الجن

Al-Jinn

The Jinn · Surah 72 · Ayahs: 28 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. قُلۡ أُوحِيَ إِلَيَّ أَنَّهُ ٱسۡتَمَعَ نَفَرٞ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَقَالُوٓاْ إِنَّا سَمِعۡنَا قُرۡءَانًا عَجَبٗا

    Open ayah 72:1

    Sabihin [O Muhammad]: “Ipinahayag sa akin na ang isang pangkat mula sa mga Jinn ay nakinig, pagkaraan sila ay nagsabing: “Katotohanan, kami ay nakarinig ng isang kahanga-hangang pagbigkas [ng Qur’an].

  2. يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلرُّشۡدِ فَـَٔامَنَّا بِهِۦۖ وَلَن نُّشۡرِكَ بِرَبِّنَآ أَحَدٗا

    Open ayah 72:2

    Ito ay nagpapatnubay [tungo] sa matuwid, kaya kami ay naniwala rito at kailanman kami ay hindi magtatambal sa Aming Panginoon nang isa man [o ng anupaman].

  3. وَأَنَّهُۥ تَعَٰلَىٰ جَدُّ رَبِّنَا مَا ٱتَّخَذَ صَٰحِبَةٗ وَلَا وَلَدٗا

    Open ayah 72:3

    At [ito ay nagtuturo rin] na ang Kataasan [sa Kadakilaan] ay Siyang [sagisag ng] Jadd [Kapangyarihan] ng aming Panginoon; Siya ay hindi nagkaroon ng asawa at hindi nagkaroon ng anak [na lalaki].

  4. وَأَنَّهُۥ كَانَ يَقُولُ سَفِيهُنَا عَلَى ٱللَّهِ شَطَطٗا

    Open ayah 72:4

    At katotohanan, ang isang hangal sa amin [si Iblis] ay nagsasabi laban sa Allah ng isang kalapastanganan [tulad ng pagsuway, paghihimagsik at paglabag sa Kanyang hangganan].

  5. وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن تَقُولَ ٱلۡإِنسُ وَٱلۡجِنُّ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا

    Open ayah 72:5

    At katotohanan, aming inakala na ang tao at jinn ay hindi kailanman makapagsasabi laban sa Allah ng isang [mabigat na] kasinungalingan.

  6. وَأَنَّهُۥ كَانَ رِجَالٞ مِّنَ ٱلۡإِنسِ يَعُوذُونَ بِرِجَالٖ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَزَادُوهُمۡ رَهَقٗا

    Open ayah 72:6

    At katotohanan, may mga lalaki mula sa sangkatauhan ang humingi ng paglingap sa mga lalaking nagmula sa mga jinn, nguni’t sila ay kanilang dinagdagan [lamang] ng pasanin [o ng kasalanan].

  7. وَأَنَّهُمۡ ظَنُّواْ كَمَا ظَنَنتُمۡ أَن لَّن يَبۡعَثَ ٱللَّهُ أَحَدٗا

    Open ayah 72:7

    At katotohanan, sila ay nag-akala tulad ng inyong pag-akala na ang Allah ay hindi Niya kailanman bubuhaying muli ang sinuman [sa Araw ng Paghuhukom].

  8. وَأَنَّا لَمَسۡنَا ٱلسَّمَآءَ فَوَجَدۡنَٰهَا مُلِئَتۡ حَرَسٗا شَدِيدٗا وَشُهُبٗا

    Open ayah 72:8

    At katotohanan, aming tinangka [na abutin] ang kalangitan nguni’t ito ay aming natagpuang napaliligiran ng mga mababagsik na tagapagbantay at ng nagliliyab na apoy.

  9. وَأَنَّا كُنَّا نَقۡعُدُ مِنۡهَا مَقَٰعِدَ لِلسَّمۡعِۖ فَمَن يَسۡتَمِعِ ٱلۡأٓنَ يَجِدۡ لَهُۥ شِهَابٗا رَّصَدٗا

    Open ayah 72:9

    At katotohanan, kami [noon] ay lagi nang nangakaupo roon na handa para sa pakikinig nguni’t sinumang makikinig ngayon ay makakikita ng isang nagliliyab na apoy na naghihintay sa kanya [upang tugisin].

