البلد
Al-Balad
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
لَآ أُقۡسِمُ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ
Open ayah 90:1Isinusumpa Ko sa lungsod na ito [ng Makkah],
وَأَنتَ حِلُّۢ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ
Open ayah 90:2At ikaw [O Muhammad] ay malaya sa lungsod na ito.
وَوَالِدٖ وَمَا وَلَدَ
Open ayah 90:3At [isinusumpa Ko] sa ama [kay Adan] at sa alinmang isinilang [anak],
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ فِي كَبَدٍ
Open ayah 90:4Katiyakan, Aming nilikha ang tao sa pagpapakasakit.
أَيَحۡسَبُ أَن لَّن يَقۡدِرَ عَلَيۡهِ أَحَدٞ
Open ayah 90:5Inaakala ba niya na kailanman ay walang Isang [Makapangyarihang Diyos na] lubos na makapananaig [o susupil] sa kanya?
يَقُولُ أَهۡلَكۡتُ مَالٗا لُّبَدًا
Open ayah 90:6Kanyang sinasabi [nang may pagyayabang]: “Ako ay naglustay ng napakalaking yaman.”
أَيَحۡسَبُ أَن لَّمۡ يَرَهُۥٓ أَحَدٌ
Open ayah 90:7Inaakala ba niya na walang Isang [Makapangyarihang Diyos na] lubos na nakakikita sa kanya?
أَلَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ عَيۡنَيۡنِ
Open ayah 90:8Hindi ba Aming nilikha para sa kanya ang dalawang mata?
وَلِسَانٗا وَشَفَتَيۡنِ
Open ayah 90:9At ang dila at dalawang labi?
وَهَدَيۡنَٰهُ ٱلنَّجۡدَيۡنِ
Open ayah 90:10At Aming naipakita sa kanya ang dalawang landas [mabuti at masama]?
فَلَا ٱقۡتَحَمَ ٱلۡعَقَبَةَ
Open ayah 90:11Subali’t siya ay hindi [nagsikap upang] tumahak sa matarik na landas,
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡعَقَبَةُ
Open ayah 90:12At ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang matarik na landas?
فَكُّ رَقَبَةٍ
Open ayah 90:13[Ito ay] ang pagpapalaya ng isang alipin,
أَوۡ إِطۡعَٰمٞ فِي يَوۡمٖ ذِي مَسۡغَبَةٖ
Open ayah 90:14O ang pagpapakain sa araw ng matinding paghihikahos,
يَتِيمٗا ذَا مَقۡرَبَةٍ
Open ayah 90:15Sa isang ulilang malapit na kamag-anak,
أَوۡ مِسۡكِينٗا ذَا مَتۡرَبَةٖ
Open ayah 90:16O sa isang dukha sa [gitna ng] kahirapan.
ثُمَّ كَانَ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلصَّبۡرِ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلۡمَرۡحَمَةِ
Open ayah 90:17Pagkaraan, siya ay naging kabilang niyaong mga naniwala at nagpayuhan sa isa’t isa sa pagtitiis at nagpayuhan sa isa’t isa sa pagiging maawain,
أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ
Open ayah 90:18Sila yaong mga kasamahan ng kanan.
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا هُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ
Open ayah 90:19At yaong mga hindi naniwala sa Aming mga ayaat [kapahayagan], sila ang mga kasamahan ng kaliwa,
عَلَيۡهِمۡ نَارٞ مُّؤۡصَدَةُۢ
Open ayah 90:20Sa kanilang itaas ay Apoy na magtatakip.