التكوير

At-Takwir

The Overthrowing · Surah 81 · Ayahs: 29 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. إِذَا ٱلشَّمۡسُ كُوِّرَتۡ

    Open ayah 81:1

    Kapag ang araw ay hinayaang magdilim.

  2. وَإِذَا ٱلنُّجُومُ ٱنكَدَرَتۡ

    Open ayah 81:2

    At kapag ang mga bituin ay mangalaglag,

  3. وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ سُيِّرَتۡ

    Open ayah 81:3

    At kapag ang mga bundok ay mangaglaho.

  4. وَإِذَا ٱلۡعِشَارُ عُطِّلَتۡ

    Open ayah 81:4

    At kapag ang mga kamelyong singkad [sa pagbubuntis] ay mapabayaan.

  5. وَإِذَا ٱلۡوُحُوشُ حُشِرَتۡ

    Open ayah 81:5

    At kapag ang mga mababangis na hayop ay mangagtipon [o magsama- sama],

  6. وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ سُجِّرَتۡ

    Open ayah 81:6

    At kapag ang mga karagatan ay magningas [at mangagliyab],

  7. وَإِذَا ٱلنُّفُوسُ زُوِّجَتۡ

    Open ayah 81:7

    At kapag ang mga kaluluwa ay pagparisin.

  8. وَإِذَا ٱلۡمَوۡءُۥدَةُ سُئِلَتۡ

    Open ayah 81:8

    At kapag ang babae [na sanggol] na inilibing nang buhay ay tanungin,

  9. بِأَيِّ ذَنۢبٖ قُتِلَتۡ

    Open ayah 81:9

    Sa anong pagkakasala [at] siya ay pinatay?

  10. وَإِذَا ٱلصُّحُفُ نُشِرَتۡ 

    Open ayah 81:10

    At kapag ang mga pahina [ng talaan ng mga gawa] ay ilantad nang hayagan.

  11. وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ كُشِطَتۡ

    Open ayah 81:11

    At kapag ang kalangitan ay mahawi [o matanggal sa kinalalagyan nito].

  12. وَإِذَا ٱلۡجَحِيمُ سُعِّرَتۡ

    Open ayah 81:12

    At kapag ang Impiyerno ay magliyab.

  13. وَإِذَا ٱلۡجَنَّةُ أُزۡلِفَتۡ

    Open ayah 81:13

    At kapag ang Paraiso ay inilapit.

  14. عَلِمَتۡ نَفۡسٞ مَّآ أَحۡضَرَتۡ

    Open ayah 81:14

    Ang isang kaluluwa ay makababatid kung ano ang nadala nito.

  15. فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلۡخُنَّسِ

    Open ayah 81:15

    Kaya, [isinusumpa Ko] sa mga tala [o mga bituing] naglalaho,

  16. ٱلۡجَوَارِ ٱلۡكُنَّسِ

    Open ayah 81:16

    [Na] umiiinog [sa kanilang landasin at [kapagdaka’y] nangaglalaho.

  17. وَٱلَّيۡلِ إِذَا عَسۡعَسَ

    Open ayah 81:17

    At sa gabi kapag ito ay [unti-unting] lumalayo,

  18. وَٱلصُّبۡحِ إِذَا تَنَفَّسَ

    Open ayah 81:18

    At sa umaga kapag ito ay nagliliwanag.

  19. إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ

    Open ayah 81:19

    Katotohanan, ito [ang Qur’an] ay isang salita [na inihatid ng] isang marangal na Sugo [Anghel Gabriel],

  20. ذِي قُوَّةٍ عِندَ ذِي ٱلۡعَرۡشِ مَكِينٖ 

    Open ayah 81:20

    [Na] nagtataglay ng lakas, matatag [na tinatangkilik] ng [Allah] ang Nagmamay-ari ng Dakilang Trono.

  21. مُّطَاعٖ ثَمَّ أَمِينٖ

    Open ayah 81:21

    Doon, [siya ay] sinusunod [ng mga anghel sa langit], at pinagkakatiwalaan.

  22. وَمَا صَاحِبُكُم بِمَجۡنُونٖ

    Open ayah 81:22

    At ang inyong kasamahan [si Muhammad] ay hindi isang baliw.

  23. وَلَقَدۡ رَءَاهُ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡمُبِينِ

    Open ayah 81:23

    At katiyakan, kanyang nakita [ang Anghel Gabriel] sa maliwanag na alapaap.

  24. وَمَا هُوَ عَلَى ٱلۡغَيۡبِ بِضَنِينٖ

    Open ayah 81:24

    At siya [si Propeta Muhammad] ay hindi nagkakait ng [kaalaman hinggil sa] Ghaib [di-nakikitang bagay o pangyayari].

  25. وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَيۡطَٰنٖ رَّجِيمٖ

    Open ayah 81:25

    At ito [ang Qur’an] ay hindi salita ng isang demonyo - ang isinumpa.

  26. فَأَيۡنَ تَذۡهَبُونَ

    Open ayah 81:26

    Kaya, [O tao!] saan nga ba kayo patutungo [ng landas]?

  27. إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 81:27

    Katotohanan, ito ay walang anupaman maliban sa isang babala para sa lahat [ng mga nilikha].

  28. لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَسۡتَقِيمَ

    Open ayah 81:28

    Para sa sinuman sa inyo na nagnanais tumahak sa matwid [na landas ng patnubay],

  29. وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 81:29

    At [ito ay] hindi ninyo magagawang naisin malibang pahintulutan ng Allah - ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].