النبإ

An-Naba

The Announcement · Surah 78 · Ayahs: 40 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. عَمَّ يَتَسَآءَلُونَ

    Open ayah 78:1

    Tungkol ba sa ano ang kanilang itinatanong [sa isa’t isa]?

  2. عَنِ ٱلنَّبَإِ ٱلۡعَظِيمِ

    Open ayah 78:2

    Tungkol sa mahalagang balita [Araw ng Paghuhukom] –

  3. ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ مُخۡتَلِفُونَ

    Open ayah 78:3

    Nang dahil dito sila ay nagkakaiba-iba [o hindi nagkakasundo].

  4. كَلَّا سَيَعۡلَمُونَ

    Open ayah 78:4

    Gayunpaman, hindi maglalaon [ito ay] kanilang mapag-aalaman.

  5. ثُمَّ كَلَّا سَيَعۡلَمُونَ

    Open ayah 78:5

    Muli, gayunpaman, hindi maglalaon [ito ay] kanilang mapag-aalaman.

  6. أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ مِهَٰدٗا

    Open ayah 78:6

    Hindi ba ginawa Namin ang kalupaan bilang isang himlayan?

  7. وَٱلۡجِبَالَ أَوۡتَادٗا

    Open ayah 78:7

    At ang mga bundok bilang talasok [upang ang lupa ay di-mayanig at ito ay maging matatag],

  8. وَخَلَقۡنَٰكُمۡ أَزۡوَٰجٗا

    Open ayah 78:8

    At kayo ay Aming nilikha nang magkapares [lalaki at babae].

  9. وَجَعَلۡنَا نَوۡمَكُمۡ سُبَاتٗا

    Open ayah 78:9

    At Aming ginawa ang inyong pagtulog bilang [paraan ng] pamamahinga,

  10. وَجَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِبَاسٗا 

    Open ayah 78:10

    At Aming ginawa ang gabi bilang saplot [ang kadiliman nito],

  11. وَجَعَلۡنَا ٱلنَّهَارَ مَعَاشٗا

    Open ayah 78:11

    At Aming ginawa ang maghapon para sa [inyong] paghahanapbuhay,

  12. وَبَنَيۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعٗا شِدَادٗا

    Open ayah 78:12

    At Aming itinayo sa inyong [dakong] itaas ang pitong matatatag [na mga kalangitan],

  13. وَجَعَلۡنَا سِرَاجٗا وَهَّاجٗا

    Open ayah 78:13

    At Aming ginawa [o inilagay doon] ang nagliliyab na lampara [ito ang araw],

  14. وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلۡمُعۡصِرَٰتِ مَآءٗ ثَجَّاجٗا

    Open ayah 78:14

    At Aming ibinaba, mula sa mga ulang-ulap, ang bumubugsong tubig,

  15. لِّنُخۡرِجَ بِهِۦ حَبّٗا وَنَبَاتٗا

    Open ayah 78:15

    Upang Aming pasibulin sa pamamagitan nito ang butil at [gulayang] halaman,

  16. وَجَنَّٰتٍ أَلۡفَافًا

    Open ayah 78:16

    At mga harding [pinupuluputan ng] makapal na baging [at palumpong].

  17. إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ كَانَ مِيقَٰتٗا

    Open ayah 78:17

    Katotohanan, ang Araw ng Paghuhukom ay isang naitakdang Oras -

  18. يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَتَأۡتُونَ أَفۡوَاجٗا

    Open ayah 78:18

    Sa Araw [na iyon] na ang tambuli ay hinipan at kayo ay magsisirating nang maramihan,

  19. وَفُتِحَتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ أَبۡوَٰبٗا

    Open ayah 78:19

    At ang kalangitan ay bubuksan kaya [ito ay] magiging mga pintuan,

  20. وَسُيِّرَتِ ٱلۡجِبَالُ فَكَانَتۡ سَرَابًا 

    Open ayah 78:20

    At ang mga bundok ay tatanggalin [aalisin mula sa kinatitirikan nito] kaya ito ay magiging [tila] isang malik-mata.

  21. إِنَّ جَهَنَّمَ كَانَتۡ مِرۡصَادٗا

    Open ayah 78:21

    Katotohanan, ang Impiyerno ay nakatiwangwang sa paghihintay.

  22. لِّلطَّٰغِينَ مَـَٔابٗا

    Open ayah 78:22

    Para sa mga palasuway, [ito ay] isang pook ng pagbabalik,

  23. لَّٰبِثِينَ فِيهَآ أَحۡقَابٗا

    Open ayah 78:23

    [Sila ay] mananatili roon nang habang panahon.

