النازعات

An-Naazi'aat

Those who drag forth · Surah 79 · Ayahs: 46 · Meccan

Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. وَٱلنَّٰزِعَٰتِ غَرۡقٗا

    Open ayah 79:1

    Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis[1] sa isang paghatak [na marahas],

    1. ng kaluluwa ng tagatangging sumampalataya
  2. وَٱلنَّٰشِطَٰتِ نَشۡطٗا

    Open ayah 79:2

    sumpa man sa mga [anghel na] humahablot[1] sa isang paghunos [malumanay],

    1. ng kaluluwa ng mananampalataya
  3. وَٱلسَّٰبِحَٰتِ سَبۡحٗا

    Open ayah 79:3

    sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy,[1]

    1. mula sa langit papunta sa lupa
  4. فَٱلسَّٰبِقَٰتِ سَبۡقٗا

    Open ayah 79:4

    saka sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima],

  5. فَٱلۡمُدَبِّرَٰتِ أَمۡرٗا

    Open ayah 79:5

    saka sa mga [anghel na] nagpapatupad ng utos,

  6. يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلرَّاجِفَةُ

    Open ayah 79:6

    sa araw na yayanig ang tagayanig,[1]

    1. sa unang pag-ihip sa tambuli
  7. تَتۡبَعُهَا ٱلرَّادِفَةُ

    Open ayah 79:7

    at susunod dito ang kasunod [na pag-ihip sa tambuli].[1]

    1. na pag-ihip sa tambuli
  8. قُلُوبٞ يَوۡمَئِذٖ وَاجِفَةٌ

    Open ayah 79:8

    May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog.

  9. أَبۡصَٰرُهَا خَٰشِعَةٞ

    Open ayah 79:9

    Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakumbaba.

  10. يَقُولُونَ أَءِنَّا لَمَرۡدُودُونَ فِي ٱلۡحَافِرَةِ 

    Open ayah 79:10

    Nagsasabi sila [sa Mundo]: “Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan?

  11. أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا نَّخِرَةٗ

    Open ayah 79:11

    Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?”

  12. قَالُواْ تِلۡكَ إِذٗا كَرَّةٌ خَاسِرَةٞ

    Open ayah 79:12

    Magsasabi sila: “Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi.”

  13. فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ

    Open ayah 79:13

    Ngunit ito[1] ay nag-iisang bulyaw lamang,

    1. ang ikalawang pag-ihip sa tambuli sa pagkabuhay
  14. فَإِذَا هُم بِٱلسَّاهِرَةِ

    Open ayah 79:14

    saka biglang sila ay [buhay] sa balat ng lupa.

  15. هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ

    Open ayah 79:15

    Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?

  16. إِذۡ نَادَىٰهُ رَبُّهُۥ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوًى

    Open ayah 79:16

    Noong nanawagan sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā:

  17. ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ

    Open ayah 79:17

    “Pumunta ka kay Paraon – tunay na siya ay nagmalabis –

  18. فَقُلۡ هَل لَّكَ إِلَىٰٓ أَن تَزَكَّىٰ

    Open ayah 79:18

    saka magsabi ka: Ukol kaya sa iyo na magpakabusilak ka

  19. وَأَهۡدِيَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخۡشَىٰ

    Open ayah 79:19

    at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?”

  20. فَأَرَىٰهُ ٱلۡأٓيَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰ 

    Open ayah 79:20

    Kaya ipinakita niya[1] rito ang tandang pinakamalaki[2] [na himala ng tungkod at puting kamay],

    1. si Moises
    2. na himala ng tungkod at putting kamay
  21. فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ

    Open ayah 79:21

    ngunit nagpasinungaling ito[1] at sumuway ito.

    1. si Paraon
  22. ثُمَّ أَدۡبَرَ يَسۡعَىٰ

    Open ayah 79:22

    Pagkatapos tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises].

  23. فَحَشَرَ فَنَادَىٰ

    Open ayah 79:23

    Kaya kumalap ito [ng mga kawal] saka nanawagan

  24. فَقَالَ أَنَا۠ رَبُّكُمُ ٱلۡأَعۡلَىٰ

    Open ayah 79:24

    saka nagsabi: “Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas.”

  25. فَأَخَذَهُ ٱللَّهُ نَكَالَ ٱلۡأٓخِرَةِ وَٱلۡأُولَىٰٓ

    Open ayah 79:25

    Kaya nagpataw rito si Allāh ng parusang panghalimbawa[1] sa Kabilang-buhay at Unang-buhay.

    1. sa pamamagitan ng pagkalunod sa Mundo at pagpasok sa pinakamatinding pagdurusa sa Kabilang-buhay.
  26. إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰٓ

    Open ayah 79:26

    Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa sinumang natatakot [kay Allāh].

  27. ءَأَنتُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَمِ ٱلسَّمَآءُۚ بَنَىٰهَا

    Open ayah 79:27

    Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?

  28. رَفَعَ سَمۡكَهَا فَسَوَّىٰهَا

    Open ayah 79:28

    Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito.

  29. وَأَغۡطَشَ لَيۡلَهَا وَأَخۡرَجَ ضُحَىٰهَا

    Open ayah 79:29

    Nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito.

  30. وَٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ دَحَىٰهَآ 

    Open ayah 79:30

    Sa lupa, matapos niyon, ay naglagak Siya nito.

  31. أَخۡرَجَ مِنۡهَا مَآءَهَا وَمَرۡعَىٰهَا

    Open ayah 79:31

    Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito.

  32. وَٱلۡجِبَالَ أَرۡسَىٰهَا

    Open ayah 79:32

    Sa mga bundok ay nag-angkla,

  33. مَتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ

    Open ayah 79:33

    bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.

  34. فَإِذَا جَآءَتِ ٱلطَّآمَّةُ ٱلۡكُبۡرَىٰ

    Open ayah 79:34

    Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki –

  35. يَوۡمَ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا سَعَىٰ

    Open ayah 79:35

    sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya [na mabuti o masama]

  36. وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِمَن يَرَىٰ

    Open ayah 79:36

    at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita –

  37. فَأَمَّا مَن طَغَىٰ

    Open ayah 79:37

    hinggil sa sinumang nagmalabis

  38. وَءَاثَرَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا

    Open ayah 79:38

    at nagtangi sa buhay na pangmundo,

  39. فَإِنَّ ٱلۡجَحِيمَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ

    Open ayah 79:39

    tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan;

  40. وَأَمَّا مَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ وَنَهَى ٱلنَّفۡسَ عَنِ ٱلۡهَوَىٰ 

    Open ayah 79:40

    hinggil sa sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya,

  41. فَإِنَّ ٱلۡجَنَّةَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ

    Open ayah 79:41

    tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.

  42. يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرۡسَىٰهَا

    Open ayah 79:42

    Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon?

  43. فِيمَ أَنتَ مِن ذِكۡرَىٰهَآ

    Open ayah 79:43

    Nasa ano ka para bumanggit niyon?

  44. إِلَىٰ رَبِّكَ مُنتَهَىٰهَآ

    Open ayah 79:44

    Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan [ng kaalaman] niyon.

  45. إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرُ مَن يَخۡشَىٰهَا

    Open ayah 79:45

    Ikaw ay isang tagapagbabala lamang ng sinumang natatakot doon.

  46. كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَهَا لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا عَشِيَّةً أَوۡ ضُحَىٰهَا

    Open ayah 79:46

    Para bang sila, sa Araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi [sa Mundo] maliban sa isang hapon o isang umaga nito.