المطففين
Al-Mutaffifin
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَيۡلٞ لِّلۡمُطَفِّفِينَ
Open ayah 83:1Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,
ٱلَّذِينَ إِذَا ٱكۡتَالُواْ عَلَى ٱلنَّاسِ يَسۡتَوۡفُونَ
Open ayah 83:2na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubus-lubos sila,
وَإِذَا كَالُوهُمۡ أَو وَّزَنُوهُمۡ يُخۡسِرُونَ
Open ayah 83:3at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.
أَلَا يَظُنُّ أُوْلَٰٓئِكَ أَنَّهُم مَّبۡعُوثُونَ
Open ayah 83:4Hindi ba nakatitiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin
لِيَوۡمٍ عَظِيمٖ
Open ayah 83:5para sa isang araw na sukdulan,
يَوۡمَ يَقُومُ ٱلنَّاسُ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 83:6sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang?
كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡفُجَّارِ لَفِي سِجِّينٖ
Open ayah 83:7Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn.
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سِجِّينٞ
Open ayah 83:8Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn?
كِتَٰبٞ مَّرۡقُومٞ
Open ayah 83:9Isang talaan na sinulatan.
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Open ayah 83:10Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,
ٱلَّذِينَ يُكَذِّبُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
Open ayah 83:11na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas.
وَمَا يُكَذِّبُ بِهِۦٓ إِلَّا كُلُّ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ
Open ayah 83:12Walang nagpapasinungaling doon kundi ang bawat tagalabag na makasalanan.
إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Open ayah 83:13Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān] ay nagsasabi siya: “Mga alamat ng mga sinauna!”
كَلَّاۖ بَلۡۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Open ayah 83:14Aba’y hindi! Bagkus, nagmantsa sa mga puso nila ang [pagkakasalang] dati nilang nakakamit.
كَلَّآ إِنَّهُمۡ عَن رَّبِّهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّمَحۡجُوبُونَ
Open ayah 83:15Aba’y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.
ثُمَّ إِنَّهُمۡ لَصَالُواْ ٱلۡجَحِيمِ
Open ayah 83:16Pagkatapos tunay na sila ay talagang masusunog sa Impiyerno.
ثُمَّ يُقَالُ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Open ayah 83:17Pagkatapos sasabihin sa kanila: “Ito ay ang dati ninyong pinasisinungalingan.”
كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡأَبۡرَارِ لَفِي عِلِّيِّينَ
Open ayah 83:18Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn.
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا عِلِّيُّونَ
Open ayah 83:19Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn?
كِتَٰبٞ مَّرۡقُومٞ
Open ayah 83:20Isang talaan na sinulatan,
يَشۡهَدُهُ ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Open ayah 83:21Sasaksi rito ang mga [anghel na] inilapit [kay Allāh].
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٍ
Open ayah 83:22Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan,
عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ
Open ayah 83:23habang nasa mga supa ay nakatingin [sa nagpapagalak sa kanila].
تَعۡرِفُ فِي وُجُوهِهِمۡ نَضۡرَةَ ٱلنَّعِيمِ
Open ayah 83:24Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan.
يُسۡقَوۡنَ مِن رَّحِيقٖ مَّخۡتُومٍ
Open ayah 83:25Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid.
خِتَٰمُهُۥ مِسۡكٞۚ وَفِي ذَٰلِكَ فَلۡيَتَنَافَسِ ٱلۡمُتَنَٰفِسُونَ
Open ayah 83:26Ang pampinid nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan.
وَمِزَاجُهُۥ مِن تَسۡنِيمٍ
Open ayah 83:27Ang lahok nito ay mula sa Tasnīm,[1]
- isang bukal sa pinakamataas na bahagi ng Paraiso.
عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Open ayah 83:28isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit.
إِنَّ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْ كَانُواْ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَضۡحَكُونَ
Open ayah 83:29Tunay na ang mga nagpakasalarin ay dati sa mga sumampalataya tumatawa.
وَإِذَا مَرُّواْ بِهِمۡ يَتَغَامَزُونَ
Open ayah 83:30Kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila [bilang panunuya].
وَإِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمُ ٱنقَلَبُواْ فَكِهِينَ
Open ayah 83:31Kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro.
وَإِذَا رَأَوۡهُمۡ قَالُوٓاْ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَضَآلُّونَ
Open ayah 83:32Kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: “Tunay na ang mga ito ay talagang mga ligaw.”
وَمَآ أُرۡسِلُواْ عَلَيۡهِمۡ حَٰفِظِينَ
Open ayah 83:33Hindi sila isinugo sa mga ito bilang mga tagapag-ingat.
فَٱلۡيَوۡمَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنَ ٱلۡكُفَّارِ يَضۡحَكُونَ
Open ayah 83:34Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya ay sa mga tagatangging sumampalataya tatawa
عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ
Open ayah 83:35habang nasa mga supa ay nakatingin.[1]
- sa inihanda ni Allāh sa kanila na mga biyaya.
هَلۡ ثُوِّبَ ٱلۡكُفَّارُ مَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Open ayah 83:36Gagantimpalaan kaya ang mga tagatangging sumampalataya sa anumang dati nilang ginagawa?[1]
- Ibig sabihin: Gagantimpalaan sila ng pagdurusa sa mga ginawa nila.