المنافقون
Al-Munaafiqoon
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ قَالُواْ نَشۡهَدُ إِنَّكَ لَرَسُولُ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ إِنَّكَ لَرَسُولُهُۥ وَٱللَّهُ يَشۡهَدُ إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَكَٰذِبُونَ
Open ayah 63:1Kapag magsilapit sa iyo [O Muhammad] ang mga mapagkunwari, [at] sila ay magsabing: “Kami ay sumasaksi na ikaw ay Sugo ng Allah.” At nababatid ng Allah na ikaw ay Kanyang Sugo, at ang Allah ay sumasaksi na ang mga mapagkunwari ay mga sinungaling.
ٱتَّخَذُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُمۡ جُنَّةٗ فَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ إِنَّهُمۡ سَآءَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 63:2Kanilang kinuha bilang panakip [sa kanilang pagkukunwari] ang kanilang mga panunumpa [o pagsaksi]; upang kanilang hadlangan [ang mga tao] mula sa landas ng Allah. Katotohanan, ang kasamaan ang lagi nilang ginagawa.
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ ءَامَنُواْ ثُمَّ كَفَرُواْ فَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَفۡقَهُونَ
Open ayah 63:3Iyan ay sa dahilang sila ay naniwala [subali’t] pagkaraan, sila ay [muling] hindi naniwala, kaya, ang kanilang mga puso ay sinarhan. Sa gayon, sila ay hindi makaunawa.
۞وَإِذَا رَأَيۡتَهُمۡ تُعۡجِبُكَ أَجۡسَامُهُمۡۖ وَإِن يَقُولُواْ تَسۡمَعۡ لِقَوۡلِهِمۡۖ كَأَنَّهُمۡ خُشُبٞ مُّسَنَّدَةٞۖ يَحۡسَبُونَ كُلَّ صَيۡحَةٍ عَلَيۡهِمۡۚ هُمُ ٱلۡعَدُوُّ فَٱحۡذَرۡهُمۡۚ قَٰتَلَهُمُ ٱللَّهُۖ أَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Open ayah 63:4At kapag sila ay iyong pagmasdan, ang kanilang mga bikas [o anyo] ay nakapagbibigay-kasiyahan sa iyo, at kapag sila ay mangusap, ikaw ay nakikinig sa kanilang mga pananalita. [Sila ay] tila mga tinilad na putol ng kahoy na nakatukod. Kanilang inaakala na ang bawa’t sigaw ay laban sa kanila. Sila ang [inyong] mga kaaway, kaya mag-ingat kayo sa kanila. Nawa’y sila ay lipulin ng Allah! Paano nga ba’t sila ay nalinlang [o napalayo mula sa tuwid na landas]?
وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ يَسۡتَغۡفِرۡ لَكُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ لَوَّوۡاْ رُءُوسَهُمۡ وَرَأَيۡتَهُمۡ يَصُدُّونَ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ
Open ayah 63:5At kapag ito ay sabihin sa kanila: “Halina kayo, [at] ang Sugo ng Allah ay magsusumamo para sa inyong kapatawaran,” ang kanilang mga ulo ay pailing-iling at iyong makikita ang kanilang pag-iwas habang sila ay nagmamalaki.
سَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ أَسۡتَغۡفَرۡتَ لَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ لَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Open ayah 63:6Walang kaibahan kung sila man ay iyong ipagsumamo para sa kanilang kapatawaran o hindi ipagsumamo para sa kanilang kapatawaran. Ang Allah ay hindi kailanman magpapatawad sa kanila. Katotohanan, ang Allah ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.
هُمُ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنفِقُواْ عَلَىٰ مَنۡ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ حَتَّىٰ يَنفَضُّواْۗ وَلِلَّهِ خَزَآئِنُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَفۡقَهُونَ
Open ayah 63:7Sila yaong [mga mapagkunwari] na nagsasabing: “Huwag kayong gumugol [o tumulong] sa sinumang kasama ng Sugo ng Allah hanggang sila ay maghiwa-hiwalay.” At sa Allah ang pagmamay-ari ng mga kaban [ng yaman] ng mga kalangitan at ng kalupaan nguni’t, ang mga mapagkunwari ay hindi nakauunawa.
يَقُولُونَ لَئِن رَّجَعۡنَآ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ لَيُخۡرِجَنَّ ٱلۡأَعَزُّ مِنۡهَا ٱلۡأَذَلَّۚ وَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ وَلِرَسُولِهِۦ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 63:8Sila ay nagsasabing: Kung kami ay makababalik sa Madinah, katiyakan na ang [taong] higit na marangal ay magtataboy mula rito sa higit na kaaba-aba. Nguni’t, ang Izzat [karangalan] ay pagmamay-ari ng Allah at ng Kanyang Sugo at ng mga naniniwala nguni’t ang mga mapagkunwari ay hindi nakaaalam [nito].
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُلۡهِكُمۡ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡ عَن ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Open ayah 63:9O, kayong mga naniwala, huwag ninyong hayaan na ang inyong mga yaman at ang inyong mga anak ay makapaglihis sa inyo mula sa pag- alaala sa Allah. At sinuman ang gumawa niyan, samakatuwid, sila yaong mga nawalan.
وَأَنفِقُواْ مِن مَّا رَزَقۡنَٰكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ فَيَقُولَ رَبِّ لَوۡلَآ أَخَّرۡتَنِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖ فَأَصَّدَّقَ وَأَكُن مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 63:10At gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa anumang [panustos na] Aming ipinagkaloob sa inyo, bago dumating ang kamatayan sa isa sa inyo at siya ay magsasabing: “Aking Panginoon, kung ako ay Iyong ipagpapaliban para sa kaunting panahon marahil ako ay makapagkakawanggawa at ako ay maging kabilang ng mga matutuwid.”
وَلَن يُؤَخِّرَ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِذَا جَآءَ أَجَلُهَاۚ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Open ayah 63:11At kailanman, ang Allah ay hindi magpapaliban sa isang kaluluwa kapag ang takdang oras [ng kamatayan] nito ay sumapit na [sa kanya]. At ang Allah ay nakababatid ng anumang inyong mga ginagawa.