القلم
Al-Qalam
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
نٓۚ وَٱلۡقَلَمِ وَمَا يَسۡطُرُونَ
Open ayah 68:1Nūn.[1] Sumpa man sa panulat at anumang itinititik nila,[2]
- Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
- na napakikinabangang kaalamang umaakay sa landas ng kapatnubayan at ang isinusulat ng mga anghel na Kapahayagan ni Allāh o mga gawa ng mga tao.
مَآ أَنتَ بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ بِمَجۡنُونٖ
Open ayah 68:2hindi ka, [O Propeta Muḥammad,] dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang baliw.
وَإِنَّ لَكَ لَأَجۡرًا غَيۡرَ مَمۡنُونٖ
Open ayah 68:3Tunay na ukol sa iyo ay talagang isang pabuyang hindi matitigil.
وَإِنَّكَ لَعَلَىٰ خُلُقٍ عَظِيمٖ
Open ayah 68:4Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan.
فَسَتُبۡصِرُ وَيُبۡصِرُونَ
Open ayah 68:5Kaya makakikita ka at makakikita sila
بِأَييِّكُمُ ٱلۡمَفۡتُونُ
Open ayah 68:6kung nasa alin sa inyo ang hinihibang [ng demonyo].
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ
Open ayah 68:7Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa kung sino ang naligaw palayo sa landas Niya, at Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan.
فَلَا تُطِعِ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Open ayah 68:8Kaya huwag kang tumalima sa mga tagapagpasinungaling [sa Kapahayagan sa iyo].
وَدُّواْ لَوۡ تُدۡهِنُ فَيُدۡهِنُونَ
Open ayah 68:9Nagmithi sila na kung sana magpapahinuhod ka [sa usapin ng relihiyon] saka magpapahinuhod sila.
وَلَا تُطِعۡ كُلَّ حَلَّافٖ مَّهِينٍ
Open ayah 68:10Huwag kang tumalima sa bawat palasumpang aba,
هَمَّازٖ مَّشَّآءِۭ بِنَمِيمٖ
Open ayah 68:11palasirang-puri, palalako ng satsat,
مَّنَّاعٖ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ
Open ayah 68:12palakait ng kabutihan, tagalabag, makasalanan,
عُتُلِّۭ بَعۡدَ ذَٰلِكَ زَنِيمٍ
Open ayah 68:13sanggano, matapos niyon, nagpapanggap ng kaangkanan.[1]
- O nagpapanggap sa kaangkanan: nag-aangking anak ng isang lalaking hindi naman niya tunay na ama.
أَن كَانَ ذَا مَالٖ وَبَنِينَ
Open ayah 68:14[Gayon siya] dahil siya ay naging may yaman at mga anak,
إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 68:15kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān], nagsasabi siya: “Mga alamat ng mga sinauna.”
سَنَسِمُهُۥ عَلَى ٱلۡخُرۡطُومِ
Open ayah 68:16Maghehero Kami sa kanya sa nguso.
إِنَّا بَلَوۡنَٰهُمۡ كَمَا بَلَوۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ إِذۡ أَقۡسَمُواْ لَيَصۡرِمُنَّهَا مُصۡبِحِينَ
Open ayah 68:17Tunay na Kami ay sumubok sa kanila kung paanong sumubok Kami sa mga may-ari ng hardin noong sumumpa ang mga ito na talagang pipitas nga ang mga ito doon pagkaumaga.
وَلَا يَسۡتَثۡنُونَ
Open ayah 68:18Hindi sila humihiling ng pahintulot [kay Allāh].[1]
- O Hindi sila nagnanais na maglaan [para sa maralita].
فَطَافَ عَلَيۡهَا طَآئِفٞ مِّن رَّبِّكَ وَهُمۡ نَآئِمُونَ
Open ayah 68:19Kaya may umikot doon [sa hardin] na isang umiikot [na apoy] mula sa Panginoon mo habang sila ay mga natutulog.
فَأَصۡبَحَتۡ كَٱلصَّرِيمِ
Open ayah 68:20Kaya kinaumagahan iyon ay naging para bang madilim na gabi.[1]
- O para bang inanihan O itim na tigang na lupa.
