الأعلى
Al-A'laa
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
سَبِّحِ ٱسۡمَ رَبِّكَ ٱلۡأَعۡلَى
Open ayah 87:1Luwalhatiin mo ang Ngalan ng iyong Panginoon, ang Kataas-taasan.
ٱلَّذِي خَلَقَ فَسَوَّىٰ
Open ayah 87:2[Siya] na lumikha at nagbigay ng hubog.
وَٱلَّذِي قَدَّرَ فَهَدَىٰ
Open ayah 87:3At nagtakda at nagpatnubay.
وَٱلَّذِيٓ أَخۡرَجَ ٱلۡمَرۡعَىٰ
Open ayah 87:4At nagpatubo ng mga damong pastulan.
فَجَعَلَهُۥ غُثَآءً أَحۡوَىٰ
Open ayah 87:5Pagkaraan, ito ay Kanyang ginawang maitim na pinaggapasan.
سَنُقۡرِئُكَ فَلَا تَنسَىٰٓ
Open ayah 87:6Aming ipabibigkas sa iyo [O Muhammad ang Qur’an] upang hindi mo malimutan.
إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلۡجَهۡرَ وَمَا يَخۡفَىٰ
Open ayah 87:7Maliban sa anumang naisin ng Allah. Katotohanan, Kanyang nababatid ang anumang nakahayag at ang anumang nakatago.
وَنُيَسِّرُكَ لِلۡيُسۡرَىٰ
Open ayah 87:8At Aming gagawing magaan para sa iyo ang pagtungo sa [landas na] magaan.
فَذَكِّرۡ إِن نَّفَعَتِ ٱلذِّكۡرَىٰ
Open ayah 87:9Kaya paalalahanan mo, [ang tao] kung ang pagpapaalala ay makabubuti [para sa kanila].
سَيَذَّكَّرُ مَن يَخۡشَىٰ
Open ayah 87:10Sinumang natatakot [sa Allah] ay mapaaalalahanan.
وَيَتَجَنَّبُهَا ٱلۡأَشۡقَى
Open ayah 87:11Subali’t ito ay iiwasan ng mga [taong] sawimpalad.
ٱلَّذِي يَصۡلَى ٱلنَّارَ ٱلۡكُبۡرَىٰ
Open ayah 87:12[Siya] na [papasok at] susunugin sa napakalaking Apoy.
ثُمَّ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ
Open ayah 87:13Pagkaraan, doon - siya ay hindi mamamatay at hindi mabubuhay.
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن تَزَكَّىٰ
Open ayah 87:14Katiyakan, nagtagumpay ang sinumang nagpakadalisay.
وَذَكَرَ ٱسۡمَ رَبِّهِۦ فَصَلَّىٰ
Open ayah 87:15At nakaaalala sa Pangalan ng kanyang Panginoon at nagdarasal.
بَلۡ تُؤۡثِرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
Open ayah 87:16Subali’t higit ninyong pinili ang buhay sa mundo.
وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓ
Open ayah 87:17Bagaman ang kabilang buhay ay higit na mabuti at nagtatagal [o walang kupas].
إِنَّ هَٰذَا لَفِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ
Open ayah 87:18Katotohanan, ito ay nakatala sa mga naunang [banal na] kasulatan.
صُحُفِ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ
Open ayah 87:19Sa mga kasulatan nina Abraham at Moises.