 54:28

    At ipagbigay-alam mo sa kanila na ang tubig ay ipamamahagi sa

  29. فَنَادَوۡاْ صَاحِبَهُمۡ فَتَعَاطَىٰ فَعَقَرَ

    Open ayah 54:29

    Subali’t kanilang tinawagan ang kanilang kasamahan at kinuha nito [ang espada] at [pagkaraa’y] nilumpo [ang babaing kamelyo at pinatay].

  30. فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ 

    Open ayah 54:30

    Kaya, gaano [ba kasindak-sindak] ang Aking parusa at babala?

  31. إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَكَانُواْ كَهَشِيمِ ٱلۡمُحۡتَظِرِ

    Open ayah 54:31

    Katotohanan, Aming ipinadala laban sa kanila ang isang as-sayhah [nagmula sa langit], at sila ay naging tulad ng natuyot na sanga ng isang ginagawang kural [ng mga hayop].

  32. وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

    Open ayah 54:32

    At katiyakan, Aming ginawang madali ang Qur’an para maalaala, subali’t, mayroon pa kayang isang makaaalala [sa babalang ito]?

  33. كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطِۭ بِٱلنُّذُرِ

    Open ayah 54:33

    Ang mga mamamayan ni Lot ay nagtakwil sa babala.

  34. إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ حَاصِبًا إِلَّآ ءَالَ لُوطٖۖ نَّجَّيۡنَٰهُم بِسَحَرٖ

    Open ayah 54:34

    Katotohanan, Aming ipinadala laban sa kanila ang isang unos ng mga bato [upang sila ay puksain] maliban sa mag-anak ni Lot - sila ay Aming iniligtas bago magmadaling araw.

  35. نِّعۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَاۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَن شَكَرَ

    Open ayah 54:35

    Bilang isang pagpapalang nagmula sa Amin. Ganyan nga Namin ginagantimpalaan ang sinumang mapagpasalamat.

  36. وَلَقَدۡ أَنذَرَهُم بَطۡشَتَنَا فَتَمَارَوۡاْ بِٱلنُّذُرِ

    Open ayah 54:36

    At katiyakan, siya [si Lot] ay nagbabala na sa kanila tungkol sa Aming pananalakay subali’t kanilang pinag-alinlanganan ang babala.

  37. وَلَقَدۡ رَٰوَدُوهُ عَن ضَيۡفِهِۦ فَطَمَسۡنَآ أَعۡيُنَهُمۡ فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ

    Open ayah 54:37

    At katiyakan, kanilang [pilit na] hiniling sa kanya ang kanyang mga panauhin [upang makipagtalik sa kanila], nguni’t Aming tinanggal [binulag] ang kanilang mga mata [at nagsabing]: “Lasapin ninyo ang Aking parusa at babala.”

  38. وَلَقَدۡ صَبَّحَهُم بُكۡرَةً عَذَابٞ مُّسۡتَقِرّٞ

    Open ayah 54:38

    At katiyakan, dumating sa kanila sa kinaumagahan ang isang walang tigil na parusa.

  39. فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ

    Open ayah 54:39

    “Kaya, inyong lasapin ang Aking parusa at babala.”

  40. وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ 

    Open ayah 54:40

    At katiyakan, Aming ginawang madali ang Qur’an para maalaala, subali’t, mayroon pa kayang isang makaaalala [sa babalang ito]?

  41. وَلَقَدۡ جَآءَ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ ٱلنُّذُرُ

    Open ayah 54:41

    At katiyakan, dumating na sa mga mamamayan ni Paraon ang babala.

  42. كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كُلِّهَا فَأَخَذۡنَٰهُمۡ أَخۡذَ عَزِيزٖ مُّقۡتَدِرٍ

    Open ayah 54:42

    Kanilang itinakwil ang Aming mga ayaat [o babala], kaya sila ay Aming hinablot nang paghablot ng isang Ganap na Makapangyarihan, Ganap na may Kakayahan.

