نوح

Nooh

Noah · Surah 71 · Ayahs: 28 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦٓ أَنۡ أَنذِرۡ قَوۡمَكَ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

    Open ayah 71:1

    Katotohanan, Aming isinugo si Noah sa kanyang mga mamamayan [dala ang kautusang]: “Paalalahanan mo ang iyong mga mamamayan bago dumating sa kanila ang isang mahapding parusa.”

  2. قَالَ يَٰقَوۡمِ إِنِّي لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٌ

    Open ayah 71:2

    Siya [si Noah] ay nagsabi: “O, aking mga mamamayan, katotohanan, ako ay isang malinaw na tagapagbabala para sa inyo,

  3. أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُ وَأَطِيعُونِ

    Open ayah 71:3

    [Nagpapaalalang] inyong sambahin ang Allah, at matakot kayo sa Kanya, at sumunod sa akin,

  4. يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُؤَخِّرۡكُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمًّىۚ إِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ إِذَا جَآءَ لَا يُؤَخَّرُۚ لَوۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

    Open ayah 71:4

    Siya ay magpapatawad para sa inyo ng inyong mga kasalanan at bibigyan kayo ng palugit para sa itinakdang panahon. Katotohanan, ang oras [na itinakda] ng Allah, kapag ito ay dumating, ay hindi mapagpapaliban, kung ito ay inyong batid lamang.”

  5. قَالَ رَبِّ إِنِّي دَعَوۡتُ قَوۡمِي لَيۡلٗا وَنَهَارٗا

    Open ayah 71:5

    Siya [si Noah] ay nagsabi: “Aking Panginoon, katotohanan, ako ay nanawagan sa aking mga mamamayan, sa gabi at araw.

  6. فَلَمۡ يَزِدۡهُمۡ دُعَآءِيٓ إِلَّا فِرَارٗا

    Open ayah 71:6

    Nguni’t ang aking panawagan ay hindi nakaragdag sa kanila maliban sa [patuloy na] paglayo [mula sa katotohanan].

  7. وَإِنِّي كُلَّمَا دَعَوۡتُهُمۡ لِتَغۡفِرَ لَهُمۡ جَعَلُوٓاْ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَٱسۡتَغۡشَوۡاْ ثِيَابَهُمۡ وَأَصَرُّواْ وَٱسۡتَكۡبَرُواْ ٱسۡتِكۡبَارٗا

    Open ayah 71:7

    At katotohanan, sa tuwing sila ay aking inaanyayahan upang sila ay Iyong patawarin, ang kanilang mga daliri ay pilit na idiniriin sa kanilang mga tainga, at kanilang ibinabalot ang kanilang mga sarili ng mga kasuutan, at sila ay patuloy [sa pagtutol], at sila ay mapagmalaki nang [labis na] pagmamalaki.

  8. ثُمَّ إِنِّي دَعَوۡتُهُمۡ جِهَارٗا

    Open ayah 71:8

    Pagkaraan, ako ay nanawagan sa kanila nang hayagan.

  9. ثُمَّ إِنِّيٓ أَعۡلَنتُ لَهُمۡ وَأَسۡرَرۡتُ لَهُمۡ إِسۡرَارٗا

    Open ayah 71:9

    Pagkaraan, ako ay nagbigay-alam sa kanila, at ako ay nag-anyaya sa kanila nang palihim.

  10. فَقُلۡتُ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ إِنَّهُۥ كَانَ غَفَّارٗا 

    Open ayah 71:10

    Kaya, aking sinabi sa kanila: “Humingi kayo ng kapatawaran sa inyong Panginoon, sapagka’t, tunay na Siya ay Lagi nang Mapagpatawad;

  11. يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارٗا

    Open ayah 71:11

    [At] Siya ay magpapadala sa inyo [ng ulan mula] sa kalangitan nang may [tuluy-tuloy na] pag-ambon,

  12. وَيُمۡدِدۡكُم بِأَمۡوَٰلٖ وَبَنِينَ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ جَنَّٰتٖ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ أَنۡهَٰرٗا

    Open ayah 71:12

    At kayo ay bibigyan ng karagdagan sa yaman at mga anak, at ipagkakaloob para sa inyo ang mga hardin at ipagkakaloob para sa inyo ang mga ilog.

  13. مَّا لَكُمۡ لَا تَرۡجُونَ لِلَّهِ وَقَارٗا

    Open ayah 71:13

    Ano ba ang [nangyayari] sa inyo, na hindi kayo kumikilala sa Allah [ng kaukulang] pitagan.

  14. وَقَدۡ خَلَقَكُمۡ أَطۡوَارًا

    Open ayah 71:14

    Samantalang, kayo ay Kanyang nilikha sa magkakaibang kalagayan.

