الطلاق
At-Talaaq
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَطَلِّقُوهُنَّ لِعِدَّتِهِنَّ وَأَحۡصُواْ ٱلۡعِدَّةَۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ رَبَّكُمۡۖ لَا تُخۡرِجُوهُنَّ مِنۢ بُيُوتِهِنَّ وَلَا يَخۡرُجۡنَ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَقَدۡ ظَلَمَ نَفۡسَهُۥۚ لَا تَدۡرِي لَعَلَّ ٱللَّهَ يُحۡدِثُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ أَمۡرٗا
Open ayah 65:1O Propeta, kapag kayo ay magdidiborsiyo ng mga asawa [babae], hiwalayan sila sa [simula ng] kanilang Iddah, at bilangin ang kanilang Iddah nang wasto at matakot kayo sa Allah, ang inyong Panginoon. Sila ay huwag ninyo ipagtabuyan mula sa kani-kanilang pamamahay, at sila ay huwag ninyong hayaang lumisan [sa panahong iyon] maliban kung sila ay nagkasala ng hayag na kahalayan. Iyon ang mga hangganang [itinakda] ng Allah. At sinuman ang lumabag sa hangganan ng Allah, katiyakan siya ay nagkasala sa kanyang sarili. Hindi mo nalalaman [O taong nakipagdiborsiyo] na maaaring pagkaraan niyan, ang Allah ay magkaloob [sa iyo] ng [ibang mabuting] pangyayari [o bagay].
فَإِذَا بَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمۡسِكُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ فَارِقُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٖ وَأَشۡهِدُواْ ذَوَيۡ عَدۡلٖ مِّنكُمۡ وَأَقِيمُواْ ٱلشَّهَٰدَةَ لِلَّهِۚ ذَٰلِكُمۡ يُوعَظُ بِهِۦ مَن كَانَ يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّهُۥ مَخۡرَجٗا
Open ayah 65:2Kaya kapag sila ay [malapit nang] makatupad sa kanilang Iddah [takdang paghihintay], sila ay maaari ninyo panatilihing muli [bilang asawa] nang ayon sa matwid na paraan o hiwalayan sila nang ayon sa matwid na paraan. At kayo ay magdala ng dalawang makatarungang tao na kabilang sa inyo upang sumaksi, at manindigan kayo [o maging tapat] sa pagsasaksi para [ito ay tanggapin ng] Allah. Iyan ay iniatas sa sinumang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. At sinuman ang may takot sa Allah
وَيَرۡزُقۡهُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَحۡتَسِبُۚ وَمَن يَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِ فَهُوَ حَسۡبُهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بَٰلِغُ أَمۡرِهِۦۚ قَدۡ جَعَلَ ٱللَّهُ لِكُلِّ شَيۡءٖ قَدۡرٗا
Open ayah 65:3At Kanyang ipagkakaloob para sa kanya [ang biyaya] na kung saan ay hindi niya inaasahan [na darating]. At sinuman ang magbigay ng kanyang tiwala sa Allah, samakatwid, Siya [ang Allah] ay sapat na para sa kanya. Katiyakang ipatutupad ng Allah ang Kanyang Kautusan. Katotohanan, ang Allah ay nakapagtakda na para sa lahat ng bagay.
وَٱلَّٰٓـِٔي يَئِسۡنَ مِنَ ٱلۡمَحِيضِ مِن نِّسَآئِكُمۡ إِنِ ٱرۡتَبۡتُمۡ فَعِدَّتُهُنَّ ثَلَٰثَةُ أَشۡهُرٖ وَٱلَّٰٓـِٔي لَمۡ يَحِضۡنَۚ وَأُوْلَٰتُ ٱلۡأَحۡمَالِ أَجَلُهُنَّ أَن يَضَعۡنَ حَمۡلَهُنَّۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّهُۥ مِنۡ أَمۡرِهِۦ يُسۡرٗا
Open ayah 65:4At sila na hindi na umaasa pa ng kanilang buwanang pagreregla mula sa inyong mga kababaihan – kung kayo ay nag-aalinlangan, magkagayon, ang kanilang Iddah ay tatlong buwan at [ganoon din para] sa hindi pa
ذَٰلِكَ أَمۡرُ ٱللَّهِ أَنزَلَهُۥٓ إِلَيۡكُمۡۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يُكَفِّرۡ عَنۡهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُعۡظِمۡ لَهُۥٓ أَجۡرًا
Open ayah 65:5Iyan ang Kautusan ng Allah na Kanyang ibinaba [o ipinahayag] sa inyo; at sinuman ang natatakot sa Allah – Kanyang papawiin mula sa kanya ang kanyang mga masasamang gawa at palalakihin para sa kanya ang gantimpala.
