الحشر

Al-Hashr

The Exile · Surah 59 · Ayahs: 24 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 59:1

    Lumuluwalhati sa Allah ang anumang nasa mga kalangitan at ang anumang nasa kalupaan. At ang Allah ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.

  2. هُوَ ٱلَّذِيٓ أَخۡرَجَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ مِن دِيَٰرِهِمۡ لِأَوَّلِ ٱلۡحَشۡرِۚ مَا ظَنَنتُمۡ أَن يَخۡرُجُواْۖ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُم مَّانِعَتُهُمۡ حُصُونُهُم مِّنَ ٱللَّهِ فَأَتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِنۡ حَيۡثُ لَمۡ يَحۡتَسِبُواْۖ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلرُّعۡبَۚ يُخۡرِبُونَ بُيُوتَهُم بِأَيۡدِيهِمۡ وَأَيۡدِي ٱلۡمُؤۡمِنِينَ فَٱعۡتَبِرُواْ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَبۡصَٰرِ

    Open ayah 59:2

    Siya ang nagtaboy sa mga di-naniniwalang kabilang sa mga Angkan ng Kasulatan mula sa kanilang mga pamamahay sa unang pagtitipon. Hindi ninyo aakalain na sila ay magsisialis. At sila ay nag-akala na ang kanilang mga tanggulang [pinagkukublihan] ay makapangangalaga sa kanila laban sa Allah! Nguni’t, ang [takda ng] Allah ay umabot sa kanila mula sa kung saang hindi nila inaasahan, at Kanyang inihasik ang ligalig sa kanilang mga puso [kaya] kanilang winasak ang kanilang mga pamamahay mula sa kanilang mga kamay at sa mga kamay ng mga naniniwala. Nawa’y magsilbing babala [ito] para sa inyo, O kayong may mga mata [na nakakikita].

  3. وَلَوۡلَآ أَن كَتَبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمُ ٱلۡجَلَآءَ لَعَذَّبَهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابُ ٱلنَّارِ

    Open ayah 59:3

    At kung hindi lamang naitakda ng Allah sa kanila ang pagtapon [sa ibang lupain], katiyakang sila ay Kanyang pinarusahan sa mundong ito, nguni't sa kabilang buhay, sa kanila ay parusa ng Apoy.

  4. ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ شَآقُّواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۖ وَمَن يُشَآقِّ ٱللَّهَ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

    Open ayah 59:4

    Iyan ay sa dahilang kanilang sinalungat ang Allah at ang Kanyang Sugo, at sinuman ang sumalungat sa Allah, katotohanan, ang Allah ay mahigpit sa Kanyang kaparusahan.

  5. مَا قَطَعۡتُم مِّن لِّينَةٍ أَوۡ تَرَكۡتُمُوهَا قَآئِمَةً عَلَىٰٓ أُصُولِهَا فَبِإِذۡنِ ٱللَّهِ وَلِيُخۡزِيَ ٱلۡفَٰسِقِينَ

    Open ayah 59:5

    Anuman ang inyong pinutol mula sa mga puno ng datiles [ng inyong mga kaaway], o iniwang nakatindig sa kanilang mga puno, ito ay sa kapahintulutan ng Allah, at upang sa gayon ay Kanyang isadlak sa kahihiyan ang mga suwail.

  6. وَمَآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ مِنۡهُمۡ فَمَآ أَوۡجَفۡتُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ خَيۡلٖ وَلَا رِكَابٖ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يُسَلِّطُ رُسُلَهُۥ عَلَىٰ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

    Open ayah 59:6

    At anumang inilaang fai ng Allah sa Kanyang Sugo mula sa kanila, [ito ay sa dahilang] kayo ay hindi napilitang gumamit para rito [sa pakikipagdigma] ng mga kabayo o ng mga kamelyo. Nguni’t, ang Allah ay

  7. مَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡقُرَىٰ فَلِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ كَيۡ لَا يَكُونَ دُولَةَۢ بَيۡنَ ٱلۡأَغۡنِيَآءِ مِنكُمۡۚ وَمَآ ءَاتَىٰكُمُ ٱلرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَىٰكُمۡ عَنۡهُ فَٱنتَهُواْۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

