القلم
Al-Qalam
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
نٓۚ وَٱلۡقَلَمِ وَمَا يَسۡطُرُونَ
Open ayah 68:1Nun, At [isinusumpa Ko] sa panulat at sa anumang kanilang isinusulat [o itinatala],
مَآ أَنتَ بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ بِمَجۡنُونٖ
Open ayah 68:2Ikaw [O Muhammad] sa pagpapala ng iyong Panginoon, ay hindi isang baliw.
وَإِنَّ لَكَ لَأَجۡرًا غَيۡرَ مَمۡنُونٖ
Open ayah 68:3At katotohanan, para sa iyo ay isang gantimpalang walang katapusan.
وَإِنَّكَ لَعَلَىٰ خُلُقٍ عَظِيمٖ
Open ayah 68:4At katotohanan, ikaw ay nagtataglay ng dakilang pag-uugali [o huwaran sa kagandahang asal].
فَسَتُبۡصِرُ وَيُبۡصِرُونَ
Open ayah 68:5Kaya [hindi magtatagal] iyong makikita at kanila [ring] makikita.
بِأَييِّكُمُ ٱلۡمَفۡتُونُ
Open ayah 68:6Kung sino nga sa inyo ang inalihan [ng kabaliwan].
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ
Open ayah 68:7Katotohanan, ang iyong Panginoon ay lubos na nababatid kung sino ang naligaw mula sa Kanyang landas at Kanyang nababatid ang [matwid na] napatnubayan.
فَلَا تُطِعِ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Open ayah 68:8Kaya, huwag kang sumunod sa mga nagtatakwil.
وَدُّواْ لَوۡ تُدۡهِنُ فَيُدۡهِنُونَ
Open ayah 68:9Sila ay naghahangad na ikaw ay maging maluwag [sa iyong tungkulin], upang sila ay maging maluwag [din] sa iyo.
وَلَا تُطِعۡ كُلَّ حَلَّافٖ مَّهِينٍ
Open ayah 68:10At huwag kang sumunod sa bawa’t [taong] walang silbi, labis sa panunumpa.
هَمَّازٖ مَّشَّآءِۭ بِنَمِيمٖ
Open ayah 68:11Mapanirang-puri, naglilibot na may dalang malisyosong [at nilubid na] salita.
مَّنَّاعٖ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ
Open ayah 68:12Tagapaghadlang ng kabutihan, mapanlabag, makasalanan,
عُتُلِّۭ بَعۡدَ ذَٰلِكَ زَنِيمٍ
Open ayah 68:13Malupit [walang awa], higit pa riyan, siya ay isang anak sa labas na mapagpanggap.
أَن كَانَ ذَا مَالٖ وَبَنِينَ
Open ayah 68:14Sapagka’t siya ay nagtataglay ng yaman at mga anak.
إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 68:15Kapag ang Aming ayaat [kapahayagan] ay binibigkas sa kanya, siya ay nagsasabing: “[Ito ay] mga alamat ng mga sinaunang tao.”
سَنَسِمُهُۥ عَلَى ٱلۡخُرۡطُومِ
Open ayah 68:16Siya ay Aming tatatakan [bilang tanda] sa ibabaw ng kanyang ilong.
إِنَّا بَلَوۡنَٰهُمۡ كَمَا بَلَوۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ إِذۡ أَقۡسَمُواْ لَيَصۡرِمُنَّهَا مُصۡبِحِينَ
Open ayah 68:17Katotohanan, sila ay Aming sinubukan katulad ng Aming pagsubok sa mga nagmamay-ari ng halamanan, nang sila ay mangakong pitasin ang mga bunga nito [ng halamanan] sa umaga.
وَلَا يَسۡتَثۡنُونَ
Open ayah 68:18At [sila ay] wala [man lamang kahit bahagyang] pagpapahinuhod [o pagsasaalang-alang].
فَطَافَ عَلَيۡهَا طَآئِفٞ مِّن رَّبِّكَ وَهُمۡ نَآئِمُونَ
Open ayah 68:19Kaya, ito [ang halamanan] ay sinalanta ng isang salot mula sa iyong Panginoon habang sila ay natutulog.
فَأَصۡبَحَتۡ كَٱلصَّرِيمِ
Open ayah 68:20Kaya ito ay nagmistulang ginapas.