فَتَنَادَوۡاْ مُصۡبِحِينَ
Open ayah 68:21Kaya nagtawagan sila kinaumagahan,
أَنِ ٱغۡدُواْ عَلَىٰ حَرۡثِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰرِمِينَ
Open ayah 68:22na [mga nagsasabi]: “Magpakaaga kayo sa taniman ninyo kung kayo ay mga mamimitas.”
فَٱنطَلَقُواْ وَهُمۡ يَتَخَٰفَتُونَ
Open ayah 68:23Kaya humayo sila habang sila ay nagbubulungan,
أَن لَّا يَدۡخُلَنَّهَا ٱلۡيَوۡمَ عَلَيۡكُم مِّسۡكِينٞ
Open ayah 68:24na [nagsasabi]: “Wala ngang papasok ngayong araw sa inyo na isang dukha.”
وَغَدَوۡاْ عَلَىٰ حَرۡدٖ قَٰدِرِينَ
Open ayah 68:25Nagpakaaga sila sa layon habang [nag-aakalang] mga makakakaya.
فَلَمَّا رَأَوۡهَا قَالُوٓاْ إِنَّا لَضَآلُّونَ
Open ayah 68:26Ngunit noong nakita nila iyon [na nasunog] iyon ay nagsabi sila: “Tunay na tayo ay talagang mga naliligaw;[1]
- sa daan papunta sa hardin
بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ
Open ayah 68:27bagkus tayo ay mga pinagkaitan [ng mga bunga]!”
قَالَ أَوۡسَطُهُمۡ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ لَوۡلَا تُسَبِّحُونَ
Open ayah 68:28Nagsabi ang pinakamaigi sa kanila: “Hindi ba nagsabi ako sa inyo na bakit kasi hindi kayo nagluluwalhati [kay Allāh]?”
قَالُواْ سُبۡحَٰنَ رَبِّنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ
Open ayah 68:29Nagsabi sila: “Kaluwalhatian sa Panginoon natin! Tunay na tayo dati ay mga tagalabag sa katarungan.”
فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَلَٰوَمُونَ
Open ayah 68:30Kaya lumapit sila sa isa’t isa habang nagsisisihan.
قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا طَٰغِينَ
Open ayah 68:31Nagsabi sila: “O kapighatian sa atin; tayo dati ay mga tagapagmalabis.
عَسَىٰ رَبُّنَآ أَن يُبۡدِلَنَا خَيۡرٗا مِّنۡهَآ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا رَٰغِبُونَ
Open ayah 68:32Marahil ang Panginoon natin ay magpalit sa atin ng higit na mabuting [harding] kaysa roon; tunay na tayo sa Panginoon natin ay mga naghahangad.”
كَذَٰلِكَ ٱلۡعَذَابُۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Open ayah 68:33Gayon ang pagdurusa [sa Mundo] at talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na malaki, kung sakaling sila ay nakaaalam.
إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Open ayah 68:34Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ang mga hardin ng kaginhawahan.
أَفَنَجۡعَلُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ كَٱلۡمُجۡرِمِينَ
Open ayah 68:35Kaya gagawa ba Kami sa mga Muslim gaya ng mga salarin?
مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ
Open ayah 68:36Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?
أَمۡ لَكُمۡ كِتَٰبٞ فِيهِ تَدۡرُسُونَ
Open ayah 68:37O mayroon kayong isang kasulatan na doon ay nag-aaral kayo,
إِنَّ لَكُمۡ فِيهِ لَمَا تَخَيَّرُونَ
Open ayah 68:38na tunay na ukol sa inyo roon ay talagang ang minamabuti ninyo?
أَمۡ لَكُمۡ أَيۡمَٰنٌ عَلَيۡنَا بَٰلِغَةٌ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ إِنَّ لَكُمۡ لَمَا تَحۡكُمُونَ
Open ayah 68:39O mayroon kayong mga pinanumpaan sa Amin, na aabot hanggang sa Araw ng Pagbangon, na tunay na ukol sa inyo ay ang hinahatol ninyo?
