الواقعة
Al-Waaqia
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
إِذَا وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ
Open ayah 56:1Kapag ang kaganapan [ng Araw ng Pagkabuhay na Muli] ay magaganap,
لَيۡسَ لِوَقۡعَتِهَا كَاذِبَةٌ
Open ayah 56:2Walang magkapagtatakwil sa kaganapan nito.
خَافِضَةٞ رَّافِعَةٌ
Open ayah 56:3Ito ay magbibigay-aba [para sa mga ilan] at magbibigay ng dangal [para sa mga iba].
إِذَا رُجَّتِ ٱلۡأَرۡضُ رَجّٗا
Open ayah 56:4Kapag ang kalupaan ay mayanig nang may [kasindak-sindak na] pagyanig.
وَبُسَّتِ ٱلۡجِبَالُ بَسّٗا
Open ayah 56:5At ang mga bundok ay magkalasug-lasog, [at] gumuguho.
فَكَانَتۡ هَبَآءٗ مُّنۢبَثّٗا
Open ayah 56:6Kaya, [ito ay] magiging alikabok na nangagkakalat.
وَكُنتُمۡ أَزۡوَٰجٗا ثَلَٰثَةٗ
Open ayah 56:7At kayo [mga tao] ay magiging tatlong [uri ng] pangkatin.
فَأَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ
Open ayah 56:8Kaya, ang mga kasamahan ng kanan - ano ang mga kasamahan ng kanan?
وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ
Open ayah 56:9At ang mga kasamahan ng kaliwa, ano ang mga kasamahan ng kaliwa?
وَٱلسَّٰبِقُونَ ٱلسَّٰبِقُونَ
Open ayah 56:10At ang mga nangunguna, ang mga mangunguna -
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Open ayah 56:11Sila yaong mga dinalang malapit [sa Allah].
فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Open ayah 56:12Nasa mga hardin ng kaligayahan.
ثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 56:13[Kabilang dito ay] isang [malaking] pangkat mula sa mga naunang [henerasyon ng] tao.
وَقَلِيلٞ مِّنَ ٱلۡأٓخِرِينَ
Open ayah 56:14At ilan mula sa mga huling [henerasyon ng] tao.
عَلَىٰ سُرُرٖ مَّوۡضُونَةٖ
Open ayah 56:15[Sila ay] nasa mga luklukang hinabi [mula sa gintong disenyo].
مُّتَّكِـِٔينَ عَلَيۡهَا مُتَقَٰبِلِينَ
Open ayah 56:16[Sila ay] magsisisandal dito nang magkakaharap sa isa’t isa,
يَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ
Open ayah 56:17[Sila ay] palilibutan ng mga kabataang lalaking walang hanggan [upang sila ay pagsilbihan].
بِأَكۡوَابٖ وَأَبَارِيقَ وَكَأۡسٖ مِّن مَّعِينٖ
Open ayah 56:18May [hawak na] mga tasa at sisidlang-inumin at isang kopita [ng alak] mula sa umaagos na bukal -
لَّا يُصَدَّعُونَ عَنۡهَا وَلَا يُنزِفُونَ
Open ayah 56:19[Sila ay] walang [madaramang] pananakit ng ulo mula [sa pag-inom] nito at hindi malalasing.
وَفَٰكِهَةٖ مِّمَّا يَتَخَيَّرُونَ
Open ayah 56:20At may prutas mula sa anumang kanilang mapagpipilian.
وَلَحۡمِ طَيۡرٖ مِّمَّا يَشۡتَهُونَ
Open ayah 56:21At [may] karne ng mga ibon mula sa anumang kanilang inaasam.
وَحُورٌ عِينٞ
Open ayah 56:22At [naroroon ang] mga Hur Ayn [mayuyuming babae na may mga malalaki at magagandang mata].
كَأَمۡثَٰلِ ٱللُّؤۡلُوِٕ ٱلۡمَكۡنُونِ
Open ayah 56:23[Ang mga Hur Ayn ay] nakakatulad ng natatagong mga perlas.
جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 56:24[Ito ay bilang] gantimpala para sa anumang kanilang laging ginagawa.
لَا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوٗا وَلَا تَأۡثِيمًا
Open ayah 56:25Sila ay walang maririnig doon ng masamang salita o ng paggawa ng kasalanan -
إِلَّا قِيلٗا سَلَٰمٗا سَلَٰمٗا
Open ayah 56:26Maliban sa pagsasabi ng: “Kapayapaan, kapayapaan.”
وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡيَمِينِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡيَمِينِ
Open ayah 56:27At ang mga kasamahan ng kanan, ano ang mga kasamahan ng kanan?
فِي سِدۡرٖ مَّخۡضُودٖ
Open ayah 56:28[Sila ay] nasa gitna ng mga punong Sedar na walang mga tinik [at hitik sa bunga],
وَطَلۡحٖ مَّنضُودٖ
Open ayah 56:29At mga puno [ng saging] na susun-suson [ang bunga sa buwig].
وَظِلّٖ مَّمۡدُودٖ
Open ayah 56:30At lilim na sinudlungan [o pinahaba nang malawak].
وَمَآءٖ مَّسۡكُوبٖ
Open ayah 56:31At tubig na ibinuhos [nang maginhawa].
وَفَٰكِهَةٖ كَثِيرَةٖ
Open ayah 56:32At prutas, masagana [at iba-iba].
لَّا مَقۡطُوعَةٖ وَلَا مَمۡنُوعَةٖ
Open ayah 56:33[Mga prutas na] hindi pana-panahon [o madalang] at hindi ipinagbabawal.
وَفُرُشٖ مَّرۡفُوعَةٍ
Open ayah 56:34At sa mga [ibabaw ng] higaan na itinayong mataas.
إِنَّآ أَنشَأۡنَٰهُنَّ إِنشَآءٗ
Open ayah 56:35Katotohanan, sila [mga babae sa Paraiso] ay Aming nilikha sa [panibagong] paglikha
فَجَعَلۡنَٰهُنَّ أَبۡكَارًا
Open ayah 56:36At sila ay Aming ginawang mga birhen [wagas at dalisay].
عُرُبًا أَتۡرَابٗا
Open ayah 56:37Kaibig-ibig [sa kanilang asawa] at magkakasing-gulang.
لِّأَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
Open ayah 56:38Para sa mga kasamahan ng kanang kamay, [sila ay]
ثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 56:39Isang pangkat mula sa mga naunang [henerasyon ng] tao.
وَثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأٓخِرِينَ
Open ayah 56:40At isang pangkat mula sa mga huling [henerasyon ng] tao.
وَأَصۡحَٰبُ ٱلشِّمَالِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلشِّمَالِ
Open ayah 56:41At ang mga kasamahan ng kaliwa, ano ang mga kasamahan ng kaliwa?
فِي سَمُومٖ وَحَمِيمٖ
Open ayah 56:42[Sila ay paroroon] sa nagliliyab na Apoy at kumukulong tubig.
وَظِلّٖ مِّن يَحۡمُومٖ
Open ayah 56:43At sa isang lilim ng maiitim na usok,
لَّا بَارِدٖ وَلَا كَرِيمٍ
Open ayah 56:44[Doon ay] walang lamig at walang ginhawang [madarama].
إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُتۡرَفِينَ
Open ayah 56:45Katotohanan, sila, bago pa iyan, ay nalululong sa karangyaan,
وَكَانُواْ يُصِرُّونَ عَلَى ٱلۡحِنثِ ٱلۡعَظِيمِ
Open ayah 56:46At lagi nang nagmamalabis sa mga malulubhang [gawaing] paglabag.
وَكَانُواْ يَقُولُونَ أَئِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ
Open ayah 56:47At kanilang laging sinasabi: “Kung kami ay mamatay at maging alabok at mga buto, kami ba ay ibabangong muli [upang mabuhay]?”
أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ
Open ayah 56:48At [pati ba] ang aming mga ninuno?
قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَوَّلِينَ وَٱلۡأٓخِرِينَ
Open ayah 56:49Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Katotohanan, ang mga nauna at huling [henerasyon ng] mga tao,
لَمَجۡمُوعُونَ إِلَىٰ مِيقَٰتِ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ
Open ayah 56:50Ay tiyak na titipunin nang sama-sama para sa naitakdang Araw ng Pakikipagtagpo.”
ثُمَّ إِنَّكُمۡ أَيُّهَا ٱلضَّآلُّونَ ٱلۡمُكَذِّبُونَ
Open ayah 56:51Pagkaraan, katotohanan O kayong mga nangaligaw [na] nagtatakwil,
لَأٓكِلُونَ مِن شَجَرٖ مِّن زَقُّومٖ
Open ayah 56:52[Kayo] ay magsisikain mula sa mga puno ng Zaqqum.
فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ
Open ayah 56:53[At] bubusugin nito ang inyong mga tiyan.
