المجادلة

Al-Mujaadila

The Pleading Woman · Surah 58 · Ayahs: 22 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. قَدۡ سَمِعَ ٱللَّهُ قَوۡلَ ٱلَّتِي تُجَٰدِلُكَ فِي زَوۡجِهَا وَتَشۡتَكِيٓ إِلَى ٱللَّهِ وَٱللَّهُ يَسۡمَعُ تَحَاوُرَكُمَآۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٌ

    Open ayah 58:1

    Katiyakan, narinig ng Allah ang pagsasalita ng isang nakikipagtalo sa iyo [O Muhammad] hinggil sa kanyang asawa at tahasan niyang iniluhog ang kanyang karaingan sa Allah. At naririnig ng Allah ang pag-uusap ninyong dalawa. Katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Lubos na Nakakikita.

  2. ٱلَّذِينَ يُظَٰهِرُونَ مِنكُم مِّن نِّسَآئِهِم مَّا هُنَّ أُمَّهَٰتِهِمۡۖ إِنۡ أُمَّهَٰتُهُمۡ إِلَّا ٱلَّٰٓـِٔي وَلَدۡنَهُمۡۚ وَإِنَّهُمۡ لَيَقُولُونَ مُنكَرٗا مِّنَ ٱلۡقَوۡلِ وَزُورٗاۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٞ

    Open ayah 58:2

    Yaong mga nagpapahayag ng Dhihar, na kabilang sa inyo [upang hiwalayan] ang kanilang mga asawa – sila [kanilang mga asawa] ay hindi [maaaring maging] kanilang mga ina [nang dahil diyan]. Ang kanilang mga ina ay walang iba kundi ang mga nagsilang sa kanila. At katotohanan, sila ay nagsasabi ng isang masamang salita at isang kasinungalingan. At katotohanan, ang Allah ang Mapagparaya, Mapagpatawad.

  3. وَٱلَّذِينَ يُظَٰهِرُونَ مِن نِّسَآئِهِمۡ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا قَالُواْ فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مِّن قَبۡلِ أَن يَتَمَآسَّاۚ ذَٰلِكُمۡ تُوعَظُونَ بِهِۦۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ

    Open ayah 58:3

    At yaong mga nagpapahayag ng Dhihar sa kanilang mga asawa, pagkaraan ay [naghahangad] bawiing muli ang anumang kanilang sinabi, magkagayon [sila ay nararapat na] magpalaya ng isang alipin bago sila magtalik sa isa’t isa. Iyan ang ipinaaalala sa inyo kaugnay nito. At ang Allah ay Maalam sa anumang inyong ginagawa.

  4. فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ شَهۡرَيۡنِ مُتَتَابِعَيۡنِ مِن قَبۡلِ أَن يَتَمَآسَّاۖ فَمَن لَّمۡ يَسۡتَطِعۡ فَإِطۡعَامُ سِتِّينَ مِسۡكِينٗاۚ ذَٰلِكَ لِتُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۚ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۗ وَلِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ

    Open ayah 58:4

    Kaya sinuman ang hindi makatagpo [ng isang alipin] – [ay nararapat] mag-ayuno ng magkasunod na dalawang buwan bago sila makipagtalik sa isa’t isa. Nguni’t sinuman ang walang kakayahan – [ay nararapat] magpakain ng animnapung taong dukha. Iyan ay upang kayo ay [ganap na] maniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo. At iyon ang mga hangganan [na itinakda] ng Allah. At para sa mga di-naniniwala ay isang mahapding parusa.

  5. إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحَآدُّونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ كُبِتُواْ كَمَا كُبِتَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ وَقَدۡ أَنزَلۡنَآ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖۚ وَلِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٞ مُّهِينٞ

    Open ayah 58:5

    Katotohanan, yaong mga sumasalungat sa Allah at sa Kanyang Sugo

  6. يَوۡمَ يَبۡعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعٗا فَيُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓاْۚ أَحۡصَىٰهُ ٱللَّهُ وَنَسُوهُۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ

    Open ayah 58:6

    Sa Araw na silang lahat ay muling bubuhayin ng Allah at ipababatid sa kanila ang anumang kanilang ginawa. Ito ay inisa-isang [itinala] ng Allah datapwa't ito ay kanilang kinalimutan. At ang Allah ay Saksi sa lahat ng bagay.

