الصف
As-Saff
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 61:1Lumuluwalhati sa Allah ang anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفۡعَلُونَ
Open ayah 61:2O kayong mga naniwala, bakit kayo nagsasalita [ng mga bagay] na hindi naman ninyo ginagawa [sa inyong mga sarili]?
كَبُرَ مَقۡتًا عِندَ ٱللَّهِ أَن تَقُولُواْ مَا لَا تَفۡعَلُونَ
Open ayah 61:3Kasuklam-suklam sa [paningin ng] Allah na kayo ay nagsasalita [ng mga gayong bagay] na hindi naman ninyo ginagawa.
إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلَّذِينَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِهِۦ صَفّٗا كَأَنَّهُم بُنۡيَٰنٞ مَّرۡصُوصٞ
Open ayah 61:4Katotohanan, minamahal ng Allah yaong mga nakikipaglaban sa Kanyang Landas nang magkakahanay na wari bang sila ay moog na binigkis nang matatag.
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ لِمَ تُؤۡذُونَنِي وَقَد تَّعۡلَمُونَ أَنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُمۡۖ فَلَمَّا زَاغُوٓاْ أَزَاغَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُمۡۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Open ayah 61:5At [banggitin O Muhammad] nang si Moises ay nagsabi sa kanyang mga mamamayan: “O aking mga mamamayan, bakit ninyo ako niyayamot gayong inyong nalalaman nang may katiyakan na ako ay Sugo ng Allah sa inyo?” Kaya, nang sila ay lumihis [mula sa Landas ng Allah], inilihis din ng Allah ang kanilang mga puso [mula sa patnubay]. At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong suwail.
وَإِذۡ قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُم مُّصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيَّ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَمُبَشِّرَۢا بِرَسُولٖ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِي ٱسۡمُهُۥٓ أَحۡمَدُۖ فَلَمَّا جَآءَهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Open ayah 61:6At [banggitin] nang si Hesus, anak ni Maria, ay nagsabi: “O mga anak ni Israel! Katotohanan, ako ay Sugo ng Allah sa inyo, nagpapatunay sa Torah [na ipinahayag] nang una sa akin, at nagbibigay ng magandang balita tungkol sa isang Sugo na darating pagkaraan ko, na ang pangalan ay Ahmad. Nguni’t nang siya [Ahmad i.e Muhammad] ay dumating sa kanila na may dalang mga malilinaw na katibayan, sila ay nagsabi: “Ito ay isang malinaw na salamangka.”
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ وَهُوَ يُدۡعَىٰٓ إِلَى ٱلۡإِسۡلَٰمِۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 61:7At sino ba ang mapaggawa ng kamalian nang higit kaysa sa isang naglulubid ng kasinungalingan laban sa Allah, bagaman siya ay
يُرِيدُونَ لِيُطۡفِـُٔواْ نُورَ ٱللَّهِ بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَٱللَّهُ مُتِمُّ نُورِهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Open ayah 61:8Sila ay naghahangad na pawiin ang liwanag ng Allah sa kanilang mga bibig. Nguni’t, lulubusin ng Allah ang Kanyang liwanag bagaman [ito] kinamumuhian ng mga di-naniniwala.
هُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِينِ ٱلۡحَقِّ لِيُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُشۡرِكُونَ
Open ayah 61:9Siya [ang Allah] ang nagpadala sa Kanyang Sugo [si Muhammad] ng patnubay at relihiyon ng katotohanan, upang ito ay gawing matagumpay nang higit sa lahat ng relihiyon bagaman [ito] kinamumuhian ng mga Mushrik [o mga nagtatambal].
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ تِجَٰرَةٖ تُنجِيكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
Open ayah 61:10O kayong mga naniwala, nais ba ninyong kayo ay Aking gabayan tungo sa isang kalakal na makapagliligtas sa inyo mula sa mahapding parusa?
تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتُجَٰهِدُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَٰلِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Open ayah 61:11Na kayo ay maniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo, at kayo ay magpunyagi sa Landas ng Allah sa pamamagitan ng inyong yaman at ng inyong mga sariling [buhay]; iyan ay higit na nakabubuti para sa inyo, kung ito ay inyo lamang nababatid.
يَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡ وَيُدۡخِلۡكُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ وَمَسَٰكِنَ طَيِّبَةٗ فِي جَنَّٰتِ عَدۡنٖۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Open ayah 61:12Kanyang patatawarin para sa inyo ang inyong mga kasalanan, at kayo ay papapasukin sa mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, at sa mga magagandang tahanan sa hardin ng Eden [Paraisong walang hanggan]; iyan ang dakilang tagumpay.
وَأُخۡرَىٰ تُحِبُّونَهَاۖ نَصۡرٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَفَتۡحٞ قَرِيبٞۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 61:13At [pagkakalooban din kayo ng] iba pang pagpapala na inyong minamahal - isang tulong mula sa Allah [laban sa inyong mga kaaway] at isang nalalapit na tagumpay. At magbigay ng magandang balita [O Muhammad] sa mga naniniwala.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُوٓاْ أَنصَارَ ٱللَّهِ كَمَا قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ لِلۡحَوَارِيِّـۧنَ مَنۡ أَنصَارِيٓ إِلَى ٱللَّهِۖ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ نَحۡنُ أَنصَارُ ٱللَّهِۖ فَـَٔامَنَت طَّآئِفَةٞ مِّنۢ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَكَفَرَت طَّآئِفَةٞۖ فَأَيَّدۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ عَلَىٰ عَدُوِّهِمۡ فَأَصۡبَحُواْ ظَٰهِرِينَ
Open ayah 61:14O kayong mga naniwala, maging tagapagtaguyod kayo sa [Landas ng] Allah tulad nang sinabi ni Hesus, anak ni Maria sa [kanyang] mga disipulo: Sino ba ang aking mga tagapagtaguyod para sa [Landas ng] Allah? Ang mga disipulo ay nagsabi: “Kami ay mga tagapagtaguyod ng Allah” Kaya, ang isang pangkat mula sa mga anak ni Israel ay naniwala at ang isang pangkat ay di-naniwala. Kaya, Aming tinangkilik yaong mga naniwala laban sa kanilang mga kaaway, at sila ay nangibabaw.