المدثر
Al-Muddaththir
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُدَّثِّرُ
Open ayah 74:1O Ikaw [Muhammad] na tinatakpan [ang sarili] ng kasuutan!
قُمۡ فَأَنذِرۡ
Open ayah 74:2[Ikaw ay] bumangon at magbigay ng babala.
وَرَبَّكَ فَكَبِّرۡ
Open ayah 74:3At ipagbunyi mo ang [papuri ng] iyong Panginoon.
وَثِيَابَكَ فَطَهِّرۡ
Open ayah 74:4At dalisayin mo ang iyong kasuutan!
وَٱلرُّجۡزَ فَٱهۡجُرۡ
Open ayah 74:5At iwasan mo ang [dungis o] karumihan.
وَلَا تَمۡنُن تَسۡتَكۡثِرُ
Open ayah 74:6At huwag kang magbigay ng kabutihang-loob upang tumanggap nang higit [para sa iyong sarili].
وَلِرَبِّكَ فَٱصۡبِرۡ
Open ayah 74:7At sa iyong Panginoon, ikaw ay [matutong] magtiis.
فَإِذَا نُقِرَ فِي ٱلنَّاقُورِ
Open ayah 74:8Kaya, kapag ang tambuli ay tumunog [at magbigay ng hudyat].
فَذَٰلِكَ يَوۡمَئِذٖ يَوۡمٌ عَسِيرٌ
Open ayah 74:9Kaya, iyan ang Araw na sadyang mahirap na araw.
عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ غَيۡرُ يَسِيرٖ
Open ayah 74:10Sa mga di-naniniwala – [ito ay] hindi magaan.
ذَرۡنِي وَمَنۡ خَلَقۡتُ وَحِيدٗا
Open ayah 74:11At hayaan mong Ako [ang makitungo] sa isang nilikha Kong nag-iisa.
وَجَعَلۡتُ لَهُۥ مَالٗا مَّمۡدُودٗا
Open ayah 74:12At sa kanya na Aking pinagkalooban ng malaking yaman.
وَبَنِينَ شُهُودٗا
Open ayah 74:13At ng mga anak na kanyang kapiling.
وَمَهَّدتُّ لَهُۥ تَمۡهِيدٗا
Open ayah 74:14At ikinalat [ang lahat ng biyaya] para sa kanya, [at] ginawang magaan [ang kanyang buhay].
ثُمَّ يَطۡمَعُ أَنۡ أَزِيدَ
Open ayah 74:15Pagkaraan, siya ay nagnanasa na dapat Kong dagdagan nang higit pa.
كَلَّآۖ إِنَّهُۥ كَانَ لِأٓيَٰتِنَا عَنِيدٗا
Open ayah 74:16Hindi! [mangyayari ang kanyang hinahangad]. Katotohanan, siya ay naging mapaniil [matigas ang loob] sa Aming mga ayaat [kapahayagan o babala].
سَأُرۡهِقُهُۥ صَعُودًا
Open ayah 74:17Siya ay Aking papatawan ng mabigat na parusa.
إِنَّهُۥ فَكَّرَ وَقَدَّرَ
Open ayah 74:18Katotohanan, siya ay nag-isip at nagbalak [upang manirang-puri].
فَقُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Open ayah 74:19Kaya, kasawian sa kanya, kung paano siya nagbalak!
ثُمَّ قُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Open ayah 74:20Pagkaraan, kasawian sa kanya, kung paano siya nagbalak!
ثُمَّ نَظَرَ
Open ayah 74:21Pagkaraan, siya ay muling tumingin [nagsaalang-alang].
ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ
Open ayah 74:22Pagkaraan, siya ay nagkunot-nuo at umirap;
ثُمَّ أَدۡبَرَ وَٱسۡتَكۡبَرَ
Open ayah 74:23Pagkaraan, siya ay bumaling [na patalikod], at nagmalaki.
فَقَالَ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ يُؤۡثَرُ
Open ayah 74:24Kaya, [siya ay] nagsabi: Ito ay isa lamang salamangka na ginaya [mula sa iba].
إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا قَوۡلُ ٱلۡبَشَرِ
Open ayah 74:25[At] ito ay isa lamang salita ng tao.”
سَأُصۡلِيهِ سَقَرَ
Open ayah 74:26Siya ay Aking itataboy sa saqar [Apoy ng Impiyerno].
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سَقَرُ
Open ayah 74:27At ano nga ba ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang saqar ?
لَا تُبۡقِي وَلَا تَذَرُ
Open ayah 74:28Wala itong kinaliligtaan at walang iniiwan [na hindi sinusunog o tinutupok]!
لَوَّاحَةٞ لِّلۡبَشَرِ
Open ayah 74:29Sinusunog [at pinaiitim] ang mga balat!
عَلَيۡهَا تِسۡعَةَ عَشَرَ
Open ayah 74:30Naroroon ay labing siyam [na mga anghel].
وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَٰٓئِكَةٗۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنٗا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ
Open ayah 74:31At wala Kaming ginawang mga tagapagbantay ng Apoy maliban sa mga anghel. At wala Kaming ginawa sa kanilang kabilangan maliban upang sila ay maging pagsubok para sa mga di-naniniwala - sa gayon, ang mga Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano] ay maniwala at upang maragdagan ang Eeman [pananampalataya] ng mga naniniwala at mapawi ang pag-aalinlangan niyaong mga pinagkalooban ng kasulatan at maging ang mga naniniwala. At yaong sa kanilang puso ay may sakit [ng pagkukunwari at pag-aalinlangan], at ang mga di-naniniwala ay magsabi: ”Ano ang nilalayon ng Allah sa ganitong paghahalintulad? Ganyan hinahayaan ng Allah na maligaw ang sinumang Kanyang nais at pinapatnubayan ang sinumang Kanyang nais. At walang sinuman ang nakababatid ng mga kawal ng iyong Panginoon maliban sa Kanya. At ito [Impiyerno] ay walang anupaman kundi isang babala para sa mga tao.
كَلَّا وَٱلۡقَمَرِ
Open ayah 74:32Hindi! At [Isinusumpa Ko] sa buwan.
وَٱلَّيۡلِ إِذۡ أَدۡبَرَ
Open ayah 74:33At sa gabi kapag ito ay maglalaho.
وَٱلصُّبۡحِ إِذَآ أَسۡفَرَ
Open ayah 74:34At sa umaga kapag ito ay magliliwanag.
إِنَّهَا لَإِحۡدَى ٱلۡكُبَرِ
Open ayah 74:35Katotohanan, ito [Impiyerno] ay isa sa mga malalaking [pagdurusa].
نَذِيرٗا لِّلۡبَشَرِ
Open ayah 74:36Nagsisilbing babala [o paalala] para sa mga tao –
لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَتَقَدَّمَ أَوۡ يَتَأَخَّرَ
Open ayah 74:37Sa sinumang kabilang sa inyo na magnais upang humayo [sa paggawa ng kabutihan] o nanatiling nasa likuran [magpatuloy sa gawaing masama].
كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ رَهِينَةٌ
Open ayah 74:38Bawa’t kaluluwa [tao] ay pananagutin sa anumang kanyang pinagsumikapan.
إِلَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡيَمِينِ
Open ayah 74:39Maliban sa mga kasamahan ng kanan.
فِي جَنَّٰتٖ يَتَسَآءَلُونَ
Open ayah 74:40[Na paroroon] sa mga hardin, nagtatanungan sa isa’t isa.
عَنِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 74:41Tungkol sa mga mapaggawa ng kabuktutan,
مَا سَلَكَكُمۡ فِي سَقَرَ
Open ayah 74:42[At sila ay tatanungin]: “Ano ang sanhi ng inyong pagpasok sa Impiyerno?”
قَالُواْ لَمۡ نَكُ مِنَ ٱلۡمُصَلِّينَ
Open ayah 74:43Sila ay magsasabi: “Kami ay hindi kabilang sa mga nagsipagdasal,
وَلَمۡ نَكُ نُطۡعِمُ ٱلۡمِسۡكِينَ
Open ayah 74:44At hindi namin nakagawiang magpakain sa mga dukha;
وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ ٱلۡخَآئِضِينَ
Open ayah 74:45At kami ay lagi nang nakikisali sa mga walang-kabuluhang usapan ng mga nagpapasimuno [nito].
وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
Open ayah 74:46At kami ay lagi nang nagtatakwil [hinggil] sa Araw ng Pagbabayad.
حَتَّىٰٓ أَتَىٰنَا ٱلۡيَقِينُ
Open ayah 74:47Hanggang sumapit sa amin ang katiyakan [ng kamatayan].”
فَمَا تَنفَعُهُمۡ شَفَٰعَةُ ٱلشَّٰفِعِينَ
Open ayah 74:48Kaya, walang tagapamagitan ang maaaring mamagitan sa kanila.
فَمَا لَهُمۡ عَنِ ٱلتَّذۡكِرَةِ مُعۡرِضِينَ
Open ayah 74:49Kaya, ano ang nangyayari sa kanila na sila ay lumalayo mula sa paalala?
كَأَنَّهُمۡ حُمُرٞ مُّسۡتَنفِرَةٞ
Open ayah 74:50Wari bang sila ay mga nangatatakot na asno.
فَرَّتۡ مِن قَسۡوَرَةِۭ
Open ayah 74:51Na tumatakas mula sa [bangis ng] leon.
بَلۡ يُرِيدُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُؤۡتَىٰ صُحُفٗا مُّنَشَّرَةٗ
Open ayah 74:52Nguni’t bawa’t taong kabilang sa kanila ay nagnanasa na siya ay pagkalooban ng mga kasulatang nakalatag nang hayagan.
كَلَّاۖ بَل لَّا يَخَافُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ
Open ayah 74:53Nguni’t, gayunpaman, hindi nila kinatakutan ang kabilang buhay.
كَلَّآ إِنَّهُۥ تَذۡكِرَةٞ
Open ayah 74:54Nguni’t, katotohanan, ito [ang Qur’an] ay isang babala [o paalala].
فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ
Open ayah 74:55Kaya, sinumang magnanais ay makaaalala rito [sa Qur’an].
وَمَا يَذۡكُرُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ هُوَ أَهۡلُ ٱلتَّقۡوَىٰ وَأَهۡلُ ٱلۡمَغۡفِرَةِ
Open ayah 74:56At sila ay hindi makaaalala maliban na pahintulutan ng Allah. Siya ang [tanging] nararapat katakutan at Sapat para [magkaloob] ng kapatawaran.