الطارق

At-Taariq

The Morning Star · Surah 86 · Ayahs: 17 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. وَٱلسَّمَآءِ وَٱلطَّارِقِ

    Open ayah 86:1

    [Isinusumpa Ko] sa langit at sa bituin [na lumilitaw sa gabi] -

  2. وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلطَّارِقُ

    Open ayah 86:2

    At ano ba ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang bituin [na lumilitaw sa gabi]?

  3. ٱلنَّجۡمُ ٱلثَّاقِبُ

    Open ayah 86:3

    Ito ang nagluluningning na bituin;

  4. إِن كُلُّ نَفۡسٖ لَّمَّا عَلَيۡهَا حَافِظٞ

    Open ayah 86:4

    Bawa’t kaluluwa ay mayroong tagapagbantay [na mga anghel],

  5. فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ مِمَّ خُلِقَ

    Open ayah 86:5

    Kaya hayaang pag-isipan ng tao mula sa anong [bagay] siya ay nilikha!

  6. خُلِقَ مِن مَّآءٖ دَافِقٖ

    Open ayah 86:6

    Siya ay nilikha mula sa isang tubig [semilya], na dumadaloy,

  7. يَخۡرُجُ مِنۢ بَيۡنِ ٱلصُّلۡبِ وَٱلتَّرَآئِبِ

    Open ayah 86:7

    Lumalabas mula sa pagitan ng [kanyang] gulugod at ng mga tadyang.

  8. إِنَّهُۥ عَلَىٰ رَجۡعِهِۦ لَقَادِرٞ

    Open ayah 86:8

    Katotohanan, Siya [ang Allah] ay may kakayahang ibalik ang tao [sa pagkabuhay].

  9. يَوۡمَ تُبۡلَى ٱلسَّرَآئِرُ

    Open ayah 86:9

    Sa Araw na iyon ang mga lihim ay susuriin [hahatulan at isisiwalat],

  10. فَمَا لَهُۥ مِن قُوَّةٖ وَلَا نَاصِرٖ 

    Open ayah 86:10

    Kaya, siya [ang tao] ay walang lakas at walang katulong.

  11. وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلرَّجۡعِ

    Open ayah 86:11

    [Isinusumpa Ko] sa langit na may [nagbabalik ng] ulan [nang paulit- ulit].

  12. وَٱلۡأَرۡضِ ذَاتِ ٱلصَّدۡعِ

    Open ayah 86:12

    At sa lupang nangabibitak [upang ito ay magpasibol ng mga halaman].

  13. إِنَّهُۥ لَقَوۡلٞ فَصۡلٞ

    Open ayah 86:13

    Katotohanan, ito [ang Qur’an] ay isang totoo [mahalagang] pahayag,

  14. وَمَا هُوَ بِٱلۡهَزۡلِ

    Open ayah 86:14

    At ito ay hindi [ipinahayag upang gawing] libangan.

  15. إِنَّهُمۡ يَكِيدُونَ كَيۡدٗا

    Open ayah 86:15

    Katotohanan, sila [mga di-naniniwala] ay nagtatangka ng isang [masamang] balakin,

  16. وَأَكِيدُ كَيۡدٗا

    Open ayah 86:16

    At Ako ay nagbabalak ng isang balakin [laban sa kanila],

  17. فَمَهِّلِ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَمۡهِلۡهُمۡ رُوَيۡدَۢا

    Open ayah 86:17

    Kaya magbigay ng [sapat na] oras para sa mga di-naniniwala. Sila ay [inyong] hayaan kahit sandali.