الحديد
Al-Hadid
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 57:1Lumuluwalhati sa Allah ang anumang nasa mga kalangitan at kalupaan at Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Open ayah 57:2Sa Kanya ang pagmamay-ari ng mga kalangitan at ng kalupaan. Siya ang nagbibigay-buhay at nagdudulot ng kamatayan. At Siya ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.
هُوَ ٱلۡأَوَّلُ وَٱلۡأٓخِرُ وَٱلظَّٰهِرُ وَٱلۡبَاطِنُۖ وَهُوَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ
Open ayah 57:3Siya ang Una at ang Huli, ang Mataas at ang Malapit. At Siya ay Maalam sa lahat ng bagay.
هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ يَعۡلَمُ مَا يَلِجُ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا يَخۡرُجُ مِنۡهَا وَمَا يَنزِلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا يَعۡرُجُ فِيهَاۖ وَهُوَ مَعَكُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Open ayah 57:4Siya ang lumikha sa mga kalangitan at sa kalupaan sa loob ng anim na araw, at pagkaraan ay [istawa] pumaitaas sa [Kanyang] Trono [sa paraang angkop sa Kanyang Kadakilaan]. Nababatid Niya ang anumang pumapasok sa kalupaan at ang anumang lumalabas mula rito at ang anumang bumababa mula sa kalangitan at ang anumang umaakyat patungo rito. At Siya ay nasa sa inyo [sa pamamagitan ng Kanyang Karunungan] saan man kayo naroroon. At Siya ay Lubos na Nakakikita sa anumang inyong ginagawa.
لَّهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Open ayah 57:5Sa Kanya ang pagmamay-ari ng mga kalangitan at ng kalupaan: at sa Allah ang pagbabalik ng [lahat ng] mga pangyayari.
يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِۚ وَهُوَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Open ayah 57:6Kanyang pinangyayaring ang gabi ay pumasok sa araw, at Kanyang pinangyayaring ang araw ay pumasok sa gabi; at Siya ay Maalam ng nasa mga dibdib [ng tao].
ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَأَنفِقُواْ مِمَّا جَعَلَكُم مُّسۡتَخۡلَفِينَ فِيهِۖ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمۡ وَأَنفَقُواْ لَهُمۡ أَجۡرٞ كَبِيرٞ
Open ayah 57:7Maniwala kayo sa Allah at sa Kanyang Sugo, at kayo ay gumugol mula sa anumang [yamang] kayo ay Kanyang ginawang tagapamahala rito.
وَمَا لَكُمۡ لَا تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلرَّسُولُ يَدۡعُوكُمۡ لِتُؤۡمِنُواْ بِرَبِّكُمۡ وَقَدۡ أَخَذَ مِيثَٰقَكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Open ayah 57:8At bakit hindi kayo maniwala sa Allah samantalang ang [Kanyang] Sugo ay nag-aanyaya sa inyo na maniwala sa inyong Panginoon; at Kanyang tinanggap ang inyong tipan [kasunduan], kung tunay ngang kayo ay naniniwala [sa Kanya]?
هُوَ ٱلَّذِي يُنَزِّلُ عَلَىٰ عَبۡدِهِۦٓ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖ لِّيُخۡرِجَكُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ بِكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 57:9At Siya ang nagpahayag ng mga malilinaw na ayaat [kapahayagan] sa Kanyang alipin [si Muhammad] upang kayo ay hanguin mula sa kadiliman tungo sa liwanag. At katotohanan, ang Allah ay Tigib ng Kabaitan sa inyo, Maawain.
وَمَا لَكُمۡ أَلَّا تُنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلِلَّهِ مِيرَٰثُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَا يَسۡتَوِي مِنكُم مَّنۡ أَنفَقَ مِن قَبۡلِ ٱلۡفَتۡحِ وَقَٰتَلَۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَعۡظَمُ دَرَجَةٗ مِّنَ ٱلَّذِينَ أَنفَقُواْ مِنۢ بَعۡدُ وَقَٰتَلُواْۚ وَكُلّٗا وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Open ayah 57:10At bakit hindi kayo gumugugol sa Landas ng Allah samantalang nasa Allah ang pamana [o yaman] ng mga kalangitan at ng kalupaan. Hindi magkapantay yaong mga gumugol bago [maganap] ang pananakop [sa Makkah] at nakipaglaban [at yaong mga gumugol pagkaraan ng pananakop]. Sila ay nakahihigit sa antas kaysa yaong mga gumugol pagkaraan at nakipaglaban. Subali’t, sa lahat, ang Allah ay nangako ng isang pinakamabuting [gantimpala]. At ang Allah ay Nakababatid ng anumang inyong ginagawa.
