الغاشية

Al-Ghaashiya

The Overwhelming · Surah 88 · Ayahs: 26 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡغَٰشِيَةِ

    Open ayah 88:1

    Nakarating na ba sa iyo ang salaysay [tungkol] sa kasindak-sindak [na pangyayari]?

  2. وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٍ خَٰشِعَةٌ

    Open ayah 88:2

    Ang [ibang] mga mukha, sa Araw na iyon, ay mangangayupapa,

  3. عَامِلَةٞ نَّاصِبَةٞ

    Open ayah 88:3

    [Nagpapakasakit sa] paggawa [at] hapung-hapo,

  4. تَصۡلَىٰ نَارًا حَامِيَةٗ

    Open ayah 88:4

    Sila ay [magsisipasok at] susunugin sa isang matinding init ng Apoy,

  5. تُسۡقَىٰ مِنۡ عَيۡنٍ ءَانِيَةٖ

    Open ayah 88:5

    Sila ay paiinumin mula sa kumukulong bukal,

  6. لَّيۡسَ لَهُمۡ طَعَامٌ إِلَّا مِن ضَرِيعٖ

    Open ayah 88:6

    Para sa kanila, walang magiging pagkain maliban sa isang [nakalalason, matinik na] puno ng Dhaari

  7. لَّا يُسۡمِنُ وَلَا يُغۡنِي مِن جُوعٖ

    Open ayah 88:7

    [Ito ay] hindi nakabubusog at hindi rin nakapapawi ng gutom.

  8. وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ نَّاعِمَةٞ

    Open ayah 88:8

    Ang [ibang] mga mukha, sa Araw na iyon, ay mababanaag ang ligaya,

  9. لِّسَعۡيِهَا رَاضِيَةٞ

    Open ayah 88:9

    Sa kanilang pagsusumikap [sila ay] nasisiyahan,

  10. فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ 

    Open ayah 88:10

    [Sila ay] naroroon sa matayog na hardin [sa Paraiso],

  11. لَّا تَسۡمَعُ فِيهَا لَٰغِيَةٗ

    Open ayah 88:11

    Sila ay walang maririnig doon ng masasamang salita,

  12. فِيهَا عَيۡنٞ جَارِيَةٞ

    Open ayah 88:12

    Doon ay [may] umaagos na bukal,

  13. فِيهَا سُرُرٞ مَّرۡفُوعَةٞ

    Open ayah 88:13

    Doon ay [may] mga sandalang itinayong matataas,

  14. وَأَكۡوَابٞ مَّوۡضُوعَةٞ

    Open ayah 88:14

    At mga [kopitang] inumang inilaan,

  15. وَنَمَارِقُ مَصۡفُوفَةٞ

    Open ayah 88:15

    At mga [malalambot na] unan inayos nang magkakahanay,

  16. وَزَرَابِيُّ مَبۡثُوثَةٌ

    Open ayah 88:16

    At mga alpombrang inilatag [nang marangya].

  17. أَفَلَا يَنظُرُونَ إِلَى ٱلۡإِبِلِ كَيۡفَ خُلِقَتۡ

    Open ayah 88:17

    Kaya, hindi ba sila sumusulyap sa mga kamelyo - kung paano sila nilikha?

  18. وَإِلَى ٱلسَّمَآءِ كَيۡفَ رُفِعَتۡ

    Open ayah 88:18

    At sa kalangitan - kung paano ito itinaas?

  19. وَإِلَى ٱلۡجِبَالِ كَيۡفَ نُصِبَتۡ

    Open ayah 88:19

    At sa mga bundok - kung paano ito itinirik?

  20. وَإِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَيۡفَ سُطِحَتۡ 

    Open ayah 88:20

    At sa kalupaan - kung paano ito inilatag [nang malawak]?

  21. فَذَكِّرۡ إِنَّمَآ أَنتَ مُذَكِّرٞ

    Open ayah 88:21

    Kaya paalalahanan mo sila [O Muhammad]; sapagka’t ikaw ay isang tagapagbabala lamang,

  22. لَّسۡتَ عَلَيۡهِم بِمُصَيۡطِرٍ

    Open ayah 88:22

    Ikaw ay hindi [isinugo bilang] isang tagapamahalang susupil sa kanila.

  23. إِلَّا مَن تَوَلَّىٰ وَكَفَرَ

    Open ayah 88:23

    Subali’t sinuman ang tumatalikod at hindi naniniwala –

  24. فَيُعَذِّبُهُ ٱللَّهُ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَكۡبَرَ

    Open ayah 88:24

    Magkagayon, siya ay parurusahan ng Allah nang isang matinding parusa.

  25. إِنَّ إِلَيۡنَآ إِيَابَهُمۡ

    Open ayah 88:25

    Katotohanan, sa Amin ang kanilang pagbabalik,

  26. ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا حِسَابَهُم

    Open ayah 88:26

    Pagkaraan, katotohanan, sa Amin [nakaatang] ang kanilang pagtutuos [at pananagutan ng mga gawa].