الرحمن
Ar-Rahmaan
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
ٱلرَّحۡمَٰنُ
Open ayah 55:1Ang Napakamaawain [na si Allāh]
عَلَّمَ ٱلۡقُرۡءَانَ
Open ayah 55:2ay nagturo ng Qur’ān,
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ
Open ayah 55:3lumikha ng tao,
عَلَّمَهُ ٱلۡبَيَانَ
Open ayah 55:4nagturo rito ng paglilinaw.
ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ بِحُسۡبَانٖ
Open ayah 55:5Ang araw at ang buwan ay ayon sa [itinakdang] pagtutuus-tuos.
وَٱلنَّجۡمُ وَٱلشَّجَرُ يَسۡجُدَانِ
Open ayah 55:6Ang bituin at ang punong-kahoy ay nagpapatirapa.
وَٱلسَّمَآءَ رَفَعَهَا وَوَضَعَ ٱلۡمِيزَانَ
Open ayah 55:7Ang langit ay inangat Niya ito at inilagay Niya ang timbangan
أَلَّا تَطۡغَوۡاْ فِي ٱلۡمِيزَانِ
Open ayah 55:8upang hindi kayo magmalabis sa timbangan.
وَأَقِيمُواْ ٱلۡوَزۡنَ بِٱلۡقِسۡطِ وَلَا تُخۡسِرُواْ ٱلۡمِيزَانَ
Open ayah 55:9Magpanatili kayo ng pagtitimbang ayon sa pagkamakatarungan at huwag kayong manlugi sa timbangan.
وَٱلۡأَرۡضَ وَضَعَهَا لِلۡأَنَامِ
Open ayah 55:10Ang lupa ay inilagay Niya para sa mga kinapal.
فِيهَا فَٰكِهَةٞ وَٱلنَّخۡلُ ذَاتُ ٱلۡأَكۡمَامِ
Open ayah 55:11Dito ay may bungang-kahoy at ang mga [punong] datiles na may mga saha,
وَٱلۡحَبُّ ذُو ٱلۡعَصۡفِ وَٱلرَّيۡحَانُ
Open ayah 55:12at ang mga butil na may mga uhay at ang mga mabangong halaman.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:13Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٖ كَٱلۡفَخَّارِ
Open ayah 55:14Lumikha Siya ng tao mula sa kumakalansing na luwad gaya ng palayukan.
وَخَلَقَ ٱلۡجَآنَّ مِن مَّارِجٖ مِّن نَّارٖ
Open ayah 55:15Lumikha Siya sa jinn mula sa walang usok na liyab ng apoy.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:16Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ وَرَبُّ ٱلۡمَغۡرِبَيۡنِ
Open ayah 55:17[Siya] ang Panginoon ng dalawang silangan at ang Panginoon ng dalawang kanluran [sa tag-init at taglamig].
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:18Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
مَرَجَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ يَلۡتَقِيَانِ
Open ayah 55:19Nagpaugnay Siya sa dalawang dagat habang nagtatagpo.
بَيۡنَهُمَا بَرۡزَخٞ لَّا يَبۡغِيَانِ
Open ayah 55:20Sa pagitan ng dalawang ito ay may isang halang na hindi nilalampasan ng dalawang ito.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:21Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
يَخۡرُجُ مِنۡهُمَا ٱللُّؤۡلُؤُ وَٱلۡمَرۡجَانُ
Open ayah 55:22Lumalabas mula sa dalawang ito ang mga perlas at ang mga koral.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:23Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
وَلَهُ ٱلۡجَوَارِ ٱلۡمُنشَـَٔاتُ فِي ٱلۡبَحۡرِ كَٱلۡأَعۡلَٰمِ
Open ayah 55:24Sa Kanya ang mga daong na mga nakataas [ang mga layag] sa dagat gaya ng mga bundok.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:25Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
كُلُّ مَنۡ عَلَيۡهَا فَانٖ
Open ayah 55:26Ang bawat sinumang nasa ibabaw ng [lupang] ito ay malilipol.
وَيَبۡقَىٰ وَجۡهُ رَبِّكَ ذُو ٱلۡجَلَٰلِ وَٱلۡإِكۡرَامِ
Open ayah 55:27Mamamalagi naman ang mukha ng Panginoon mo, ang ukol sa pagkapinagpipitaganan at pinagpaparangalan.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:28Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
يَسۡـَٔلُهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ كُلَّ يَوۡمٍ هُوَ فِي شَأۡنٖ
Open ayah 55:29Nanghihingi sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa; sa bawat araw Siya ay nasa isang pumapatungkol.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:30Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
سَنَفۡرُغُ لَكُمۡ أَيُّهَ ٱلثَّقَلَانِ
Open ayah 55:31Mag-aatupag Kami para sa inyo, O dalawang mabigat.[1]
- Ibig sabihin: dalawang pangunahing nilikha, ang tao at ang jinn.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:32Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
يَٰمَعۡشَرَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ إِنِ ٱسۡتَطَعۡتُمۡ أَن تَنفُذُواْ مِنۡ أَقۡطَارِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ فَٱنفُذُواْۚ لَا تَنفُذُونَ إِلَّا بِسُلۡطَٰنٖ
Open ayah 55:33O katipunan ng jinn at tao, kung nakaya ninyo na lumagos sa mga purok ng mga langit at lupa ay lumagos kayo. Hindi kayo lalagos kundi sa pamamagitan ng isang kapangyarihan [na ibinigay ni Allāh].
