المرسلات

Al-Mursalaat

The Emissaries · Surah 77 · Ayahs: 50 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. وَٱلۡمُرۡسَلَٰتِ عُرۡفٗا

    Open ayah 77:1

    [Isinusumpa Ko] sa mga [hanging] ipinadadalang sunud-sunod.

  2. فَٱلۡعَٰصِفَٰتِ عَصۡفٗا

    Open ayah 77:2

    At sa mga hanging nagngangalit [sa pag-ihip].

  3. وَٱلنَّٰشِرَٰتِ نَشۡرٗا

    Open ayah 77:3

    At sa mga hanging nagkakalat [ng mga ulap at ulan].

  4. فَٱلۡفَٰرِقَٰتِ فَرۡقٗا

    Open ayah 77:4

    At sa mga [anghel] na nagbibigay ng pamantayan [sa kawastuhan at kamalian].

  5. فَٱلۡمُلۡقِيَٰتِ ذِكۡرًا

    Open ayah 77:5

    At sa mga [anghel na] nagdadala ng mensahe.

  6. عُذۡرًا أَوۡ نُذۡرًا

    Open ayah 77:6

    [Bilang] pagbibigay-katuwiran at babala.

  7. إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَٰقِعٞ

    Open ayah 77:7

    Katotohanan, anuman ang ipinangako sa inyo ay magaganap.

  8. فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتۡ

    Open ayah 77:8

    Kaya, kapag ang mga bituin ay inalis ang kanilang mga liwanag.

  9. وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ فُرِجَتۡ

    Open ayah 77:9

    At kapag ang kalangitan ay biniyak [at malansag].

  10. وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ نُسِفَتۡ 

    Open ayah 77:10

    At kapag ang mga bundok ay sumabog.

  11. وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتۡ

    Open ayah 77:11

    At kapag ang oras ng mga sugo ay dumating,

  12. لِأَيِّ يَوۡمٍ أُجِّلَتۡ

    Open ayah 77:12

    Para sa ano bang Araw na ito ay ipinagpaliban?

  13. لِيَوۡمِ ٱلۡفَصۡلِ

    Open ayah 77:13

    Para sa Araw ng Paghuhukom [o ang Araw ng pagbubukud-bukod].

  14. وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ

    Open ayah 77:14

    At ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang Araw ng Paghuhukom [o Araw ng Pagbubukud-bukod]?

  15. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 77:15

    Kasawian sa Araw na iyon, para sa mga nagtatakwil.

  16. أَلَمۡ نُهۡلِكِ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 77:16

    Hindi ba winasak Namin ang naunang henerasyon [ng tao]?

  17. ثُمَّ نُتۡبِعُهُمُ ٱلۡأٓخِرِينَ

    Open ayah 77:17

    Pagkaraan ay Aming hahayaang sumunod sa kanila ang mga huling henerasyon [nila]?

  18. كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ

    Open ayah 77:18

    Ganyan Namin pinakikitunguhan ang mga mapaggawa ng kabuktutan.

  19. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 77:19

    Kasawian sa Araw na iyon, para sa mga nagtatakwil.

  20. أَلَمۡ نَخۡلُقكُّم مِّن مَّآءٖ مَّهِينٖ 

    Open ayah 77:20

    Hindi ba kayo ay Aming nilikha [lamang] mula sa isang hamak na tubig [semilya]?

  21. فَجَعَلۡنَٰهُ فِي قَرَارٖ مَّكِينٍ

    Open ayah 77:21

    Pagkaraan, ito ay Aming inilagak sa isang kalagayang ligtas [sa sinapupunan ng ina].

  22. إِلَىٰ قَدَرٖ مَّعۡلُومٖ

    Open ayah 77:22

    Para sa isang itinakdang haba [ng panahon ng pagdadalantao].

  23. فَقَدَرۡنَا فَنِعۡمَ ٱلۡقَٰدِرُونَ

    Open ayah 77:23

    Kaya, Aming itinakda [ito] at Kami ang pinakamahusay sa pagtatakda [ng sukat].

  24. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 77:24

    Kasawian sa Araw na iyon, para sa mga nagtatakwil.

  25. أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ كِفَاتًا

    Open ayah 77:25

    Hindi ba Namin ginawa ang kalupaan bilang pook [ng himlayan]?

  26. أَحۡيَآءٗ وَأَمۡوَٰتٗا

    Open ayah 77:26

    Para sa mga nangabubuhay at mga nangamamatay.