  10. وَأَنَّا لَا نَدۡرِيٓ أَشَرٌّ أُرِيدَ بِمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ أَرَادَ بِهِمۡ رَبُّهُمۡ رَشَدٗا 

    Open ayah 72:10

    At katotohanan, hindi namin nauunawaan kung kasamaan ang nilalayon nito para sa mga nasa mundo [kalupaan] o ang kanilang Panginoon ay naglalayon para sa kanila ng isang matuwid na landasin.

  11. وَأَنَّا مِنَّا ٱلصَّٰلِحُونَ وَمِنَّا دُونَ ذَٰلِكَۖ كُنَّا طَرَآئِقَ قِدَدٗا

    Open ayah 72:11

    At katotohanan, kabilang sa amin ay mga matutuwid at kabilang din sa amin ay naiiba [taliwas ang asal]; kami ay hiwa-hiwalay ng landas [o pamamaraan ng buhay].

  12. وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن نُّعۡجِزَ ٱللَّهَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَن نُّعۡجِزَهُۥ هَرَبٗا

    Open ayah 72:12

    At katotohanan, kami ay nakatitiyak na hindi namin kailanman magagawang takasan ang Allah sa mundong ito, at hindi [rin] namin Siya matatakasan sa [pamamagitan ng] paglipad.

  13. وَأَنَّا لَمَّا سَمِعۡنَا ٱلۡهُدَىٰٓ ءَامَنَّا بِهِۦۖ فَمَن يُؤۡمِنۢ بِرَبِّهِۦ فَلَا يَخَافُ بَخۡسٗا وَلَا رَهَقٗا

    Open ayah 72:13

    At katotohanan, nang aming narinig ang patnubay, kami ay naniwala rito, at sinuman ang maniniwala sa kanyang Panginoon ay hindi mangangamba ng kawalan at ng kaapihan.

  14. وَأَنَّا مِنَّا ٱلۡمُسۡلِمُونَ وَمِنَّا ٱلۡقَٰسِطُونَۖ فَمَنۡ أَسۡلَمَ فَأُوْلَٰٓئِكَ تَحَرَّوۡاْ رَشَدٗا

    Open ayah 72:14

    ‘At katotohanan, kabilang sa amin ay mga Muslim [na tumatalima sa Allah]. At kabilang din sa amin ay ang mga di-makatarungan. At sinuman ang tumalima – sila yaong mga nakatagpo sa matuwid na landas.”

  15. وَأَمَّا ٱلۡقَٰسِطُونَ فَكَانُواْ لِجَهَنَّمَ حَطَبٗا

    Open ayah 72:15

    At para sa mga di-makatarungan, sila ay panggatong sa Impiyerno.

  16. وَأَلَّوِ ٱسۡتَقَٰمُواْ عَلَى ٱلطَّرِيقَةِ لَأَسۡقَيۡنَٰهُم مَّآءً غَدَقٗا

    Open ayah 72:16

    At [ipinahayag ng Allah]: na kung sila ay manatili sa matwid na landas [ng Islam], katiyakan, sila ay Aming pagkakalooban ng masaganang ulan [bilang panustos].

  17. لِّنَفۡتِنَهُمۡ فِيهِۚ وَمَن يُعۡرِضۡ عَن ذِكۡرِ رَبِّهِۦ يَسۡلُكۡهُ عَذَابٗا صَعَدٗا

    Open ayah 72:17

    Upang sila ay Aming subukan mula roon. At sinuman ang lumalayo mula sa pag-aalaala sa kanyang Panginoon, [siya ay] Kanyang ilalagay sa isang napakabigat na parusa.

  18. وَأَنَّ ٱلۡمَسَٰجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدۡعُواْ مَعَ ٱللَّهِ أَحَدٗا

    Open ayah 72:18

    At katotohanan, [Kanyang ipinahayag o ipinag-utos] na ang mga masjid [pook ng pagsamba] ay tanging para sa Allah lamang. Kaya, huwag kayong dumalangin sa sinuman bilang kasama ng Allah.

  19. وَأَنَّهُۥ لَمَّا قَامَ عَبۡدُ ٱللَّهِ يَدۡعُوهُ كَادُواْ يَكُونُونَ عَلَيۡهِ لِبَدٗا

    Open ayah 72:19

    At katotohanan, nang ang alipin ng Allah [si Muhammad] ay tumindig at nanalangin sa Kanya, sila [mga jiin] ay halos nagsiksikan [nagkadikit-dikit] sa kanya.

