الرحمن

Ar-Rahmaan

The Beneficent · Surah 55 · Ayahs: 78 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. ٱلرَّحۡمَٰنُ

    Open ayah 55:1

    Ang Mahabagin.

  2. عَلَّمَ ٱلۡقُرۡءَانَ

    Open ayah 55:2

    [Kanyang] itinuro ang Qur’an [sa tao],

  3. خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ

    Open ayah 55:3

    [Kanyang] nilikha ang tao.

  4. عَلَّمَهُ ٱلۡبَيَانَ

    Open ayah 55:4

    [At] itinuro sa kanya ang kahusayan [sa pananalita at pagbigkas].

  5. ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ بِحُسۡبَانٖ

    Open ayah 55:5

    Ang araw at ang buwan [ay umiinog] sa wastong bilang.

  6. وَٱلنَّجۡمُ وَٱلشَّجَرُ يَسۡجُدَانِ

    Open ayah 55:6

    At ang Najm at mga punung-kahoy ay [kapwa] nagpapatirapa.

  7. وَٱلسَّمَآءَ رَفَعَهَا وَوَضَعَ ٱلۡمِيزَانَ

    Open ayah 55:7

    At ang langit ay Kanyang itinaas [nang matayog], at [Kanyang] itinakda ang timbangan [ng katarungan]

  8. أَلَّا تَطۡغَوۡاْ فِي ٱلۡمِيزَانِ

    Open ayah 55:8

    Upang [sa pamamagitan nito] kayo ay hindi lumabag sa timbangan [ng katarungan].

  9. وَأَقِيمُواْ ٱلۡوَزۡنَ بِٱلۡقِسۡطِ وَلَا تُخۡسِرُواْ ٱلۡمِيزَانَ

    Open ayah 55:9

    At inyong panatilihin [o pamalagiin] ang timbangan nang pantay [at walang pandaraya] at huwag ninyong kukulangan [o babawasan] ang timbang.

  10. وَٱلۡأَرۡضَ وَضَعَهَا لِلۡأَنَامِ 

    Open ayah 55:10

    At ang kalupaan ay Kanyang inilatag [nang malawak] para sa mga nilalang .

  11. فِيهَا فَٰكِهَةٞ وَٱلنَّخۡلُ ذَاتُ ٱلۡأَكۡمَامِ

    Open ayah 55:11

    Doon ay [matatagpuan ang mga] prutas at mga punong palmerang may mga talupak [ng bungang datiles].

  12. وَٱلۡحَبُّ ذُو ٱلۡعَصۡفِ وَٱلرَّيۡحَانُ

    Open ayah 55:12

    At butil na may mga uhay at mga mababangong [luntiang] halaman.

  13. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:13

    Kaya [O kayong mga tao at jinn] alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  14. خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٖ كَٱلۡفَخَّارِ

    Open ayah 55:14

    Kanyang nilikha ang tao mula sa luad katulad ng [paggawa ng] palayok.

  15. وَخَلَقَ ٱلۡجَآنَّ مِن مَّارِجٖ مِّن نَّارٖ

    Open ayah 55:15

    At Kanyang nilikha ang jinn mula sa walang usok na ningas ng apoy.

  16. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:16

    Kaya, alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  17. رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ وَرَبُّ ٱلۡمَغۡرِبَيۡنِ

    Open ayah 55:17

    [Siya ang] Panginoon ng dalawang pagsikat ng araw at Panginoon ng dalawang paglubog ng araw.

  18. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:18

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  19. مَرَجَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ يَلۡتَقِيَانِ

    Open ayah 55:19

    Kanyang pinakakawalan ang dalawang [uri ng] tubig [matabang at maalat] na nagsasalubong sa isa’t isa [hindi naghahalo at nagsasanib].

  20. بَيۡنَهُمَا بَرۡزَخٞ لَّا يَبۡغِيَانِ 

    Open ayah 55:20

    Sa pagitan ng dalawang ito ay may isang harang, [kaya] alinman sa mga ito ay hindi maaaring lumihis [o sumuway].

  21. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:21

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  22. يَخۡرُجُ مِنۡهُمَا ٱللُّؤۡلُؤُ وَٱلۡمَرۡجَانُ

    Open ayah 55:22

    Hinahango mula sa dalawang [tubig na] ito ang mga perlas at mga batong bulaklak [o mga koral].

  23. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:23

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  24. وَلَهُ ٱلۡجَوَارِ ٱلۡمُنشَـَٔاتُ فِي ٱلۡبَحۡرِ كَٱلۡأَعۡلَٰمِ

    Open ayah 55:24

    At sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] mga sasakyang-dagat [na may layag], nakaibabaw sa dagat tulad ng mga bundok.

