الحجر
Al-Hijr
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
الٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ وَقُرۡءَانٖ مُّبِينٖ
Open ayah 15:1Alif. Lām. Rā’.[1] Ang mga ito ay mga talata ng Aklat at isang Qur’ān na malinaw.[2]
- Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
- sa Tawḥīd at mga batas
رُّبَمَا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ كَانُواْ مُسۡلِمِينَ
Open ayah 15:2Marahil mag-aasam ang mga tumangging sumampalataya [sa Araw ng Pagbangon] na kung sana sila ay naging mga Muslim.
ذَرۡهُمۡ يَأۡكُلُواْ وَيَتَمَتَّعُواْ وَيُلۡهِهِمُ ٱلۡأَمَلُۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 15:3Hayaan mo sila na kumain, magpakatamasa, at maglibang sa kanila ang [tagal ng] pag-asa sapagkat makaaalam sila.
وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا وَلَهَا كِتَابٞ مَّعۡلُومٞ
Open ayah 15:4Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong isang pagtatakdang nalalaman.
مَّا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ
Open ayah 15:5Walang nakauuna na anumang kalipunan sa taning nito at hindi sila nakapag-aantala.
وَقَالُواْ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِي نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلذِّكۡرُ إِنَّكَ لَمَجۡنُونٞ
Open ayah 15:6Nagsabi sila: “O siyang ibinaba sa kanya ang paalaala, tunay na ikaw ay talagang isang baliw.
لَّوۡ مَا تَأۡتِينَا بِٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Open ayah 15:7Bakit kasi hindi ka nagdadala sa amin ng mga anghel kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat?”
مَا نُنَزِّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَمَا كَانُوٓاْ إِذٗا مُّنظَرِينَ
Open ayah 15:8Hindi Kami nagbababa ng mga anghel malibang kalakip ng katotohanan; at hindi sila, samakatuwid, naging mga ipinagpapaliban.
إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا ٱلذِّكۡرَ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ
Open ayah 15:9Tunay na Kami ay nagbaba ng [Qur’ān na] Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat [laban sa pagbabago].
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي شِيَعِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 15:10Talaga ngang nagsugo Kami bago mo pa sa mga kampihan ng mga sinauna.
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Open ayah 15:11Walang pumupunta sa kanila na isang sugo malibang sila noon sa kanya ay nangungutya.
كَذَٰلِكَ نَسۡلُكُهُۥ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 15:12Gayon Kami nagpapasok nito sa mga puso ng mga salarin.
لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَقَدۡ خَلَتۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 15:13Hindi sila sumasampalataya rito [sa Qur’ān] samantalang lumipas na ang kalakaran sa mga sinauna.
وَلَوۡ فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَظَلُّواْ فِيهِ يَعۡرُجُونَ
Open ayah 15:14Kahit pa nagbukas Kami sa kanila ng isang pinto mula sa langit saka nanatili sila roon na pumapanik,
لَقَالُوٓاْ إِنَّمَا سُكِّرَتۡ أَبۡصَٰرُنَا بَلۡ نَحۡنُ قَوۡمٞ مَّسۡحُورُونَ
Open ayah 15:15talaga sanang nagsabi sila: “Nilango lamang ang mga paningin namin, bagkus kami ay mga taong nagaway.”
وَلَقَدۡ جَعَلۡنَا فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجٗا وَزَيَّنَّٰهَا لِلنَّٰظِرِينَ
Open ayah 15:16Talaga ngang naglagay Kami sa langit ng mga kumpulan [ng mga bituin] at naggayak sa mga ito para sa mga tagapagmasid.
وَحَفِظۡنَٰهَا مِن كُلِّ شَيۡطَٰنٖ رَّجِيمٍ
Open ayah 15:17Nag-ingat Kami rito[1] laban sa bawat demonyong kasumpa-sumpa,
- Ibig sabihin: langt.
إِلَّا مَنِ ٱسۡتَرَقَ ٱلسَّمۡعَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٞ مُّبِينٞ
Open ayah 15:18maliban sa sinumang nagnakaw-nakaw ng pagdinig kaya may sumunod sa kanya na isang bulalakaw na malinaw.
وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَٰهَا وَأَلۡقَيۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ شَيۡءٖ مَّوۡزُونٖ
Open ayah 15:19Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat bagay na balanse.
