المطففين

Al-Mutaffifin

Defrauding · Surah 83 · Ayahs: 36 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. وَيۡلٞ لِّلۡمُطَفِّفِينَ

    Open ayah 83:1

    Kasawian para sa mga mandaraya,

  2. ٱلَّذِينَ إِذَا ٱكۡتَالُواْ عَلَى ٱلنَّاسِ يَسۡتَوۡفُونَ

    Open ayah 83:2

    Yaong kapag sila ay kumukuha ng pagsukat sa [ibang] tao, ay kumukuha nang ganap [at wastong sukat].

  3. وَإِذَا كَالُوهُمۡ أَو وَّزَنُوهُمۡ يُخۡسِرُونَ

    Open ayah 83:3

    Nguni’t kapag sila ay nagbibigay ng pagsukat o ng pagtimbang sa kanila, ay nagdudulot ng kawalan [dahil ito ay kinukulangan].

  4. أَلَا يَظُنُّ أُوْلَٰٓئِكَ أَنَّهُم مَّبۡعُوثُونَ

    Open ayah 83:4

    Hindi ba nila napag-iisipan na sila ay bubuhaying muli,

  5. لِيَوۡمٍ عَظِيمٖ

    Open ayah 83:5

    Para sa isang Mahalagang Araw –

  6. يَوۡمَ يَقُومُ ٱلنَّاسُ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

    Open ayah 83:6

    Sa Araw na ang sangkatauhan ay magsisitayo sa harapan ng Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

  7. كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡفُجَّارِ لَفِي سِجِّينٖ

    Open ayah 83:7

    Nguni’t, katotohanan ang talaan ng mga makasalanan ay nasa Sijjin.

  8. وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سِجِّينٞ

    Open ayah 83:8

    At ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang Sijjin?

  9. كِتَٰبٞ مَّرۡقُومٞ

    Open ayah 83:9

    Ito ay isang talaang nilimbag [at dito nakasulat ang mga masasamang gawa].

  10. وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ 

    Open ayah 83:10

    Kasawian sa Araw na iyon para sa mga nagsisipagtakwil.

  11. ٱلَّذِينَ يُكَذِّبُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ

    Open ayah 83:11

    Yaong mga nagsipagtakwil sa Araw ng Pagbabayad.

  12. وَمَا يُكَذِّبُ بِهِۦٓ إِلَّا كُلُّ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ

    Open ayah 83:12

    At walang magtatakwil nito maliban ang bawa’t mapanlabag, makasalanan.

  13. إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

    Open ayah 83:13

    Kapag Aming binibigkas sa kanya ang Aming ayaat [mga talata ng Qurán], siya ay nagsasabi: “Mga alamat ng mga sinaunang tao.”

  14. كَلَّاۖ بَلۡۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

    Open ayah 83:14

    Nguni’t, gayunpaman, ang batik ay tumakip sa kanilang puso na siya nilang pinagsumikapan.

  15. كَلَّآ إِنَّهُمۡ عَن رَّبِّهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّمَحۡجُوبُونَ

    Open ayah 83:15

    Nguni’t, katotohanan, sa Araw na iyon sila [mga makasalanan] ay tatabingan mula sa [pagsulyap sa] kanilang Panginoon.

  16. ثُمَّ إِنَّهُمۡ لَصَالُواْ ٱلۡجَحِيمِ

    Open ayah 83:16

    Pagkaraan, katotohanan sila ay tiyak na [magsisipasok at] susunugin sa Apoy ng Impiyerno,

  17. ثُمَّ يُقَالُ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ

    Open ayah 83:17

    Pagkaraan, sasabihin [sa kanila]: “Ito ang [Impiyerno na] inyong lagi nang itinatakwil.”

  18. كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡأَبۡرَارِ لَفِي عِلِّيِّينَ

    Open ayah 83:18

    Nguni’t katotohanan ang talaan ng mga matutuwid] ay nasa [pag-iingat ng] Illiyyin.

  19. وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا عِلِّيُّونَ

    Open ayah 83:19

    At ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang Illiyyin?

