النازعات

An-Naazi'aat

Those who drag forth · Surah 79 · Ayahs: 46 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. وَٱلنَّٰزِعَٰتِ غَرۡقٗا

    Open ayah 79:1

    [Isinusumpa Ko] sa mga [anghel na] humahatak nang marahas [o mapusok],

  2. وَٱلنَّٰشِطَٰتِ نَشۡطٗا

    Open ayah 79:2

    At sa mga [anghel na] humuhugot nang marahan [o nang mapitagan],

  3. وَٱلسَّٰبِحَٰتِ سَبۡحٗا

    Open ayah 79:3

    At sa mga [anghel na] sumasalimbay [na tila] lumalangoy,

  4. فَٱلسَّٰبِقَٰتِ سَبۡقٗا

    Open ayah 79:4

    At sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isa’t isa sa paligsahan [sa pagtalima],

  5. فَٱلۡمُدَبِّرَٰتِ أَمۡرٗا

    Open ayah 79:5

    At sa mga [anghel na] nangangasiwa [sa bawa’t] pangyayari [o gawain].

  6. يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلرَّاجِفَةُ

    Open ayah 79:6

    Sa Araw na [iyon], ang pagsabog [ng unang pag-ihip ng tambuli] ay yayanig [sa lahat].

  7. تَتۡبَعُهَا ٱلرَّادِفَةُ

    Open ayah 79:7

    Ito ay susundan ng [isang] naunang [pag-ihip sa tambuli].

  8. قُلُوبٞ يَوۡمَئِذٖ وَاجِفَةٌ

    Open ayah 79:8

    Ang mga puso sa Araw na iyon ay mangangatal [sa takot],

  9. أَبۡصَٰرُهَا خَٰشِعَةٞ

    Open ayah 79:9

    Ang kanilang mga mata ay mangayuyupapa [sa panlulumo].

  10. يَقُولُونَ أَءِنَّا لَمَرۡدُودُونَ فِي ٱلۡحَافِرَةِ 

    Open ayah 79:10

    Sila ay [kasalukuyang] nagsasabing: “Kami ba ay tunay na ibabalik sa [aming] dating katayuan [sa buhay]?

  11. أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا نَّخِرَةٗ

    Open ayah 79:11

    [Kahit ba] kapag kami ay maging mga nangabulok na buto [na nagkalansag-lansag]?”

  12. قَالُواْ تِلۡكَ إِذٗا كَرَّةٌ خَاسِرَةٞ

    Open ayah 79:12

    Sila ay nagsasabi: Iyon, kapag nagkagayon, ay sadyang isang kawalang pagbabalik.”

  13. فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ

    Open ayah 79:13

    Kaya, katotohanan, ito ay magiging isang sigaw lamang,

  14. فَإِذَا هُم بِٱلسَّاهِرَةِ

    Open ayah 79:14

    Kaya, kapagdaka'y kanilang natagpuan [ang kanilang mga sarili] sa balat ng lupa.

  15. هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ

    Open ayah 79:15

    Hindi ba nakarating sa iyo ang kasaysayan ni Moises?

  16. إِذۡ نَادَىٰهُ رَبُّهُۥ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوًى

    Open ayah 79:16

    Nang siya ay tawagin ng kanyang Panginoon sa banal na lambak ng Tuwa [sa patag na bahagi ng bundok ng Sinai],

  17. ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ

    Open ayah 79:17

    [At sinabi sa kanya]: “Ikaw ay magtungo kay Paraon. Katotohanan, siya ay sumuway.

  18. فَقُلۡ هَل لَّكَ إِلَىٰٓ أَن تَزَكَّىٰ

    Open ayah 79:18

    At sabihin mo sa kanya: ‘Nais mo bang gawing dalisay ang iyong sarili [mula sa mga kasalanan]?

  19. وَأَهۡدِيَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخۡشَىٰ

    Open ayah 79:19

    At hayaan mong ikaw [O Paraon] ay aking patnubayan sa iyong Panginoon upang ikaw ay [matutong] matakot [sa Kanya].’”

  20. فَأَرَىٰهُ ٱلۡأٓيَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰ 

    Open ayah 79:20

    Kaya ipinakita [ni Moises] sa kanya ang dakilang tanda [himala].

  21. فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ

    Open ayah 79:21

    Subali’t siya ay nagtakwil at sumuway.

  22. ثُمَّ أَدۡبَرَ يَسۡعَىٰ

    Open ayah 79:22

    Pagkaraan, siya ay tumalikod, nagsisikap [ng balakin laban sa Allah],

  23. فَحَشَرَ فَنَادَىٰ

    Open ayah 79:23

    Kaya, kanyang tinipon [ang kanyang mga mamamayan] at nanawagan.

  24. فَقَالَ أَنَا۠ رَبُّكُمُ ٱلۡأَعۡلَىٰ

    Open ayah 79:24

    At nagsabing: “Ako ang inyong panginoon, ang kataas-taasan!”

