التغابن

At-Taghaabun

Mutual Disillusion · Surah 64 · Ayahs: 18 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ لَهُ ٱلۡمُلۡكُ وَلَهُ ٱلۡحَمۡدُۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ

    Open ayah 64:1

    Lumuluwalhati sa Allah ang anuman nasa mga kalangitan at ang anuman nasa kalupaan; nasa Kanya ang kapamahalaan at sa Kanya ang pagmamay-ari ng [lahat ng] mga papuri, at Siya ay may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.

  2. هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ فَمِنكُمۡ كَافِرٞ وَمِنكُم مُّؤۡمِنٞۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ

    Open ayah 64:2

    Siya ang lumikha sa inyo, bagaman kabilang sa inyo ay ang di- naniniwala at kabilang sa inyo ay ang naniniwala. Ang Allah ay nakakikita sa anumang inyong mga ginagawa.

  3. خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّ وَصَوَّرَكُمۡ فَأَحۡسَنَ صُوَرَكُمۡۖ وَإِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ

    Open ayah 64:3

    Kanyang nilikha ang mga kalangitan at kalupaan sa katotohanan, at kayo ay Kanyang hinubog at ginawa Niyang ganap ang inyong hubog at sa Kanya ang [inyong huling] patutunguhan.

  4. يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَيَعۡلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعۡلِنُونَۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

    Open ayah 64:4

    Kanyang nababatid ang anumang nasa mga kalangitan at kalupaan, at [Kanyang] nababatid ang anumang inyong itinatago at ang anumang inyong inihahayag: At ang Allah ay Maalam ng anumang nasa mga dibdib [ng tao].

  5. أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ نَبَؤُاْ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَبۡلُ فَذَاقُواْ وَبَالَ أَمۡرِهِمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 64:5

    Hindi ba nakarating sa inyo ang balita niyaong mga di-naniniwala noon? Kaya kanilang nalasap ang masamang bunga ng kanilang mga gawa, at para sa kanila ay isang mahapding parusa.

  6. ذَٰلِكَ بِأَنَّهُۥ كَانَت تَّأۡتِيهِمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَقَالُوٓاْ أَبَشَرٞ يَهۡدُونَنَا فَكَفَرُواْ وَتَوَلَّواْۖ وَّٱسۡتَغۡنَى ٱللَّهُۚ وَٱللَّهُ غَنِيٌّ حَمِيدٞ

    Open ayah 64:6

    Iyan ay sa dahilang lagi nang may mga sugo na dumating sa kanila na may dalang mga malilinaw na katibayan, nguni’t sila ay nagsabing: “Kailangan ba na ang magpapatnubay sa amin ay mga tao lamang [na tulad namin]? Kaya sila ay hindi naniwala at nagsitalikod. At ang Allah ay walang pangangailangan [sa kanila]. At ang Allah ay Mayaman, Kapuri- puri.

  7. زَعَمَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَن لَّن يُبۡعَثُواْۚ قُلۡ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتُبۡعَثُنَّ ثُمَّ لَتُنَبَّؤُنَّ بِمَا عَمِلۡتُمۡۚ وَذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ

    Open ayah 64:7

    Inaakala niyaong mga di-naniniwala na sila ay hindi bubuhaying muli [sa Araw ng Paghuhukom]. “Sabihin: Oo, sumpa man sa aking Panginoon, katiyakang kayo ay bubuhaying muli: pagkaraan, katiyakang ipababatid sa inyo ang anumang inyong ginawa. At iyan ay sadyang madali para sa Allah.”

  8. فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَٱلنُّورِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلۡنَاۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ

    Open ayah 64:8

    Kaya, maniwala kayo sa Allah at sa Kanyang Sugo, at sa Liwanag [ng Qur’an] na Aming ibinaba [o ipinahayag]. At ang Allah ay nakababatid sa anupamang inyong ginagawa.

