الفجر

Al-Fajr

The Dawn · Surah 89 · Ayahs: 30 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. وَٱلۡفَجۡرِ

    Open ayah 89:1

    [Isinusumpa Ko] sa pagbubukang-liwayway.

  2. وَلَيَالٍ عَشۡرٖ

    Open ayah 89:2

    At [sa unang] sampung gabi,

  3. وَٱلشَّفۡعِ وَٱلۡوَتۡرِ

    Open ayah 89:3

    At [sa] magkapares [na bilang] at gansal,

  4. وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَسۡرِ

    Open ayah 89:4

    At [sa] gabi kapag ito ay lumilipas.

  5. هَلۡ فِي ذَٰلِكَ قَسَمٞ لِّذِي حِجۡرٍ

    Open ayah 89:5

    Wala ba sa [lahat ng] mga iyan ang isang panunumpa [bilang sapat na katibayan] para sa isang nakauunawa?

  6. أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِعَادٍ

    Open ayah 89:6

    Hindi mo ba isinaalang-alang kung paano pinakitunguhan ng iyong Panginoon ang [mga mamamayan ng] ‘Aad?

  7. إِرَمَ ذَاتِ ٱلۡعِمَادِ

    Open ayah 89:7

    [Sila ay nagmula sa angkan ni] Iram - na mayroong mga [nagtataasang] haligi,

  8. ٱلَّتِي لَمۡ يُخۡلَقۡ مِثۡلُهَا فِي ٱلۡبِلَٰدِ

    Open ayah 89:8

    Na ang kanilang katulad ay hindi pa nalikha sa [alinmang] bayan [o lupain].

  9. وَثَمُودَ ٱلَّذِينَ جَابُواْ ٱلصَّخۡرَ بِٱلۡوَادِ

    Open ayah 89:9

    At ang [mga Tribu ng] Thamud na tumapyas ng mga bato sa lambak?

  10. وَفِرۡعَوۡنَ ذِي ٱلۡأَوۡتَادِ 

    Open ayah 89:10

    At [kay] Paraon, nagmamay-ari ng mga talasok [na kanyang ginagamit sa pagpagpataw ng parusa],

  11. ٱلَّذِينَ طَغَوۡاْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ

    Open ayah 89:11

    [Sila] yaong mga nang-api sa mga lupain,

  12. فَأَكۡثَرُواْ فِيهَا ٱلۡفَسَادَ

    Open ayah 89:12

    At [sila ay labis na] nagparami roon ng mga katiwalian,

  13. فَصَبَّ عَلَيۡهِمۡ رَبُّكَ سَوۡطَ عَذَابٍ

    Open ayah 89:13

    Kaya ipinataw sa kanila ng iyong Panginoon ang isang [masidhing] hagupit ng parusa.

  14. إِنَّ رَبَّكَ لَبِٱلۡمِرۡصَادِ

    Open ayah 89:14

    Katotohanan, ang iyong Panginoon ay nagmamasid [sa kanila].

  15. فَأَمَّا ٱلۡإِنسَٰنُ إِذَا مَا ٱبۡتَلَىٰهُ رَبُّهُۥ فَأَكۡرَمَهُۥ وَنَعَّمَهُۥ فَيَقُولُ رَبِّيٓ أَكۡرَمَنِ

    Open ayah 89:15

    Kaya ang tao, kapag siya ay sinusubukan ng kanyang Panginoon at [naging] mapagbigay sa kanya at siya ay biniyayaan, siya ay nagsasabi: “Ako ay pinarangalan ng aking Panginoon!”

  16. وَأَمَّآ إِذَا مَا ٱبۡتَلَىٰهُ فَقَدَرَ عَلَيۡهِ رِزۡقَهُۥ فَيَقُولُ رَبِّيٓ أَهَٰنَنِ

    Open ayah 89:16

    At kapag siya ay sinusubukan ng kanyang Panginoon at hinihigpitan ang kanyang panustos, siya ay nagsasabi [nang may paghihimutok]: “Ako ay hinamak ng aking Panginoon!”

  17. كَلَّاۖ بَل لَّا تُكۡرِمُونَ ٱلۡيَتِيمَ

    Open ayah 89:17

    Hindi, nguni’t kayo ay walang malasakit sa mga ulila,

  18. وَلَا تَحَٰٓضُّونَ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ

    Open ayah 89:18

    At kayo ay hindi naghihikayat sa isa’t isa upang magpakain sa mga dukha,

  19. وَتَأۡكُلُونَ ٱلتُّرَاثَ أَكۡلٗا لَّمّٗا

    Open ayah 89:19

    At inyong kinamkam ang pamana, nilustay nang walang pakundangan,

  20. وَتُحِبُّونَ ٱلۡمَالَ حُبّٗا جَمّٗا 

    Open ayah 89:20

    At inyong minamahal ang yaman nang may masidhing pagmamahal.

  21. كَلَّآۖ إِذَا دُكَّتِ ٱلۡأَرۡضُ دَكّٗا دَكّٗا

    Open ayah 89:21

    Nguni’t, kapag ang kalupaan ay patagin – [durugin at ligisin],

  22. وَجَآءَ رَبُّكَ وَٱلۡمَلَكُ صَفّٗا صَفّٗا

    Open ayah 89:22

    At ang [Kautusan ng] iyong Panginoon ay dumating na kasama ang mga anghel na magkakahanay,

  23. وَجِاْيٓءَ يَوۡمَئِذِۭ بِجَهَنَّمَۚ يَوۡمَئِذٖ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ وَأَنَّىٰ لَهُ ٱلذِّكۡرَىٰ

    Open ayah 89:23

    At dalhing malapit [abot-tanaw] ang Impiyerno sa Araw na iyon. Sa Araw na iyon, ang tao ay makaaalala, nguni’t paano [o ano pa ang halaga] sa kanya nang gayong pag-alaala?

  24. يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي قَدَّمۡتُ لِحَيَاتِي

    Open ayah 89:24

    Siya ay magsasabi [nang may hinayang]: “Ahh, sana’y nakapaglaan ako noon [ng mga kabutihan] para sa aking buhay [na ito]!”

  25. فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يُعَذِّبُ عَذَابَهُۥٓ أَحَدٞ

    Open ayah 89:25

    Kaya, sa Araw na iyon walang parurusahan [na kasingtindi] ng Kanyang pagpaparusa,

  26. وَلَا يُوثِقُ وَثَاقَهُۥٓ أَحَدٞ

    Open ayah 89:26

    At walang igagapos [na kasinghigpit] ng Kanyang paggapos.

  27. يَٰٓأَيَّتُهَا ٱلنَّفۡسُ ٱلۡمُطۡمَئِنَّةُ

    Open ayah 89:27

    [At sa mabuting tao ito ay sasabihin]: “O kaluluwang matiwasay!

  28. ٱرۡجِعِيٓ إِلَىٰ رَبِّكِ رَاضِيَةٗ مَّرۡضِيَّةٗ

    Open ayah 89:28

    Magbalik ka sa iyong Panginoon nang nasisiyahan at nakasisiya [sa Kanya].

  29. فَٱدۡخُلِي فِي عِبَٰدِي

    Open ayah 89:29

    Kaya ikaw ay pumasok bilang isa sa Aking [pinarangalang] alipin,

  30. وَٱدۡخُلِي جَنَّتِي 

    Open ayah 89:30

    At ikaw ay pumasok sa Aking Paraiso!”