  15. أَلَمۡ تَرَوۡاْ كَيۡفَ خَلَقَ ٱللَّهُ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ طِبَاقٗا

    Open ayah 71:15

    Hindi ba ninyo nakikita kung paano nilikha ng Allah ang mga pitong kalangitan na magkakasuson?

  16. وَجَعَلَ ٱلۡقَمَرَ فِيهِنَّ نُورٗا وَجَعَلَ ٱلشَّمۡسَ سِرَاجٗا

    Open ayah 71:16

    At ginawa roon ang buwan bilang liwanag, at ginawa ang araw bilang isang [nagliliyab na] lampara?

  17. وَٱللَّهُ أَنۢبَتَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ نَبَاتٗا

    Open ayah 71:17

    At pinangyari ng Allah na kayo ay lumaki sa lupa, nang [unti-unting] paglaki.

  18. ثُمَّ يُعِيدُكُمۡ فِيهَا وَيُخۡرِجُكُمۡ إِخۡرَاجٗا

    Open ayah 71:18

    Pagkaraan, kayo ay Kanyang ibabalik [sa lupang ito], at kayo ay hahanguin [sa isang panibagong] paghango.

  19. وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ بِسَاطٗا

    Open ayah 71:19

    At ginawa ng Allah para sa inyo ang lupa nang malawak [malalapad].

  20. لِّتَسۡلُكُواْ مِنۡهَا سُبُلٗا فِجَاجٗا 

    Open ayah 71:20

    Upang inyong tawirin doon ang mga daraanang lagusan.”

  21. قَالَ نُوحٞ رَّبِّ إِنَّهُمۡ عَصَوۡنِي وَٱتَّبَعُواْ مَن لَّمۡ يَزِدۡهُ مَالُهُۥ وَوَلَدُهُۥٓ إِلَّا خَسَارٗا

    Open ayah 71:21

    Si Noah ay nagsabi: “Aking Panginoon, katotohanan ako ay kanilang sinuway, at kanilang sinunod ang isa [sa kanila], na ang yaman at mga anak ay hindi makararagdag sa kanya kundi ng kawalan.

  22. وَمَكَرُواْ مَكۡرٗا كُبَّارٗا

    Open ayah 71:22

    At sila ay nagsabwatan ng isang matinding sabwatan.

  23. وَقَالُواْ لَا تَذَرُنَّ ءَالِهَتَكُمۡ وَلَا تَذَرُنَّ وَدّٗا وَلَا سُوَاعٗا وَلَا يَغُوثَ وَيَعُوقَ وَنَسۡرٗا

    Open ayah 71:23

    At sila ay nagsabi [sa isa’t isa]: “Huwag ninyong talikdan ang inyong mga diyos; at huwag ninyong talikdan kailanman si Wadd o si Suwa, si Yaghut o di-kaya ay sina Yauq at Nasr.

  24. وَقَدۡ أَضَلُّواْ كَثِيرٗاۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا ضَلَٰلٗا

    Open ayah 71:24

    At katiyakang kanilang nailigaw ang karamihan. At [aking Panginoon]: “Huwag Mo pong dagdagan ang mga mapaggawa ng kamalian, maliban sa pagkaligaw.”

  25. مِّمَّا خَطِيٓـَٰٔتِهِمۡ أُغۡرِقُواْ فَأُدۡخِلُواْ نَارٗا فَلَمۡ يَجِدُواْ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَنصَارٗا

    Open ayah 71:25

    Sanhi ng kanilang mga kasalanan, sila ay nangalunod [sa baha], at isinadlak sa Apoy. At sila ay walang matatagpuan bukod sa Allah ng [sinumang] mga makatutulong.

  26. وَقَالَ نُوحٞ رَّبِّ لَا تَذَرۡ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ دَيَّارًا

    Open ayah 71:26

    At si Noah ay nagsabi: “Aking Panginoon, huwag Kang mag-iwan ng isang maninirahan sa balat ng lupa na nabibilang mula sa mga di naniniwala.

  27. إِنَّكَ إِن تَذَرۡهُمۡ يُضِلُّواْ عِبَادَكَ وَلَا يَلِدُوٓاْ إِلَّا فَاجِرٗا كَفَّارٗا

    Open ayah 71:27

    Katotohanan, kung sila man ay Iyong iwanan, kanilang ililigaw ang Iyong mga alipin at sila ay hindi magkakaanak maliban sa isang makasalanan at di-naniniwala.

  28. رَّبِّ ٱغۡفِرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيَّ وَلِمَن دَخَلَ بَيۡتِيَ مُؤۡمِنٗا وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا تَبَارَۢا

    Open ayah 71:28

    Aking Paginoon, patawarin Mo po ako at ang aking mga magulang at ang sinumang pumasok sa aking tahanan bilang isang naniniwala, at ang mga naniniwalang lalaki at ang mga naniniwalang babae. At huwag Mo pong dagdagan ang mga mapaggawa ng kamalian maliban sa kapariwaraan.”