وَجَعَلۡنَا لَكُمۡ فِيهَا مَعَٰيِشَ وَمَن لَّسۡتُمۡ لَهُۥ بِرَٰزِقِينَ
Open ayah 15:20Gumawa Kami para sa inyo rito ng mga kabuhayan at sa sinumang hindi kayo sa kanya mga tagapagtustos.
وَإِن مِّن شَيۡءٍ إِلَّا عِندَنَا خَزَآئِنُهُۥ وَمَا نُنَزِّلُهُۥٓ إِلَّا بِقَدَرٖ مَّعۡلُومٖ
Open ayah 15:21Walang anumang bagay malibang nasa ganang Amin ang mga lagakan nito, at hindi Kami nagbababa nito malibang ayon sa sukat na nalalaman.
وَأَرۡسَلۡنَا ٱلرِّيَٰحَ لَوَٰقِحَ فَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَسۡقَيۡنَٰكُمُوهُ وَمَآ أَنتُمۡ لَهُۥ بِخَٰزِنِينَ
Open ayah 15:22Nagsugo Kami ng mga hangin bilang mga tagapagsemilya at nagpababa Kami mula sa langit ng tubig kaya nagpainom Kami sa inyo nito samantalang kayo para rito ay hindi mga tagapag-imbak.
وَإِنَّا لَنَحۡنُ نُحۡيِۦ وَنُمِيتُ وَنَحۡنُ ٱلۡوَٰرِثُونَ
Open ayah 15:23Tunay na Kami, talagang Kami ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan at Kami ay ang Tagapagmana.
وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَقۡدِمِينَ مِنكُمۡ وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَـٔۡخِرِينَ
Open ayah 15:24Talaga ngang nakaalam Kami sa mga nakapagpapauna kabilang sa inyo at talaga ngang nakaalam Kami sa mga nakapagpapaantala.
وَإِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَحۡشُرُهُمۡۚ إِنَّهُۥ حَكِيمٌ عَلِيمٞ
Open ayah 15:25Tunay na ang Panginoon mo ay kakalap sa kanila [para gantihan]. Tunay na Siya ay Marunong, Maalam.
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Open ayah 15:26Talaga ngang lumikha Kami sa tao mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.[1]
- O nabago ang kulay at amoy
وَٱلۡجَآنَّ خَلَقۡنَٰهُ مِن قَبۡلُ مِن نَّارِ ٱلسَّمُومِ
Open ayah 15:27Ang jinn ay nilikha Namin ito bago pa niyan mula sa apoy ng nakapapasong hangin.
وَإِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنِّي خَٰلِقُۢ بَشَرٗا مِّن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Open ayah 15:28[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: “Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.”[1]
- O nabago ang kulay at amoy
فَإِذَا سَوَّيۡتُهُۥ وَنَفَخۡتُ فِيهِ مِن رُّوحِي فَقَعُواْ لَهُۥ سَٰجِدِينَ
Open ayah 15:29Kaya noong humubog Ako rito at umihip Ako rito mula sa espiritu Ko ay magsibagsak kayo sa kanya na mga nakapatirapa.
فَسَجَدَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ كُلُّهُمۡ أَجۡمَعُونَ
Open ayah 15:30Kaya nagpatirapa ang mga anghel sa kabuuan nila nang magkakasama,
إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰٓ أَن يَكُونَ مَعَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Open ayah 15:31maliban si Satanas; tumanggi siya na maging kasama sa mga tagapagpatirapa.
قَالَ يَٰٓإِبۡلِيسُ مَا لَكَ أَلَّا تَكُونَ مَعَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Open ayah 15:32Nagsabi Siya: “O Satanas, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka maging kasama sa mga tagapagpatirapa.”
قَالَ لَمۡ أَكُن لِّأَسۡجُدَ لِبَشَرٍ خَلَقۡتَهُۥ مِن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Open ayah 15:33Nagsabi ito: “Hindi ako naging ukol na magpatirapa sa isang mortal na nilikha Mo mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.”
قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٞ
Open ayah 15:34Nagsabi Siya: “Kaya lumabas ka mula riyan [sa Paraiso] sapagkat tunay na ikaw ay kasumpa-sumpa,
وَإِنَّ عَلَيۡكَ ٱللَّعۡنَةَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
Open ayah 15:35at tunay na sumaiyo ang sumpa hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.”
قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
Open ayah 15:36Nagsabi ito: “Panginoon ko, kaya magpaliban Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila.”
قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ
Open ayah 15:37Nagsabi Siya: “Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga ipinagpapaliban
إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ
Open ayah 15:38hanggang sa araw ng panahong nalalaman [Ko].”
قَالَ رَبِّ بِمَآ أَغۡوَيۡتَنِي لَأُزَيِّنَنَّ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَأُغۡوِيَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 15:39Nagsabi ito: “Panginoon ko, dahil naglisya Ka sa akin, talagang mang-aakit nga ako sa kanila[1] sa lupa at talagang maglilisya nga ako sa kanila nang magkakasama,
- Ibig sabihin: sa mga anak ni Adan.
إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
Open ayah 15:40maliban sa mga lingkod Mo kabilang sa kanila na mga itinangi.”
قَالَ هَٰذَا صِرَٰطٌ عَلَيَّ مُسۡتَقِيمٌ
Open ayah 15:41Nagsabi Siya: “Ito ay isang landasin sa Akin na tuwid.
إِنَّ عِبَادِي لَيۡسَ لَكَ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٌ إِلَّا مَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡغَاوِينَ
Open ayah 15:42Tunay na ang mga lingkod Ko ay walang ukol sa iyo na kapamahalaanan sa kanila [sa paglilisya sa kanila], maliban sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga nalilisya.s
وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمَوۡعِدُهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 15:43Tunay na ang Impiyerno ay talagang ang tipanan nila nang magkakasama.
لَهَا سَبۡعَةُ أَبۡوَٰبٖ لِّكُلِّ بَابٖ مِّنۡهُمۡ جُزۡءٞ مَّقۡسُومٌ
Open ayah 15:44Mayroon itong pitong pinto; para sa bawat pinto, mula sa kanila ay may isang bahaging itinalaga [sa mga tagasunod ni Satanas].”
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ
Open ayah 15:45Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal.
ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٍ ءَامِنِينَ
Open ayah 15:46[Sasabihin:] “Pumasok kayo sa mga ito nang may kapayapaan habang mga natitiwasay.”
وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلٍّ إِخۡوَٰنًا عَلَىٰ سُرُرٖ مُّتَقَٰبِلِينَ
Open ayah 15:47Magtatanggal Kami ng anumang nasa mga dibdib nila na pagkamuhi, bilang magkakapatid habang nasa mga kama na mga nagkakaharapan.
لَا يَمَسُّهُمۡ فِيهَا نَصَبٞ وَمَا هُم مِّنۡهَا بِمُخۡرَجِينَ
Open ayah 15:48Walang sumasaling sa kanila roon na isang pagkapagal at hindi sila mula roon mga palalabasin.
۞نَبِّئۡ عِبَادِيٓ أَنِّيٓ أَنَا ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Open ayah 15:49Magbalita ka sa mga lingkod Ko na Ako ay ang Mapagpatawad, ang Maawain,
وَأَنَّ عَذَابِي هُوَ ٱلۡعَذَابُ ٱلۡأَلِيمُ
Open ayah 15:50at na ang pagdurusang dulot Ko ay ang pagdurusang masakit.
وَنَبِّئۡهُمۡ عَن ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ
Open ayah 15:51Magbalita ka sa kanila tungkol sa mga [anghel na] panauhin ni Abraham.
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗا قَالَ إِنَّا مِنكُمۡ وَجِلُونَ
Open ayah 15:52[Banggitin] noong pumasok sila[1] sa kanya at nagsabi sila: “Kapayapaan” ay nagsabi siya: “Tunay na kami sa inyo ay mga nasisindak.”
- Ibig sabihin: ang mga anghel.
قَالُواْ لَا تَوۡجَلۡ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Open ayah 15:53Nagsabi sila: “Huwag kang masindak; tunay na kami ay magbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking maalam.”
قَالَ أَبَشَّرۡتُمُونِي عَلَىٰٓ أَن مَّسَّنِيَ ٱلۡكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ
Open ayah 15:54Nagsabi siya:[1] “Nagbalita ba kayo ng nakagagalak sa akin [hinggil sa isang anak] sa kabila na sumaling sa akin ang kagulangan? Kaya hinggil sa ano nagbabalita kayo ng nakagagalak sa akin?”
- Ibig sabihin: si Abraham.
