القيامة
Al-Qiyaama
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
لَآ أُقۡسِمُ بِيَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ
Open ayah 75:1Ako ay sumusumpa sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.
وَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلنَّفۡسِ ٱللَّوَّامَةِ
Open ayah 75:2At Ako ay sumusumpa sa kaluluwang mapanumbat [sinisisi ang sariling kapabayaan].
أَيَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَلَّن نَّجۡمَعَ عِظَامَهُۥ
Open ayah 75:3Inaakala ba ng taong [di-naniniwala] na hindi Namin mabubuong [muli] ang kanyang mga buto?
بَلَىٰ قَٰدِرِينَ عَلَىٰٓ أَن نُّسَوِّيَ بَنَانَهُۥ
Open ayah 75:4Oo, [Kami ay may] kakayahang ayusin [kahit] ang mga dulo ng kanyang mga daliri.
بَلۡ يُرِيدُ ٱلۡإِنسَٰنُ لِيَفۡجُرَ أَمَامَهُۥ
Open ayah 75:5Nguni’t, ang tao ay nagnanasang magpatuloy sa [paggawa ng mga] kasalanan.
يَسۡـَٔلُ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلۡقِيَٰمَةِ
Open ayah 75:6Siya ay nagtatanong: “Kailan nga ba ang [pagsapit ng] Araw ng Pagkabuhay na Muli?”
فَإِذَا بَرِقَ ٱلۡبَصَرُ
Open ayah 75:7Kaya kapag ang paningin ay [unti-unting] magdilim.
وَخَسَفَ ٱلۡقَمَرُ
Open ayah 75:8At ang buwan ay mangulimlim.
وَجُمِعَ ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ
Open ayah 75:9At ang araw at buwan ay magsama [sa isa’t isa].
يَقُولُ ٱلۡإِنسَٰنُ يَوۡمَئِذٍ أَيۡنَ ٱلۡمَفَرُّ
Open ayah 75:10Ang tao ay magsasabi sa Araw na iyon: “Nasaan ba ang [pook ng] pagtakas?”
كَلَّا لَا وَزَرَ
Open ayah 75:11Nguni’t wala [siyang ibang pook na] patutunguhan!
إِلَىٰ رَبِّكَ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡمُسۡتَقَرُّ
Open ayah 75:12[Maliban] sa iyong Panginoon, sa Araw na iyon, ang [tanging pook na] madudulugan.
يُنَبَّؤُاْ ٱلۡإِنسَٰنُ يَوۡمَئِذِۭ بِمَا قَدَّمَ وَأَخَّرَ
Open ayah 75:13Ipababatid sa tao sa Araw na iyon ang anumang kanyang naunang ipinadala [noon] at ipinagpaliban.
بَلِ ٱلۡإِنسَٰنُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦ بَصِيرَةٞ
Open ayah 75:14Nguni’t, ang tao ay saksi laban sa kanyang sarili.
وَلَوۡ أَلۡقَىٰ مَعَاذِيرَهُۥ
Open ayah 75:15At kahit na siya ay magpakita ng kanyang mga dahilan.
لَا تُحَرِّكۡ بِهِۦ لِسَانَكَ لِتَعۡجَلَ بِهِۦٓ
Open ayah 75:16Huwag mong igalaw [O Muhammad] ang iyong dila sa pamamagitan nito upang madaliin nito [ang pagbigkas ng Qur'an].
إِنَّ عَلَيۡنَا جَمۡعَهُۥ وَقُرۡءَانَهُۥ
Open ayah 75:17Katotohanan, sa Amin [nakaatang] ang pagtipon nito [sa iyong puso] at [upang ito ay magawa mong] bigkasin.
فَإِذَا قَرَأۡنَٰهُ فَٱتَّبِعۡ قُرۡءَانَهُۥ
Open ayah 75:18Kaya, kapag Aming binigkas ito sa iyo [sa pamamagitan ng Anghel Gabriel], magkagayon, ikaw ay sumunod sa pagbigkas nito.
ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا بَيَانَهُۥ
Open ayah 75:19Pagkaraan, sa Amin [nakaatang] ang [tungkuling] ipaliwanag ito [sa iyo].
كَلَّا بَلۡ تُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ
Open ayah 75:20Subali’t, kayo [mga tao] ay nahuhumaling sa panandaliang [buhay sa mundong ito].
وَتَذَرُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ
Open ayah 75:21At kinaligtaan ang kabilang buhay.
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ نَّاضِرَةٌ
Open ayah 75:22Ang [ibang] mga mukha, sa Araw na iyon, ay nagliliwanag.
إِلَىٰ رَبِّهَا نَاظِرَةٞ
Open ayah 75:23[Sila ay] nakasulyap sa kanilang Panginoon.
وَوُجُوهٞ يَوۡمَئِذِۭ بَاسِرَةٞ
Open ayah 75:24At ang [ibang] mga mukha, sa Araw na iyon, ay tabi-tabingi [o pili- pilipit].
تَظُنُّ أَن يُفۡعَلَ بِهَا فَاقِرَةٞ
Open ayah 75:25Iniisip na may gagawin sa kanila [na wari bang] babakliin [ang buto sa kanilang] mga likuran.
كَلَّآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلتَّرَاقِيَ
Open ayah 75:26Nguni’t, kapag ito [ang kaluluwa] ay umabot na sa buto ng [bahaging] batok.
وَقِيلَ مَنۡۜ رَاقٖ
Open ayah 75:27At ito ang sasabihin: “Sino ba ang makapagpapagaling [sa kanya]?”
وَظَنَّ أَنَّهُ ٱلۡفِرَاقُ
Open ayah 75:28At siya [na naghihingalo] ay makatitiyak na ito na nga ang [oras ng] paghihiwalay [o ang kanyang paglisan sa daigdig].
وَٱلۡتَفَّتِ ٱلسَّاقُ بِٱلسَّاقِ
Open ayah 75:29At ang binti ay ididikit sa isa pang binti [upang balutin].
إِلَىٰ رَبِّكَ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡمَسَاقُ
Open ayah 75:30[At] sa iyong Panginoon lamang sa Araw na iyon ang patutunguhan!
فَلَا صَدَّقَ وَلَا صَلَّىٰ
Open ayah 75:31Sapagka’t, siya ay hindi naniwala at hindi [man lamang] nakapagdasal!
وَلَٰكِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ
Open ayah 75:32At sa halip, siya ay nagtakwil at tumalikod.
ثُمَّ ذَهَبَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ يَتَمَطَّىٰٓ
Open ayah 75:33Pagkaraan, siya ay nagtungo sa kanyang mag-anak nang taas-noo [lipos ng pagmamalaki].
أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰ
Open ayah 75:34Kasawian sa iyo [O, taong di-naniniwala], at kasawian [sa iyo]!
ثُمَّ أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰٓ
Open ayah 75:35Muli, kasawian sa iyo, at kasawian [sa iyo].
أَيَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَن يُتۡرَكَ سُدًى
Open ayah 75:36Inaakala ba ng tao na siya ay pababayaan na lamang [na walang nakaatang na pananagutan]?
أَلَمۡ يَكُ نُطۡفَةٗ مِّن مَّنِيّٖ يُمۡنَىٰ
Open ayah 75:37Hindi nga ba siya ay isang patak na nagmula lamang sa semilyang lumalabas [ o dumaloy]?
ثُمَّ كَانَ عَلَقَةٗ فَخَلَقَ فَسَوَّىٰ
Open ayah 75:38Pagkaraan, siya ay naging isang namuong kimpal ng dugo; pagkaraan ay nilikha [ng Allah] at hinubog.
فَجَعَلَ مِنۡهُ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ
Open ayah 75:39At ginawa mula sa kanya ang dalawang magkapares, ang lalaki at ang babae.
أَلَيۡسَ ذَٰلِكَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يُحۡـِۧيَ ٱلۡمَوۡتَىٰ
Open ayah 75:40Hindi ba iyan [ang Tagapaglikha] -ang may kakayahang magbigay buhay sa mga patay?