فَشَٰرِبُونَ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡحَمِيمِ
Open ayah 56:54[At kayo ay] magsisiinom sa ibabaw nito, mula sa kumukulong tubig.
فَشَٰرِبُونَ شُرۡبَ ٱلۡهِيمِ
Open ayah 56:55[At kayo] magsisiinom na tulad ng pag-inom ng mga nauuhaw na kamelyo!
هَٰذَا نُزُلُهُمۡ يَوۡمَ ٱلدِّينِ
Open ayah 56:56Ito ang nakahain para sa kanila sa Araw ng Pagbabayad!
نَحۡنُ خَلَقۡنَٰكُمۡ فَلَوۡلَا تُصَدِّقُونَ
Open ayah 56:57Kami ang lumikha sa inyo; kaya bakit hindi kayo naniniwala?
أَفَرَءَيۡتُم مَّا تُمۡنُونَ
Open ayah 56:58Hindi ba ninyo nakikita ang anumang [semilyang] inyong inilalabas?
ءَأَنتُمۡ تَخۡلُقُونَهُۥٓ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡخَٰلِقُونَ
Open ayah 56:59Kayo ba ang lumilikha nito, o Kami ang Tagapaglikha?
نَحۡنُ قَدَّرۡنَا بَيۡنَكُمُ ٱلۡمَوۡتَ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ
Open ayah 56:60Kami ang nagtakda ng kamatayan sa inyong pagitan, at Kami ay hindi mapangungunahan [o malalagpasan at mahihigitan ng sinuman],
عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ أَمۡثَٰلَكُمۡ وَنُنشِئَكُمۡ فِي مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Open ayah 56:61Na rito ay Aming magagawang baguhin ang [pagkalikha] sa inyong mga pagkakahalintulad at kayo ay Aming lilikhain sa [anyong] hindi ninyo nalalaman.
وَلَقَدۡ عَلِمۡتُمُ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُولَىٰ فَلَوۡلَا تَذَكَّرُونَ
Open ayah 56:62At katiyakang nababatid na ninyo ang unang paglikha, kaya hindi ba kayo kung gayon makaalala?
أَفَرَءَيۡتُم مَّا تَحۡرُثُونَ
Open ayah 56:63Nakikita ba ninyo ang anumang [binhi] na inyong itinanim [sa lupa]?
ءَأَنتُمۡ تَزۡرَعُونَهُۥٓ أَمۡ نَحۡنُ ٱلزَّٰرِعُونَ
Open ayah 56:64Kayo ba ang nagpapatubo nito o Kami ang Tagapagpatubo?
لَوۡ نَشَآءُ لَجَعَلۡنَٰهُ حُطَٰمٗا فَظَلۡتُمۡ تَفَكَّهُونَ
Open ayah 56:65Kung Aming naisin, ito ay Aming magagawang [matuyot na] pira-piraso at kayo ay mananatiling namamangha [o nanlulumo].
إِنَّا لَمُغۡرَمُونَ
Open ayah 56:66[At magsasabing], “Kami [ngayon] ay nasadlak sa pagkakautang;
بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ
Open ayah 56:67Sapagka’t kami ay pinagkaitan!”
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱلۡمَآءَ ٱلَّذِي تَشۡرَبُونَ
Open ayah 56:68Hindi ba ninyo nakikita ang tubig na inyong iniinom?
ءَأَنتُمۡ أَنزَلۡتُمُوهُ مِنَ ٱلۡمُزۡنِ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنزِلُونَ
Open ayah 56:69Kayo ba ang nagpapababa nito [ng tubig-ulan] mula sa mga ulap o Kami ang Tagapagbaba nito?
لَوۡ نَشَآءُ جَعَلۡنَٰهُ أُجَاجٗا فَلَوۡلَا تَشۡكُرُونَ
Open ayah 56:70Kung Aming naisin, ito ay Aming magagawang maalat, kaya bakit nga ba kayo ay hindi [matutong] magpasalamat [sa Amin]?
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱلنَّارَ ٱلَّتِي تُورُونَ
Open ayah 56:71Hindi ba ninyo nakikita ang Apoy na inyong pinagniningas?
ءَأَنتُمۡ أَنشَأۡتُمۡ شَجَرَتَهَآ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنشِـُٔونَ
Open ayah 56:72Kayo ba ang nagpapatubo sa punungkahoy nito o Kami ang Tagapagpatubo?
نَحۡنُ جَعَلۡنَٰهَا تَذۡكِرَةٗ وَمَتَٰعٗا لِّلۡمُقۡوِينَ
Open ayah 56:73Kami ang gumawa nito [ng apoy] bilang babala [ng Impiyerno] at isang kagamitang [nagsisilbing tanglaw o sulo] para sa mga manlalakbay.