  7. أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ مَا يَكُونُ مِن نَّجۡوَىٰ ثَلَٰثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمۡ وَلَا خَمۡسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمۡ وَلَآ أَدۡنَىٰ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكۡثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمۡ أَيۡنَ مَا كَانُواْۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُواْ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ

    Open ayah 58:7

    Hindi mo ba isinaalang-alang na nababatid ng Allah ang anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan? Walang anumang sarilinang pag-uusap ang tatlo maliban na Siya ang ika-apat sa kanila [ayon sa Kanyang Kaalaman], o walang lima maliban na Siya ang ika-anim sa kanila - at hindi kukulangin mula diyan o humigit maliban na Siya ay nasa sa kanila [sa kaalaman] saanman sila naroroon. Pagkaraan, Kanyang ipababatid sa kanila ang anumang kanilang ginawa sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. Katotohanan, ang Allah ay Maalam sa lahat ng bagay.

  8. أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ نُهُواْ عَنِ ٱلنَّجۡوَىٰ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا نُهُواْ عَنۡهُ وَيَتَنَٰجَوۡنَ بِٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِ وَمَعۡصِيَتِ ٱلرَّسُولِۖ وَإِذَا جَآءُوكَ حَيَّوۡكَ بِمَا لَمۡ يُحَيِّكَ بِهِ ٱللَّهُ وَيَقُولُونَ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ لَوۡلَا يُعَذِّبُنَا ٱللَّهُ بِمَا نَقُولُۚ حَسۡبُهُمۡ جَهَنَّمُ يَصۡلَوۡنَهَاۖ فَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 58:8

    Hindi mo ba isinaalang-alang yaong [mga taong] pinagbawalan mula sa mga sarilinang pag-uusap [tungkol sa panunuya at sabwatan], subali’t pagkaraan ay muling bumalik sa anumang [dating] ipinagbawal sa kanila at nag-uusap sa isa’t isa tungkol sa gawaing makasalanan at paglabag at pagsuway sa Sugo? At kapag sila ay lumalapit sa iyo, sila ay bumabati sa iyo ng [pagbating] hindi [nakakatulad ng] pagbati ng Allah sa iyo at nagsasabi sa kanilang mga sarili: ‘Bakit hindi kami parusahan ng Allah sa anumang aming sinasabi?’ Sapat na sa kanila ang Impiyerno upang sila ay sunugin. At napakasama ng [gayong] patunguhan.

  9. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا تَنَٰجَيۡتُمۡ فَلَا تَتَنَٰجَوۡاْ بِٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِ وَمَعۡصِيَتِ ٱلرَّسُولِ وَتَنَٰجَوۡاْ بِٱلۡبِرِّ وَٱلتَّقۡوَىٰۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ

    Open ayah 58:9

    O kayong mga naniwala, kapag kayo ay mag-uusap nang sarilinan, huwag kayong mag-usap tungkol sa gawaing makasalanan at paglabag, at pagsuway sa Sugo, bagkus kayo ay [nararapat] mag-usap tungkol sa [katangian ng] Birr [pagiging matwid] at Taqwa [takot sa Allah]. At inyong katakutan ang Allah [sapagka’t] sa Kanya kayo ay titipunin.

  10. إِنَّمَا ٱلنَّجۡوَىٰ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ لِيَحۡزُنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَلَيۡسَ بِضَآرِّهِمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ 

    Open ayah 58:10

    Katotohanan, ang mga sarilinang pag-uusap ay nagmumula sa [udyok ng] satanas, upang sakali ay kanyang palungkutin yaong mga naniniwala, subali’t wala siyang mapipinsala sa kanila nang anupaman maliban sa kapahintulutan ng Allah. At sa Allah, hayaang ang mga naniniwala ay magtiwala [nang lubusan].