سَلۡهُمۡ أَيُّهُم بِذَٰلِكَ زَعِيمٌ
Open ayah 68:40Magtanong ka sa kanila kung alin sa kanila roon ay tagaako.
أَمۡ لَهُمۡ شُرَكَآءُ فَلۡيَأۡتُواْ بِشُرَكَآئِهِمۡ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ
Open ayah 68:41O mayroon silang mga pantambal [kay Allāh]? Kaya magdala sila ng mga pantambal nila kung sila ay mga tapat,
يَوۡمَ يُكۡشَفُ عَن سَاقٖ وَيُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ
Open ayah 68:42sa Araw na may itatambad na isang lulod [ni Allāh] at tatawagin sila [na mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw] tungo sa pagpapatirapa ngunit hindi sila[1] makakakaya.
- Ibig sabihin: ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga mapagpaimbabaw.
خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۖ وَقَدۡ كَانُواْ يُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ وَهُمۡ سَٰلِمُونَ
Open ayah 68:43Nagtataimtim ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan samantalang sila nga dati ay inaanyayahan sa pagpatirapa habang sila ay malusog.
فَذَرۡنِي وَمَن يُكَذِّبُ بِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِۖ سَنَسۡتَدۡرِجُهُم مِّنۡ حَيۡثُ لَا يَعۡلَمُونَ
Open ayah 68:44Kaya hayaan mo Ako at ang sinumang nagpapasinungaling sa pahayag [ng Qur’ān na ito]; mag-uunti-unti Kami sa kanila [tungo sa pagdurusa] mula sa hindi nila nalalaman.
وَأُمۡلِي لَهُمۡۚ إِنَّ كَيۡدِي مَتِينٌ
Open ayah 68:45Magpapalugit Ako para sa kanila. Tunay na ang panlalansi Ko ay matibay.
أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ أَجۡرٗا فَهُم مِّن مَّغۡرَمٖ مُّثۡقَلُونَ
Open ayah 68:46O nanghihingi ka ba sa kanila ng isang pabuya [dahil sa pag-aanyaya] kaya sila dahil sa isang pagkakamulta ay mga napabibigatan?
أَمۡ عِندَهُمُ ٱلۡغَيۡبُ فَهُمۡ يَكۡتُبُونَ
Open ayah 68:47O taglay ba nila ang [kaalaman sa] nakalingid kaya sila ay nagsusulat [nito]?
فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تَكُن كَصَاحِبِ ٱلۡحُوتِ إِذۡ نَادَىٰ وَهُوَ مَكۡظُومٞ
Open ayah 68:48Kaya magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo at huwag kang maging gaya ng kasamahan ng isda[1] noong nanawagan siya habang siya ay nahahapis.
- Si Propeta Jonas (sumakanya ang pangangalaga).
لَّوۡلَآ أَن تَدَٰرَكَهُۥ نِعۡمَةٞ مِّن رَّبِّهِۦ لَنُبِذَ بِٱلۡعَرَآءِ وَهُوَ مَذۡمُومٞ
Open ayah 68:49Kung sakaling hindi nakaabot sa kanya ang isang biyaya mula sa Panginoon niya ay talaga sanang ihinagis siya sa kahawanan samantalang siya ay pinupulaan.
فَٱجۡتَبَٰهُ رَبُّهُۥ فَجَعَلَهُۥ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Open ayah 68:50Ngunit humirang sa kanya ang Panginoon niya, saka gumawa sa kanya kabilang sa mga maayos.
وَإِن يَكَادُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَيُزۡلِقُونَكَ بِأَبۡصَٰرِهِمۡ لَمَّا سَمِعُواْ ٱلذِّكۡرَ وَيَقُولُونَ إِنَّهُۥ لَمَجۡنُونٞ
Open ayah 68:51Tunay na halos ang mga tumangging sumampalataya ay talagang magpapadulas sa iyo sa pamamagitan ng mga tingin nila noong nakarinig sila sa paalaala [ng Qur’ān] at nagsasabi sila: “Tunay na siya ay talagang isang baliw.”
وَمَا هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 68:52Walang iba [ang Qur’ān na] ito kundi isang paalaala [mula kay Allāh] para sa mga nilalang.