مَّن ذَا ٱلَّذِي يُقۡرِضُ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا فَيُضَٰعِفَهُۥ لَهُۥ وَلَهُۥٓ أَجۡرٞ كَرِيمٞ
Open ayah 57:11Sino ba siya na maaaring magpautang sa Allah ng isang mabuting pautang upang Kanyang paramihin ito para sa kanya, at para sa kanya ay isang marangal na gantimpala.
يَوۡمَ تَرَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ يَسۡعَىٰ نُورُهُم بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَبِأَيۡمَٰنِهِمۖ بُشۡرَىٰكُمُ ٱلۡيَوۡمَ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Open ayah 57:12Sa Araw [na iyon], iyong makikita ang mga naniwalang lalaki at mga naniwalang babae: ang kanilang liwanag ay nasa pagitan ng kanilang harapan at ng kanilang gawing kanang kamay: [ito ay magsasabi]: “Ang magandang balita sa inyo sa araw na ito ay [ukol sa] mga hardin na sa mga ilalim nito ay may umaagos na mga ilog upang doon, kayo ay mamamalagi nang walang hanggan. Iyan ang dakilang tagumpay.”
يَوۡمَ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتُ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱنظُرُونَا نَقۡتَبِسۡ مِن نُّورِكُمۡ قِيلَ ٱرۡجِعُواْ وَرَآءَكُمۡ فَٱلۡتَمِسُواْ نُورٗاۖ فَضُرِبَ بَيۡنَهُم بِسُورٖ لَّهُۥ بَابُۢ بَاطِنُهُۥ فِيهِ ٱلرَّحۡمَةُ وَظَٰهِرُهُۥ مِن قِبَلِهِ ٱلۡعَذَابُ
Open ayah 57:13Sa Araw [ding iyon] ang mga mapagkunwaring lalaki at mga mapagkunwaring babae ay magsasabi sa mga naniniwala: “Kami ay inyong hintayin upang kami ay mabahaginan ng inyong liwanag!” Sa kanila ay sasabihin: “Magsibalik kayo sa inyong mga likuran, at inyong hanapin ang liwanag!” At ang isang dingding ay ilalagay sa kanilang pagitan na mayroong pintuan. Sa loob nito ay [naroroon ang] habag, at sa labas nito ay [naroroon ang] parusa.
يُنَادُونَهُمۡ أَلَمۡ نَكُن مَّعَكُمۡۖ قَالُواْ بَلَىٰ وَلَٰكِنَّكُمۡ فَتَنتُمۡ أَنفُسَكُمۡ وَتَرَبَّصۡتُمۡ وَٱرۡتَبۡتُمۡ وَغَرَّتۡكُمُ ٱلۡأَمَانِيُّ حَتَّىٰ جَآءَ أَمۡرُ ٱللَّهِ وَغَرَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ
Open ayah 57:14Sila [mga mapagkunwari] ay mananawagan [sa mga naniwala], “Hindi ba kami ay inyong mga kasama?” Sila ay magsasabi, “Oo, subali’t hinayaan ninyong mapariwara ang inyong mga sarili; [at] kayo ay naghintay [sa aming kapahamakan]; [at] nag-alinlangan; at kayo ay nalinlang ng inyong mga mapagnasang saloobin hanggang dumating ang Kautusan ng Allah. At ang manlilinlang [Satanas] ay luminlang sa inyo tungkol sa Allah.
فَٱلۡيَوۡمَ لَا يُؤۡخَذُ مِنكُمۡ فِدۡيَةٞ وَلَا مِنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ مَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُۖ هِيَ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Open ayah 57:15Kaya, sa Araw na ito, walang kapalit [o pantubos] ang kukuhanin mula sa inyo, o mula sa mga di-naniwala. Ang inyong kanlungan ay ang Apoy: Ito ay higit na nararapat para sa inyo: at napakasamang patutunguhan!”
۞أَلَمۡ يَأۡنِ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن تَخۡشَعَ قُلُوبُهُمۡ لِذِكۡرِ ٱللَّهِ وَمَا نَزَلَ مِنَ ٱلۡحَقِّ وَلَا يَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلُ فَطَالَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَمَدُ فَقَسَتۡ قُلُوبُهُمۡۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Open ayah 57:16Hindi ba dumating ang panahon niyaong mga naniniwala upang ang kanilang mga puso ay magpakumbabang tumalima sa pag-aalaala sa Allah at sa anumang ipinahayag na katotohanan? At huwag nilang hayaang sila ay makatulad niyaong mga pinagkalooban ng Kasulatan noon. At lumipas sa kanila ang mahabang panahon, subali’t ang kanilang mga puso ay [lubhang] tumigas? At karamihan sa kanila ay mga suwail.
