المزمل

Al-Muzzammil

The Enshrouded One · Surah 73 · Ayahs: 20 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُزَّمِّلُ

    Open ayah 73:1

    O Ikaw [Muhammad] na nababalutan [ang sarili] ng kasuutan,

  2. قُمِ ٱلَّيۡلَ إِلَّا قَلِيلٗا

    Open ayah 73:2

    [Ikaw ay] bumangon [upang magdasal] sa gabi maliban sa kaunti-

  3. نِّصۡفَهُۥٓ أَوِ ٱنقُصۡ مِنۡهُ قَلِيلًا

    Open ayah 73:3

    [O kahit] kalahati nito - o magbawas mula rito nang kaunti.

  4. أَوۡ زِدۡ عَلَيۡهِ وَرَتِّلِ ٱلۡقُرۡءَانَ تَرۡتِيلًا

    Open ayah 73:4

    O [kaya ay] magdagdag dito, at bigkasin mo ang Qur’an nang marahan [o maingat na] pagbigkas.

  5. إِنَّا سَنُلۡقِي عَلَيۡكَ قَوۡلٗا ثَقِيلًا

    Open ayah 73:5

    Katotohanan, Aming ibababa sa iyo ang isang mabigat [o mahalagang] salita [na may kaakibat na tungkulin].

  6. إِنَّ نَاشِئَةَ ٱلَّيۡلِ هِيَ أَشَدُّ وَطۡـٔٗا وَأَقۡوَمُ قِيلًا

    Open ayah 73:6

    Katotohanan, ang pagbangon sa gabi ay lubhang mahirap nguni't mabisa para pag-ugnayin [ang puso at dila] at angkop [na oras] para sa mga salita.

  7. إِنَّ لَكَ فِي ٱلنَّهَارِ سَبۡحٗا طَوِيلٗا

    Open ayah 73:7

    Katotohanan, para sa iyo sa maghapon ay ang mahabang gawain [ukol sa karaniwang tungkulin].

  8. وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلۡ إِلَيۡهِ تَبۡتِيلٗا

    Open ayah 73:8

    At alalahanin ang Ngalan ng iyong Panginoon] at ialay sa Kanya ang iyong sarili nang buong taimtim.

  9. رَّبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱتَّخِذۡهُ وَكِيلٗا

    Open ayah 73:9

    [Siya] ang Panginoon ng silangan at ng kanluran. Wala ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. Kaya, Siya ay iyong ituring bilang Tagapangasiwa [ng iyong gawain].

  10. وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱهۡجُرۡهُمۡ هَجۡرٗا جَمِيلٗا 

    Open ayah 73:10

    At magtiis sa anumang kanilang sinasabi at sila ay iyong iwasan sa kaaya-ayang pag-iwas.

  11. وَذَرۡنِي وَٱلۡمُكَذِّبِينَ أُوْلِي ٱلنَّعۡمَةِ وَمَهِّلۡهُمۡ قَلِيلًا

    Open ayah 73:11

    At hayaan mong Ako [ang makitungo] sa mga nagtatakwil, sila na maalwan [sa buhay]. At sila ay bigyan mo ng [kaunting] palugit.

  12. إِنَّ لَدَيۡنَآ أَنكَالٗا وَجَحِيمٗا

    Open ayah 73:12

    Katotohanan, nasa Amin ang mga tanikalang panggapos [para sa kanila] at ang nagliliyab na Apoy [upang sila ay sunugin].

  13. وَطَعَامٗا ذَا غُصَّةٖ وَعَذَابًا أَلِيمٗا

    Open ayah 73:13

    At pagkaing nakasasamid at mahapding parusa.

  14. يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ وَكَانَتِ ٱلۡجِبَالُ كَثِيبٗا مَّهِيلًا

    Open ayah 73:14

    Sa Araw na ang lupa at ang mga bundok ay mayayanig [sa matinding pagyanig] at ang mga bundok ay magiging isang bunton ng buhangin na bumubuhos nang padausdos.

