الحاقة

Al-Haaqqa

The Reality · Surah 69 · Ayahs: 52 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. ٱلۡحَآقَّةُ

    Open ayah 69:1

    Ang Katotohanan

  2. مَا ٱلۡحَآقَّةُ

    Open ayah 69:2

    Ano ang Katotohanan?

  3. وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحَآقَّةُ

    Open ayah 69:3

    At ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang Katotohanan?

  4. كَذَّبَتۡ ثَمُودُ وَعَادُۢ بِٱلۡقَارِعَةِ

    Open ayah 69:4

    Ang [mga Tribu ng] Thamud at [ang mamamayan] ng 'Aad ay nagtakwil sa nagbabadyang sakuna.

  5. فَأَمَّا ثَمُودُ فَأُهۡلِكُواْ بِٱلطَّاغِيَةِ

    Open ayah 69:5

    Kaya [tungkol] sa [mga Tribu ng] Thamud, sila ay winasak ng isang [kakila-kilabot at nakatutulig na] pagsabog.

  6. وَأَمَّا عَادٞ فَأُهۡلِكُواْ بِرِيحٖ صَرۡصَرٍ عَاتِيَةٖ

    Open ayah 69:6

    At [tungkol] sa [mga mamamayan ng] 'Aad; sila ay winasak ng isang nagngangalit [na ihip] ng hangin,

  7. سَخَّرَهَا عَلَيۡهِمۡ سَبۡعَ لَيَالٖ وَثَمَٰنِيَةَ أَيَّامٍ حُسُومٗاۖ فَتَرَى ٱلۡقَوۡمَ فِيهَا صَرۡعَىٰ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٍ خَاوِيَةٖ

    Open ayah 69:7

    Na Kanyang itinalaga [ipinataw] sa kanila ng pitong gabi at walong araw na magkakasunod, kaya iyong makikita ang mga tao roon na nakalugmok na tila sila ay mga puno ng datiles na nakahandusay.

  8. فَهَلۡ تَرَىٰ لَهُم مِّنۢ بَاقِيَةٖ

    Open ayah 69:8

    Kaya, may nakikita ka bang alinman sa kanilang mga naiwang [buhay]?

  9. وَجَآءَ فِرۡعَوۡنُ وَمَن قَبۡلَهُۥ وَٱلۡمُؤۡتَفِكَٰتُ بِٱلۡخَاطِئَةِ

    Open ayah 69:9

    At [sa panahong] iyan dumating si Paraon, at ang mga [mamamayang] nauna sa kanya, at ang itinaob na mga lungsod na may kasalanan.

  10. فَعَصَوۡاْ رَسُولَ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَهُمۡ أَخۡذَةٗ رَّابِيَةً 

    Open ayah 69:10

    Sapagka’t kanilang sinuway ang sugo ng kanilang Panginoon, kaya sila ay Kanyang hinablot ng isang marahas na paghablot.

  11. إِنَّا لَمَّا طَغَا ٱلۡمَآءُ حَمَلۡنَٰكُمۡ فِي ٱلۡجَارِيَةِ

    Open ayah 69:11

    Katotohanan, nang ang tubig ay nag-umapaw, kayo [ang inyong mga ninuno] ay Aming isinakay sa naglalayag na sasakyang-dagat.

  12. لِنَجۡعَلَهَا لَكُمۡ تَذۡكِرَةٗ وَتَعِيَهَآ أُذُنٞ وَٰعِيَةٞ

    Open ayah 69:12

    Upang sakali ito ay Aming gawin para sa inyo bilang isang paalala, at [upang] mapangalagaan ito [ang babala] ng taingang nakauunawa.

  13. فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ نَفۡخَةٞ وَٰحِدَةٞ

    Open ayah 69:13

    Kaya, kapag ang tambuli ay hihipan nang may isang pagsabog.

  14. وَحُمِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ فَدُكَّتَا دَكَّةٗ وَٰحِدَةٗ

    Open ayah 69:14

    At ang kalupaan at ang mga bundok ay iniangat at pinatag sa minsanang pag-ihip.

  15. فَيَوۡمَئِذٖ وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ

    Open ayah 69:15

    Kaya, sa Araw na iyon, ang [takdang] pangyayari ay magaganap.

