الانسان

Al-Insaan

Man · Surah 76 · Ayahs: 31 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. هَلۡ أَتَىٰ عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ حِينٞ مِّنَ ٱلدَّهۡرِ لَمۡ يَكُن شَيۡـٔٗا مَّذۡكُورًا

    Open ayah 76:1

    Hindi ba dumating sa tao ang isang [yugto ng] panahon, na siya ay bagay na hindi [man lamang] nabanggit?

  2. إِنَّا خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن نُّطۡفَةٍ أَمۡشَاجٖ نَّبۡتَلِيهِ فَجَعَلۡنَٰهُ سَمِيعَۢا بَصِيرًا

    Open ayah 76:2

    Katotohanan, Aming nilikha ang tao mula sa isang patak ng pinaghalong semilya upang siya ay Aming subukan; at siya ay Aming ginawang makarinig, [at] makakita.

  3. إِنَّا هَدَيۡنَٰهُ ٱلسَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرٗا وَإِمَّا كَفُورًا

    Open ayah 76:3

    Katotohanan, siya ay Aming pinatnubayan sa landas, magpasalamat man siya o hindi magpasalamat.

  4. إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ سَلَٰسِلَاْ وَأَغۡلَٰلٗا وَسَعِيرًا

    Open ayah 76:4

    Katotohanan, Aming inihanda para sa mga di-naniniwala, ang mga tanikala, at mga panakal at ang naglalagablab [na Apoy sa Impiyerno].

  5. إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ يَشۡرَبُونَ مِن كَأۡسٖ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا

    Open ayah 76:5

    Katotohanan, ang mga abrar [matutuwid] ay magsisiinom mula sa mga tasa [ng alak] na hinaluan ng kafoor.

  6. عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفۡجِيرٗا

    Open ayah 76:6

    [Ito ay] isang bukal na kung saan ang mga [mabubuting] alipin ng Allah ay magsisiinom; at kanilang paaagusin ito nang buong lakas [at masagana].

  7. يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا

    Open ayah 76:7

    Sila [yaong] tumutupad sa [kanilang] mga pangako at pinangangambahan ang isang Araw na ang kasamaan ay magiging laganap.

  8. وَيُطۡعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسۡكِينٗا وَيَتِيمٗا وَأَسِيرًا

    Open ayah 76:8

    At sila ay namamahagi ng pagkain sa kabila ng pagmamahal para rito sa mga dukha, at ulila at bihag,

  9. إِنَّمَا نُطۡعِمُكُمۡ لِوَجۡهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمۡ جَزَآءٗ وَلَا شُكُورًا

    Open ayah 76:9

    [Sila ay nagsasabing]: “Kami ay nagpapakain sa inyo para sa Mukha [o Lugod] ng Allah. Wala Kaming hangarin mula sa inyo ng kabayaran o pasasalamat.

  10. إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوۡمًا عَبُوسٗا قَمۡطَرِيرٗا 

    Open ayah 76:10

    Katotohanan, kami ay nangangamba mula sa aming Panginoon, ng [isang] mahigpit, kasakit-sakit na Araw.”

  11. فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمِ وَلَقَّىٰهُمۡ نَضۡرَةٗ وَسُرُورٗا

    Open ayah 76:11

    Kaya, sila ay pangangalagaan ng Allah mula sa kasamaan ng Araw na iyan, at sila ay pagkakalooban ng liwanag at kaligayahan.

  12. وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُواْ جَنَّةٗ وَحَرِيرٗا

    Open ayah 76:12

    At sila ay babayaran para sa anumang kanilang matiyagang pagtitiis [ng] isang hardin [sa Paraiso] at [mga kasuutang yari sa] sulta.

  13. مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۖ لَا يَرَوۡنَ فِيهَا شَمۡسٗا وَلَا زَمۡهَرِيرٗا

    Open ayah 76:13

    [Sila ay] magsisisandal sa mga pinalamutiang sandalan. At sila ay hindi makakikita roon ng [nag-iinit na] araw o ng [nanunuot na] lamig.

  14. وَدَانِيَةً عَلَيۡهِمۡ ظِلَٰلُهَا وَذُلِّلَتۡ قُطُوفُهَا تَذۡلِيلٗا

    Open ayah 76:14

    At ang lilim [ng hardin] ay [kusang] lalapit sa kanila at ang nagkukumpulang hitik na bungang-kahoy ay mabababa at naaabot.

  15. وَيُطَافُ عَلَيۡهِم بِـَٔانِيَةٖ مِّن فِضَّةٖ وَأَكۡوَابٖ كَانَتۡ قَوَارِيرَا۠

    Open ayah 76:15

    At mayroong ililibot sa kanila ng mga sisidlang pilak at mga kopitang yari sa malinaw na kristal –

  16. قَوَارِيرَاْ مِن فِضَّةٖ قَدَّرُوهَا تَقۡدِيرٗا

    Open ayah 76:16

    Malinaw na kristal, [na yari] mula sa pilak na kanilang tinakdaan ng sukat.

