المعارج
Al-Ma'aarij
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
سَأَلَ سَآئِلُۢ بِعَذَابٖ وَاقِعٖ
Open ayah 70:1Ang isang nagtatanong ay humiling para sa isang parusang nakatakdang maganap.
لِّلۡكَٰفِرِينَ لَيۡسَ لَهُۥ دَافِعٞ
Open ayah 70:2Sa mga di-naniniwala, walang makapipigil nito.
مِّنَ ٱللَّهِ ذِي ٱلۡمَعَارِجِ
Open ayah 70:3[Ito ay] mula sa Allah, ang nagmamay-ari ng mga landasing paakyat [sa kalangitan].
تَعۡرُجُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥ خَمۡسِينَ أَلۡفَ سَنَةٖ
Open ayah 70:4Ang mga anghel at ang Espiritu [ang Anghel Gabriel] ay umaakyat sa Kanya, sa loob ng isang araw na ang tagal [nito] ay [abot sa] limampung libong mga taon.
فَٱصۡبِرۡ صَبۡرٗا جَمِيلًا
Open ayah 70:5Kaya, maging matiisin nang may mabuting pagtitiis.
إِنَّهُمۡ يَرَوۡنَهُۥ بَعِيدٗا
Open ayah 70:6Katotohanan, ito ay kanilang nakikita na malayo,
وَنَرَىٰهُ قَرِيبٗا
Open ayah 70:7Subali’t, ito ay Aming nakikita na malapit.
يَوۡمَ تَكُونُ ٱلسَّمَآءُ كَٱلۡمُهۡلِ
Open ayah 70:8Sa Araw [na iyon] ang langit ay tulad ng [kumukulong] latak ng langis [o ng nalulusaw na tanso].
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ
Open ayah 70:9At ang mga bundok ay magiging tila [himulmol ng] lana [na naglilipana].
وَلَا يَسۡـَٔلُ حَمِيمٌ حَمِيمٗا
Open ayah 70:10At walang kaibigan ang maaaring magtanong [ng anupaman] sa isang kaibigan.
يُبَصَّرُونَهُمۡۚ يَوَدُّ ٱلۡمُجۡرِمُ لَوۡ يَفۡتَدِي مِنۡ عَذَابِ يَوۡمِئِذِۭ بِبَنِيهِ
Open ayah 70:11Sila ay ipakikita sa isa’t isa. Ang isang mapaggawa ng kabuktutan ay magnanais na siya ay tubusin mula sa parusa ng Araw na iyon ng kanyang mga anak.
وَصَٰحِبَتِهِۦ وَأَخِيهِ
Open ayah 70:12At ng kanyang asawa at ng kanyang kapatid na lalaki.
وَفَصِيلَتِهِ ٱلَّتِي تُـٔۡوِيهِ
Open ayah 70:13At ng kanyang malalapit na kamag-anak na nag-aruga sa kanya.
وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا ثُمَّ يُنجِيهِ
Open ayah 70:14At ng sinumang nasa lupa, [upang] ito ay makapagligtas sa kanya.
كَلَّآۖ إِنَّهَا لَظَىٰ
Open ayah 70:15Nguni't, [hindi makatutubos sa kanya ang sinuman]. Katotohanan, ito ang lagablab [ng Impiyerno].
نَزَّاعَةٗ لِّلشَّوَىٰ
Open ayah 70:16Tinatalupan [nito] ang balat [ng anit o balat ng katawan].
تَدۡعُواْ مَنۡ أَدۡبَرَ وَتَوَلَّىٰ
Open ayah 70:17Ito ay nananawagan sa sinumang ibinaling [ang likod sa katotohanan] at tumalikod [mula sa pagsunod],
وَجَمَعَ فَأَوۡعَىٰٓ
Open ayah 70:18At naglikom [ng yaman] at itinago.
۞إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ خُلِقَ هَلُوعًا
Open ayah 70:19Katotohanan, ang tao ay nilikhang balisa [gahol at walang kasiyahan].
إِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ جَزُوعٗا
Open ayah 70:20Kapag ang kasamaan ay sumaling sa kanya, [siya ay] kapos sa pagtitiis.
وَإِذَا مَسَّهُ ٱلۡخَيۡرُ مَنُوعًا
Open ayah 70:21At kapag ang kabutihan ay dumating sa kanya, [siya ay lubhang] sakim.