    Open ayah 59:7

    Anumang inilaang fai ng Allah sa Kanyang Sugo mula sa mga taong- bayan – ito ay para sa Allah at para sa Sugo, at para sa [kanyang] mga kamag-anak at mga ulila, at mga dukha, at mga [kinapos na] manlalakbay - upang ito ay hindi maging isang panghabang-panahong pamamahagi sa mga nakaririwasang kabilang sa inyo. Kaya anumang ipinagkaloob sa inyo ng Sugo, ito ay inyong tanggapin [nang maluwag] at anuman ang kanyang ipagbawal sa inyo, umiwas kayo mula rito. At inyong katakutan ang Allah; sapagka’t ang Allah ay mahigpit sa pagpaparusa.

  8. لِلۡفُقَرَآءِ ٱلۡمُهَٰجِرِينَ ٱلَّذِينَ أُخۡرِجُواْ مِن دِيَٰرِهِمۡ وَأَمۡوَٰلِهِمۡ يَبۡتَغُونَ فَضۡلٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٗا وَيَنصُرُونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلصَّٰدِقُونَ

    Open ayah 59:8

    [May karapatang bahagi ng fai] yaong mga mahihirap na nagsilikas na itinaboy mula sa kani-kanilang pamamahay at mga ari-arian, upang hanapin ang biyaya mula sa Allah at ang Kanyang Kasiyahan, at yaong nakikipagtulungan sa Allah at sa Kanyang Sugo [upang palaganapin ang Kanyang relihiyon]; Sila yaong mga makatotohanan.

  9. وَٱلَّذِينَ تَبَوَّءُو ٱلدَّارَ وَٱلۡإِيمَٰنَ مِن قَبۡلِهِمۡ يُحِبُّونَ مَنۡ هَاجَرَ إِلَيۡهِمۡ وَلَا يَجِدُونَ فِي صُدُورِهِمۡ حَاجَةٗ مِّمَّآ أُوتُواْ وَيُؤۡثِرُونَ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ وَلَوۡ كَانَ بِهِمۡ خَصَاصَةٞۚ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفۡسِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

    Open ayah 59:9

    At [may karapatang bahagi rin] yaong mga nanirahan sa tahanan [ng Madinah] at [yaong mga yumakap] sa pananampalataya [Islam] na una sa kanila. Kanilang minamahal yaong mga nagsilikas na nagtungo sa kanila, at walang matatagpuang paghahangad sa kanilang kalooban hinggil sa anumang [bagay na] ipinagkaloob sa kanila, at sila ay nagparaya sa kanila nang higit sa kanilang mga sarili bagaman sila ay labis na naghihikahos. At sinuman ang napangalagaan laban sa sariling karamutan ay katiyakang sila yaong mga magtatagumpay.

  10. وَٱلَّذِينَ جَآءُو مِنۢ بَعۡدِهِمۡ يَقُولُونَ رَبَّنَا ٱغۡفِرۡ لَنَا وَلِإِخۡوَٰنِنَا ٱلَّذِينَ سَبَقُونَا بِٱلۡإِيمَٰنِ وَلَا تَجۡعَلۡ فِي قُلُوبِنَا غِلّٗا لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ رَبَّنَآ إِنَّكَ رَءُوفٞ رَّحِيمٌ 

    Open ayah 59:10

    At [may karapatang bahagi rin] yaong mga nagsirating pagkaraan nila, na nagsasabing: “Aming Panginoon, patawarin Mo po kami at yaong aming mga kapatid na nauna sa amin sa Eeman [pananampalataya] at huwag Mo pong ilagay sa aming mga puso ang [anumang] hinanakit sa kanila na naniniwala. “Aming Panginoon, Tunay na Ikaw ay Mabait, Maawain.”