  25. فَأَخَذَهُ ٱللَّهُ نَكَالَ ٱلۡأٓخِرَةِ وَٱلۡأُولَىٰٓ

    Open ayah 79:25

    Kaya siya ay hinablot ng Allah ng matinding kaparusahan para sa kanyang huli at unang [ginawang kalapastanganan].

  26. إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰٓ

    Open ayah 79:26

    Katotohanan, naririto ang isang aral [o babala] para sa sinumang natatakot [sa Allah].

  27. ءَأَنتُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَمِ ٱلسَّمَآءُۚ بَنَىٰهَا

    Open ayah 79:27

    Kayo ba [tao] ay higit na mahirap likhain o ang kalangitan na Kanyang itinayo?

  28. رَفَعَ سَمۡكَهَا فَسَوَّىٰهَا

    Open ayah 79:28

    Kanyang itinayo ang itaas [na bahagi ng langit] nito at Kanyang binigyan ng tamang kaayusan [o sukat] ito.

  29. وَأَغۡطَشَ لَيۡلَهَا وَأَخۡرَجَ ضُحَىٰهَا

    Open ayah 79:29

    At Kanyang pinadilim ang gabi nito at inilabas ang liwanag nito,

  30. وَٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ دَحَىٰهَآ 

    Open ayah 79:30

    At pagkatapos niyan, Kanyang inilatag ang kalupaan [nang malawak],

  31. أَخۡرَجَ مِنۡهَا مَآءَهَا وَمَرۡعَىٰهَا

    Open ayah 79:31

    At pinasibol mula rito ang tubig at ang mga [luntiang] pastulan.

  32. وَٱلۡجِبَالَ أَرۡسَىٰهَا

    Open ayah 79:32

    At ang mga bundok, ito ay Kanyang itinirik nang matatag,

  33. مَتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ

    Open ayah 79:33

    [Bilang] kabuhayan para sa inyo at sa inyong mga pinapastulang hayop.

  34. فَإِذَا جَآءَتِ ٱلطَّآمَّةُ ٱلۡكُبۡرَىٰ

    Open ayah 79:34

    Kaya, kapag dumating na ang Malaking Sakuna [Araw ng Pagbabayad].

  35. يَوۡمَ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا سَعَىٰ

    Open ayah 79:35

    Sa Araw [na iyon] ang tao ay makaaalala kung ano ang kanyang pinagsikapan [mabuti man o masama],

  36. وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِمَن يَرَىٰ

    Open ayah 79:36

    At ang Impiyerno ay itatambad para sa lahat ng makakikita [nito] –

  37. فَأَمَّا مَن طَغَىٰ

    Open ayah 79:37

    Kaya para sa sinumang sumuway.

  38. وَءَاثَرَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا

    Open ayah 79:38

    At higit na pinagtuunan [o pinili] ang buhay sa mundong ito,

  39. فَإِنَّ ٱلۡجَحِيمَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ

    Open ayah 79:39

    Kaya, katotohanan, ang [kanyang] kanlungan ay ang Apoy ng Impiyerno.

  40. وَأَمَّا مَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ وَنَهَى ٱلنَّفۡسَ عَنِ ٱلۡهَوَىٰ 

    Open ayah 79:40

    Nguni’t para sa sinumang kinatakutan ang [pagharap sa] kinatatayuan ng kanyang Panginoon at tinimpi ang sarili mula sa [bawal na] pagnanasa,

  41. فَإِنَّ ٱلۡجَنَّةَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ

    Open ayah 79:41

    Kaya katotohanan, ang kanyang kanlungan ay ang Paraiso.

  42. يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرۡسَىٰهَا

    Open ayah 79:42

    Sila ay nagtatanong sa iyo [O Muhammad] tungkol sa Oras [o Araw ng Paghuhukom]. Kailan nga ba ang pagdating nito?

  43. فِيمَ أَنتَ مِن ذِكۡرَىٰهَآ

    Open ayah 79:43

    Sa anong [katayuan] na ikaw ay nararapat na bumanggit nito?

  44. إِلَىٰ رَبِّكَ مُنتَهَىٰهَآ

    Open ayah 79:44

    [Tanging] Sa iyong Panginoon lamang ang kaganapan nito.

  45. إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرُ مَن يَخۡشَىٰهَا

    Open ayah 79:45

    Katotohanan, ikaw [O Muhammad] ay isang tagapagbabala lamang para sa mga natatakot nito.

  46. كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَهَا لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا عَشِيَّةً أَوۡ ضُحَىٰهَا

    Open ayah 79:46

    Sa Araw na [iyon] kanilang makikita ito, na wari bang sila ay hindi nanatili [sa mundong ito] maliban sa [tagal ng] isang maghapon o isang umaga lamang.