  25. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:25

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  26. كُلُّ مَنۡ عَلَيۡهَا فَانٖ

    Open ayah 55:26

    Bawa’t isa sa ibabaw nito [ng lupa] ay [tiyak na] maglalaho,

  27. وَيَبۡقَىٰ وَجۡهُ رَبِّكَ ذُو ٱلۡجَلَٰلِ وَٱلۡإِكۡرَامِ

    Open ayah 55:27

    At mananatili ang Mukha ng iyong Panginoon, ang nag-aangkin ng Jalali wal Ikram [o ang Kamaharlikaan at Kamahalan].

  28. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:28

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  29. يَسۡـَٔلُهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ كُلَّ يَوۡمٍ هُوَ فِي شَأۡنٖ

    Open ayah 55:29

    Sa Kanya humihingi [o umaasa] ang sinumang nasa mga kalangitan at nasa kalupaan. At sa araw-araw, Siya ay nasa [pangangasiwa ng] mga gawain [o pangyayari].

  30. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ 

    Open ayah 55:30

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  31. سَنَفۡرُغُ لَكُمۡ أَيُّهَ ٱلثَّقَلَانِ

    Open ayah 55:31

    Kami ang maghahatol [o magbabayad] para sa inyo O kayong [dalawang] mga natatanging nilikha.

  32. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:32

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  33. يَٰمَعۡشَرَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ إِنِ ٱسۡتَطَعۡتُمۡ أَن تَنفُذُواْ مِنۡ أَقۡطَارِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ فَٱنفُذُواْۚ لَا تَنفُذُونَ إِلَّا بِسُلۡطَٰنٖ

    Open ayah 55:33

    O lipon ng jinn at tao. Kung kayo ay may kakayahang tawirin [o libutin] ang mga bahagi ng mga kalangitan at [mga lupalop ng] kalupaan, magkagayon, inyong libutin [o tawirin]! Nguni’t, hindi kayo makatatawid [o makalilibot] maliban sa kapangyarihan [ng Allah].

  34. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:34

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  35. يُرۡسَلُ عَلَيۡكُمَا شُوَاظٞ مِّن نَّارٖ وَنُحَاسٞ فَلَا تَنتَصِرَانِ

    Open ayah 55:35

    Mayroong ipadadala sa inyong dalawa [jinn at tao] ng isang ningas ng Apoy at ng lusaw na tanso, at hindi ninyo magagawang ipagtanggol ang inyong mga sarili.

  36. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:36

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  37. فَإِذَا ٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ وَرۡدَةٗ كَٱلدِّهَانِ

    Open ayah 55:37

    Kaya kapag ang langit ay mabiyak, at maging kulay rosas na tulad ng tunaw na langis – [ito ay magsisilbing hudyat ng pagdating ng Araw ng Paghuhukom].

  38. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:38

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  39. فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يُسۡـَٔلُ عَن ذَنۢبِهِۦٓ إِنسٞ وَلَا جَآنّٞ

    Open ayah 55:39

    Kaya sa Araw na iyon, walang isa mang magtatanong [at mag-uusisa] ng kanyang mga kasalanan mula sa mga tao o sa mga jinn.

  40. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ 

    Open ayah 55:40

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  41. يُعۡرَفُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ بِسِيمَٰهُمۡ فَيُؤۡخَذُ بِٱلنَّوَٰصِي وَٱلۡأَقۡدَامِ

    Open ayah 55:41

    Makikilala ang mga mapaggawa ng kabuktutan sa kanilang mga tanda: at sila ay hahatakin [o sasakmalin] sa kanilang buhok [sa noo] at mga paa.

  42. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:42

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  43. هَٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِي يُكَذِّبُ بِهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ

    Open ayah 55:43

    Ito ang Impiyerno na itinatakwil ng mga mapaggawa ng kabuktutan.

  44. يَطُوفُونَ بَيۡنَهَا وَبَيۡنَ حَمِيمٍ ءَانٖ

    Open ayah 55:44

    Sila ay magsisiikot sa pagitan nito [ng Impiyerno] at ng kumukulong tubig, na pinainitan [nang sukdulang init].

  45. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:45

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  46. وَلِمَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ جَنَّتَانِ

    Open ayah 55:46

    At sinuman ang natatakot sa pagharap sa kanyang Panginoon [para sa pagtutuos ng kanyang gawa], [sa kanya] ay dalawang hardin,

  47. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:47

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  48. ذَوَاتَآ أَفۡنَانٖ

    Open ayah 55:48

    [Hardin na] may mahahabang mga sanga ng mga halaman.

