البروج
Al-Burooj
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡبُرُوجِ
Open ayah 85:1[Isinusumpa Ko] sa kalangitan na naglalaman ng mga naglalakihang bituin,
وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡمَوۡعُودِ
Open ayah 85:2At sa ipinangakong Araw,
وَشَاهِدٖ وَمَشۡهُودٖ
Open ayah 85:3At sa sumasaksi at [sa kanyang] sinasaksihan,
قُتِلَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأُخۡدُودِ
Open ayah 85:4Sumpa sa mga kasamahan ng [malalim na] hukay,
ٱلنَّارِ ذَاتِ ٱلۡوَقُودِ
Open ayah 85:5[Naglalaman] ng apoy, puno ng panggatong.
إِذۡ هُمۡ عَلَيۡهَا قُعُودٞ
Open ayah 85:6Nang sila ay nagsiupo nang malapit dito.
وَهُمۡ عَلَىٰ مَا يَفۡعَلُونَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ شُهُودٞ
Open ayah 85:7At sila ay saksi sa anumang [kalunus-lunos at kalupitang] kanilang ginagawa laban sa mga naniniwala.
وَمَا نَقَمُواْ مِنۡهُمۡ إِلَّآ أَن يُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَمِيدِ
Open ayah 85:8At sila [mga naniniwala] ay kanilang kinasuklaman sapagka’t sila ay naniwala sa Allah, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Kapuri-puri,
ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ
Open ayah 85:9Nasa Kanyang [pagmamay-ari ang] Kapamahalaan ng mga kalangitan at kalupaan. At ang Allah ay Saksi sa lahat ng bagay.
إِنَّ ٱلَّذِينَ فَتَنُواْ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ ثُمَّ لَمۡ يَتُوبُواْ فَلَهُمۡ عَذَابُ جَهَنَّمَ وَلَهُمۡ عَذَابُ ٱلۡحَرِيقِ
Open ayah 85:10Katotohanan, yaong mga nagpahirap nang labis sa mga naniniwalang lalaki at naniniwalang babae [at] pagkaraan ay hindi nagsisi, sa kanila ay parusa ng Impiyerno, at sa kanila ay parusa ng naglalagablab na Apoy.
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡكَبِيرُ
Open ayah 85:11Katotohanan, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sa kanila ay mga hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Iyan ang dakilang tagumpay.
إِنَّ بَطۡشَ رَبِّكَ لَشَدِيدٌ
Open ayah 85:12Katotohanan, ang kaparusahan ng iyong Panginoon ay tiyak na matindi.
إِنَّهُۥ هُوَ يُبۡدِئُ وَيُعِيدُ
Open ayah 85:13Katotohanan, Siya ang nagpasimula [sa paglikha], at [pagkaraan ito ay Kanyang] uulitin.
وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلۡوَدُودُ
Open ayah 85:14At Siya ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal,
ذُو ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡمَجِيدُ
Open ayah 85:15Nagmamay-ari ng Marangal na Trono.
فَعَّالٞ لِّمَا يُرِيدُ
Open ayah 85:16[Siya ay] gumagawa ng anumang Kanyang naisin.
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡجُنُودِ
Open ayah 85:17Nakarating na ba sa iyo ang kasaysayan ng mga kawal –
فِرۡعَوۡنَ وَثَمُودَ
Open ayah 85:18Ni Paraon at ng [mga Tribu ng] Thamud?
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي تَكۡذِيبٖ
Open ayah 85:19Nguni’t, yaong mga di-naniniwala ay nasa [patuloy na] pagtakwil,
وَٱللَّهُ مِن وَرَآئِهِم مُّحِيطُۢ
Open ayah 85:20At [sila ay] nasasaklawan ng Allah mula sa kanilang mga likuran.
بَلۡ هُوَ قُرۡءَانٞ مَّجِيدٞ
Open ayah 85:21Nguni’t ito ang marangal na Qur’an.
فِي لَوۡحٖ مَّحۡفُوظِۭ
Open ayah 85:22[Nakatitik] sa iniingatang Talaan.