أَسۡكِنُوهُنَّ مِنۡ حَيۡثُ سَكَنتُم مِّن وُجۡدِكُمۡ وَلَا تُضَآرُّوهُنَّ لِتُضَيِّقُواْ عَلَيۡهِنَّۚ وَإِن كُنَّ أُوْلَٰتِ حَمۡلٖ فَأَنفِقُواْ عَلَيۡهِنَّ حَتَّىٰ يَضَعۡنَ حَمۡلَهُنَّۚ فَإِنۡ أَرۡضَعۡنَ لَكُمۡ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ وَأۡتَمِرُواْ بَيۡنَكُم بِمَعۡرُوفٖۖ وَإِن تَعَاسَرۡتُمۡ فَسَتُرۡضِعُ لَهُۥٓ أُخۡرَىٰ
Open ayah 65:6Sila ay inyong patirahin [o kupkupin] [sa isang bahagi mula] sa kung saan kayo ay naninirahan nang ayon sa inyong kakayahan, at huwag silang pahirapan upang sila ay magipit. At kung sila man ay nagdadalang- tao, magkagayon, gumugol para sa kanila hanggang sila ay manganak. At kung sila ay magpasuso para sa inyong [sanggol], samakatwid ipagkaloob sa kanila ang kabayaran, at makipag-ayos sa isa't isa sa paraang karapat- dapat. Nguni’t, kung kayo [ama at ina] ay hindi magkasundo [sa pagpapasuso], magkagayon, maaari [kayong kumuha] ng ibang babaeng magpapasuso para sa kanya.
لِيُنفِقۡ ذُو سَعَةٖ مِّن سَعَتِهِۦۖ وَمَن قُدِرَ عَلَيۡهِ رِزۡقُهُۥ فَلۡيُنفِقۡ مِمَّآ ءَاتَىٰهُ ٱللَّهُۚ لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِلَّا مَآ ءَاتَىٰهَاۚ سَيَجۡعَلُ ٱللَّهُ بَعۡدَ عُسۡرٖ يُسۡرٗا
Open ayah 65:7Hayaang ang isang lalaking nakaririwasa na gumugol nang ayon sa kanyang kakayahan. At sa sinuman na ang panustos ay lubhang kapos - hayaan siyang gumugol nang ayon sa anumang ipinagkaloob sa kanya ng Allah. Hindi nagbibigay ng pasanin ang Allah sa isang tao maliban [nang ayon] sa anumang Kanyang ipinagkaloob dito. Ang Allah ay magkakaloob ng ginhawa pagkaraan ng kahirapan.
وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ عَتَتۡ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهَا وَرُسُلِهِۦ فَحَاسَبۡنَٰهَا حِسَابٗا شَدِيدٗا وَعَذَّبۡنَٰهَا عَذَابٗا نُّكۡرٗا
Open ayah 65:8At ilan na bang bilang ng bayan [o pamayanan] ang naghimagsik laban sa Kautusan ng Panginoon nito at ng Kanyang mga sugo; kaya ito ay Aming iniharap sa isang matinding pagtutuos at ito ay Aming pinarusahan ng isang kagimbal-gimbal na parusa.
فَذَاقَتۡ وَبَالَ أَمۡرِهَا وَكَانَ عَٰقِبَةُ أَمۡرِهَا خُسۡرًا
Open ayah 65:9Kaya, ito ay nakalasap ng masamang bunga ng kanyang gawain [o pagsuway], at ang naging bunga ng kanilang gawain ay kawalan.
أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗاۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ قَدۡ أَنزَلَ ٱللَّهُ إِلَيۡكُمۡ ذِكۡرٗا
Open ayah 65:10Ang Allah ay naghanda para sa kanila ng isang matinding parusa. Kaya, inyong katakutan ang Allah, O kayong mga naniwalang nagtataglay ng pang-unawa. Katotohanan, ang Allah ay nagpahayag [o nagbaba] sa inyo ng isang paalaala [ang Qur’an].
رَّسُولٗا يَتۡلُواْ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ مُبَيِّنَٰتٖ لِّيُخۡرِجَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعۡمَلۡ صَٰلِحٗا يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ قَدۡ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ لَهُۥ رِزۡقًا
Open ayah 65:11[Kanyang ipinadala] ang isang sugo na bumibigkas sa inyo ng mga malilinaw na ayaat [kapahayagan] ng Allah upang Kanyang hanguin yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid mula sa kadiliman tungo sa liwanag. At sinuman ang maniwala sa Allah at gumawa ng mga gawaing matwid, siya ay Kanyang papapasukin sa mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos upang doon, ay mamalagi nang walang hanggan. Katotohanan, lulubusin ng Allah para sa kanya ang [pagkakaloob ng] panustos.
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ وَمِنَ ٱلۡأَرۡضِ مِثۡلَهُنَّۖ يَتَنَزَّلُ ٱلۡأَمۡرُ بَيۡنَهُنَّ لِتَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ وَأَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَحَاطَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عِلۡمَۢا
Open ayah 65:12Ang Allah ang Siyang lumikha ng pitong kalangitan at ng kalupaan nang magkatulad [sa bilang]. Ang [Kanyang] Kautusan ay bumababa sa pagitan ng mga ito [langit at lupa] upang inyong mapag-alaman na ang Allah ang may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay. At katotohanan, nasasaklawan ng Allah ang kaalaman sa lahat ng bagay.