  11. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا قِيلَ لَكُمۡ تَفَسَّحُواْ فِي ٱلۡمَجَٰلِسِ فَٱفۡسَحُواْ يَفۡسَحِ ٱللَّهُ لَكُمۡۖ وَإِذَا قِيلَ ٱنشُزُواْ فَٱنشُزُواْ يَرۡفَعِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمۡ وَٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ دَرَجَٰتٖۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ

    Open ayah 58:11

    O kayong mga naniwala, kapag kayo ay sinabihang, “Magbigay kayo ng kaluwagan” sa mga pagtitipon, samakatwid magbigay kayo ng kaluwagan. Ang Allah ay magbibigay sa inyo ng [sapat na] kaluwagan. At kapag kayo ay sinabihang “Magsitayo kayo,” samakatwid, magsitayo kayo; itataas ng Allah yaong mga naniwalang kabilang sa inyo at yaong mga pinagkalooban ng kaalaman, sa mga antas [ng karangalan]. At ang Allah ay Lubos na Nababatid ang anumang inyong ginagawa.

  12. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا نَٰجَيۡتُمُ ٱلرَّسُولَ فَقَدِّمُواْ بَيۡنَ يَدَيۡ نَجۡوَىٰكُمۡ صَدَقَةٗۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ لَّكُمۡ وَأَطۡهَرُۚ فَإِن لَّمۡ تَجِدُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

    Open ayah 58:12

    O kayong mga naniwala, kapag kayo ay [nagnanais na] sumangguni sa Sugo nang sarilinan, maghain kayo ng kawanggawa bago ang inyong [pansariling] sangguni. Iyan ay nakabubuti para sa inyo at higit na dalisay. Nguni’t, kung kayo ay walang matagpuang [paraan upang magbigay], gayunpaman, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  13. ءَأَشۡفَقۡتُمۡ أَن تُقَدِّمُواْ بَيۡنَ يَدَيۡ نَجۡوَىٰكُمۡ صَدَقَٰتٖۚ فَإِذۡ لَمۡ تَفۡعَلُواْ وَتَابَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمۡ فَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۚ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 58:13

    Pinangambahan ba ninyong kayo ay maghain ng kawanggawa bago ang inyong pagsangguni [sa kanya]? Gayunpaman, kung [ito ay] hindi ninyo magagawa, at kayo ay pinatawad ng Allah, samakatwid, magsagawa kayo ng [kahit man lamang] pagdarasal at magbigay sa kawanggawa at sumunod sa Allah at sa Kanyang Sugo. At ang Allah ay nakababatid ng anumang inyong ginagawa.

  14. ۞أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ تَوَلَّوۡاْ قَوۡمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مَّا هُم مِّنكُمۡ وَلَا مِنۡهُمۡ وَيَحۡلِفُونَ عَلَى ٱلۡكَذِبِ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 58:14

    Hindi mo ba isinaalang-alang [O Muhammad] yaong mga nakikipag- kaibigan sa mga taong kinapopootan ng Allah? Sila [mga mapagkunwari] ay hindi kabilang sa inyong [mga Muslim] gayundin naman sila sa kanila [sa mga Hudyo], at sila ay sumusumpa sa kasinungalingan habang kanilang nalalaman [na ito ay walang katotohanan].

  15. أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدًاۖ إِنَّهُمۡ سَآءَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

    Open ayah 58:15

    Ang Allah ay naghanda para sa kanila ng isang matinding parusa: Katotohanan, ang kasamaan ang kanilang lagi nang ginagawa.

  16. ٱتَّخَذُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُمۡ جُنَّةٗ فَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ فَلَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ

    Open ayah 58:16

    Kanilang itinuring ang kanilang mga [huwad na] panunumpa bilang isang panakip, kaya kanilang hinadlangan [ang mga tao] mula sa landas ng Allah. Kaya, para sa kanila ay isang kahiya-hiyang parusa.