  49. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:49

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  50. فِيهِمَا عَيۡنَانِ تَجۡرِيَانِ 

    Open ayah 55:50

    Sa dalawang [harding] ito, ay naroroon ang dalawang bukal [ang Tasnim at As-sansabil], na umaagos.

  51. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:51

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  52. فِيهِمَا مِن كُلِّ فَٰكِهَةٖ زَوۡجَانِ

    Open ayah 55:52

    Sa dalawang ito, ay mayroong bawa’t uri ng prutas na magkapares.

  53. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:53

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  54. مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ فُرُشِۭ بَطَآئِنُهَا مِنۡ إِسۡتَبۡرَقٖۚ وَجَنَى ٱلۡجَنَّتَيۡنِ دَانٖ

    Open ayah 55:54

    [Sila ay] sumasandal sa mga higaan na ang disenyo ay istabraq [yari sa mamahaling sutlang kulay berde], at ang prutas ng dalawang hardin ay nangagbitin nang abot-kamay.

  55. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:55

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  56. فِيهِنَّ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ لَمۡ يَطۡمِثۡهُنَّ إِنسٞ قَبۡلَهُمۡ وَلَا جَآنّٞ

    Open ayah 55:56

    Doon, sila ay may Qasirat At-Tarf [mga asawang busilak] pigil ang [kanilang] mga pagsulyap, walang nakasaling sa tao ng una sa kanila at wala [ring nakasaling maging] sa [lipon ng] jinni -

  57. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:57

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  58. كَأَنَّهُنَّ ٱلۡيَاقُوتُ وَٱلۡمَرۡجَانُ

    Open ayah 55:58

    Wari bang sila ay [nakakawangis] ng mga batong rubi at batong bulaklak [o koral].

  59. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:59

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  60. هَلۡ جَزَآءُ ٱلۡإِحۡسَٰنِ إِلَّا ٱلۡإِحۡسَٰنُ 

    Open ayah 55:60

    Mayroon pa bang ibang gantimpala ang kabutihan maliban sa kabutihan [din]?

  61. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:61

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  62. وَمِن دُونِهِمَا جَنَّتَانِ

    Open ayah 55:62

    At sa ibaba ng dalawang ito ay naroroon ang dalawa [pang] hardin -

  63. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:63

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  64. مُدۡهَآمَّتَانِ

    Open ayah 55:64

    Berdeng matingkad [ang kulay dahil sa saganang dilig ng tubig].

  65. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:65

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  66. فِيهِمَا عَيۡنَانِ نَضَّاخَتَانِ

    Open ayah 55:66

    Sa dalawang [harding] ito ay may dalawang bukal, bumubulwak

  67. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:67

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  68. فِيهِمَا فَٰكِهَةٞ وَنَخۡلٞ وَرُمَّانٞ

    Open ayah 55:68

    Naroroon ang mga prutas, at mga bungang datiles at mga bungang granada.

  69. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:69

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  70. فِيهِنَّ خَيۡرَٰتٌ حِسَانٞ 

    Open ayah 55:70

    Naroroon [sa hardin] ang mga Khayrat Hisan [mga mabubuti at magagandang dalaga],

  71. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:71

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  72. حُورٞ مَّقۡصُورَٰتٞ فِي ٱلۡخِيَامِ

    Open ayah 55:72

    Hur [mga mayuyuming babae] na iniingatan sa loob ng bulwagan.

  73. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:73

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  74. لَمۡ يَطۡمِثۡهُنَّ إِنسٞ قَبۡلَهُمۡ وَلَا جَآنّٞ

    Open ayah 55:74

    Walang nakasaling sa tao ng una sa kanila at wala [ring nakasaling maging] sa [lipon ng] jinni –

  75. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:75

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  76. مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ رَفۡرَفٍ خُضۡرٖ وَعَبۡقَرِيٍّ حِسَانٖ

    Open ayah 55:76

    Sumasandal sa mga berdeng unan [o sandalan] at Abqariy [mga mamahalin at mararangyang alpombra].

  77. فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ

    Open ayah 55:77

    Kaya alin sa mga kabutihang-loob ng inyong Panginoon ang inyong itinatakwil?

  78. تَبَٰرَكَ ٱسۡمُ رَبِّكَ ذِي ٱلۡجَلَٰلِ وَٱلۡإِكۡرَامِ

    Open ayah 55:78

    Sadyang pinagpala ang Pangalan ng iyong Panginoon, ang nag- aangkin ng Jalali-wal-Ikram [ng Kamaharlikaan at Kamahalan].