عبس
Abasa
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
عَبَسَ وَتَوَلَّىٰٓ
Open ayah 80:1Siya [ang Propeta] ay nagkunot-nuo [ibinaling ang mukha] at tumalikod,
أَن جَآءَهُ ٱلۡأَعۡمَىٰ
Open ayah 80:2Sapagka’t lumapit sa kanya ang lalaking bulag [na sumasabad].
وَمَا يُدۡرِيكَ لَعَلَّهُۥ يَزَّكَّىٰٓ
Open ayah 80:3At ano ba ang iyong nalalaman [O Muhammad] na baka sakaling siya ay [naghahangad na] maging dalisay [bunga ng kanyang natutunan sa iyo]?
أَوۡ يَذَّكَّرُ فَتَنفَعَهُ ٱلذِّكۡرَىٰٓ
Open ayah 80:4O [baka] siya ay [naghahangad na siya ay] mapaalalahanan at ang paalala ay makabuti sa kanya?
أَمَّا مَنِ ٱسۡتَغۡنَىٰ
Open ayah 80:5Para sa kanya na [makasarili o] nag-aakalang walang pangangailangan.
فَأَنتَ لَهُۥ تَصَدَّىٰ
Open ayah 80:6Ikaw ay nag-ukol sa kanya nang [higit na] pansin,
وَمَا عَلَيۡكَ أَلَّا يَزَّكَّىٰ
Open ayah 80:7At ano ang nakaatang sa iyo [na pananagutan], kung siya man ay hindi magpakadalisay [sa sarili]?
وَأَمَّا مَن جَآءَكَ يَسۡعَىٰ
Open ayah 80:8At siya na dumating sa iyo na nagsisikap [para sa kaalaman].
وَهُوَ يَخۡشَىٰ
Open ayah 80:9At siya ay natatakot [sa Allah],
فَأَنتَ عَنۡهُ تَلَهَّىٰ
Open ayah 80:10Sa kanya ikaw ay nagpabaya.
كَلَّآ إِنَّهَا تَذۡكِرَةٞ
Open ayah 80:11Nguni’t, katotohanan, ang mga ito [talata ng Qur’an] ay isang paalaala,
فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ
Open ayah 80:12Kaya, sinuman ang magnais ay maaaring makaalala nito.
فِي صُحُفٖ مُّكَرَّمَةٖ
Open ayah 80:13[Ito ay nakatala] sa marangal na mga pahina.
مَّرۡفُوعَةٖ مُّطَهَّرَةِۭ
Open ayah 80:14Ipinagkapuri at pinadalisay,
بِأَيۡدِي سَفَرَةٖ
Open ayah 80:15[Inihatid] sa pamamagitan ng mga kamay ng mga sugong anghel,
كِرَامِۭ بَرَرَةٖ
Open ayah 80:16[Na] mararangal at masusunurin.
قُتِلَ ٱلۡإِنسَٰنُ مَآ أَكۡفَرَهُۥ
Open ayah 80:17Kaaba-aba ang tao, ano nga ba’t siya ay walang paniniwala [sa Allah]?
مِنۡ أَيِّ شَيۡءٍ خَلَقَهُۥ
Open ayah 80:18Mula ba sa anong bagay na siya ay Kanyang nilikha?
مِن نُّطۡفَةٍ خَلَقَهُۥ فَقَدَّرَهُۥ
Open ayah 80:19Mula sa isang patak ng semilya, siya ay Kanyang nilikha at [pagkaraan] siya ay hinubog [binigyan ng takdang kapalaran],
ثُمَّ ٱلسَّبِيلَ يَسَّرَهُۥ
Open ayah 80:20Pagkaraan, Kanyang ginawang magaan ang landas para sa kanya,
ثُمَّ أَمَاتَهُۥ فَأَقۡبَرَهُۥ
Open ayah 80:21Pagkaraan, Kanyang dinulutan ng kamatayan at inilibing,
ثُمَّ إِذَا شَآءَ أَنشَرَهُۥ
Open ayah 80:22Pagkaraan, kung Kanyang naisin, siya ay Kanyang muling bubuhayin.
كَلَّا لَمَّا يَقۡضِ مَآ أَمَرَهُۥ
Open ayah 80:23Nguni’t, siya ay hindi pa nakatutupad sa anumang ipinag-utos sa kanya [ng Allah].
فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ إِلَىٰ طَعَامِهِۦٓ
Open ayah 80:24Kaya [dapat bigyang-pansin o] isipin ng tao ang kanyang pagkain [kung paano Namin siya tinutustusan].
أَنَّا صَبَبۡنَا ٱلۡمَآءَ صَبّٗا
Open ayah 80:25Na Aming ibinuhos ang tubig [ulan] nang masagana.
ثُمَّ شَقَقۡنَا ٱلۡأَرۡضَ شَقّٗا
Open ayah 80:26Pagkaraan, Aming biniyak ang lupa, [upang pasibulin].
فَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا حَبّٗا
Open ayah 80:27At doon ay pinangyaring tumubo ang [mga iba’t ibang uri ng] butil.
وَعِنَبٗا وَقَضۡبٗا
Open ayah 80:28At ang mga ubasan at mga pananim [na herba].
وَزَيۡتُونٗا وَنَخۡلٗا
Open ayah 80:29At ang oliba at mga punong datiles.
وَحَدَآئِقَ غُلۡبٗا
Open ayah 80:30At ang mga harding mayayabong.
وَفَٰكِهَةٗ وَأَبّٗا
Open ayah 80:31At ang mga prutas at [luntiang] damo.
مَّتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ
Open ayah 80:32[Bilang] kabuhayan para sa inyo at sa inyong mga pinapastulang hayop.
فَإِذَا جَآءَتِ ٱلصَّآخَّةُ
Open ayah 80:33Kaya kapag dumating na ang nakatutulig na pagsabog,
يَوۡمَ يَفِرُّ ٱلۡمَرۡءُ مِنۡ أَخِيهِ
Open ayah 80:34Sa Araw na [iyon] ang tao ay tatakas [o lalayo] mula sa kanyang kapatid,
وَأُمِّهِۦ وَأَبِيهِ
Open ayah 80:35At [maging] sa kanyang ina at sa kanyang ama,
وَصَٰحِبَتِهِۦ وَبَنِيهِ
Open ayah 80:36At sa kanyang asawa at kanyang mga anak,
لِكُلِّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ يَوۡمَئِذٖ شَأۡنٞ يُغۡنِيهِ
Open ayah 80:37Bawa’t tao sa Araw na iyon ay may sapat na pagkakaabalahan para sa kanyang [sarili].
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ مُّسۡفِرَةٞ
Open ayah 80:38Ang [ibang] mukha sa Araw na iyon, ay nagniningning,
ضَاحِكَةٞ مُّسۡتَبۡشِرَةٞ
Open ayah 80:39Natutuwa, [at sila ay] nagagalak [sa natamong] magandang balita.
وَوُجُوهٞ يَوۡمَئِذٍ عَلَيۡهَا غَبَرَةٞ
Open ayah 80:40At [ang ibang] mukha sa Araw na iyon, ay may mga alikabok,
تَرۡهَقُهَا قَتَرَةٌ
Open ayah 80:41Ang kadiliman ay babalot sa kanila.
أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَفَرَةُ ٱلۡفَجَرَةُ
Open ayah 80:42Sila yaong mga walang paniniwala - ang mga makasalanan.