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ قَدۡ بَيَّنَّا لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Open ayah 57:17[Dapat ninyong] malaman na ang Allah ang nagbibigay-buhay sa lupa na dati ay tigang. Aming ginawang malinaw para sa inyo ang mga ayaat [tanda] upang sakali kayo ay makaunawa.
إِنَّ ٱلۡمُصَّدِّقِينَ وَٱلۡمُصَّدِّقَٰتِ وَأَقۡرَضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا يُضَٰعَفُ لَهُمۡ وَلَهُمۡ أَجۡرٞ كَرِيمٞ
Open ayah 57:18Katotohanan, ang mga lalaking mapagkawanggawa, at mga babaing mapagkawanggawa at [yaong] mga nagpapautang sa Allah ng isang mabuting pautang – ito ay idaragdag para sa kanila, at para sa kanila ay isang marangal na gantimpala.
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلصِّدِّيقُونَۖ وَٱلشُّهَدَآءُ عِندَ رَبِّهِمۡ لَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ وَنُورُهُمۡۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 57:19At yaong mga naniwala sa Allah at sa Kanyang mga sugo - sila yaong [nasa hanay ng] mga makatotohanan at Shuhada [mga martir] sa [paningin ng] kanilang Panginoon. Kanilang makakamit ang kanilang gantimpala at ang kanilang liwanag. Subali’t yaong mga di-naniwala at nagtakwil sa aming mga ayaat [kapahayagan], sila yaong mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno].
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞ وَزِينَةٞ وَتَفَاخُرُۢ بَيۡنَكُمۡ وَتَكَاثُرٞ فِي ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَوۡلَٰدِۖ كَمَثَلِ غَيۡثٍ أَعۡجَبَ ٱلۡكُفَّارَ نَبَاتُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصۡفَرّٗا ثُمَّ يَكُونُ حُطَٰمٗاۖ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٞ شَدِيدٞ وَمَغۡفِرَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٞۚ وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا مَتَٰعُ ٱلۡغُرُورِ
Open ayah 57:20[Dapat ninyong] malaman na ang buhay sa mundong ito ay isa lamang laro at aliwan at palamuti at pagyayabang sa isa’t isa, at paligsahan sa pagpaparami ng yaman at mga anak. [Ito ay] kahalintulad ng ulan na [nagiging sanhi] ng pagyabong ng halaman na nagbibigay kasiyahan sa [paningin ng] mga manananim, pagkaraan ito ay matutuyot; at iyong makikitang naninilaw, at pagkaraan ay magiging [nangagkalat na] dayami. Subali’t sa kabilang buhay ay mahapding parusa at kapatawaran mula sa Allah at mabuting kasiyahan. At ano ba ang buhay sa mundong ito maliban sa kasiyahang mapanlinlang.
سَابِقُوٓاْ إِلَىٰ مَغۡفِرَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ وَجَنَّةٍ عَرۡضُهَا كَعَرۡضِ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ أُعِدَّتۡ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۚ ذَٰلِكَ فَضۡلُ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ
Open ayah 57:21Mag-unahan kayo tungo sa kapatawarang nagmumula sa inyong Panginoon, at sa hardin na ang lawak nito ay kasinlawak ng mga kalangitan at ng kalupaan, [ito ay] inihanda para sa mga naniniwala sa Allah at sa Kanyang mga sugo: Iyan ang biyaya ng Allah na Kanyang ipinagkakaloob sa sinumang Kanyang nais. At ang Allah ang Nagtatangan ng dakilang biyaya.
مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِيٓ أَنفُسِكُمۡ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مِّن قَبۡلِ أَن نَّبۡرَأَهَآۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Open ayah 57:22Walang dumating na sakuna [o masamang pangyayari] sa kalupaan at maging sa inyong mga sarili, maliban na ito ay nasa talaan bago pa man Namin tuluyang ipatupad ito. Katotohanan, iyan ay madali para sa Allah.
لِّكَيۡلَا تَأۡسَوۡاْ عَلَىٰ مَا فَاتَكُمۡ وَلَا تَفۡرَحُواْ بِمَآ ءَاتَىٰكُمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالٖ فَخُورٍ
Open ayah 57:23Upang kayo ay hindi maghinagpis sa anumang umalpas sa inyo, at [upang] kayo ay hindi magmalaki sa anumang [biyayang] ipinagkaloob sa inyo. Hindi minamahal ng Allah ang mga nagmamagaling, [at] mga mapagyabang -
ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ وَيَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبُخۡلِۗ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Open ayah 57:24Yaong mga mararamot at nag-uutos sa tao ng karamutan. At sinuman ang tumalikod [o nagkait], katotohanan, ang Allah ang Mayaman [walang pangangailangan sa Kanyang mga alipin], ang Kapuri-puri.
لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَنزَلۡنَا مَعَهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمِيزَانَ لِيَقُومَ ٱلنَّاسُ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَأَنزَلۡنَا ٱلۡحَدِيدَ فِيهِ بَأۡسٞ شَدِيدٞ وَمَنَٰفِعُ لِلنَّاسِ وَلِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ مَن يَنصُرُهُۥ وَرُسُلَهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٞ
Open ayah 57:25Katiyakan, Aming ipinadala ang Aming mga sugo na may malilinaw na katibayan, at Aming ipinahayag sa kanila ang Kasulatan at ang timbangan [ng katarungan] upang mapanatili ng tao ang [diwa ng] katarungan [sa kanilang mga gawain]. At Aming ibinaba ang bakal na kung saan ito ay isang makapangyarihang sandata sa [larangan ng] digmaan at [bilang] mga pakinabang para sa tao. At upang gawing malinaw ng Allah kung sino [sa inyo] ang tatangkilik sa Kanya at sa Kanyang mga sugo na hindi nakikita. Katotohanan, ang Allah ay Malakas, Ganap na Makapangyarihan.
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحٗا وَإِبۡرَٰهِيمَ وَجَعَلۡنَا فِي ذُرِّيَّتِهِمَا ٱلنُّبُوَّةَ وَٱلۡكِتَٰبَۖ فَمِنۡهُم مُّهۡتَدٖۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Open ayah 57:26At katiyakan, Aming ipinadala [bilang sugo] sina Noah at Abraham, at Aming ginawang [ipagkatiwala] sa kanilang mga supling ang [tungkulin ng] pagka-Propeta at Kasulatan. At kabilang sa kanila ay ang isang napatnubayan; Subali’t karamihan sa kanila ay mga suwail.
ثُمَّ قَفَّيۡنَا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم بِرُسُلِنَا وَقَفَّيۡنَا بِعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡإِنجِيلَۖ وَجَعَلۡنَا فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ رَأۡفَةٗ وَرَحۡمَةٗۚ وَرَهۡبَانِيَّةً ٱبۡتَدَعُوهَا مَا كَتَبۡنَٰهَا عَلَيۡهِمۡ إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ رِضۡوَٰنِ ٱللَّهِ فَمَا رَعَوۡهَا حَقَّ رِعَايَتِهَاۖ فَـَٔاتَيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنۡهُمۡ أَجۡرَهُمۡۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Open ayah 57:27Pagkaraan, Aming ipinadalang sumusunod sa kanilang mga yapak ang Aming mga sugo, at Aming ipinasunod [sa kanila] si Hesus, ang anak na lalaki ni Maria at Aming ipinagkaloob sa kanya ang Injeel [Ebanghelyo]. At Aming itinanim sa mga puso niyaong mga sumunod sa kanya ang pagmamalasakit at habag. At ang di-pag-aasawa na kanilang iminungkahi ay hindi Namin itinagubilin para sa kanila maliban [na ito ay kanilang kusang ginawa] upang hanapin ang kasiyahan ng Allah; Subali’t, ito ay hindi nila nagawang tuparin sa paraang dapat tuparin. Gayunpaman, Aming pinagkalooban yaong mga naniwalang kabilang sa kanila ng kanilang gantimpala, subali’t karamihan sa kanila ay mga suwail.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَءَامِنُواْ بِرَسُولِهِۦ يُؤۡتِكُمۡ كِفۡلَيۡنِ مِن رَّحۡمَتِهِۦ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ نُورٗا تَمۡشُونَ بِهِۦ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 57:28O kayong mga naniwala, matakot kayo sa Allah at maniwala kayo sa Kanyang Sugo [si Muhammad], [at katiyakan na] kayo ay Kanyang pagkakalooban ng dalawang bahagi ng Kanyang habag at gagawa para sa inyo ng isang liwanag upang kayo ay tumahak [sa tuwid na landas], at kayo ay [Kanyang] patatawarin. At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.
لِّئَلَّا يَعۡلَمَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ أَلَّا يَقۡدِرُونَ عَلَىٰ شَيۡءٖ مِّن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَأَنَّ ٱلۡفَضۡلَ بِيَدِ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ
Open ayah 57:29[Magkagayon nga] ang mga Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano], ay kanilang mapag-aalaman na sila ay walang kakayahang [kumuha] ng anumang bagay mula sa mga biyaya ng Allah; na ang [lahat ng] biyaya ay nasa Kamay ng Allah; Kanyang ipinagkakaloob ito sa sinumang Kanyang nais. At ang Allah ang Siyang Nagtatangan ng dakilang biyaya.