الجمعة

Al-Jumu'a

Friday · Surah 62 · Ayahs: 11 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ ٱلۡمَلِكِ ٱلۡقُدُّوسِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ

    Open ayah 62:1

    Lumuluwalhati sa Allah ang anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. Ang [Tanging] Hari, ang Banal, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.

  2. هُوَ ٱلَّذِي بَعَثَ فِي ٱلۡأُمِّيِّـۧنَ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِهِۦ وَيُزَكِّيهِمۡ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلُ لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ

    Open ayah 62:2

    Siya na nagsugo sa [gitna ng] mga hindi nag-aral ng isang sugong nagmula sa kanilang [lahi], binibigkas sa kanila ang Kanyang ayaat [mga kapahayagan], at sila ay dinadalisay [mula sa kawalang-paniniwala], at sila ay tinuturuan ng Aklat [ang Qur’an] at ng karunungan [ang Sunnah]. At bagaman sila noon ay nasa [dating] hayag na kamalian -

  3. وَءَاخَرِينَ مِنۡهُمۡ لَمَّا يَلۡحَقُواْ بِهِمۡۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 62:3

    At [sa] ibang kabilang sa kanila [mga Muslim na] hindi pa nakikianib sa kanila [nguni’t sila ay patungo na sa pagyakap]. At Siya [ang Allah] ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.

  4. ذَٰلِكَ فَضۡلُ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ

    Open ayah 62:4

    Iyan ang biyaya ng Allah na Kanyang ipinagkakaloob sa sinumang Kanyang nais. At ang Allah ang nagmamay-ari ng dakilang biyaya.

  5. مَثَلُ ٱلَّذِينَ حُمِّلُواْ ٱلتَّوۡرَىٰةَ ثُمَّ لَمۡ يَحۡمِلُوهَا كَمَثَلِ ٱلۡحِمَارِ يَحۡمِلُ أَسۡفَارَۢاۚ بِئۡسَ مَثَلُ ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 62:5

    Ang kahalintulad niyaong mga [taong] pinagkatiwalaan ng Torah subali’t pagkaraan ay hindi nagawang tuparin [ang tungkulin para] rito, ay [tulad ng] isang asno na nagpapasan ng mabibigat na aklat [subali’t walang naunawaan dito]. Napakasamang halimbawa niyaong mga taong nagtatakwil sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah. At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong mapaggawa ng kamalian.

  6. قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ هَادُوٓاْ إِن زَعَمۡتُمۡ أَنَّكُمۡ أَوۡلِيَآءُ لِلَّهِ مِن دُونِ ٱلنَّاسِ فَتَمَنَّوُاْ ٱلۡمَوۡتَ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

    Open ayah 62:6

    Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “O kayong mga Hudyo! Kung inyong inaakala na kayo ay awliyah [mga kaanib, kapanalig o kaibigan] ng Allah, na namumukod-tangi sa [lahat ng] sangkatauhan, magkagayon, inyong asamin ang kamatayan, kung tunay ngang kayo ay makatotohanan.”

  7. وَلَا يَتَمَنَّوۡنَهُۥٓ أَبَدَۢا بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلظَّٰلِمِينَ

    Open ayah 62:7

    Subali’t, kailanman ay hindi nila magagawa ang pag-asam nito [ng kamatayan] sanhi ng mga [kabuktutang] ginawa noon ng kanilang mga kamay. At lubos na nababatid ng Allah [kung sino] ang mapaggawa ng kamalian.

  8. قُلۡ إِنَّ ٱلۡمَوۡتَ ٱلَّذِي تَفِرُّونَ مِنۡهُ فَإِنَّهُۥ مُلَٰقِيكُمۡۖ ثُمَّ تُرَدُّونَ إِلَىٰ عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 62:8

    abihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Katotohanan, ang kamatayan na inyong iniiwasan ay katiyakang ito ay inyong makakaharap at pagkaraan, kayo ay ibabalik [sa Allah], ang Maalam ng [bagay na] di-nakikita at nakikita [o nasasaksihan]. At Kanyang ipababatid sa inyo ang anumang inyong lagi nang ginagawa.”

  9. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا نُودِيَ لِلصَّلَوٰةِ مِن يَوۡمِ ٱلۡجُمُعَةِ فَٱسۡعَوۡاْ إِلَىٰ ذِكۡرِ ٱللَّهِ وَذَرُواْ ٱلۡبَيۡعَۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 62:9

    O kayong mga naniwala, kapag [ang Adhan ay] tinawag na para sa pagdarasal sa araw ng Jumu’ah [Biyernes], inyong simulan ang pag-alaala sa Allah at [pansamantalang] lisanin ang pamilihan [o palitan ng kalakalan]. Iyan ay higit na mabuti para sa inyo, kung ito ay inyo lamang nababatid!

  10. فَإِذَا قُضِيَتِ ٱلصَّلَوٰةُ فَٱنتَشِرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَٱبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَثِيرٗا لَّعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ 

    Open ayah 62:10

    Nuni’t kapag napagpasiyahan ng tapusin ang pagdarasal, humayo kayong magsikalat sa mga lupain at inyong hanapin ang biyaya ng Allah [sa pamamagitan ng paghahanap-buhay] at inyong alalahanin nang palagian ang Allah upang sakali kayo ay magsipag-tagumpay.

  11. وَإِذَا رَأَوۡاْ تِجَٰرَةً أَوۡ لَهۡوًا ٱنفَضُّوٓاْ إِلَيۡهَا وَتَرَكُوكَ قَآئِمٗاۚ قُلۡ مَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرٞ مِّنَ ٱللَّهۡوِ وَمِنَ ٱلتِّجَٰرَةِۚ وَٱللَّهُ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ

    Open ayah 62:11

    At [sa isang pagkakataon] nang kanilang makita ang ilang kalakal at ilang libangan, sila ay nagmadaling nagsitungo roon, at ikaw [O Muhammad] ay kanilang iniwang nakatindig. Sabihin mo [sa kanila]: “Anumang nasa Allah ay higit na mabuti kaysa sa alinmang libangan at kaysa alinmang kalakal. Ang Allah ay [Siyang] pinakamahusay sa [lahat ng] mga tagapanustos.”