التحريم
At-Tahrim
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَآ أَحَلَّ ٱللَّهُ لَكَۖ تَبۡتَغِي مَرۡضَاتَ أَزۡوَٰجِكَۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Open ayah 66:1O Propeta, bakit mo ipinagbabawal [sa iyong sarili] ang anumang ipinahintulot ng Allah para sa iyo? Hinahanap mo ba ang pagsang-ayon ng iyong mga asawa? At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.
قَدۡ فَرَضَ ٱللَّهُ لَكُمۡ تَحِلَّةَ أَيۡمَٰنِكُمۡۚ وَٱللَّهُ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَهُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ
Open ayah 66:2Katiyakan, iniatas na ng Allah para sa inyo [mga Muslim] ang pagwawalang-saysay sa inyong mga pangako [o panunumpa]. At ang Allah ang inyong Tagapagtanggol at Siya ang Maalam, ang Tigib ng Karunungan.
وَإِذۡ أَسَرَّ ٱلنَّبِيُّ إِلَىٰ بَعۡضِ أَزۡوَٰجِهِۦ حَدِيثٗا فَلَمَّا نَبَّأَتۡ بِهِۦ وَأَظۡهَرَهُ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ عَرَّفَ بَعۡضَهُۥ وَأَعۡرَضَ عَنۢ بَعۡضٖۖ فَلَمَّا نَبَّأَهَا بِهِۦ قَالَتۡ مَنۡ أَنۢبَأَكَ هَٰذَاۖ قَالَ نَبَّأَنِيَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡخَبِيرُ
Open ayah 66:3At [alalahanin] nang ang Propeta ay nagtapat sa isa niyang asawa ng isang salaysay; at nang ito ay ipaalam niya [ni Hafsah kay Aishah] nguni't ito ay isiniwalat ng Allah sa kanya [kay Propeta Muhammad]; nagawa niyang mabatid ang isang bahagi nito [ng salaysay] at hinayaang [itago] ang isang bahagi. Kaya, nang ipaalam niya [ng Sugo ng Allah] sa kanya [kay Hafsah] ang tungkol dito, siya [si Hafsah] ay nagsabi: “Sino ang nagsabi nito sa iyo? Siya [ang Sugo ng Allah] ay sumagot: “Ipinabatid sa akin ng Maalam, ang Nakababatid.”
إِن تَتُوبَآ إِلَى ٱللَّهِ فَقَدۡ صَغَتۡ قُلُوبُكُمَاۖ وَإِن تَظَٰهَرَا عَلَيۡهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ مَوۡلَىٰهُ وَجِبۡرِيلُ وَصَٰلِحُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ
Open ayah 66:4[At] kung kayong dalawa [Aishah at Hafsah] ay magbalik-loob [sa pagsisisi] sa Allah, [ito ay makabubuti para sa inyo] sapagka’t ang mga puso ninyong dalawa ay lumihis. Nguni’t kung kayo ay magsapakatan laban sa kanya [kay Propeta Muhammad] magkagayon, katotohanan, ang Allah ay kanyang Tagapagtanggol, at ang [Anghel] Gabriel at ang mga matutuwid mula sa mga naniniwala; at ang mga anghel, bukod pa riyan, ay [kanyang] mga tagapagtaguyod.
عَسَىٰ رَبُّهُۥٓ إِن طَلَّقَكُنَّ أَن يُبۡدِلَهُۥٓ أَزۡوَٰجًا خَيۡرٗا مِّنكُنَّ مُسۡلِمَٰتٖ مُّؤۡمِنَٰتٖ قَٰنِتَٰتٖ تَٰٓئِبَٰتٍ عَٰبِدَٰتٖ سَٰٓئِحَٰتٖ ثَيِّبَٰتٖ وَأَبۡكَارٗا
Open ayah 66:5Maaaring ang kanyang Panginoon ay magpalit para sa kanya ng mga asawang nakahihigit kaysa sa inyo kung kayong [lahat] ay kanyang hiwalayan - mga [asawang] tumatalima [sa Allah], naniniwala, tapat na masunurin, [lagi nang] nagsisisi, sumasamba at naglalakbay, - [silang] mga balo at mga dalaga.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ وَأَهۡلِيكُمۡ نَارٗا وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلۡحِجَارَةُ عَلَيۡهَا مَلَٰٓئِكَةٌ غِلَاظٞ شِدَادٞ لَّا يَعۡصُونَ ٱللَّهَ مَآ أَمَرَهُمۡ وَيَفۡعَلُونَ مَا يُؤۡمَرُونَ
Open ayah 66:6O kayong mga naniwala, inyong pangalagaan ang inyong mga sarili at ang inyong mga mag-anak laban sa Apoy [ng Impiyerno] na ang panggatong ay mga tao at bato, doon ay [may itinalagang] mga anghel na mababalasik [at] mahihigpit, sila ay hindi sumusuway sa Allah sa anumang Kanyang ipinag-uutos sa kanila at kanilang ginagawa ang anumang ipinag-utos.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَا تَعۡتَذِرُواْ ٱلۡيَوۡمَۖ إِنَّمَا تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Open ayah 66:7“O kayong mga di-naniwala, huwag na kayong mangatuwiran sa Araw na iyon. Kayo ay binabayaran lamang para sa anumang inyong lagi nang ginagawa!”
