الممتحنة
Al-Mumtahana
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ عَدُوِّي وَعَدُوَّكُمۡ أَوۡلِيَآءَ تُلۡقُونَ إِلَيۡهِم بِٱلۡمَوَدَّةِ وَقَدۡ كَفَرُواْ بِمَا جَآءَكُم مِّنَ ٱلۡحَقِّ يُخۡرِجُونَ ٱلرَّسُولَ وَإِيَّاكُمۡ أَن تُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ رَبِّكُمۡ إِن كُنتُمۡ خَرَجۡتُمۡ جِهَٰدٗا فِي سَبِيلِي وَٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِيۚ تُسِرُّونَ إِلَيۡهِم بِٱلۡمَوَدَّةِ وَأَنَا۠ أَعۡلَمُ بِمَآ أَخۡفَيۡتُمۡ وَمَآ أَعۡلَنتُمۡۚ وَمَن يَفۡعَلۡهُ مِنكُمۡ فَقَدۡ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ
Open ayah 60:1O kayong mga naniwala, huwag ninyong ituring ang Aking mga kaaway at inyong mga kaaway bilang mga kaibigan [kapanalig o tagapangalaga], inyong ipinadarama sa kanila ang pagmamalasakit bagaman sila ay hindi naniwala sa anumang katotohanang dumating sa inyo at [sila ang] nagtaboy sa Sugo at sa inyo [mula sa inyong mga pamamahay] nang dahil sa inyong paniniwala sa Allah na Siya ninyong [tunay na] Panginoon. Kung kayo ay magsilabas upang makipaglaban [sa Aking Landas] at hinahanap ang Aking Kasiyahan, [huwag ninyo silang ituring bilang kaibigan]. Inyong ipinadarama ang pagmamalasakit sa kanila bagaman Aking nababatid ang anumang inyong inililihim at ang anumang inyong inihahayag. At sinumang kabilang sa inyo ang gumawa nito, katiyakan na siya ay naligaw mula sa patag na Landas.
إِن يَثۡقَفُوكُمۡ يَكُونُواْ لَكُمۡ أَعۡدَآءٗ وَيَبۡسُطُوٓاْ إِلَيۡكُمۡ أَيۡدِيَهُمۡ وَأَلۡسِنَتَهُم بِٱلسُّوٓءِ وَوَدُّواْ لَوۡ تَكۡفُرُونَ
Open ayah 60:2Kung kayo ay kanilang magagawang pangibabawan [o gapiin], sila ay [mag-aasal] sa inyo bilang inyong mga kaaway, at kanilang iuunat ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga dila laban sa inyo nang may kasamaan, at sila ay magnanasang kayo ay hindi maniwala.
لَن تَنفَعَكُمۡ أَرۡحَامُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡۚ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَفۡصِلُ بَيۡنَكُمۡۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Open ayah 60:3Kailanman ang inyong mga kamag-anak o inyong mga anak ay hindi makapagdudulot sa inyo ng buti sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. Siya [ang Allah] ang maghahatol sa inyong pagitan. At Lubos na Nakikita ng Allah ang anumang inyong mga ginagawa.
قَدۡ كَانَتۡ لَكُمۡ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ فِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥٓ إِذۡ قَالُواْ لِقَوۡمِهِمۡ إِنَّا بُرَءَٰٓؤُاْ مِنكُمۡ وَمِمَّا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ كَفَرۡنَا بِكُمۡ وَبَدَا بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمُ ٱلۡعَدَٰوَةُ وَٱلۡبَغۡضَآءُ أَبَدًا حَتَّىٰ تُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ وَحۡدَهُۥٓ إِلَّا قَوۡلَ إِبۡرَٰهِيمَ لِأَبِيهِ لَأَسۡتَغۡفِرَنَّ لَكَ وَمَآ أَمۡلِكُ لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۖ رَّبَّنَا عَلَيۡكَ تَوَكَّلۡنَا وَإِلَيۡكَ أَنَبۡنَا وَإِلَيۡكَ ٱلۡمَصِيرُ
Open ayah 60:4Katiyakan, may isang mabuting halimbawa para sa inyo [upang inyong pamarisan] sa [katauhan ni] Abraham at yaong kanyang mga kasamahan, nang kanilang sabihin sa kanilang mga mamamayan: “Katotohanan, kami ay walang kaugnayan sa inyo at sa anumang inyong sinasamba bukod sa Allah: kami ay [mananatiling] nagtatakwil sa inyo at may namuong poot at galit sa ating pagitan nang walang katapusan hanggang hindi kayo maniniwala sa Kaisahan ng Allah” - maliban sa sinabi ni Abraham sa kanyang ama: “Katotohanan, ako ay magsusumamo sa Allah para sa iyong kapatawaran, nguni’t ako ay walang kapangyarihan na gawin ang anumang bagay para sa iyo sa harap ng Allah.” “Aming Panginoon, sa Iyo lamang po kami nagtitiwala at sa Iyo po kami nagbabalik-loob at sa Iyo po ang [aming] huling patutunguhan.
