الليل
Al-Lail
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰ
Open ayah 92:1[Isinusumpa Ko] sa gabi kapag lumalaganap [ang kadiliman nito],
وَٱلنَّهَارِ إِذَا تَجَلَّىٰ
Open ayah 92:2At sa araw kapag lumilitaw ang sinag [ng liwanag] nito,
وَمَا خَلَقَ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ
Open ayah 92:3At sa Kanya na lumikha sa lalaki at babae,
إِنَّ سَعۡيَكُمۡ لَشَتَّىٰ
Open ayah 92:4Katotohanan, ang inyong mga pagsisikap ay magkakaiba [sa layunin].
فَأَمَّا مَنۡ أَعۡطَىٰ وَٱتَّقَىٰ
Open ayah 92:5Kaya sinuman ang nagbigay [sa kawanggawa] at natakot [sa Allah],
وَصَدَّقَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ
Open ayah 92:6At naniwala sa pinakamabuti [ang pag-asam ng gantimpala],
فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡيُسۡرَىٰ
Open ayah 92:7Magkagayon, Aming gagawing magaan para sa kanya ang pagtungo sa [landas na] magaan.
وَأَمَّا مَنۢ بَخِلَ وَٱسۡتَغۡنَىٰ
Open ayah 92:8At para sa kanya na nagkait at nagturing sa sarili bilang may kasapatan [nag-aakalang siya ay walang pangangailangan],
وَكَذَّبَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ
Open ayah 92:9At nagtakwil sa pinakamabuti [ang pag-asam ng gantimpala],
فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡعُسۡرَىٰ
Open ayah 92:10Magkagayon, Aming gagawing magaan para sa kanya ang pagtungo sa [landas na] kahirapan,
وَمَا يُغۡنِي عَنۡهُ مَالُهُۥٓ إِذَا تَرَدَّىٰٓ
Open ayah 92:11At walang maidudulot sa kanya ang kanyang yaman kung siya ay masadlak [sa apoy ng Impiyerno]?
إِنَّ عَلَيۡنَا لَلۡهُدَىٰ
Open ayah 92:12Katotohanan, sa Amin [nakaatang] ang patnubay.
وَإِنَّ لَنَا لَلۡأٓخِرَةَ وَٱلۡأُولَىٰ
Open ayah 92:13At katotohanan nasa Amin ang Huli [ang kabilang buhay] at ang Una [ang buhay sa mundong ito].
فَأَنذَرۡتُكُمۡ نَارٗا تَلَظَّىٰ
Open ayah 92:14Kaya, Ako ay nagbabala sa inyo ng isang nagliliyab na Apoy [ng Impiyerno],
لَا يَصۡلَىٰهَآ إِلَّا ٱلۡأَشۡقَى
Open ayah 92:15Walang [ipapasok upang] sunugin doon maliban sa mga sawimpalad,
ٱلَّذِي كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ
Open ayah 92:16Na nagtakwil at tumalikod [sa wagas na pagsamba sa Allah].
وَسَيُجَنَّبُهَا ٱلۡأَتۡقَى
Open ayah 92:17Nguni't ang mga natatakot [sa Allah] ay makaiiwas dito [sa parusa ng Apoy],
ٱلَّذِي يُؤۡتِي مَالَهُۥ يَتَزَكَّىٰ
Open ayah 92:18[Siya] na nagbibigay ng kanyang yaman upang padalisayin ang sarili,
وَمَا لِأَحَدٍ عِندَهُۥ مِن نِّعۡمَةٖ تُجۡزَىٰٓ
Open ayah 92:19At hindi para sa sinuman na [ginawan niya] ng kabutihan upang [siya ay] gantimpalaan,
إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ رَبِّهِ ٱلۡأَعۡلَىٰ
Open ayah 92:20Maliban upang hanapin ang Mukha [o Lugod] ng kanyang Panginoon, ang Kataas-taasan,
وَلَسَوۡفَ يَرۡضَىٰ
Open ayah 92:21At katiyakang kanyang makakamit ang kasiyahan.