فَتَنَادَوۡاْ مُصۡبِحِينَ
Open ayah 68:21At sila ay nagtawagan sa isa’t isa sa kinaumagahan,
أَنِ ٱغۡدُواْ عَلَىٰ حَرۡثِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰرِمِينَ
Open ayah 68:22[Nagsasabing]; “Kayo ay magtungong maaga sa inyong mga pananim kung kayo ay mamimitas [ng bunga].”
فَٱنطَلَقُواْ وَهُمۡ يَتَخَٰفَتُونَ
Open ayah 68:23Kaya, sila ay nagsimulang humayo, habang hinihinaan ang kanilang mga tinig.
أَن لَّا يَدۡخُلَنَّهَا ٱلۡيَوۡمَ عَلَيۡكُم مِّسۡكِينٞ
Open ayah 68:24[Nagsasabing], “Tiyak na ito [ang halamanan] ay hindi papasukin ngayon sa inyo ng [isa mang] dukha.”
وَغَدَوۡاْ عَلَىٰ حَرۡدٖ قَٰدِرِينَ
Open ayah 68:25At sila ay maagang nagsitungo nang may pag-asam, [inaakalang sila] ay may kakayahan [upang pigilin ang sinuman].
فَلَمَّا رَأَوۡهَا قَالُوٓاْ إِنَّا لَضَآلُّونَ
Open ayah 68:26Kaya, nang ito [ang halamanan] ay kanilang mapagmasdan, sila ay [nagulat at] nagsabi, “Katotohanan, tayo ay napaligaw;
بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ
Open ayah 68:27Hindi [bagkus], tayo ay pinagkaitan [ng mga bunga].”
قَالَ أَوۡسَطُهُمۡ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ لَوۡلَا تُسَبِّحُونَ
Open ayah 68:28Ang mabuti sa kanila ay nagsabi: “Hindi ba aking sinabi sa inyo, bakit hindi kayo nagbigay-papuri [sa Allah]?
قَالُواْ سُبۡحَٰنَ رَبِّنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ
Open ayah 68:29Sila ay nagsabi. “Luwalhati sa ating Panginoon. Katotohanan, tayo ay naging mapaggawa ng kamalian.”
فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَلَٰوَمُونَ
Open ayah 68:30Kaya, sila ay nagsipaglapitan sa isa’t isa na nagsumbatan.
قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا طَٰغِينَ
Open ayah 68:31Sila ay nagsabi, “Kasawian sa atin. Katotohanan, tayo ay naging mga palasuway.”
عَسَىٰ رَبُّنَآ أَن يُبۡدِلَنَا خَيۡرٗا مِّنۡهَآ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا رَٰغِبُونَ
Open ayah 68:32Marahil papalitan ng ating Panginoon para sa atin [ang isang] higit na mabuti kaysa rito [sa halamanang ito]. Katotohanan, kami ay umaasam sa Aming Panginoon [ng Kanyang habag].
كَذَٰلِكَ ٱلۡعَذَابُۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 68:33Ganyan ang parusa [ng mundong ito]. Nguni’t, ang parusa ng kabilang buhay ay higit na mabigat; kung kanilang nababatid lamang [ito].
إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Open ayah 68:34Katotohanan, para sa mga natatakot, [sa kanila] ay mga hardin ng ligaya sa kanilang Panginoon.
أَفَنَجۡعَلُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ كَٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 68:35Kaya, pakikitunguhan ba Namin ang mga Muslim tulad ng [Aming pakikitungo sa] mga mapaggawa ng kabuktutan?
مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ
Open ayah 68:36Ano ba ang nangyayari sa inyo? Paano ba kayo humatol?
أَمۡ لَكُمۡ كِتَٰبٞ فِيهِ تَدۡرُسُونَ
Open ayah 68:37O, kayo ba ay may isang kasulatan na roon kayo ay nagsisipag-aral?
إِنَّ لَكُمۡ فِيهِ لَمَا تَخَيَّرُونَ
Open ayah 68:38Katotohanan, [kung gayon ay] para sa inyo rito [sa kasulatan] ang anumang inyong piliin?
أَمۡ لَكُمۡ أَيۡمَٰنٌ عَلَيۡنَا بَٰلِغَةٌ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ إِنَّ لَكُمۡ لَمَا تَحۡكُمُونَ
Open ayah 68:39O, kayo ba ay mayroong mga [pinaiiral na] panunumpa sa Amin na umaabot hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, na katotohanang para sa inyo ang anumang inyong paghatol?