  20. كِتَٰبٞ مَّرۡقُومٞ 

    Open ayah 83:20

    Ito ay isang talaang nilimbag [at dito nakasulat ang mga mabubuting gawa].

  21. يَشۡهَدُهُ ٱلۡمُقَرَّبُونَ

    Open ayah 83:21

    Na sinasaksihan ng mga [anghel na] malalapit [sa Allah].

  22. إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٍ

    Open ayah 83:22

    Katotohanan, ang mga abrar [mabubuti at matutuwid] ay nasa kaligayahan.

  23. عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ

    Open ayah 83:23

    Sa mga ginayakang luklukan, [habang] sila ay nagmamasid [sa lahat ng biyayang nakamtan].

  24. تَعۡرِفُ فِي وُجُوهِهِمۡ نَضۡرَةَ ٱلنَّعِيمِ

    Open ayah 83:24

    Mababanaag mo sa kanilang mga mukha ang ningning ng kaligayahan.

  25. يُسۡقَوۡنَ مِن رَّحِيقٖ مَّخۡتُومٍ

    Open ayah 83:25

    Sila ay paiinumin ng inuming [dalisay na] mahigpit na nakatakip.

  26. خِتَٰمُهُۥ مِسۡكٞۚ وَفِي ذَٰلِكَ فَلۡيَتَنَافَسِ ٱلۡمُتَنَٰفِسُونَ

    Open ayah 83:26

    Ang kahuli-hulihan nito ay ang misk [pabango]. Kaya para riyan, hayaang magsumikap yaong mga nagnanasang magsikap [sa pagtalima sa Allah]?

  27. وَمِزَاجُهُۥ مِن تَسۡنِيمٍ

    Open ayah 83:27

    At ito ay hinaluan [ng tubig] ng Tasnim,

  28. عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا ٱلۡمُقَرَّبُونَ

    Open ayah 83:28

    Isang bukal na iniinuman ng mga malalapit [sa Allah].

  29. إِنَّ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْ كَانُواْ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَضۡحَكُونَ

    Open ayah 83:29

    Katotohanan, yaong mga mapaggawa ng kabuktutan ay lagi nang pinagtatawanan yaong mga naniniwala.

  30. وَإِذَا مَرُّواْ بِهِمۡ يَتَغَامَزُونَ 

    Open ayah 83:30

    At kapag kanilang nadaraanan [ang mga naniniwala], sila ay nagkikindatan sa isa’t isa [nang may panunuya],

  31. وَإِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمُ ٱنقَلَبُواْ فَكِهِينَ

    Open ayah 83:31

    At kapag sila ay nagsisibalik sa kanilang mga mag-anak, sila ay nagsisibalik na nagtatawanan.

  32. وَإِذَا رَأَوۡهُمۡ قَالُوٓاْ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَضَآلُّونَ

    Open ayah 83:32

    At kapag sila ay kanilang makikita, sila ay nagsasabing: “Katotohanan, sila ang tiyak na mga nangaligaw.”

  33. وَمَآ أُرۡسِلُواْ عَلَيۡهِمۡ حَٰفِظِينَ

    Open ayah 83:33

    At sila [mga di-naniniwala] ay hindi ipinadala bilang mga tagapagbantay para sa kanila [sa mga naniniwala]!

  34. فَٱلۡيَوۡمَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنَ ٱلۡكُفَّارِ يَضۡحَكُونَ

    Open ayah 83:34

    Kaya, sa Araw [ng Pagtutuos ng mga gawa], yaong mga naniniwala ay magtatawa sa mga di-naniniwala.

  35. عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ

    Open ayah 83:35

    [Ang mga naniniwala ay nasa] mga ginayakang luklukan, [at] nagmamasid.

  36. هَلۡ ثُوِّبَ ٱلۡكُفَّارُ مَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ

    Open ayah 83:36

    Hindi ba ang mga di-naniniwala ay ginagantimpalaan lamang [sa Araw na ito] para sa anumang [kasamaang] kanilang lagi nang ginagawa?