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ تُوبُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ تَوۡبَةٗ نَّصُوحًا عَسَىٰ رَبُّكُمۡ أَن يُكَفِّرَ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَيُدۡخِلَكُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ يَوۡمَ لَا يُخۡزِي ٱللَّهُ ٱلنَّبِيَّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥۖ نُورُهُمۡ يَسۡعَىٰ بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَبِأَيۡمَٰنِهِمۡ يَقُولُونَ رَبَّنَآ أَتۡمِمۡ لَنَا نُورَنَا وَٱغۡفِرۡ لَنَآۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Open ayah 66:8O kayong mga naniwala, magbalik-loob kayo sa Allah nang tapat na pagsisisi. Maaaring pawiin ng inyong Panginoon mula sa inyo ang inyong mga masasamang gawa, at kayo ay Kanyang papasukin sa mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos - sa Araw na, hindi hihiyain ng Allah ang Propeta at yaong mga naniwalang kasama niya. Ang kanilang liwanag ay mauuna sa kanila at [ito ay] nasa kanilang mga kanang kamay; at sila ay magsasabing: “Aming Panginoon, gawin Mo pong ganap ang liwanag para sa amin at kami po ay Iyong patawarin. Katotohanan, Ikaw ang [tanging] may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay.
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ جَٰهِدِ ٱلۡكُفَّارَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱغۡلُظۡ عَلَيۡهِمۡۚ وَمَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Open ayah 66:9O Propeta, ikaw ay magpunyagi [at makipaglaban] sa mga di-naniniwala at sa mga mapagkunwari at [ikaw ay] maging mahigpit sa kanila. [Sapagka’t] ang kanilang kanlungan ay Impiyerno at [ito ay] sadyang napakasamang patutunguhan.
ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱمۡرَأَتَ نُوحٖ وَٱمۡرَأَتَ لُوطٖۖ كَانَتَا تَحۡتَ عَبۡدَيۡنِ مِنۡ عِبَادِنَا صَٰلِحَيۡنِ فَخَانَتَاهُمَا فَلَمۡ يُغۡنِيَا عَنۡهُمَا مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗا وَقِيلَ ٱدۡخُلَا ٱلنَّارَ مَعَ ٱلدَّٰخِلِينَ
Open ayah 66:10Ang Allah ay naglahad ng isang halimbawa para sa mga di-naniniwala. Ang asawa ni Noah at ang asawa ni Lot. Silang dalawa ay kapwa nasa ilalim [ng pangangasiwa] ng Aming mga matutuwid na alipin subali’t sila ay nagtaksil sa kanila. Kaya, sila ay walang nagawang tulong para sa kanilang dalawa laban sa [parusa ng] Allah. At sa kanila ay sinabing: "Pumasok kayong dalawa sa Apoy kasama ng mga nagsisipasok.”
وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱمۡرَأَتَ فِرۡعَوۡنَ إِذۡ قَالَتۡ رَبِّ ٱبۡنِ لِي عِندَكَ بَيۡتٗا فِي ٱلۡجَنَّةِ وَنَجِّنِي مِن فِرۡعَوۡنَ وَعَمَلِهِۦ وَنَجِّنِي مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Open ayah 66:11At ang Allah ay naglahad ng isang [mabuting] halimbawa para sa mga naniwala: [tulad ng] asawa ni Paraon nang siya ay nagsabi: “Aking Panginoon, ipagtayo Mo po ako ng isang tahanan sa hardin na malapit sa Iyo at iligtas Mo po ako kay Paraon at sa kanyang [mga masasamang] gawain at iligtas Mo po ako sa mga taong mapaggawa ng mga kamalian.”
وَمَرۡيَمَ ٱبۡنَتَ عِمۡرَٰنَ ٱلَّتِيٓ أَحۡصَنَتۡ فَرۡجَهَا فَنَفَخۡنَا فِيهِ مِن رُّوحِنَا وَصَدَّقَتۡ بِكَلِمَٰتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهِۦ وَكَانَتۡ مِنَ ٱلۡقَٰنِتِينَ
Open ayah 66:12At [ang halimbawa ni] Maria, anak na babae ni Imran, na pinangalagaan ang kanyang dangal; at siya ay Aming hiningahan dito [sa kanyang damit] mula sa Aming ruh [sa pamamagitan ng Anghel Gabriel] at siya ay naniwala sa mga salita ng kanyang Panginoon at sa Kanyang mga Kasulatan, at [siya ay] isa sa mga tapat na masunurin [sa Amin].