إِلَّا ٱلۡمُصَلِّينَ
Open ayah 70:22Maliban sa mga [taimtim na] nagdarasal -
ٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ دَآئِمُونَ
Open ayah 70:23Yaong mga matitiyaga sa kanilang pagdarasal;
وَٱلَّذِينَ فِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ مَّعۡلُومٞ
Open ayah 70:24At yaong sa [kanilang] yaman ay may [pagkilala sa] karapatan,
لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
Open ayah 70:25[Nauukol] para sa mga namamalimos, at mga kapus-palad.
وَٱلَّذِينَ يُصَدِّقُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
Open ayah 70:26At yaong mga naniniwala sa Araw ng Pagbabayad.
وَٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ عَذَابِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ
Open ayah 70:27At yaong mga natatakot sa parusa ng kanilang Panginoon.
إِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمۡ غَيۡرُ مَأۡمُونٖ
Open ayah 70:28Katotohanan, ang parusa ng kanilang Panginoon ay isang [parusa] na walang sinuman ang makaliligtas –
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ
Open ayah 70:29At yaong mga nangangalaga sa kanilang dangal [o maselang bahagi ng katawan].
إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ
Open ayah 70:30Maliban sa kanilang mga asawa o sa mga [aliping] taglay ng kanilang kanang kamay, katiyakan, sila ay hindi pananagutin [o susumbatan].
فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ
Open ayah 70:31Nguni’t, sinuman ang magnasa nang higit sa hangganang iyan, magkagayon, sila yaong mga mapanlabag.
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ
Open ayah 70:32At yaong mga maiingat sa kanilang mga kasunduan at mga pangako.
وَٱلَّذِينَ هُم بِشَهَٰدَٰتِهِمۡ قَآئِمُونَ
Open ayah 70:33At yaong mga naninindigan sa kanilang mga panunumpa,
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ
Open ayah 70:34At yaong mga [maiingat na] nangangalaga sa kanilang mga pagdarasal.
أُوْلَٰٓئِكَ فِي جَنَّٰتٖ مُّكۡرَمُونَ
Open ayah 70:35Sila yaong mga nasa mga hardin, pinarangalan,
فَمَالِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ قِبَلَكَ مُهۡطِعِينَ
Open ayah 70:36Kaya, ano ba ang [nangyari sa] mga di-naniniwala [at sila ay] nagmamadali mula sa iyong harapan [O Muhammad].
عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ عِزِينَ
Open ayah 70:37[Nangakaupo] mula sa [iyong] kanan at mula sa [iyong] kaliwa nang magkakahiwalay [na pangkat]?
أَيَطۡمَعُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُدۡخَلَ جَنَّةَ نَعِيمٖ
Open ayah 70:38Ang bawa’t tao bang kabilang sa kanila ay umaasam na makapapasok sa hardin ng kaligayahan?
كَلَّآۖ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّمَّا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 70:39Hindi nga gayon! Katotohanan, sila ay Aming nilikha mula sa anumang kanilang nalalaman.
فَلَآ أُقۡسِمُ بِرَبِّ ٱلۡمَشَٰرِقِ وَٱلۡمَغَٰرِبِ إِنَّا لَقَٰدِرُونَ
Open ayah 70:40Kaya, Ako ay sumusumpa [bilang] Panginoon ng mga silangan at mga kanluran, katotohanang Kami ay may Ganap na Kakayahan,
عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ خَيۡرٗا مِّنۡهُمۡ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ
Open ayah 70:41Upang sila ay palitan nang [ibang nilikhang] nakahihigit kaysa sa kanila at Kami ay hindi [nila] magagawang maunahan [madaig o mahigitan].
فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Open ayah 70:42Kaya, hayaan silang mag-usap nang walang kabuluhan at maglibang [ng kanilang mga sarili] hanggang sila ay humarap sa kanilang Araw na ipinangako sa kanila -
يَوۡمَ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ سِرَاعٗا كَأَنَّهُمۡ إِلَىٰ نُصُبٖ يُوفِضُونَ
Open ayah 70:43Sa Araw na [iyon] sila ay magsisilabas nang mabilisan mula sa kanilang mga libingan na tila ba nagmamadali patungo sa itinayong idolo.
خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۚ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ
Open ayah 70:44Ang kanilang mga mata ay nangakayupapa [nakatungo’ sa ibaba at], ang kahihiyan ay [kanilang mararamdamang] bumabalot sa kanila. Iyan ang Araw na sa kanila ay ipinangako.