  24. لَّا يَذُوقُونَ فِيهَا بَرۡدٗا وَلَا شَرَابًا

    Open ayah 78:24

    Sila ay walang malalasap doon ng lamig at ng inuming [makatitighaw ng uhaw],

  25. إِلَّا حَمِيمٗا وَغَسَّاقٗا

    Open ayah 78:25

    Maliban sa kumukulong tubig at [maruruming] katas [ng sugat],

  26. جَزَآءٗ وِفَاقًا

    Open ayah 78:26

    Isang karampatang kabayaran [ayon sa kanilang kasamaang nagawa].

  27. إِنَّهُمۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ حِسَابٗا

    Open ayah 78:27

    Katotohanan, hindi nila inaasahan ang [gayong] pagtutuos [o pagbayad ng mga gawa],

  28. وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كِذَّابٗا

    Open ayah 78:28

    Sapagka’t kanilang itinakwil ang Aming mga ayaat [kapahayagan, babala] nang [matinding] pagtakwil,

  29. وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ كِتَٰبٗا

    Open ayah 78:29

    At ang lahat ng bagay ay Aming [inisa-isang binilang at] itinatala.

  30. فَذُوقُواْ فَلَن نَّزِيدَكُمۡ إِلَّا عَذَابًا 

    Open ayah 78:30

    Kaya inyong lasapin [ang parusa]. At kailanman, kayo ay hindi Namin daragdagan maliban sa parusa.

  31. إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ مَفَازًا

    Open ayah 78:31

    Katotohanan, para sa mga natatakot [sa Allah] ay tagumpay [o katuparan ng kanilang mga mithiin o kaligtasan],

  32. حَدَآئِقَ وَأَعۡنَٰبٗا

    Open ayah 78:32

    [Sa kanila ay] mga hardin at mga ubasan,

  33. وَكَوَاعِبَ أَتۡرَابٗا

    Open ayah 78:33

    At mga dalagang [busilak at birhen] na magkakasing gulang.

  34. وَكَأۡسٗا دِهَاقٗا

    Open ayah 78:34

    At tasang tigib sa kasaganaan [dalisay].

  35. لَّا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوٗا وَلَا كِذَّٰبٗا

    Open ayah 78:35

    Wala silang maririnig doon ng masasamang salita at walang kasinungalingan.

  36. جَزَآءٗ مِّن رَّبِّكَ عَطَآءً حِسَابٗا

    Open ayah 78:36

    [Ito ay bilang] kabayaran mula sa iyong Panginoon - [ang masaganang] handog [nang ayon] sa pagtutuos [ng gawa],

  37. رَّبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا ٱلرَّحۡمَٰنِۖ لَا يَمۡلِكُونَ مِنۡهُ خِطَابٗا

    Open ayah 78:37

    [Mula sa] Panginoon ng mga kalangitan at kalupaan at ng anumang nasa pagitan ng mga ito, [Siya] ang Mahabagin. Sila ay walang taglay na kapangyarihang mangusap sa Kanya.

  38. يَوۡمَ يَقُومُ ٱلرُّوحُ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ صَفّٗاۖ لَّا يَتَكَلَّمُونَ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَقَالَ صَوَابٗا

    Open ayah 78:38

    Sa Araw [na iyon] na ang [Banal na] Espiritu at ang mga anghel ay magsisitayo nang magkakahanay, sila ay hindi magsasalita maliban sa isang pinahintulutan ng Mahabagin, at siya ay magsasalita nang pawang totoo.

  39. ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلۡحَقُّۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ مَـَٔابًا

    Open ayah 78:39

    Iyan ang Araw ng Katotohanan: Kaya sinuman ang magnanais, hayaan siyang tumahak [sa landas] pabalik sa kanyang Panginoon.

  40. إِنَّآ أَنذَرۡنَٰكُمۡ عَذَابٗا قَرِيبٗا يَوۡمَ يَنظُرُ ٱلۡمَرۡءُ مَا قَدَّمَتۡ يَدَاهُ وَيَقُولُ ٱلۡكَافِرُ يَٰلَيۡتَنِي كُنتُ تُرَٰبَۢا 

    Open ayah 78:40

    Katotohanan, Kami ay nagbabala sa inyo ng isang nagbabadyang parusa. Sa Araw na kapag ang tao ay kanyang matutunghayan ang anumang ginawa ng kanyang mga kamay. At ang mga di-naniniwala ay magsasabi: “Kasawian sa akin! Sana, ako ay naging alabok na lamang!”