قَالُواْ بَشَّرۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡقَٰنِطِينَ
Open ayah 15:55Nagsabi sila: “Nagbalita kami ng nakagagalak sa iyo hinggil sa katotohanan kaya huwag kang maging kabilang sa mga nasisiraan ng loob.”
قَالَ وَمَن يَقۡنَطُ مِن رَّحۡمَةِ رَبِّهِۦٓ إِلَّا ٱلضَّآلُّونَ
Open ayah 15:56Nagsabi siya: “Sino ang nasisiraan ng loob sa awa ng Panginoon niya maliban sa mga ligaw?”
قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Open ayah 15:57Nagsabi siya: “Kaya ano ang pakay ninyo, O mga isinugo?”
قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ
Open ayah 15:58Nagsabi sila: “Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,
إِلَّآ ءَالَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 15:59maliban sa mag-anak ni Lot; tunay na kami ay mga magliligtas sa kanila nang magkakasama,
إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَآ إِنَّهَا لَمِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Open ayah 15:60maliban sa maybahay niya [sapagkat nagsabi si Allāh:] Nagtakda Kami na tunay na ito ay talagang kabilang sa mga magpapaiwan [para mapahamak].”
فَلَمَّا جَآءَ ءَالَ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Open ayah 15:61Kaya noong dumating sa mag-anak ni Lot ang mga [anghel na] isinugo,
قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
Open ayah 15:62nagsabi siya: “Tunay na kayo ay mga taong di-kilala.”
قَالُواْ بَلۡ جِئۡنَٰكَ بِمَا كَانُواْ فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Open ayah 15:63Nagsabi sila: “Bagkus naghatid kami sa iyo ng [pagdurusang] sila dati kaugnay rito ay nagtataltalan.
وَأَتَيۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Open ayah 15:64Nagdala kami sa iyo ng katotohanan at tunay na kami ay talagang mga tapat.
فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَٱتَّبِعۡ أَدۡبَٰرَهُمۡ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٞ وَٱمۡضُواْ حَيۡثُ تُؤۡمَرُونَ
Open ayah 15:65Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi. Sumunod ka sa mga likuran nila at walang lilingon kabilang sa inyo na isa man. Tumuloy kayo sa kung saan kayo uutusan.”
وَقَضَيۡنَآ إِلَيۡهِ ذَٰلِكَ ٱلۡأَمۡرَ أَنَّ دَابِرَ هَٰٓؤُلَآءِ مَقۡطُوعٞ مُّصۡبِحِينَ
Open ayah 15:66Nagsiwalat Kami sa kanya ng bagay na iyon: na ang pinag-ugatan ng mga ito ay puputulin kapag inumaga.
وَجَآءَ أَهۡلُ ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Open ayah 15:67Dumating ang mga naninirahan sa lungsod na nagagalak.
قَالَ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ ضَيۡفِي فَلَا تَفۡضَحُونِ
Open ayah 15:68Nagsabi siya: “Ang mga ito ay mga panauhin ko kaya huwag kayong mag-iskandalo sa akin.
وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ
Open ayah 15:69Mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag kayong magpahiya sa akin.”
قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ نَنۡهَكَ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 15:70Nagsabi sila: “Hindi ba sumaway kami sa iyo laban sa mga nilalang?”
قَالَ هَٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِيٓ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ
Open ayah 15:71Nagsabi siya: “Ang mga ito ay mga babaing anak ko [na mapakakasalan ninyo], kung kayo ay mga magsasagawa [ng pakikipagtalik].”
لَعَمۡرُكَ إِنَّهُمۡ لَفِي سَكۡرَتِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Open ayah 15:72Sumpa man sa buhay mo, tunay na sila ay talagang nasa kalanguan nila habang nag-aapuhap sila.
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُشۡرِقِينَ
Open ayah 15:73Kaya dumaklot sa kanila ang sigaw nang sumisikat [sa kanila ang araw].
فَجَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٍ
Open ayah 15:74Kaya gumawa Kami sa itaas ng mga [pamayanang] ito na maging ibaba ng [mga pamayanang] ito. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong yari sa nanigas na luwad.
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُتَوَسِّمِينَ
Open ayah 15:75Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga tagapaghinuha.
وَإِنَّهَا لَبِسَبِيلٖ مُّقِيمٍ
Open ayah 15:76Tunay na [ang mga pamayanang] ito ay talagang nasa isang landas na nananatili.