  11. ۞أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ نَافَقُواْ يَقُولُونَ لِإِخۡوَٰنِهِمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ لَئِنۡ أُخۡرِجۡتُمۡ لَنَخۡرُجَنَّ مَعَكُمۡ وَلَا نُطِيعُ فِيكُمۡ أَحَدًا أَبَدٗا وَإِن قُوتِلۡتُمۡ لَنَنصُرَنَّكُمۡ وَٱللَّهُ يَشۡهَدُ إِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ

    Open ayah 59:11

    Hindi mo ba nakikita [O Muhammad] yaong mapagkunwaring nagsasabi sa kanilang mga kapatid [o sa kanilang mga kasamahang] di-naniniwala na nagmula sa Angkan ng Kasulatan: “Kung kayo ay palalayasin, katiyakang kami ay kasama ninyong maglalayas at alang-alang sa inyo, hindi namin kailanman susundin ang isa man [laban sa inyo]; at kung kayo ay nilabanan, kami ay tiyak na makikipagtulungan sa inyo.” Subali’t, saksi ang Allah na sila ay mga sinungaling.

  12. لَئِنۡ أُخۡرِجُواْ لَا يَخۡرُجُونَ مَعَهُمۡ وَلَئِن قُوتِلُواْ لَا يَنصُرُونَهُمۡ وَلَئِن نَّصَرُوهُمۡ لَيُوَلُّنَّ ٱلۡأَدۡبَٰرَ ثُمَّ لَا يُنصَرُونَ

    Open ayah 59:12

    Kung sila ay palalayasin, sila [mga mapagkunwari] ay hindi maglalayas na kasama nila, at kung sila ay nilabanan, sila ay hindi tutulong sa kanila. At [kahit pa] sila ay tutulong sa kanila, sila ay tatalikod sa kanilang mga likuran, pagkaraan, sila ay hindi matutulungan.

  13. لَأَنتُمۡ أَشَدُّ رَهۡبَةٗ فِي صُدُورِهِم مِّنَ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَفۡقَهُونَ

    Open ayah 59:13

    Kayong [mga naniniwala] ay higit na kinasisindakan sa kanilang mga dibdib kaysa sa Allah. Iyan ay sa dahilang sila ay mga taong hindi nakauunawa.

  14. لَا يُقَٰتِلُونَكُمۡ جَمِيعًا إِلَّا فِي قُرٗى مُّحَصَّنَةٍ أَوۡ مِن وَرَآءِ جُدُرِۭۚ بَأۡسُهُم بَيۡنَهُمۡ شَدِيدٞۚ تَحۡسَبُهُمۡ جَمِيعٗا وَقُلُوبُهُمۡ شَتَّىٰۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَعۡقِلُونَ

    Open ayah 59:14

    Sila ay hindi makikipaglaban sa inyong lahat maliban kung sila ay nasa loob ng mga bayang may matibay na tanggulan, o sila ay nasa mga kinukublihang moog. Ang kanilang suklam sa kanilang mga sarili ay masidhi. Inyong inaakala na sila ay nagkakaisa nguni’t, ang kanilang mga puso ay watak-watak. Iyan ay sapagka’t, sila ay mga taong hindi gumagamit ng katwiran.

  15. كَمَثَلِ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ قَرِيبٗاۖ ذَاقُواْ وَبَالَ أَمۡرِهِمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 59:15

    [Ang kanilang] nakahahalintulad ay yaong kanilang mga huling sinundan: kanilang nalasap ang masamang bunga ng kanilang mga gawa, at [sa kabilang buhay] sa kanila ay isang mahapding parusa.

  16. كَمَثَلِ ٱلشَّيۡطَٰنِ إِذۡ قَالَ لِلۡإِنسَٰنِ ٱكۡفُرۡ فَلَمَّا كَفَرَ قَالَ إِنِّي بَرِيٓءٞ مِّنكَ إِنِّيٓ أَخَافُ ٱللَّهَ رَبَّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 59:16

    [Ang mga mapagkunwari ay] nakahahalintulad ng satanas kapag siya ay nagsasabi sa tao: “Huwag kang maniwala,” Nguni’t, nang siya [ang tao] ay hindi naniwala, ang satanas ay nagsabing: “Wala akong kaugnayan sa iyo [O tao] at ako ay natatakot sa Allah, ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].”