  15. إِنَّآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ رَسُولٗا شَٰهِدًا عَلَيۡكُمۡ كَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ رَسُولٗا

    Open ayah 73:15

    Katotohanan, Aming ipinadala para sa inyo ang isang Sugo bilang saksi para sa inyo tulad ng Aming pagpapadala ng Sugo [si Moises] kay Paraon.

  16. فَعَصَىٰ فِرۡعَوۡنُ ٱلرَّسُولَ فَأَخَذۡنَٰهُ أَخۡذٗا وَبِيلٗا

    Open ayah 73:16

    Nguni’t, sinuway ni Paraon ang Sugo, kaya siya [si Paraon] ay Aming pinatawan ng isang kasakit-sakit na parusa.

  17. فَكَيۡفَ تَتَّقُونَ إِن كَفَرۡتُمۡ يَوۡمٗا يَجۡعَلُ ٱلۡوِلۡدَٰنَ شِيبًا

    Open ayah 73:17

    Kaya paano ninyo magagawang matakot, kung kayo ay di-naniniwala, sa Araw na [iyon] na ang mga bata ay gagawing maputi ang buhok?

  18. ٱلسَّمَآءُ مُنفَطِرُۢ بِهِۦۚ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَفۡعُولًا

    Open ayah 73:18

    Ang kalangitan ay magkakabiyak-biyak mula rito. [Subali’t] ang Kanyang pangako ay lagi nang natutupad.

  19. إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلًا

    Open ayah 73:19

    Katotohanan, ito ay isang babala, kaya, sinumang maglayon, ay maaaring tumahak sa landas ng kanyang Panginoon.

  20. ۞إِنَّ رَبَّكَ يَعۡلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدۡنَىٰ مِن ثُلُثَيِ ٱلَّيۡلِ وَنِصۡفَهُۥ وَثُلُثَهُۥ وَطَآئِفَةٞ مِّنَ ٱلَّذِينَ مَعَكَۚ وَٱللَّهُ يُقَدِّرُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَۚ عَلِمَ أَن لَّن تُحۡصُوهُ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِۚ عَلِمَ أَن سَيَكُونُ مِنكُم مَّرۡضَىٰ وَءَاخَرُونَ يَضۡرِبُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَبۡتَغُونَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَءَاخَرُونَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنۡهُۚ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗاۚ وَمَا تُقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُم مِّنۡ خَيۡرٖ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٗا وَأَعۡظَمَ أَجۡرٗاۚ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمُۢ 

    Open ayah 73:20

    Katotohanan, nababatid ng iyong Panginoon na ikaw [O Muhammad] ay bumabangon [upang magdasal] ng halos dalawang-katlong 2/ bahagi [ng magdamag] o kalahating ½ [bahagi] nito o isang katlong-bahagi [/ ng gabi] at [gayun din] ang isang pangkat na iyong kasamahan. At ang Allah ay sumusukat ng [haba ng] gabi at ng araw. Kanyang nababatid na hindi ninyo makakayanang gawin ito [ang pagdarasal sa buong magdamag]. Kaya, kayo ay Kanyang ginawaran ng kapatawaran. Kaya, bigkasin ang anumang magaan [para sa inyo] sa Qur’an. Kanyang nababatid na ang ilan sa inyo ay may karamdaman, ang iba [naman] ay nasa [panahon ng] paglalakbay sa mga lupain, hinahanap ang biyaya ng Allah, at ang iba ay nakikipaglaban sa landas ng Allah. Kaya, bigkasin ninyo ang anumang magaan para sa inyo sa Qur’an, at magsagawa kayo ng pagdarasal at magbigay kayo ng Zakaah, at magpautang kayo sa Allah ng isang mabuting pautang. At anumang kabutihan ang inyong inilaan para sa inyong mga sarili, katiyakang ito ay inyong matatagpuan sa Allah. Ito ay higit na mabuti at nakahihigit sa gantimpala. At inyong hingin ang kapatawaran ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.