الإنشقاق
Al-Inshiqaaq
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنشَقَّتۡ
Open ayah 84:1Kapag ang kalangitan ay magkalansag-lansag,
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ
Open ayah 84:2At [ito ay] nakinig [o tumugon] sa kanyang Panginoon at ito ay nararapat lamang [na tumalima].
وَإِذَا ٱلۡأَرۡضُ مُدَّتۡ
Open ayah 84:3At kapag ang kalupaan ay bumuka [maging patag at mabiyak].
وَأَلۡقَتۡ مَا فِيهَا وَتَخَلَّتۡ
Open ayah 84:4At iluwa ang anumang laman nito at pabayaan [ito].
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ
Open ayah 84:5At [ito ay] makinig sa kanyang Panginoon at ito ay nararapat lamang [na tumalima].
يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ إِنَّكَ كَادِحٌ إِلَىٰ رَبِّكَ كَدۡحٗا فَمُلَٰقِيهِ
Open ayah 84:6O tao, katotohanan, ikaw ay nagsisikhay tungo sa iyong Panginoon, nang [masigasig na] pagsisikhay at ito ay [iyong] matatagpuan.
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ
Open ayah 84:7Kaya para sa sinumang pinagkalooban ng kanyang talaan sa kanyang kanang kamay,
فَسَوۡفَ يُحَاسَبُ حِسَابٗا يَسِيرٗا
Open ayah 84:8Siya ay hahatulan nang magaang pagtutuos.
وَيَنقَلِبُ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورٗا
Open ayah 84:9At [siya ay] magbabalik sa kanyang angkan nang maligayang-maligaya.
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ وَرَآءَ ظَهۡرِهِۦ
Open ayah 84:10Nguni’t para sa sinumang pinagkalooban ng kanyang talaan sa kanyang likuran,
فَسَوۡفَ يَدۡعُواْ ثُبُورٗا
Open ayah 84:11Siya ay mananaghoy para sa [sariling] kapariwaraan.
وَيَصۡلَىٰ سَعِيرًا
Open ayah 84:12At siya ay [papasok at] susunugin sa naglalagablab na Apoy.
إِنَّهُۥ كَانَ فِيٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورًا
Open ayah 84:13Katotohanan, siya, [sa mundo noon] ay kapiling ng kanyang mag-anak sa kaligayahan.
إِنَّهُۥ ظَنَّ أَن لَّن يَحُورَ
Open ayah 84:14Katotohanan, kanyang inakalang siya ay hindi magbabalik kailanman [sa Allah upang managot].
بَلَىٰٓۚ إِنَّ رَبَّهُۥ كَانَ بِهِۦ بَصِيرٗا
Open ayah 84:15Nguni’t, katotohanan, ang kanyang Panginoon ay lagi nang nakakikita sa kanya!
فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلشَّفَقِ
Open ayah 84:16Kaya, Ako ay sumusumpa sa namumulang takip-silim,
وَٱلَّيۡلِ وَمَا وَسَقَ
Open ayah 84:17At sa gabi at sa anumang kanyang binabalot [sa kadiliman nito],
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا ٱتَّسَقَ
Open ayah 84:18At sa buwan kapag ito ay nasa kanyang kabilugan.
لَتَرۡكَبُنَّ طَبَقًا عَن طَبَقٖ
Open ayah 84:19[Na] katiyakang kayo ay magdaraan sa iba’t ibang karanasan [ng buhay sa mundo at kabilang buhay].
فَمَا لَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 84:20Kaya ano pa ang kanilang naging dahilan para sila ay hindi naniniwala?
وَإِذَا قُرِئَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقُرۡءَانُ لَا يَسۡجُدُونَۤ۩
Open ayah 84:21At kapag ang Qur’an ay binibigkas sa kanila, sila ay hindi nagpapatirapa [o nagpapakumbaba sa Allah].
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُكَذِّبُونَ
Open ayah 84:22Sapagka’t, yaong mga di-naniwala ay nagtatakwil,
وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يُوعُونَ
Open ayah 84:23At ang Allah ay higit na nakababatid kung ano ang kanilang kinikimkim [sa kanilang mga kalooban].
فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Open ayah 84:24Kaya ibalita mo sa kanila ang mahapding parusa.
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونِۭ
Open ayah 84:25Maliban yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid, para sa kanila ay gantimpalang walang katapusan.