  16. وَٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَهِيَ يَوۡمَئِذٖ وَاهِيَةٞ

    Open ayah 69:16

    At ang kalangitan ay mahahati sapagka’t sa Araw na iyon, ito ay marupok [sanhi ng pagkapunit].

  17. وَٱلۡمَلَكُ عَلَىٰٓ أَرۡجَآئِهَاۚ وَيَحۡمِلُ عَرۡشَ رَبِّكَ فَوۡقَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ ثَمَٰنِيَةٞ

    Open ayah 69:17

    At sa Araw na iyon, ang mga anghel ay nasa bawa’t gilid nito at ang walo [sa kanila ay] magpapasan ng Trono ng iyong Panginoon na nasa kanilang itaas.

  18. يَوۡمَئِذٖ تُعۡرَضُونَ لَا تَخۡفَىٰ مِنكُمۡ خَافِيَةٞ

    Open ayah 69:18

    Sa Araw na iyon, kayo ay ihaharap [sa Paghuhukom], hindi itatago sa inyo ang [anumang dati ay] nakakubli.

  19. فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ فَيَقُولُ هَآؤُمُ ٱقۡرَءُواْ كِتَٰبِيَهۡ

    Open ayah 69:19

    Kaya para sa sinumang binigyan ng kanyang talaan sa kanyang kanang kamay, siya ay magsasabi: “Narito, inyong basahin ang aking talaan.”

  20. إِنِّي ظَنَنتُ أَنِّي مُلَٰقٍ حِسَابِيَهۡ 

    Open ayah 69:20

    Katotohanan, ako ay nakatitiyak na aking kahaharapin ang aking pagtutuos.”

  21. فَهُوَ فِي عِيشَةٖ رَّاضِيَةٖ

    Open ayah 69:21

    Kaya, siya ay paroroon sa isang kasiya-siyang buhay –

  22. فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ

    Open ayah 69:22

    Sa isang nakataas na hardin,

  23. قُطُوفُهَا دَانِيَةٞ

    Open ayah 69:23

    [Ang mga prutas] nito ay abot-kamay na nangagbiting mababa.

  24. كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَآ أَسۡلَفۡتُمۡ فِي ٱلۡأَيَّامِ ٱلۡخَالِيَةِ

    Open ayah 69:24

    [At sa kanila ay sasabihin]: “Kayo ay magsikain at magsiinom nang nasisiyahan para sa anumang inyong ginugol [na buti] noong nagdaang mga araw.”

  25. وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِشِمَالِهِۦ فَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُوتَ كِتَٰبِيَهۡ

    Open ayah 69:25

    At sa sinumang binigyan ng kanyang talaan sa kanyang kaliwang kamay; siya ay magsasabi: “Sana ay hindi na ibinigay sa akin ang talaan.

  26. وَلَمۡ أَدۡرِ مَا حِسَابِيَهۡ

    Open ayah 69:26

    At [sana ay] hindi ko na napag-alaman pa kung ano ang aking pananagutan.

  27. يَٰلَيۡتَهَا كَانَتِ ٱلۡقَاضِيَةَ

    Open ayah 69:27

    Nawa'y ito [ang kamatayan] ang [aking] maging takdang wakas.

  28. مَآ أَغۡنَىٰ عَنِّي مَالِيَهۡۜ

    Open ayah 69:28

    Ang aking yaman ay hindi nakapagdulot ng buti sa akin.

  29. هَلَكَ عَنِّي سُلۡطَٰنِيَهۡ

    Open ayah 69:29

    Nawala mula sa akin ang aking kapangyarihan.”

  30. خُذُوهُ فَغُلُّوهُ 

    Open ayah 69:30

    [Ang Allah ay magsasabi]: “Siya ay hatakin at siya ay gapusin [ng bakal sa kanyang leeg];

  31. ثُمَّ ٱلۡجَحِيمَ صَلُّوهُ

    Open ayah 69:31

    Pagkaraan, sa Impiyerno, siya ay ipagtulakan.

  32. ثُمَّ فِي سِلۡسِلَةٖ ذَرۡعُهَا سَبۡعُونَ ذِرَاعٗا فَٱسۡلُكُوهُ

    Open ayah 69:32

    Pagkaraan, sa tanikala na ang haba nito ay pitumpong dipa, siya ay tuhugin.”