  17. لَّن تُغۡنِيَ عَنۡهُمۡ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُهُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔاۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

    Open ayah 58:17

    Kailanman, ang kanilang yaman o ang kanilang mga anak ay hindi makapagdudulot sa kanila ng buti kahit anupaman laban sa Allah. Sila yaong mga maninirahan sa Apoy upang sila ay mamalagi roon nang walang hanggan.

  18. يَوۡمَ يَبۡعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعٗا فَيَحۡلِفُونَ لَهُۥ كَمَا يَحۡلِفُونَ لَكُمۡ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُمۡ عَلَىٰ شَيۡءٍۚ أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡكَٰذِبُونَ

    Open ayah 58:18

    Sa Araw na silang lahat ay bubuhaying muli ng Allah, at sila ay manunumpa sa Kanya tulad ng kanilang panunumpa sa inyo; at sila ay nag-aakala na sila ay [may pinaninindigang] bagay. Katotohanan, sila ay mga sinungaling!

  19. ٱسۡتَحۡوَذَ عَلَيۡهِمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ فَأَنسَىٰهُمۡ ذِكۡرَ ٱللَّهِۚ أُوْلَٰٓئِكَ حِزۡبُ ٱلشَّيۡطَٰنِۚ أَلَآ إِنَّ حِزۡبَ ٱلشَّيۡطَٰنِ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

    Open ayah 58:19

    Sila ay pinangibabawan [o nilukuban] ng satanas, kaya sila ay ginawang makalimot sa pag-alaala sa Allah. Sila yaong mga kampon ng satanas. Katotohanan, ang mga kampon ng satanas - sila ang mga nawalan [o talunan].

  20. إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحَآدُّونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ٱلۡأَذَلِّينَ 

    Open ayah 58:20

    Katotohanan, yaong mga sumasalungat sa Allah at sa Kanyang Sugo, sila yaong kabilang sa mga pinakaaba [o nawalan ng dangal].

  21. كَتَبَ ٱللَّهُ لَأَغۡلِبَنَّ أَنَا۠ وَرُسُلِيٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٞ

    Open ayah 58:21

    Ang Allah ay nagtala [o nagtakda]: “Katotohanan, Ako ang mananaig, Ako at ang Aking mga sugo.” [Sapagka’t] katotohanan, ang Allah ay Malakas, Ganap na Makapangyarihan.

  22. لَّا تَجِدُ قَوۡمٗا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ يُوَآدُّونَ مَنۡ حَآدَّ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَوۡ كَانُوٓاْ ءَابَآءَهُمۡ أَوۡ أَبۡنَآءَهُمۡ أَوۡ إِخۡوَٰنَهُمۡ أَوۡ عَشِيرَتَهُمۡۚ أُوْلَٰٓئِكَ كَتَبَ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلۡإِيمَٰنَ وَأَيَّدَهُم بِرُوحٖ مِّنۡهُۖ وَيُدۡخِلُهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ رَضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ أُوْلَٰٓئِكَ حِزۡبُ ٱللَّهِۚ أَلَآ إِنَّ حِزۡبَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

    Open ayah 58:22

    Hindi mo matatagpuan [O Muhammad] sa isang mamamayang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw, na siya ay nakikipagkaibigan sa mga sumasalungat sa Allah at sa Kanyang Sugo, kahit sila ay kanilang mga ama o kanilang mga anak o kanilang mga kapatid o kamag-anak. Sila yaong Kanyang tinakdaan ng [katatagan ng Eeman] pananampalataya sa kanilang mga puso at sila ay pinatatag ng ruh [liwanag at patnubay] mula sa Kanya. At sila ay Kanyang papapasukin sa mga hardin [ng Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. Ang Allah ay lubos na nasisiyahan sa kanila, at sila rin naman [ay nasisiyahan] sa Kanya. Sila yaong mga kaanib [o alagad] ng Allah. Katotohanan, yaong mga kaanib [o alagad] ng Allah, sila ang mga magtatagumpay.