  20. قُلۡ إِنَّمَآ أَدۡعُواْ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِهِۦٓ أَحَدٗا 

    Open ayah 72:20

    Sabihin [O Muhammad] “Ako ay dumadalangin lamang sa aking Panginoon at ako ay hindi nagtatambal sa Kanyang nang isa man.”

  21. قُلۡ إِنِّي لَآ أَمۡلِكُ لَكُمۡ ضَرّٗا وَلَا رَشَدٗا

    Open ayah 72:21

    Sabihin: “Katotohanan, wala akong taglay na kapangyarihan para kayo ay pinsalain o ituwid ng landas.”

  22. قُلۡ إِنِّي لَن يُجِيرَنِي مِنَ ٱللَّهِ أَحَدٞ وَلَنۡ أَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدًا

    Open ayah 72:22

    Sabihin: “Katotohanan, walang sinuman ang makapangangalaga sa akin mula sa [parusa ng] Allah [kung ako ay sumuway] o di kaya ako ay makatatagpo bukod sa Kanya, ng kaligtasan [o kanlungan].

  23. إِلَّا بَلَٰغٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِسَٰلَٰتِهِۦۚ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَإِنَّ لَهُۥ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًا

    Open ayah 72:23

    Nguni’t [ang aking tungkulin para sa inyo ay] paglilinaw mula sa Allah at sa Kanyang mga mensahe.” At sinuman ang sumuway sa Allah at sa Kanyang Sugo, magkagayon, katotohanan, para sa kanya ay Apoy ng Impiyerno at siya ay mamamalagi roon nang walang hanggan.”

  24. حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوۡاْ مَا يُوعَدُونَ فَسَيَعۡلَمُونَ مَنۡ أَضۡعَفُ نَاصِرٗا وَأَقَلُّ عَدَدٗا

    Open ayah 72:24

    [Ang mga di-naniniwala ay magpapatuloy] hanggang kapag kanilang makita ang anumang ipinangako sa kanila, magkagayon, kanilang mapag- aalaman kung sino ang higit na mahina sa mga tagapagtangkilik at [sino ang] kakaunti sa bilang.

  25. قُلۡ إِنۡ أَدۡرِيٓ أَقَرِيبٞ مَّا تُوعَدُونَ أَمۡ يَجۡعَلُ لَهُۥ رَبِّيٓ أَمَدًا

    Open ayah 72:25

    Sabihin: “Hindi ko nalalaman kung ang ipinangako sa inyo ay nalalapit na o kung ang aking Panginoon ay maggagawad para rito ng isang [mahabang] panahon.

  26. عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ فَلَا يُظۡهِرُ عَلَىٰ غَيۡبِهِۦٓ أَحَدًا

    Open ayah 72:26

    Siya ang nakaaalam ng Ghaib [mga di-nakikitang bahagi] at hindi Niya ipinahahayag ang Kanyang [kaalaman ng] Ghaib kaninuman.

  27. إِلَّا مَنِ ٱرۡتَضَىٰ مِن رَّسُولٖ فَإِنَّهُۥ يَسۡلُكُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦ رَصَدٗا

    Open ayah 72:27

    Maliban sa Kanyang pinili mula sa mga sugo. At katotohanan, Siya ay nagpapadala sa harap nito [ng bawat sugo] at sa likuran nito, ng mga [anghel na] tagapagmasid [upang mangalaga sa kanila at sa mensahe nito].

  28. لِّيَعۡلَمَ أَن قَدۡ أَبۡلَغُواْ رِسَٰلَٰتِ رَبِّهِمۡ وَأَحَاطَ بِمَا لَدَيۡهِمۡ وَأَحۡصَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ عَدَدَۢا

    Open ayah 72:28

    Upang mapag-alaman niya [ni Propeta Muhammad] na ang mga [naunang sugo] ay kanilang naiparating [o naihatid] ang mensahe ng kanilang Panginoon. At Kanyang nasasaklawan ang alinmang nasa kanila at Kanyang pinanatiling nasa [wastong] bilang ang bawa’t bagay.