الشمس

Ash-Shams

The Sun · Surah 91 · Ayahs: 15 · Meccan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. وَٱلشَّمۡسِ وَضُحَىٰهَا

    Open ayah 91:1

    [Isinusumpa Ko] sa araw at sa kanyang liwanag,

  2. وَٱلۡقَمَرِ إِذَا تَلَىٰهَا

    Open ayah 91:2

    At sa buwan kapag sinusundan nito [ang araw],

  3. وَٱلنَّهَارِ إِذَا جَلَّىٰهَا

    Open ayah 91:3

    At sa maghapon kapag ipinakikita ang liwanag [ng sinag ng araw],

  4. وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰهَا

    Open ayah 91:4

    At sa [dilim ng] gabi kapag tinatakpan nito [ang araw],

  5. وَٱلسَّمَآءِ وَمَا بَنَىٰهَا

    Open ayah 91:5

    At sa kalangitan at sa Kanya na nagtayo nito,

  6. وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا طَحَىٰهَا

    Open ayah 91:6

    At sa kalupaan at sa Kanya na naglatag nito,

  7. وَنَفۡسٖ وَمَا سَوَّىٰهَا

    Open ayah 91:7

    At sa tao [o kaluluwa] at sa Kanya na humubog nito,

  8. فَأَلۡهَمَهَا فُجُورَهَا وَتَقۡوَىٰهَا

    Open ayah 91:8

    Kaya, Kanyang ipinakita [nang may pang-unawa] sa kanya [sa tao] ang kasamaan nito at kabutihan nito.

  9. قَدۡ أَفۡلَحَ مَن زَكَّىٰهَا

    Open ayah 91:9

    Katiyakan, sinumang ginagawang dalisay ito [ang sariling kaluluwa] ay [siyang tunay na] nagtagumpay,

  10. وَقَدۡ خَابَ مَن دَسَّىٰهَا 

    Open ayah 91:10

    At sinumang pinanatili ito [ang sariling kaluluwa sa kasamaan] ay [tunay na] nabigo.

  11. كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِطَغۡوَىٰهَآ

    Open ayah 91:11

    Itinakwil ng [mga Tribu ng] Thamud [ang kanilang Propeta] sa pamamagitan ng kanilang pagsuway.

  12. إِذِ ٱنۢبَعَثَ أَشۡقَىٰهَا

    Open ayah 91:12

    Nang ang pinakamasama sa kanila ay humayo [upang paslangin ang kamelyo],

  13. فَقَالَ لَهُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ نَاقَةَ ٱللَّهِ وَسُقۡيَٰهَا

    Open ayah 91:13

    At ang Sugo ng Allah ay nagsabi sa kanila: “[Huwag ninyong saktan] ang babaing kamelyo at [huwag ipagkait] ang kanyang inumin,”

  14. فَكَذَّبُوهُ فَعَقَرُوهَا فَدَمۡدَمَ عَلَيۡهِمۡ رَبُّهُم بِذَنۢبِهِمۡ فَسَوَّىٰهَا

    Open ayah 91:14

    Subali’t siya ay kanilang itinakwil at ito ay nilumpo [at pagkaraa’y pinatay]; kaya sila ay binabaan ng salot ng kanilang Panginoon nang dahil sa kanilang mga kasalanan, at ito [ang salot] ay ginawang pantay [sa kanilang lahat],

  15. وَلَا يَخَافُ عُقۡبَٰهَا

    Open ayah 91:15

    At hindi Niya pinangambahan ang mga kahihinatnan nito.