  43. أَكُفَّارُكُمۡ خَيۡرٞ مِّنۡ أُوْلَٰٓئِكُمۡ أَمۡ لَكُم بَرَآءَةٞ فِي ٱلزُّبُرِ

    Open ayah 54:43

    Ang mga di-naniniwala sa inyo [O mga Tribu ng Quraish] ay nakahihigit ba kaysa sa kanila [sa mga mamamayang nauna sa inyo]? O kayo ba ay may kasunduang kaligtasang [nakapaloob] sa mga Kasulatan?

  44. أَمۡ يَقُولُونَ نَحۡنُ جَمِيعٞ مُّنتَصِرٞ

    Open ayah 54:44

    O sila ba ay nagsasabi: “Kami ay isang lipong nagtutulungan [sa isa’t isa]!”

  45. سَيُهۡزَمُ ٱلۡجَمۡعُ وَيُوَلُّونَ ٱلدُّبُرَ

    Open ayah 54:45

    [Subali’t] ang [kanilang] lipon ay magagapi, at kanilang itatalikod [o babaling] ang kanilang mga likuran [sa pagtakas].

  46. بَلِ ٱلسَّاعَةُ مَوۡعِدُهُمۡ وَٱلسَّاعَةُ أَدۡهَىٰ وَأَمَرُّ

    Open ayah 54:46

    Sapagka’t, ang Oras [na iyon] ay kanilang tipanan [para sa takdang parusa] at [ito] ang Oras na higit na kasakit-sakit at masaklap.

  47. إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٖ

    Open ayah 54:47

    Katotohanan, ang mga mapaggawa ng kabuktutan ay nasa kamalian at kahibangan,

  48. يَوۡمَ يُسۡحَبُونَ فِي ٱلنَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ ذُوقُواْ مَسَّ سَقَرَ

    Open ayah 54:48

    Sa Araw [na iyon], sila ay kakaladkarin sa kanilang mga mukha patungo sa Apoy [at sa kanila ay sasabihin]: “Lasapin ninyo ang dumadaiting init ng saqar [ang apoy ng Impiyerno]!”

  49. إِنَّا كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَٰهُ بِقَدَرٖ

    Open ayah 54:49

    Katotohanan, lahat ng bagay na Aming nilikha ay may [kaukulang]

  50. وَمَآ أَمۡرُنَآ إِلَّا وَٰحِدَةٞ كَلَمۡحِۭ بِٱلۡبَصَرِ 

    Open ayah 54:50

    At ang Aming Kautusan [o pasiya] ay isa, katulad ng isang kisap-mata.

  51. وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَآ أَشۡيَاعَكُمۡ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

    Open ayah 54:51

    At katiyakan, Aming winasak ang ínyong mga kauri ; kaya mayroon pa kayang isang makaaalala [sa babalang ito]?

  52. وَكُلُّ شَيۡءٖ فَعَلُوهُ فِي ٱلزُّبُرِ

    Open ayah 54:52

    At ang lahat ng bagay na kanilang ginawa ay nasa nakatalang kalatas.

  53. وَكُلُّ صَغِيرٖ وَكَبِيرٖ مُّسۡتَطَرٌ

    Open ayah 54:53

    At [dito] ang bawa’t maliit at malaki ay [maingat na] nakasulat.

  54. إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَنَهَرٖ

    Open ayah 54:54

    Katotohanan, ang mga natatakot [sa Allah] ay nasa [gitna ng] mga hardin at mga ilog,

  55. فِي مَقۡعَدِ صِدۡقٍ عِندَ مَلِيكٖ مُّقۡتَدِرِۭ

    Open ayah 54:55

    [Sila ay] nasa mga luklukan ng karangalang malapit sa [kinaroroonan ng] Makapangyarihang Hari [ang Allah], ang Ganap na may Kakayahan.