رَبَّنَا لَا تَجۡعَلۡنَا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ وَٱغۡفِرۡ لَنَا رَبَّنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 60:5Aming Panginoon, huwag Mo po kaming gawin [bilang] pagsubok para sa mga di-naniniwala, at kami po ay Iyong patawarin. Aming Panginoon, tunay na Ikaw ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.”
لَقَدۡ كَانَ لَكُمۡ فِيهِمۡ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ لِّمَن كَانَ يَرۡجُواْ ٱللَّهَ وَٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَۚ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Open ayah 60:6Katiyakan, mayroon na para sa inyo ng isang mabuting halimbawa sa kanila para sa sinumang umaasa [sa pakikipagharap] sa Allah at sa Huling Araw. At sinuman ang tumalikod, magkagayon, katotohanang ang Allah ay Mayaman, ang Kapuri-puri.
۞عَسَى ٱللَّهُ أَن يَجۡعَلَ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَ ٱلَّذِينَ عَادَيۡتُم مِّنۡهُم مَّوَدَّةٗۚ وَٱللَّهُ قَدِيرٞۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 60:7Maaaring ilagay ng Allah sa inyong pagitan at sa pagitan niyaong inyong naging mga kaaway na kabilang sa kanila, ang pagmamahal. At ang Allah ang may Ganap na Kakayahan [sa lahat ng bagay], at ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.
لَّا يَنۡهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ لَمۡ يُقَٰتِلُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَلَمۡ يُخۡرِجُوكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ أَن تَبَرُّوهُمۡ وَتُقۡسِطُوٓاْ إِلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ
Open ayah 60:8Hindi ipinagbabawal sa inyo ng Allah ang pakikitungo nang matwid at makatarungan sa mga hindi nakikipaglaban [o hindi umuusig at tumutuligsa] sa inyo nang dahil sa inyong relihiyon at maging yaong mga hindi nagtataboy sa inyo mula sa inyong mga pamamahay. Katotohanan, minamahal ng Allah ang mga makatarungan.
إِنَّمَا يَنۡهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ قَٰتَلُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَأَخۡرَجُوكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ وَظَٰهَرُواْ عَلَىٰٓ إِخۡرَاجِكُمۡ أَن تَوَلَّوۡهُمۡۚ وَمَن يَتَوَلَّهُمۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Open ayah 60:9Ang ipinagbabawal lamang sa inyo ng Allah ay yaong mga nakipaglaban [umusig o tumuligsa] sa inyo nang dahil sa inyong relihiyon at nagtaboy sa inyo mula sa inyong mga pamamahay at yaong mga nakipagtulungan sa iba upang kayo ay maitaboy - [ipinagbabawal] na kayo ay makipagkaibigan sa kanila. At sinuman [sa inyo] ang nakikipagkaibigan sa kanila, sila yaong mga mapaggawa ng kamalian.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا جَآءَكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ مُهَٰجِرَٰتٖ فَٱمۡتَحِنُوهُنَّۖ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِهِنَّۖ فَإِنۡ عَلِمۡتُمُوهُنَّ مُؤۡمِنَٰتٖ فَلَا تَرۡجِعُوهُنَّ إِلَى ٱلۡكُفَّارِۖ لَا هُنَّ حِلّٞ لَّهُمۡ وَلَا هُمۡ يَحِلُّونَ لَهُنَّۖ وَءَاتُوهُم مَّآ أَنفَقُواْۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ أَن تَنكِحُوهُنَّ إِذَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّۚ وَلَا تُمۡسِكُواْ بِعِصَمِ ٱلۡكَوَافِرِ وَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقۡتُمۡ وَلۡيَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقُواْۚ ذَٰلِكُمۡ حُكۡمُ ٱللَّهِ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡۖ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