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 15:77Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya.
وَإِن كَانَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ لَظَٰلِمِينَ
Open ayah 15:78Tunay na noon ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan] ay talagang mga tagalabag sa katarungan.
فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ وَإِنَّهُمَا لَبِإِمَامٖ مُّبِينٖ
Open ayah 15:79Kaya naghiganti Kami sa kanila. Tunay na ang dalawang [pamayanang] ito ay talagang nasa isang daanang malinaw.
وَلَقَدۡ كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡحِجۡرِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Open ayah 15:80Talaga ngang nagpasinungaling ang mga mamamayan ng Batuhan sa mga isinugo.
وَءَاتَيۡنَٰهُمۡ ءَايَٰتِنَا فَكَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ
Open ayah 15:81Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda Namin ngunit sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw.
وَكَانُواْ يَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتًا ءَامِنِينَ
Open ayah 15:82Sila noon ay lumililok mula sa mga bundok ng mga bahay bilang mga matiwasay.
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُصۡبِحِينَ
Open ayah 15:83Ngunit dumaklot sa kanila ang sigaw nang inumaga.
فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Open ayah 15:84Kaya walang naidulot para sa kanila ang anumang dating nakakamit nila.
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞۖ فَٱصۡفَحِ ٱلصَّفۡحَ ٱلۡجَمِيلَ
Open ayah 15:85Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating kaya magpalampas ka nang pagpapalampas na marilag.
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ
Open ayah 15:86Tunay na ang Panginoon mo ay ang Palalikha, ang Maalam.
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ سَبۡعٗا مِّنَ ٱلۡمَثَانِي وَٱلۡقُرۡءَانَ ٱلۡعَظِيمَ
Open ayah 15:87Talaga ngang nagbigay Kami sa iyo ng pito mula mga inuulit-ulit at Dakilang Qur’ān.
لَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Open ayah 15:88Huwag ka ngang magpatagal ng mga mata mo sa anumang ipinatamasa Namin na mga uri mula sa kanila, huwag kang malungkot sa kanila, magbaba ka ng loob mo para sa mga mananampalataya,
وَقُلۡ إِنِّيٓ أَنَا ٱلنَّذِيرُ ٱلۡمُبِينُ
Open ayah 15:89magsabi ka: “Tunay na ako mismo ay ang mapagbabalang malinaw [ng pagdursa]”
كَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَى ٱلۡمُقۡتَسِمِينَ
Open ayah 15:90gaya ng nagpababa Kami [ng kasulatan] sa mga nagkahati-hati,
ٱلَّذِينَ جَعَلُواْ ٱلۡقُرۡءَانَ عِضِينَ
Open ayah 15:91na mga gumawa sa Qur’ān bilang mga baha-bahagi.
فَوَرَبِّكَ لَنَسۡـَٔلَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Open ayah 15:92Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talaga ngang magtatanong Kami sa kanila nang magkakasama
عَمَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Open ayah 15:93tungkol sa anumang dati nilang ginagawa.
فَٱصۡدَعۡ بِمَا تُؤۡمَرُ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Open ayah 15:94Kaya maglantad ka ng ipinag-uutos sa iyo [ni Allāh] at umayaw ka sa mga tagapagtambal.
إِنَّا كَفَيۡنَٰكَ ٱلۡمُسۡتَهۡزِءِينَ
Open ayah 15:95Tunay na Kami ay nakasapat sa iyo sa mga tagapangutya
ٱلَّذِينَ يَجۡعَلُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 15:96na gumagawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa, ngunit malalaman nila.
وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّكَ يَضِيقُ صَدۡرُكَ بِمَا يَقُولُونَ
Open ayah 15:97Talaga ngang nakaaalam Kami na ikaw ay napaninikipan ng dibdib mo dahil sa sinasabi nila.
فَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ وَكُن مِّنَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Open ayah 15:98Kaya magluwalhati ka kasabay ng papuri sa Panginoon mo at maging kabilang ka sa mga tagapagpatirapa.
وَٱعۡبُدۡ رَبَّكَ حَتَّىٰ يَأۡتِيَكَ ٱلۡيَقِينُ
Open ayah 15:99Sambahin mo ang Panginoon mo hanggang sa pumunta sa iyo ang katiyakan [ng kamatayan].