الإنفطار

Al-Infitaar

The Cleaving · Surah 82 · Ayahs: 19 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنفَطَرَتۡ

    Open ayah 82:1

    Kapag ang kalangitan ay magkabiyak-biyak.

  2. وَإِذَا ٱلۡكَوَاكِبُ ٱنتَثَرَتۡ

    Open ayah 82:2

    At kapag ang mga bituin ay mangalaglag, [at] mangagkalat.

  3. وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ فُجِّرَتۡ

    Open ayah 82:3

    At kapag ang mga karagatan ay [mag-umapaw at] mangagsabog.

  4. وَإِذَا ٱلۡقُبُورُ بُعۡثِرَتۡ

    Open ayah 82:4

    At kapag ang [laman ng] mga libingan ay mangagkalat [o iluwa ang laman nito],

  5. عَلِمَتۡ نَفۡسٞ مَّا قَدَّمَتۡ وَأَخَّرَتۡ

    Open ayah 82:5

    [Sa Araw na iyon] bawa’t kaluluwa ay makababatid kung ano ang kanyang ipinauna [sa mga gawa] at [kung ano ang] iniwanan [o nakaligtaaan].

  6. يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ مَا غَرَّكَ بِرَبِّكَ ٱلۡكَرِيمِ

    Open ayah 82:6

    O tao, ano ang nakapanlinlang sa iyo hinggil sa iyong Mapagpalang Panginoon,

  7. ٱلَّذِي خَلَقَكَ فَسَوَّىٰكَ فَعَدَلَكَ

    Open ayah 82:7

    Na Siyang lumikha sa iyo, humubog sa iyo at nagbigay ng sukat sa iyo?

  8. فِيٓ أَيِّ صُورَةٖ مَّا شَآءَ رَكَّبَكَ

    Open ayah 82:8

    Sa anumang anyong Kanyang ninais, ikaw ay ginawa Niyang ganap [na tao],

  9. كَلَّا بَلۡ تُكَذِّبُونَ بِٱلدِّينِ

    Open ayah 82:9

    Nguni’t! gayunpaman, inyong itinakwil ang [Araw ng] Pagbabayad.

  10. وَإِنَّ عَلَيۡكُمۡ لَحَٰفِظِينَ 

    Open ayah 82:10

    At katotohanan [itinalaga para] sa inyo ang mga tagapagbantay [na mga anghel],

  11. كِرَامٗا كَٰتِبِينَ

    Open ayah 82:11

    Mararangal na tagapagtala,

  12. يَعۡلَمُونَ مَا تَفۡعَلُونَ

    Open ayah 82:12

    Kanilang nababatid ang anumang inyong mga gawa.

  13. إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٖ

    Open ayah 82:13

    Katotohanan, ang mga abrar [matutuwid] ay nasa lubos na kaligayahan,

  14. وَإِنَّ ٱلۡفُجَّارَ لَفِي جَحِيمٖ

    Open ayah 82:14

    At katotohanan ang mga makasalanan ay nasa naglalagablab na Apoy [ng Impiyerno],

  15. يَصۡلَوۡنَهَا يَوۡمَ ٱلدِّينِ

    Open ayah 82:15

    Sila ay [papasok upang] doon ay sunugin sa Araw ng Pagbabayad,

  16. وَمَا هُمۡ عَنۡهَا بِغَآئِبِينَ

    Open ayah 82:16

    At sila ay hindi makaliliban mula roon [kahit isang saglit].

  17. وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ

    Open ayah 82:17

    At ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang Araw ng Pagbabayad?

  18. ثُمَّ مَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ

    Open ayah 82:18

    Muli, ano nga ba ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang Araw ng Pagbabayad?

  19. يَوۡمَ لَا تَمۡلِكُ نَفۡسٞ لِّنَفۡسٖ شَيۡـٔٗاۖ وَٱلۡأَمۡرُ يَوۡمَئِذٖ لِّلَّهِ

    Open ayah 82:19

    [Ito ang] Araw na walang sinumang kaluluwa ang magkakaroon ng kakayahan [upang tumulong ng] anuman sa ibang kaluluwa; at ang Kautusan sa Araw na iyon ay [lubos na] sa Allah [lamang].