الضحى
Ad-Dhuhaa
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلضُّحَىٰ
Open ayah 93:1[Isinusumpa Ko] sa [liwanag ng] umaga,
وَٱلَّيۡلِ إِذَا سَجَىٰ
Open ayah 93:2At sa gabi kapag ito ay nagdidilim [at naging tahimik],
مَا وَدَّعَكَ رَبُّكَ وَمَا قَلَىٰ
Open ayah 93:3Ang iyong Panginoon [O Muhammad] ay hindi nagpabaya sa iyo at hindi nasuklam [sa iyo].
وَلَلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لَّكَ مِنَ ٱلۡأُولَىٰ
Open ayah 93:4At ang kabilang buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa una [ang buhay sa mundo],
وَلَسَوۡفَ يُعۡطِيكَ رَبُّكَ فَتَرۡضَىٰٓ
Open ayah 93:5At ang iyong Panginoon ay magkakaloob sa iyo, at ikaw ay masisiyahan.
أَلَمۡ يَجِدۡكَ يَتِيمٗا فَـَٔاوَىٰ
Open ayah 93:6Hindi ba ikaw ay natagpuan Niyang isang ulila at [ikaw ay] binigyan ng kanlungan?
وَوَجَدَكَ ضَآلّٗا فَهَدَىٰ
Open ayah 93:7At ikaw ay natagpuan Niyang naliligaw at [ikaw ay] pinatnubayan,
وَوَجَدَكَ عَآئِلٗا فَأَغۡنَىٰ
Open ayah 93:8At ikaw ay natagpuan Niyang isang dukha at [ikaw ay] pinagyaman.
فَأَمَّا ٱلۡيَتِيمَ فَلَا تَقۡهَرۡ
Open ayah 93:9Kaya para sa ulila, [siya ay] huwag mong apihin [o abusuhin],
وَأَمَّا ٱلسَّآئِلَ فَلَا تَنۡهَرۡ
Open ayah 93:10At para sa humihingi, [siya ay] huwag mong ipagtabuyan [o pagkaitan],
وَأَمَّا بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ فَحَدِّثۡ
Open ayah 93:11At para sa mga [ipinagkaloob na] pagpapala ng iyong Panginoon, [ito ay iyong] isalaysay [o ipagpasalamat nang lubusan].