الإنشقاق
Al-Inshiqaaq
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنشَقَّتۡ
Open ayah 84:1Kapag ang langit ay nabiyak
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ
Open ayah 84:2at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito,
وَإِذَا ٱلۡأَرۡضُ مُدَّتۡ
Open ayah 84:3kapag ang lupa ay binanat,
وَأَلۡقَتۡ مَا فِيهَا وَتَخَلَّتۡ
Open ayah 84:4at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatwa ito,
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ
Open ayah 84:5at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito;
يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ إِنَّكَ كَادِحٌ إِلَىٰ رَبِّكَ كَدۡحٗا فَمُلَٰقِيهِ
Open ayah 84:6O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod kaya makikipagkita [ka] rito.[1]
- sa Araw ng Pagtutuos upang gantihan ka ni Allāh sa mga ito.
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ
Open ayah 84:7Kaya hinggil sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya,
فَسَوۡفَ يُحَاسَبُ حِسَابٗا يَسِيرٗا
Open ayah 84:8tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan
وَيَنقَلِبُ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورٗا
Open ayah 84:9at uuwi siya sa mag-anak niya na pinagagalak.
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ وَرَآءَ ظَهۡرِهِۦ
Open ayah 84:10Hinggil naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa bandang likod niya,
فَسَوۡفَ يَدۡعُواْ ثُبُورٗا
Open ayah 84:11mananawagan siya ng pagkagupo
وَيَصۡلَىٰ سَعِيرًا
Open ayah 84:12at masusunog siya sa isang liyab.
إِنَّهُۥ كَانَ فِيٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورًا
Open ayah 84:13Tunay na siya dati sa piling ng mga kapwa niya ay pinagagalak.
إِنَّهُۥ ظَنَّ أَن لَّن يَحُورَ
Open ayah 84:14Tunay na siya ay nagpalagay na hindi siya manunumbalik [kay Allāh].
بَلَىٰٓۚ إِنَّ رَبَّهُۥ كَانَ بِهِۦ بَصِيرٗا
Open ayah 84:15Bagkus, tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kanya nakakikita.
فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلشَّفَقِ
Open ayah 84:16Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim,
وَٱلَّيۡلِ وَمَا وَسَقَ
Open ayah 84:17at sa gabi at sa iniipon nito,
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا ٱتَّسَقَ
Open ayah 84:18at sa buwan kapag namilog ito;
لَتَرۡكَبُنَّ طَبَقًا عَن طَبَقٖ
Open ayah 84:19talagang lululan nga kayo sa isang antas buhat sa isang antas.
فَمَا لَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Open ayah 84:20Kaya ano ang mayroon sa kanila na hindi sila sumasampalataya?
وَإِذَا قُرِئَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقُرۡءَانُ لَا يَسۡجُدُونَۤ۩
Open ayah 84:21Kapag binigkas sa kanila ang Qur’ān ay hindi sila nagpapatirapa.
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُكَذِّبُونَ
Open ayah 84:22Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling.
وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يُوعُونَ
Open ayah 84:23Si Allāh ay higit na maalam sa anumang iniimbak nila [sa mga dibdib nila].
فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Open ayah 84:24Kaya magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit,
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونِۭ
Open ayah 84:25maliban ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.