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Open ayah 56:74Kaya, luwalhatiin mo ang Pangalan ng iyong Panginoon, ang Dakila.
۞فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَوَٰقِعِ ٱلنُّجُومِ
Open ayah 56:75Kaya, [isinusumpa Ko] sa paglubog ng mga bituin.
وَإِنَّهُۥ لَقَسَمٞ لَّوۡ تَعۡلَمُونَ عَظِيمٌ
Open ayah 56:76At katotohanan, ito ay isang panunumpa, kung ito ay inyo lamang nalalaman – ang dakila.
إِنَّهُۥ لَقُرۡءَانٞ كَرِيمٞ
Open ayah 56:77Katotohanan, ito ay isang maluwalhating Qur’an.
فِي كِتَٰبٖ مَّكۡنُونٖ
Open ayah 56:78[Ito ay nakatitik] sa isang talaang iniingatan.
لَّا يَمَسُّهُۥٓ إِلَّا ٱلۡمُطَهَّرُونَ
Open ayah 56:79Walang sinuman ang maaaring humawak nito maliban sa mga malilinis.
تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 56:80[Sapagka’t ito ay] kapahayagang nagmula sa Panginoon ng lahat.
أَفَبِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَنتُم مُّدۡهِنُونَ
Open ayah 56:81Ito bang salaysay na ito [ang dahilan kung bakit] kayo ay walang malasakit?
وَتَجۡعَلُونَ رِزۡقَكُمۡ أَنَّكُمۡ تُكَذِّبُونَ
Open ayah 56:82At [sa halip] na gawin [ang pasasalamat] sa panustos [na Kanyang ipinagkaloob] sa inyo, kayo ay nagtatakwil [sa Kanya]?
فَلَوۡلَآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلۡحُلۡقُومَ
Open ayah 56:83Kaya, [sa oras ng kamatayan], bakit [hindi kayo namagitan], kapag ito [ang kaluluwa] ay umaabot sa [kanyang] lalamunan.
وَأَنتُمۡ حِينَئِذٖ تَنظُرُونَ
Open ayah 56:84At sa sandaling iyon [ng kanyang paghihingalo] kayo ay nakatingin lamang.
وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنكُمۡ وَلَٰكِن لَّا تُبۡصِرُونَ
Open ayah 56:85At, Kami [ang Aming mga tagapangasiwang anghel] ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo, nguni’t [sila ay] hindi ninyo nakikita,
فَلَوۡلَآ إِن كُنتُمۡ غَيۡرَ مَدِينِينَ
Open ayah 56:86Kaya, bakit hindi ninyo gawin - kung kayo nga ay hindi pagbabayarin [o sisingilin],
تَرۡجِعُونَهَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 56:87Ibalik ninyo siya [ang kaluluwa sa kanyang katawan], kung kayo ay makatotohanan?
فَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ
Open ayah 56:88Kaya, kung siya man [na naghihingalo] ay kabilang sa mga malalapit [sa Amin],
فَرَوۡحٞ وَرَيۡحَانٞ وَجَنَّتُ نَعِيمٖ
Open ayah 56:89Samakatwid [nakalaan sa kanya] ay Rawh [pamamahinga] at Rayhan [panustos] at hardin ng kaligayahan.
وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
Open ayah 56:90At kung siya ay kabilang sa mga kasamahan ng kanang kamay,
فَسَلَٰمٞ لَّكَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
Open ayah 56:91Magkagayon [ang mga anghel ay magsasabi], kapayapaan para sa iyo; [ikaw ay] mula sa mga kasamahan ng kanang kamay.
وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُكَذِّبِينَ ٱلضَّآلِّينَ
Open ayah 56:92At kung siya ay kabilang sa mga nagtatakwil [na] naliligaw,
فَنُزُلٞ مِّنۡ حَمِيمٖ
Open ayah 56:93Samakatwid, [nakalaan para sa kanya] ang parusa ng kumukulong tubig.
وَتَصۡلِيَةُ جَحِيمٍ
Open ayah 56:94At ang [parusa ng] nagliliyab na Apoy ng Impiyerno.
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ حَقُّ ٱلۡيَقِينِ
Open ayah 56:95Katotohanan, ito ang totoong katiyakan,
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Open ayah 56:96Kaya, luwalhatiin mo ang Pangalan ng iyong Panginoon, ang Dakila.