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:34Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
يُرۡسَلُ عَلَيۡكُمَا شُوَاظٞ مِّن نَّارٖ وَنُحَاسٞ فَلَا تَنتَصِرَانِ
Open ayah 55:35May isusugo sa inyong dalawa na isang purong lagablab ng apoy at isang [lusaw na] tanso, kaya hindi kayong makapag-aadyaan.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:36Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
فَإِذَا ٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ وَرۡدَةٗ كَٱلدِّهَانِ
Open ayah 55:37Saka kapag nabiyak ang langit saka ito ay naging kulay rosas gaya ng kumukulong langis.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:38Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يُسۡـَٔلُ عَن ذَنۢبِهِۦٓ إِنسٞ وَلَا جَآنّٞ
Open ayah 55:39Kaya sa araw na iyon ay walang tatanungin, tungkol sa pagkakasala nito, na isang tao ni isang jinn.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:40Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
يُعۡرَفُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ بِسِيمَٰهُمۡ فَيُؤۡخَذُ بِٱلنَّوَٰصِي وَٱلۡأَقۡدَامِ
Open ayah 55:41Makikilala ang mga salarin sa mga tatak nila, saka dadaklutin sila sa mga buhok ng noo at mga paa.[1]
- saka itatapon sila sa Impiyerno
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:42Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
هَٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِي يُكَذِّبُ بِهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Open ayah 55:43Ito ay ang Impiyerno na nagpapasinungaling dito ang mga salarin.
يَطُوفُونَ بَيۡنَهَا وَبَيۡنَ حَمِيمٍ ءَانٖ
Open ayah 55:44Iikot sila sa pagitan nito at ng nakapapasong tubig.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:45Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
وَلِمَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ جَنَّتَانِ
Open ayah 55:46Ukol sa sinumang nangamba sa katayuan sa [pagtutuos ng] Panginoon niya ay dalawang hardin.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:47Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
ذَوَاتَآ أَفۡنَانٖ
Open ayah 55:48[Ang mga ito ay] may maraming sanga.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:49Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
فِيهِمَا عَيۡنَانِ تَجۡرِيَانِ
Open ayah 55:50Sa dalawang ito ay may dalawang bukal na dumadaloy.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:51Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
فِيهِمَا مِن كُلِّ فَٰكِهَةٖ زَوۡجَانِ
Open ayah 55:52Sa dalawang ito, bawat prutas ay magkapares.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:53Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ فُرُشِۭ بَطَآئِنُهَا مِنۡ إِسۡتَبۡرَقٖۚ وَجَنَى ٱلۡجَنَّتَيۡنِ دَانٖ
Open ayah 55:54Mga nakasandal sa mga supa na ang aporo ng mga ito ay mula sa makapal na sutla at ang ani ng dalawang hardin ay naabot.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:55Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
فِيهِنَّ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ لَمۡ يَطۡمِثۡهُنَّ إِنسٞ قَبۡلَهُمۡ وَلَا جَآنّٞ
Open ayah 55:56Sa mga iyon ay may mga babaing naglilimita ng sulyap [sa mga asawa nila], na walang nakipagtalik sa mga ito na isang tao bago nila ni isang jinn.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:57Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
كَأَنَّهُنَّ ٱلۡيَاقُوتُ وَٱلۡمَرۡجَانُ
Open ayah 55:58Para bang sila ay mga rubi at mga koral.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:59Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
هَلۡ جَزَآءُ ٱلۡإِحۡسَٰنِ إِلَّا ٱلۡإِحۡسَٰنُ
Open ayah 55:60Ang ganti kaya sa paggawa ng maganda ay iba pa sa paggawa ng maganda?
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:61Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
وَمِن دُونِهِمَا جَنَّتَانِ
Open ayah 55:62Sa paanan ng dalawang ito ay may dalawang hardin.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:63Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
مُدۡهَآمَّتَانِ
Open ayah 55:64Matingkad na luntian [ang dalawang ito].
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:65Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
فِيهِمَا عَيۡنَانِ نَضَّاخَتَانِ
Open ayah 55:66Sa dalawang ito ay may dalawang bukal na bumubuga.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:67Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
فِيهِمَا فَٰكِهَةٞ وَنَخۡلٞ وَرُمَّانٞ
Open ayah 55:68Sa dalawang ito ay may prutas, mga punong datiles, at mga granada.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:69Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
فِيهِنَّ خَيۡرَٰتٌ حِسَانٞ
Open ayah 55:70Sa mga ito ay may mga babaing mabubuti na magaganda.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:71Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
حُورٞ مَّقۡصُورَٰتٞ فِي ٱلۡخِيَامِ
Open ayah 55:72May mga dilag na mga nakalimita sa mga kubol.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:73Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
لَمۡ يَطۡمِثۡهُنَّ إِنسٞ قَبۡلَهُمۡ وَلَا جَآنّٞ
Open ayah 55:74Walang nakipagtalik sa mga ito na isang tao bago nila ni isang jinn.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:75Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ رَفۡرَفٍ خُضۡرٖ وَعَبۡقَرِيٍّ حِسَانٖ
Open ayah 55:76Mga nakasandal sa mga almohadon na luntian at mga kutson na magaganda.
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Open ayah 55:77Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
تَبَٰرَكَ ٱسۡمُ رَبِّكَ ذِي ٱلۡجَلَٰلِ وَٱلۡإِكۡرَامِ
Open ayah 55:78Napakamapagpala ang pangalan ng Panginoon mo, ang ukol sa pagkapinagpipitaganan at pinagpaparangalan.