الملك
Al-Mulk
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
تَبَٰرَكَ ٱلَّذِي بِيَدِهِ ٱلۡمُلۡكُ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Open ayah 67:1Mapagpala ang [Allah na] Siyang may tangan ng kapamahalaan; At Siya ang may [Ganap na] Kakayahan sa lahat ng bagay -
ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡمَوۡتَ وَٱلۡحَيَوٰةَ لِيَبۡلُوَكُمۡ أَيُّكُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗاۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡغَفُورُ
Open ayah 67:2[Siya] na lumikha ng kamatayan at buhay upang kayo ay subukan [kung] alin sa inyo ang pinakamabuti sa gawa - At Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Mapagpatawad -
ٱلَّذِي خَلَقَ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ طِبَاقٗاۖ مَّا تَرَىٰ فِي خَلۡقِ ٱلرَّحۡمَٰنِ مِن تَفَٰوُتٖۖ فَٱرۡجِعِ ٱلۡبَصَرَ هَلۡ تَرَىٰ مِن فُطُورٖ
Open ayah 67:3[At Siya] na lumikha sa pitong kalangitan na magkakasuson, wala kang masusulyapan sa mga nilikha ng Mahabaging [Allah] na di-magkakaugma. Kaya muli mong ibalik ang [iyong] paningin [sa kalangitan]: “May natatanaw ka bang siwang [kahit isang awang]?”
ثُمَّ ٱرۡجِعِ ٱلۡبَصَرَ كَرَّتَيۡنِ يَنقَلِبۡ إِلَيۡكَ ٱلۡبَصَرُ خَاسِئٗا وَهُوَ حَسِيرٞ
Open ayah 67:4Pagkaraan, ibalik [mong] muli ang paningin nang makalawang ulit. Ang [iyong] paningin ay magbabalik sa iyo nang hamak at ito ay hapung-hapo.
وَلَقَدۡ زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِمَصَٰبِيحَ وَجَعَلۡنَٰهَا رُجُومٗا لِّلشَّيَٰطِينِۖ وَأَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابَ ٱلسَّعِيرِ
Open ayah 67:5At katiyakan, Aming pinalamutian ang pinakamalapit na kalangitan ng mga lampara [o bituin], At Aming ginawa [mula] sa mga ito ang anumang
وَلِلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡ عَذَابُ جَهَنَّمَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Open ayah 67:6At yaong mga di-naniniwala sa kanilang Panginoon, [para] sa kanila ay parusa ng Impiyerno. At [sadyang] napakasamang patutunguhan.
إِذَآ أُلۡقُواْ فِيهَا سَمِعُواْ لَهَا شَهِيقٗا وَهِيَ تَفُورُ
Open ayah 67:7Kapag sila ay itatapon doon [sa Impiyerno], kanilang maririnig mula roon ang isang [nakakikilabot at malalim] na buntong-hininga habang ito ay kumukulo.
تَكَادُ تَمَيَّزُ مِنَ ٱلۡغَيۡظِۖ كُلَّمَآ أُلۡقِيَ فِيهَا فَوۡجٞ سَأَلَهُمۡ خَزَنَتُهَآ أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ نَذِيرٞ
Open ayah 67:8Ito ay halos sumabog sa [tindi ng] pangangalit. Sa tuwing may pangkat na itinatapon doon, ang mga tagapagbantay nito ay magtatanong sa kanila: ‘Wala bang isang tagapagbabala ang dumating sa inyo’?
قَالُواْ بَلَىٰ قَدۡ جَآءَنَا نَذِيرٞ فَكَذَّبۡنَا وَقُلۡنَا مَا نَزَّلَ ٱللَّهُ مِن شَيۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ كَبِيرٖ
Open ayah 67:9At sila ay magsasabi: “Oo, isang tagapagbabala ang dumating sa amin, nguni’t, siya ay aming itinakwil at aming sinabi [sa kanya]: ‘Ang Allah ay walang ibinabang anumang bagay, [at] katotohanan, kayo ay walang anupaman maliban nasa malaking kamalian.’”