Open ayah 60:10O kayong mga naniwala, kapag dumating sa inyo ang mga naniniwalang babae bilang mga babaing nagsilikas, sila ay inyong siyasatin [o suriin]. Ang Allah ay higit na nakababatid ng kanilang pananampalataya [sa Kanya], at kung inyong matiyak na sila ay [tunay na] mga naniniwala, huwag ninyo silang pabalikin sa mga di-naniniwala. Sila ay hindi karapat-dapat na maging asawa nila, gayon din naman, sila [na di-naniniwala] ay hindi karapat-dapat para sa kanila [sa mga babaing naniniwala]. Ngunit, sila [mga di-naniniwala] ay inyong bayaran ng anumang kanilang ginugol [bilang Mahr]. At hindi isang pagkakasala para sa inyo, kung sila ay nais ninyo pakasalan kapag inyong naibigay na ang kanilang kabayarang [Mahr]. Gayun din naman, huwag ninyong panatilihin ang mga babaing di-naniniwala bilang inyong mga asawa, at hilinging maibalik sa inyo ang anumang ginugol [bilang Mahr] at hayaan sila [mga di-naniniwala] na humingi na ibalik ang anumang kanilang ginugol. Iyan ang hatol ng Allah, Siya ay humahatol sa inyong pagitan. At ang Allah ay Maalam, Tigib ng Karunungan.
وَإِن فَاتَكُمۡ شَيۡءٞ مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُمۡ إِلَى ٱلۡكُفَّارِ فَعَاقَبۡتُمۡ فَـَٔاتُواْ ٱلَّذِينَ ذَهَبَتۡ أَزۡوَٰجُهُم مِّثۡلَ مَآ أَنفَقُواْۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ أَنتُم بِهِۦ مُؤۡمِنُونَ
Open ayah 60:11At kung kayo ay nawalan ng isa sa inyong mga asawa sa mga di- naniniwala, [at] kasunod nito, kayo ay nakakuha [ng biyaya], samakatwid, inyong bigyan ng anumang [halagang] nakakatulad ng kanilang ginugol yaong ang kanilang mga asawa ay lumisan. At matakot kayo sa Allah na Siya ninyong pinaniniwalaan.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ يُبَايِعۡنَكَ عَلَىٰٓ أَن لَّا يُشۡرِكۡنَ بِٱللَّهِ شَيۡـٔٗا وَلَا يَسۡرِقۡنَ وَلَا يَزۡنِينَ وَلَا يَقۡتُلۡنَ أَوۡلَٰدَهُنَّ وَلَا يَأۡتِينَ بِبُهۡتَٰنٖ يَفۡتَرِينَهُۥ بَيۡنَ أَيۡدِيهِنَّ وَأَرۡجُلِهِنَّ وَلَا يَعۡصِينَكَ فِي مَعۡرُوفٖ فَبَايِعۡهُنَّ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُنَّ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 60:12O Propeta, kapag ang mga naniniwalang babae ay magsilapit sa iyo upang magbigay ng panunumpa [o pangako] sa iyo na sila ay hindi magtatambal sa Allah nang anupaman, na sila ay hindi magnanakaw, na sila ay hindi magkakasala ng bawal na pakikipagtalik, na sila ay hindi papatay ng kanilang mga anak, na sila ay hindi magsasalita ng [anumang] paninirang-puri na naglalayong maglubid ng mga kasinungalingan sa pagitan ng kanilang bisig at kamay, at sila ay hindi susuway sa iyo sa anumang matwid, kung gayon, tanggapin mo ang kanilang panunumpa [o pangako], at hingin mo sa Allah ang kanilang kapatawaran. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَوَلَّوۡاْ قَوۡمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ قَدۡ يَئِسُواْ مِنَ ٱلۡأٓخِرَةِ كَمَا يَئِسَ ٱلۡكُفَّارُ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡقُبُورِ
Open ayah 60:13O kayong mga naniwala, huwag ninyong kaibiganin ang mga taong kinapopootan ng Allah. Katiyakan, sila ay maghihinagpis sa [kawalang gantimpalang naghihintay sa] kabilang buhay, tulad ng paghihinagpis niyaong mga hindi naniniwala [sa pakikipagharap] sa mga kasamahan ng mga libingan.