سَلۡهُمۡ أَيُّهُم بِذَٰلِكَ زَعِيمٌ
Open ayah 68:40Tanungin sila kung alin sa kanila, para sa ganyang [pag-aakala], ang mananagot?
أَمۡ لَهُمۡ شُرَكَآءُ فَلۡيَأۡتُواْ بِشُرَكَآئِهِمۡ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ
Open ayah 68:41O, sila ba ay mayroong mga katambal? Samakatwid, hayaang kanilang dalhin ang kanilang mga katambal, kung sila ay sadyang makatotohanan.
يَوۡمَ يُكۡشَفُ عَن سَاقٖ وَيُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ
Open ayah 68:42Sa Araw [na iyon] na ang lulod ay ilalantad at sila ay tatawagin upang magpatirapa [sa Allah] nguni’t sila [na di-naniniwala] ay walang kakayahan [upang magpatirapa].
خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۖ وَقَدۡ كَانُواْ يُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ وَهُمۡ سَٰلِمُونَ
Open ayah 68:43Ang kanilang mga paningin ay nangayupapa, ang kahihiyan ay babalot sa kanila. At sila ay lagi nang tinatawagan sa pagpapatirapa [noong nabubuhay pa sila sa mundo] habang sila ay malulusog.
فَذَرۡنِي وَمَن يُكَذِّبُ بِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِۖ سَنَسۡتَدۡرِجُهُم مِّنۡ حَيۡثُ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 68:44Kaya, hayaan mo Ako, [O Muhammad] sa sinumang magtatakwil sa salaysay [o mensahing] ito. Sila ay Aming unti-unting dadalhin [sa kaparusahan] mula sa kung saan sila ay walang nalalaman.
وَأُمۡلِي لَهُمۡۚ إِنَّ كَيۡدِي مَتِينٌ
Open ayah 68:45At sila ay Aking bibigyan ng [sapat na] panahon. Katotohanan, ang Aking balakin [o parusa] ay matatag.
أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ أَجۡرٗا فَهُم مِّن مَّغۡرَمٖ مُّثۡقَلُونَ
Open ayah 68:46O Ikaw ba [O Muhammad] ay humihingi sa kanila ng kabayaran upang sila ay mabaon sa utang?
أَمۡ عِندَهُمُ ٱلۡغَيۡبُ فَهُمۡ يَكۡتُبُونَ
Open ayah 68:47O nasa kanila ba ang [kaalaman ng] Ghaib [mga bagay na di-nakikita], upang [ito] ay kanilang isulat?
فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تَكُن كَصَاحِبِ ٱلۡحُوتِ إِذۡ نَادَىٰ وَهُوَ مَكۡظُومٞ
Open ayah 68:48Kaya, pagtiisan mo ang kapasiyahan ng iyong Panginoon at huwag kang tumulad sa kasamahan ng isda – nang siya ay manawagan [sa Amin] habang siya ay [nasa gitna ng] ligalig.
لَّوۡلَآ أَن تَدَٰرَكَهُۥ نِعۡمَةٞ مِّن رَّبِّهِۦ لَنُبِذَ بِٱلۡعَرَآءِ وَهُوَ مَذۡمُومٞ
Open ayah 68:49Kung hindi lamang na ang isang pagpapala [o habag] mula sa kanyang Panginoon ay sumapit sa kanya, marahil siya ay itinapon sa tiwangwang na dalampasigan bagaman siya ang dapat sumbatan [o sisihin].
فَٱجۡتَبَٰهُ رَبُّهُۥ فَجَعَلَهُۥ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 68:50Gayunman, siya ay pinili ng kanyang Panginoon at siya ay ginawang mapabilang sa mga matutuwid.
وَإِن يَكَادُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَيُزۡلِقُونَكَ بِأَبۡصَٰرِهِمۡ لَمَّا سَمِعُواْ ٱلذِّكۡرَ وَيَقُولُونَ إِنَّهُۥ لَمَجۡنُونٞ
Open ayah 68:51At katotohanan, ikaw ay halos lusawin niyaong mga nagsipagtakwil sa kanilang mga paningin kung kanilang naririnig ang mensahe [ng Qur’an] at sila ay nagsasabing: “Katotohanan, siya ay isang baliw.”
وَمَا هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 68:52At ito ay walang anupaman maliban sa babala [o paalala] para sa lahat [ng mga nilikha].