وَقَالُواْ لَوۡ كُنَّا نَسۡمَعُ أَوۡ نَعۡقِلُ مَا كُنَّا فِيٓ أَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ
Open ayah 67:10At sila ay magsasabi [nang may pagsisisi]: “Kung kami sana ay nakinig lamang o nag-isip, marahil kami ay hindi naging kabilang ng mga kasamahan ng naglalagablab [Apoy].”
فَٱعۡتَرَفُواْ بِذَنۢبِهِمۡ فَسُحۡقٗا لِّأَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ
Open ayah 67:11Kaya, kanilang aaminin ang kanilang mga kasalanan, gayunpaman [ito ay] malayo [sa habag] para sa mga kasamahan ng naglalagablab [na Apoy].
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَيۡبِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٞ
Open ayah 67:12Katotohanan, yaong mga natatakot sa kanilang Panginoon nang di- nakikita, para sa kanila ay kapatawaran at dakilang gantimpala.
وَأَسِرُّواْ قَوۡلَكُمۡ أَوِ ٱجۡهَرُواْ بِهِۦٓۖ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Open ayah 67:13At ilihim man ninyo ang inyong pananalita o inyong ihayag ito. Katotohanan, Siya ay Maalam ng nasa mga dibdib [ng tao].
أَلَا يَعۡلَمُ مَنۡ خَلَقَ وَهُوَ ٱللَّطِيفُ ٱلۡخَبِيرُ
Open ayah 67:14Hindi ba nalalaman ng sinumang lumikha [ang Kanyang mga nilikha]? At Siya ang [Lubos na] Mabait, ang Nakababatid.
هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ ذَلُولٗا فَٱمۡشُواْ فِي مَنَاكِبِهَا وَكُلُواْ مِن رِّزۡقِهِۦۖ وَإِلَيۡهِ ٱلنُّشُورُ
Open ayah 67:15Siya ang gumawa para sa inyo ng kalupaan na matatag [di-natitinag] - kaya magsilakad kayo sa mga dalisdis nito at magsikain kayo mula sa Kanyang panustos. At sa Kanya ang pagkabuhay na muli.
ءَأَمِنتُم مَّن فِي ٱلسَّمَآءِ أَن يَخۡسِفَ بِكُمُ ٱلۡأَرۡضَ فَإِذَا هِيَ تَمُورُ
Open ayah 67:16Kayo ba ay nakadarama ng katiwasayan na Siya na [may tangan ng kapangyarihan] sa kalangitan ay hindi magtutulot na kayo ay lamunin ng lupa kapag ito ay biglang umuga?
أَمۡ أَمِنتُم مَّن فِي ٱلسَّمَآءِ أَن يُرۡسِلَ عَلَيۡكُمۡ حَاصِبٗاۖ فَسَتَعۡلَمُونَ كَيۡفَ نَذِيرِ
Open ayah 67:17O kayo ba ay nakadarama ng katiwasayan na Siya na [may tangan ng kapangyarihan] sa kalangitan ay hindi magpapadala laban sa inyo ng isang unos ng bato? Magkagayon inyong mapag-aalaman kung gaano [katindi] ang Aking babala?
وَلَقَدۡ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ
Open ayah 67:18At katiyakan, yaong mga nauna sa kanila ay nagtakwil, kaya gaano [katindi] ang Aking sumbat [sa kanila]?
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلطَّيۡرِ فَوۡقَهُمۡ صَٰٓفَّٰتٖ وَيَقۡبِضۡنَۚ مَا يُمۡسِكُهُنَّ إِلَّا ٱلرَّحۡمَٰنُۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءِۭ بَصِيرٌ
Open ayah 67:19At hindi ba nila nakikita ang mga ibon sa kanilang itaas na may mga bagwis na nakabuka at [kung minsan ay] itinitiklop? Walang tumatangan sa kanila [habang nakalutang sa alapaap] maliban sa Mahabagin [ang Allah]. Katotohanan, Siya ay Ganap na Nakakikita sa lahat ng bagay.
أَمَّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي هُوَ جُندٞ لَّكُمۡ يَنصُرُكُم مِّن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِۚ إِنِ ٱلۡكَٰفِرُونَ إِلَّا فِي غُرُورٍ
Open ayah 67:20O sino kaya ang maaaring maging isang kawal para sa inyo upang makatulong sa inyo bukod sa Mahabaging [Allah]? Ang mga di-naniniwala ay walang kahihinatnan maliban nasa pagkalinlang.
أَمَّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي يَرۡزُقُكُمۡ إِنۡ أَمۡسَكَ رِزۡقَهُۥۚ بَل لَّجُّواْ فِي عُتُوّٖ وَنُفُورٍ
Open ayah 67:21O sino kaya ang maaaring makapagbigay sa inyo [ng panustos] kung Kanyang ipagkait ang Kanyang panustos? Subali’t, sila ay patuloy sa pagmamatigas at pagtanggi.
أَفَمَن يَمۡشِي مُكِبًّا عَلَىٰ وَجۡهِهِۦٓ أَهۡدَىٰٓ أَمَّن يَمۡشِي سَوِيًّا عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Open ayah 67:22Ang isa bang naglalakad na ang kanyang mukha ay nakababa [di- nakakikita] ay higit na napatnubayan o ang isang naglalakad nang maayos sa matuwid na landas?
قُلۡ هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَكُمۡ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ
Open ayah 67:23Sabihin: Siya ang lumikha sa inyo, at Siya ang gumawa para sa inyo ng pandinig at ng mga paningin, at ng mga puso [o isip]. [Subali’t] napakaliit ng inyong [isinusukling] pasasalamat.
قُلۡ هُوَ ٱلَّذِي ذَرَأَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
Open ayah 67:24Sabihin: Siya ang nagparami sa inyo sa buong mundo at sa Kanya ang inyong pagtitipon [sa kabilang-buhay].”
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Open ayah 67:25At sila ay nagsasabi:“Kailan nga ba [magaganap] itong pangako kung kayo ay makatotohanan?”
قُلۡ إِنَّمَا ٱلۡعِلۡمُ عِندَ ٱللَّهِ وَإِنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Open ayah 67:26Sabihin:“Ang kaalaman [sa takdang Oras] ay nasa Allah, at ako ay isa lamang malinaw na tagapagbabala.”
فَلَمَّا رَأَوۡهُ زُلۡفَةٗ سِيٓـَٔتۡ وُجُوهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَقِيلَ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تَدَّعُونَ
Open ayah 67:27Kaya, kung kanilang masisilayan ito [ang parusa] na papalapit, ang mga mukha niyaong mga di-naniniwala ay mahahapis at ito ay sasabihin sa kanila: “Ito [ang pangako na] lagi ninyong [minamadaling] hilingin [noon pa man].”
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَهۡلَكَنِيَ ٱللَّهُ وَمَن مَّعِيَ أَوۡ رَحِمَنَا فَمَن يُجِيرُ ٱلۡكَٰفِرِينَ مِنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
Open ayah 67:28Sabihin mo [O Muhammad]:“Isinaalang-alang ba ninyo, na kung ako ay wasakin ng Allah, at yaong aking mga kasamahan, o [di kaya] kami ay gawaran ng habag, sino pa kaya ang magtatanggol sa mga di-naniniwala laban sa mahapding parusa?”
قُلۡ هُوَ ٱلرَّحۡمَٰنُ ءَامَنَّا بِهِۦ وَعَلَيۡهِ تَوَكَّلۡنَاۖ فَسَتَعۡلَمُونَ مَنۡ هُوَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Open ayah 67:29Sabihin:“Siya ang Mahabagin [Allah], kami ay naniwala sa Kanya, at kami ay [lubusang] nagtiwala sa Kanya. Kaya, [hindi maglalaon], inyong malalaman kung sino nga ba ang nasa hayag na kamalian.”
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَصۡبَحَ مَآؤُكُمۡ غَوۡرٗا فَمَن يَأۡتِيكُم بِمَآءٖ مَّعِينِۭ
Open ayah 67:30Sabihin:“Isinaalang-alang ba ninyo: kung ang inyong tubig ay bumaba [sa ilalim ng lupa], sino pa kaya, kung gayon, ang makapagbibigay sa inyo ng umaagos na tubig?”