  33. إِنَّهُۥ كَانَ لَا يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ ٱلۡعَظِيمِ

    Open ayah 69:33

    [Sapagka’t] katotohanan, siya ay lagi nang hindi naniniwala sa Allah, ang Dakila.

  34. وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ

    Open ayah 69:34

    At siya ay hindi nanghihikayat na magpakain ng mga dukha.

  35. فَلَيۡسَ لَهُ ٱلۡيَوۡمَ هَٰهُنَا حَمِيمٞ

    Open ayah 69:35

    Kaya, siya ay walang isa mang tapat na kaibigan na naririto ngayon sa Araw na ito.

  36. وَلَا طَعَامٌ إِلَّا مِنۡ غِسۡلِينٖ

    Open ayah 69:36

    At walang pagkain maliban mula sa katas ng [mga nagnanaknak na] sugat;

  37. لَّا يَأۡكُلُهُۥٓ إِلَّا ٱلۡخَٰطِـُٔونَ

    Open ayah 69:37

    Walang kumakain nito maliban sa mga makasalanan.

  38. فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَا تُبۡصِرُونَ

    Open ayah 69:38

    Kaya, Ako ay sumusumpa sa anumang inyong nakikita,

  39. وَمَا لَا تُبۡصِرُونَ

    Open ayah 69:39

    At sa anumang hindi ninyo nakikita,

  40. إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ 

    Open ayah 69:40

    Katotohanan, ito [ang Qur’an] ay salita ng isang marangal na sugo [mula sa Allah].

  41. وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَاعِرٖۚ قَلِيلٗا مَّا تُؤۡمِنُونَ

    Open ayah 69:41

    At ito ay hindi salita ng isang manunula; [sadyang] napakaliit ng inyong paniniwala.

  42. وَلَا بِقَوۡلِ كَاهِنٖۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ

    Open ayah 69:42

    At [ito ay] hindi salita ng isang manghuhula: [sadyang] napakaliit ng inyong pag-alaala.

  43. تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 69:43

    [Ito ay] isang kapahayagan mula sa Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

  44. وَلَوۡ تَقَوَّلَ عَلَيۡنَا بَعۡضَ ٱلۡأَقَاوِيلِ

    Open ayah 69:44

    At kung [mangyari ngang] siya [si Muhammad] ay kumatha hinggil sa Amin ng ibang [mga huwad] na salita.

  45. لَأَخَذۡنَا مِنۡهُ بِٱلۡيَمِينِ

    Open ayah 69:45

    Siya ay Aming hahatakin sa [Aming] kanang kamay;

  46. ثُمَّ لَقَطَعۡنَا مِنۡهُ ٱلۡوَتِينَ

    Open ayah 69:46

    Pagkaraan, Aming lalagutin ang kanyang ugat [na siyang dinadaluyan ng kanyang buhay].

  47. فَمَا مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ عَنۡهُ حَٰجِزِينَ

    Open ayah 69:47

    At walang sinuman sa inyo ang makapipigil [sa Amin] para sa kanya.

  48. وَإِنَّهُۥ لَتَذۡكِرَةٞ لِّلۡمُتَّقِينَ

    Open ayah 69:48

    At katotohanan, ito [ang Qur’an] ay isang paalaala para sa mga natatakot [sa Allah].

  49. وَإِنَّا لَنَعۡلَمُ أَنَّ مِنكُم مُّكَذِّبِينَ

    Open ayah 69:49

    At katotohanan, Aming nababatid na [ang ibang] kabilang sa inyo ay mga nagtatakwil.

  50. وَإِنَّهُۥ لَحَسۡرَةٌ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ 

    Open ayah 69:50

    At katotohanan, ito ay magsisilbing [isang] siphayo para sa mga di- naniniwala.

  51. وَإِنَّهُۥ لَحَقُّ ٱلۡيَقِينِ

    Open ayah 69:51

    At katotohanan, ito [ang Qur'an] ay katotohanang kalakip ng katiyakan.

  52. فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ

    Open ayah 69:52

    Kaya, luwalhatiin mo ang Ngalan ng iyong Panginoon, ang Dakila.