  27. وَجَعَلۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ شَٰمِخَٰتٖ وَأَسۡقَيۡنَٰكُم مَّآءٗ فُرَاتٗا

    Open ayah 77:27

    At Kami ay naglagay doon ng matatayog, matatatag na pagkatirik ng mga bundok at kayo ay binigyan ng maiinom na sariwang tubig.

  28. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 77:28

    Kasawian sa Araw na iyon, para sa mga nagtatakwil.

  29. ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ

    Open ayah 77:29

    [At sa kanila ay sasabihin]: “Magtuloy kayo roon sa lagi ninyong itinatakwil.”

  30. ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ ظِلّٖ ذِي ثَلَٰثِ شُعَبٖ 

    Open ayah 77:30

    Magtuloy kayo patungo sa anino ng tatlong magkakahanay na haligi [ng Impiyerno],

  31. لَّا ظَلِيلٖ وَلَا يُغۡنِي مِنَ ٱللَّهَبِ

    Open ayah 77:31

    [Nguni’t] walang lilim [na masisilungan] at walang [anumang] magagawang tulong laban sa lagablab [ng Apoy].”

  32. إِنَّهَا تَرۡمِي بِشَرَرٖ كَٱلۡقَصۡرِ

    Open ayah 77:32

    Katotohanan, ito ay bumubuga ng tilamsik [ng apoy na kasinlaki] ng isang palasyo,

  33. كَأَنَّهُۥ جِمَٰلَتٞ صُفۡرٞ

    Open ayah 77:33

    Na wari bang mga kawan ng naninilaw na kamelyo.

  34. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 77:34

    Kasawian sa Araw na iyon, para sa mga nagtatakwil.

  35. هَٰذَا يَوۡمُ لَا يَنطِقُونَ

    Open ayah 77:35

    At ito ang Araw na sila ay hindi makapagsasalita.

  36. وَلَا يُؤۡذَنُ لَهُمۡ فَيَعۡتَذِرُونَ

    Open ayah 77:36

    At sila ay hindi pahihintulutang magbigay ng katuwiran [o dahilan].

  37. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 77:37

    Kasawian sa Araw na iyon, para sa mga nagtatakwil.

  38. هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِۖ جَمَعۡنَٰكُمۡ وَٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 77:38

    Ito ang Araw ng Paghuhukom! [o Araw ng Pagbubukud-bukod]. Kayo ay Aming titipunin kasama ng mga taong nauna sa inyo.

  39. فَإِن كَانَ لَكُمۡ كَيۡدٞ فَكِيدُونِ

    Open ayah 77:39

    Kaya, kung mayroon kayong balakin, gamitin ninyo ito [ngayon] laban sa Akin.

  40. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ 

    Open ayah 77:40

    Kasawian sa Araw na iyon, para sa mga nagtatakwil.

  41. إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي ظِلَٰلٖ وَعُيُونٖ

    Open ayah 77:41

    Katotohanan, ang mga natatakot [sa Allah] ay nasa gitna ng mga lilim at mga bukal [ng tubig].

  42. وَفَوَٰكِهَ مِمَّا يَشۡتَهُونَ

    Open ayah 77:42

    At mga prutas na kanilang inaasam-asam [na kainin].

  43. كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

    Open ayah 77:43

    “Magsikain kayo at magsiinom nang nasisiyahan sa anumang [kabutihang] inyong ginawa.”

  44. إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ

    Open ayah 77:44

    Katotohanan, ganyan Namin ginagantimpalaan ang mga mapaggawa ng kabutihan.

  45. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 77:45

    Kasawian sa Araw na iyon para sa mga nagtatakwil.

  46. كُلُواْ وَتَمَتَّعُواْ قَلِيلًا إِنَّكُم مُّجۡرِمُونَ

    Open ayah 77:46

    [O kayong mga di-naniwala] Magsikain kayo at magtamasa ng ligaya [sa mundo]. Katotohanan, kayo ay mga mapaggawa ng kabuktutan.

  47. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 77:47

    Kasawian sa Araw na iyon, para sa mga nagtatakwil.

  48. وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱرۡكَعُواْ لَا يَرۡكَعُونَ

    Open ayah 77:48

    At kapag sila ay pagsabihang: “Magsiyuko kayo [sa pagdarasal].” Sila ay hindi nagsisiyuko.

  49. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

    Open ayah 77:49

    Kasawian sa Araw na iyon, para sa mga nagtatakwil.

  50. فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَهُۥ يُؤۡمِنُونَ 

    Open ayah 77:50

    Magkagayon, anong salaysay pa kaya ang kanilang paniniwalaan pagkaraan nito [ng Qur’an] ?