  17. فَكَانَ عَٰقِبَتَهُمَآ أَنَّهُمَا فِي ٱلنَّارِ خَٰلِدَيۡنِ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَٰٓؤُاْ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 59:17

    Kaya, ang naging wakas nilang dalawa ay sa Apoy, sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. At iyan ang kabayaran ng mga mapaggawa ng kamalian.

  18. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلۡتَنظُرۡ نَفۡسٞ مَّا قَدَّمَتۡ لِغَدٖۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 59:18

    O kayong mga naniniwala, inyong katakutan ang Allah. At hayaan ang bawa't tao na hanapin kung ano ang naghihintay para sa kanya sa kinabukasan - at inyong katakutan ang Allah. Katotohanan, ang Allah ay nakababatid sa anumang inyong ginagawa.

  19. وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ نَسُواْ ٱللَّهَ فَأَنسَىٰهُمۡ أَنفُسَهُمۡۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ

    Open ayah 59:19

    At huwag kayong maging katulad niyaong mga nakalimot sa [pag-alaala sa] Allah, kaya sila ay Kanyang ginawang makalimot sa kanilang mga sarili. Sila yaong mga suwail.

  20. لَا يَسۡتَوِيٓ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۚ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ 

    Open ayah 59:20

    Hindi magkapantay ang mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno] at ang mga maninirahan sa Paraiso: ang mga maninirahan sa Paraiso ay [tunay na] matagumpay.

  21. لَوۡ أَنزَلۡنَا هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ عَلَىٰ جَبَلٖ لَّرَأَيۡتَهُۥ خَٰشِعٗا مُّتَصَدِّعٗا مِّنۡ خَشۡيَةِ ٱللَّهِۚ وَتِلۡكَ ٱلۡأَمۡثَٰلُ نَضۡرِبُهَا لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَفَكَّرُونَ

    Open ayah 59:21

    Kung Aming ibinaba itong Qur’an sa [ibabaw ng] isang bundok, marahil ito ay iyong nakitang nagpakumbaba –[at] nagkasabug-sabog nang dahil sa kanyang takot sa Allah. Ito ay mga paghahalintulad [o mga halimbawa] na Aming inilahad para sa sangkatauhan upang sakali sila ay [matutong] makapag-isip [at magbigay ng pagpapahalaga sa mensahe ng Allah].

  22. هُوَ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِۖ هُوَ ٱلرَّحۡمَٰنُ ٱلرَّحِيمُ

    Open ayah 59:22

    Siya ang Allah, walang diyos maliban sa Kanya. Ang Maalam ng di- nakikita at ng nakikita [o nasasaksihan]. Siya ang Mahabagin, ang Maawain.

  23. هُوَ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡقُدُّوسُ ٱلسَّلَٰمُ ٱلۡمُؤۡمِنُ ٱلۡمُهَيۡمِنُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡجَبَّارُ ٱلۡمُتَكَبِّرُۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يُشۡرِكُونَ

    Open ayah 59:23

    Siya ang Allah, walang diyos maliban sa Kanya. Siya ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Kasakdal-sakdalan [malaya at malayo mula sa lahat ng pagkukulangan], ang Tagapagbigay ng Kapanatagan, ang Tagapagmasid, ang Ganap na Makapangyarihan, ang di-Mapaglalabanan, ang [tanging] Makapagmamalaki. Luwalhati sa Allah, [Siya ay Mataas nang higit kaysa sa] anumang kanilang itinatambal [sa Kanya].

  24. هُوَ ٱللَّهُ ٱلۡخَٰلِقُ ٱلۡبَارِئُ ٱلۡمُصَوِّرُۖ لَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ يُسَبِّحُ لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 59:24

    Siya ang Allah, ang Tagapaglikha, ang Tagapagsimula [ng lahat], ang Tagapaghubog [ng anyo o hugis]. Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] mga pinakamagagandang Pangalan. Anumang nasa mga kalangitan at kalupaan ay [patuloy na] lumuluwalhati [dumadakila, pumupuri at nagbubunyi] sa Kanya. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.