  17. وَيُسۡقَوۡنَ فِيهَا كَأۡسٗا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا

    Open ayah 76:17

    At doon, sila ay hahainan ng inuming nasa kopita na hinaluan ng

  18. عَيۡنٗا فِيهَا تُسَمَّىٰ سَلۡسَبِيلٗا

    Open ayah 76:18

    Isang bukal ng tubig doon na [kung tawagin ay] Salsabil.

  19. ۞وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيۡتَهُمۡ حَسِبۡتَهُمۡ لُؤۡلُؤٗا مَّنثُورٗا

    Open ayah 76:19

    At sila ay palilibutan ng mga walang hanggang kabataang lalaki upang sila ay pagsilbihan. Kung sila ay iyong masulyapan, iyong aakalaing sila ay [wangis ng magagandang] perlas na nangagkalat.

  20. وَإِذَا رَأَيۡتَ ثَمَّ رَأَيۡتَ نَعِيمٗا وَمُلۡكٗا كَبِيرًا 

    Open ayah 76:20

    At kapag ikaw ay sumulyap doon [sa Paraiso] iyong masisilayan ang isang kaaya-ayang ligaya at isang maharlikang kaharian.

  21. عَٰلِيَهُمۡ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضۡرٞ وَإِسۡتَبۡرَقٞۖ وَحُلُّوٓاْ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٖ وَسَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ شَرَابٗا طَهُورًا

    Open ayah 76:21

    Kanilang mga kasuutan ay yari sa mamahaling manipis at makapal na sutla [hinabi sa magandang disenyo]. Sila ay gagayakan ng mga pulseras na pilak at sila ay bibigyan ng kanilang Panginoon ng dalisay na inumin.

  22. إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمۡ جَزَآءٗ وَكَانَ سَعۡيُكُم مَّشۡكُورًا

    Open ayah 76:22

    [Sa kanila ay sasabihin]: Katotohanan, ito ang gantimpala para sa inyo at ang inyong pagsisikap ay tinanggap [kinilala at pinahalagahan].

  23. إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ تَنزِيلٗا

    Open ayah 76:23

    Katotohanan, Kami ang nagbaba [o nagpahayag] ng Qur’an sa iyo [O,

  24. فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعۡ مِنۡهُمۡ ءَاثِمًا أَوۡ كَفُورٗا

    Open ayah 76:24

    Kaya, ikaw ay maging matiisin [O Muhammad] sa pasiya ng iyong Panginoon at huwag mong sundin mula sa kanila ang isang makasalanan at di-naniniwala.

  25. وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا

    Open ayah 76:25

    At iyong bigyang-alaala ang Pangalan ng iyong Panginoon sa [bawa’t] umaga at hapon.

  26. وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَٱسۡجُدۡ لَهُۥ وَسَبِّحۡهُ لَيۡلٗا طَوِيلًا

    Open ayah 76:26

    At sa ibang bahagi ng gabi, ikaw ay magpatirapa sa Kanya at Siya ay iyong luwalhatiin sa mahabang [bahagi ng] gabi.

  27. إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ يُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ وَيَذَرُونَ وَرَآءَهُمۡ يَوۡمٗا ثَقِيلٗا

    Open ayah 76:27

    Katotohanan, ang mga ito [mga di-naniniwala] ay nahuhumaling sa panandaliang [buhay sa mundo] at pinababayaan ang isang matinding Araw na kanilang hinaharap.

  28. نَّحۡنُ خَلَقۡنَٰهُمۡ وَشَدَدۡنَآ أَسۡرَهُمۡۖ وَإِذَا شِئۡنَا بَدَّلۡنَآ أَمۡثَٰلَهُمۡ تَبۡدِيلًا

    Open ayah 76:28

    Kami ang lumikha sa kanila at sila ay Aming ginawang malalakas. At kung Aming naisin, sila ay Aming magagawang palitan ng mga ibang nakakatulad nila nang ganap na pagpapalit.

  29. إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا

    Open ayah 76:29

    Katotohanan, ito [ang Qur’an] ay isang babala, kaya, sinuman ang magnais, hayaan siyang tumahak sa Landas ng Kanyang Panginoon.

  30. وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا 

    Open ayah 76:30

    At hindi ninyo magagawang naisin [ang anumang bagay], malibang naisin ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay Lagi nang Maalam, Tigib ng Karunungan.

  31. يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّٰلِمِينَ أَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمَۢا

    Open ayah 76:31

    Kanyang tatanggapin ang sinumang Kanyang nais sa Kanyang habag nguni't sa mga mapaggawa ng kamalian - Kanyang inihanda para sa kanila ang isang mahapding parusa.