  9. يَوۡمَ يَجۡمَعُكُمۡ لِيَوۡمِ ٱلۡجَمۡعِۖ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلتَّغَابُنِۗ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعۡمَلۡ صَٰلِحٗا يُكَفِّرۡ عَنۡهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ

    Open ayah 64:9

    [At inyong tandaan] sa Araw na kayo ay Kanyang pagsasamahing [lahat] sa Araw ng Pagtitipon - iyan ang Araw ng Taghabun. At sinuman ang naniniwala sa Allah at gumagawa ng mga gawaing matwid - ang kanyang mga kasalanan ay Kanyang papawiin mula sa kanya at siya ay papapasukin sa mga hardin [ng Paraiso] na sa mga ilalim nito ay may mga ilog na umaagos at doon, sila ay mamamalagi nang walang hanggan; at iyan ang dakilang tagumpay.

  10. وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ 

    Open ayah 64:10

    Nguni’t, yaong mga di-naniwala at nagtakwil sa Aming mga ayaat [kapahayagan], sila yaong mga maninirahan sa Apoy, at mamamalagi roon nang walang hanggan. At napakasamang patutunguhan.

  11. مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ يَهۡدِ قَلۡبَهُۥۚ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ

    Open ayah 64:11

    Walang sakuna [o pangyayari] ang magaganap maliban sa kapahintulutan ng Allah. At sinuman ang naniniwala sa Allah - Kanyang papatnubayan ang kanyang puso. At ang Allah ay Maalam sa lahat ng bagay.

  12. وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَۚ فَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَإِنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

    Open ayah 64:12

    At sumunod kayo sa Allah, at sumunod kayo sa [Kanyang] Sugo subali’t kung kayo ay magsisitalikod, magkagayon, ang nakaatang [na tungkulin] ng Aming Sugo ay ipaabot lamang [ang mensahe] nang malinaw.

  13. ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 64:13

    Allah - walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya: at sa Allah, hayaang ang mga naniniwala ay [buong pusong] magtiwala.

  14. يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ مِنۡ أَزۡوَٰجِكُمۡ وَأَوۡلَٰدِكُمۡ عَدُوّٗا لَّكُمۡ فَٱحۡذَرُوهُمۡۚ وَإِن تَعۡفُواْ وَتَصۡفَحُواْ وَتَغۡفِرُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

    Open ayah 64:14

    O, kayong mga naniwala, katotohanan, kabilang sa inyong mga asawa at sa inyong mga anak ay inyong mga kaaway, kaya mag-ingat kayo sa kanila. Nguni’t kung kayo ay maging magparaya at magpaumanhin, at magpatawad [sa kanila], - magkagayon katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

  15. إِنَّمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَأَوۡلَٰدُكُمۡ فِتۡنَةٞۚ وَٱللَّهُ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمٞ

    Open ayah 64:15

    Ang inyong yaman at inyong mga anak ay mga pagsubok lamang: subali’t sa Allah - nasa Kanya ang dakilang gantimpala.

  16. فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ مَا ٱسۡتَطَعۡتُمۡ وَٱسۡمَعُواْ وَأَطِيعُواْ وَأَنفِقُواْ خَيۡرٗا لِّأَنفُسِكُمۡۗ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفۡسِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

    Open ayah 64:16

    Kaya inyong katakutan ang Allah hanggang inyong makakayanan; makinig kayo at sumunod kayo, at gumugol kayo [para sa landas ng Allah]: ito ay higit na mabuti para sa inyong mga sarili. Sinuman ang pinangalagaan mula sa karamutan ng kaluluwa, - sila yaong mga magsisitagumpay.

  17. إِن تُقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا يُضَٰعِفۡهُ لَكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ شَكُورٌ حَلِيمٌ

    Open ayah 64:17

    Kung kayo ay magpapautang [o gumugol para] sa Allah ng isang mabuting pautang, ito [ang gantimpala] ay Kanyang pag-iibayuhin para sa inyo at magpapatawad para sa inyo. At ang Allah ay kumilala [o pinahahalagahan ang inyong mga mabubuting gawa], Mapagparaya.

  18. عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

    Open ayah 64:18

    [Siya ang] Maalam ng di-nakikita at nakikita [o nasasaksihan], ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.