النبإ
An-Naba
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
عَمَّ يَتَسَآءَلُونَ
Open ayah 78:1Tungkol sa ano nagtatanungan sila [na mga tagapagtambal]?
عَنِ ٱلنَّبَإِ ٱلۡعَظِيمِ
Open ayah 78:2Tungkol sa balitang dakila [ng Qur’ān],
ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ مُخۡتَلِفُونَ
Open ayah 78:3na sila kaugnay rito ay mga nagkakaiba-iba.
كَلَّا سَيَعۡلَمُونَ
Open ayah 78:4Aba’y hindi! Makaaalam sila.
ثُمَّ كَلَّا سَيَعۡلَمُونَ
Open ayah 78:5Pagkatapos aba’y hindi! Makaaalam sila.
أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ مِهَٰدٗا
Open ayah 78:6Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag
وَٱلۡجِبَالَ أَوۡتَادٗا
Open ayah 78:7at sa mga bundok bilang mga tulos?
وَخَلَقۡنَٰكُمۡ أَزۡوَٰجٗا
Open ayah 78:8Lumikha Kami sa inyo na magkapares.
وَجَعَلۡنَا نَوۡمَكُمۡ سُبَاتٗا
Open ayah 78:9Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga.
وَجَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِبَاسٗا
Open ayah 78:10Gumawa Kami sa gabi bilang kasuutan.
وَجَعَلۡنَا ٱلنَّهَارَ مَعَاشٗا
Open ayah 78:11Gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan.
وَبَنَيۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعٗا شِدَادٗا
Open ayah 78:12Nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong [langit na] matindi.
وَجَعَلۡنَا سِرَاجٗا وَهَّاجٗا
Open ayah 78:13Gumawa Kami ng [araw bilang] isang sulo na palaliyab.
وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلۡمُعۡصِرَٰتِ مَآءٗ ثَجَّاجٗا
Open ayah 78:14Nagpababa Kami mula sa mga dagim ng isang tubig na bumubuhos
لِّنُخۡرِجَ بِهِۦ حَبّٗا وَنَبَاتٗا
Open ayah 78:15upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga butil at halaman
وَجَنَّٰتٍ أَلۡفَافًا
Open ayah 78:16at mga harding magkakapulupot.
إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ كَانَ مِيقَٰتٗا
Open ayah 78:17Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay isang takdang oras
يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَتَأۡتُونَ أَفۡوَاجٗا
Open ayah 78:18sa Araw na iihip sa tambuli saka pupunta kayo na pulu-pulutong.
وَفُتِحَتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ أَبۡوَٰبٗا
Open ayah 78:19Bubuksan ang langit saka ito ay magiging mga pintuan.
وَسُيِّرَتِ ٱلۡجِبَالُ فَكَانَتۡ سَرَابًا
Open ayah 78:20Iuusad ang mga bundok saka ang mga ito ay magiging isang malikmata.
إِنَّ جَهَنَّمَ كَانَتۡ مِرۡصَادٗا
Open ayah 78:21Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang pantambang,
لِّلطَّٰغِينَ مَـَٔابٗا
Open ayah 78:22na para sa mga tagapagmalabis ay isang uwian,
لَّٰبِثِينَ فِيهَآ أَحۡقَابٗا
Open ayah 78:23na mga mamamalagi roon sa mga yugto.
لَّا يَذُوقُونَ فِيهَا بَرۡدٗا وَلَا شَرَابًا
Open ayah 78:24Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin,
إِلَّا حَمِيمٗا وَغَسَّاقٗا
Open ayah 78:25maliban sa isang nakapapasong tubig at isang nana
جَزَآءٗ وِفَاقًا
Open ayah 78:26bilang ganting angkop [sa masagwang gawa].
إِنَّهُمۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ حِسَابٗا
Open ayah 78:27Tunay na sila dati ay hindi nag-aasam ng isang pagtutuos.
وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كِذَّابٗا
Open ayah 78:28Nagpasinungaling sila sa mga talata Namin [sa Qur’ān] nang isang [tahasang] pagpapasinungaling.
وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ كِتَٰبٗا
Open ayah 78:29Sa bawat bagay [mula sa mga gawa ninyo ay nag-isa-isa sa isang talaan.
فَذُوقُواْ فَلَن نَّزِيدَكُمۡ إِلَّا عَذَابًا
Open ayah 78:30Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa.
إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ مَفَازًا
Open ayah 78:31Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay isang pagtatamuan [ng hinihiling nila]
حَدَآئِقَ وَأَعۡنَٰبٗا
Open ayah 78:32ng mga hardin at mga ubasan [sa Paraiso],
وَكَوَاعِبَ أَتۡرَابٗا
Open ayah 78:33ng mga dalagang mabibilog ang dibdib, na mga magkasinggulang,
وَكَأۡسٗا دِهَاقٗا
Open ayah 78:34at ng kopang pinuno [ng alak].
لَّا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوٗا وَلَا كِذَّٰبٗا
Open ayah 78:35Hindi sila makaririnig doon [sa Paraiso] ng isang kabalbalan ni isang pagsisinungaling,
جَزَآءٗ مِّن رَّبِّكَ عَطَآءً حِسَابٗا
Open ayah 78:36bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit
رَّبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا ٱلرَّحۡمَٰنِۖ لَا يَمۡلِكُونَ مِنۡهُ خِطَابٗا
Open ayah 78:37[mula sa] Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain; hindi sila nakapangyayari sa Kanya sa isang pakikipag-usap [malibang may pahintulot].
يَوۡمَ يَقُومُ ٱلرُّوحُ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ صَفّٗاۖ لَّا يَتَكَلَّمُونَ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَقَالَ صَوَابٗا
Open ayah 78:38Sa Araw na tatayo ang Espiritu [na si Anghel Gabriel] at ang mga anghel nang nakahanay, hindi sila magsasalita maliban sa sinumang nagpahintulot para roon ang Napakamaawain at magsasabi iyon ng tumpak.
ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلۡحَقُّۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ مَـَٔابًا
Open ayah 78:39Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian.
إِنَّآ أَنذَرۡنَٰكُمۡ عَذَابٗا قَرِيبٗا يَوۡمَ يَنظُرُ ٱلۡمَرۡءُ مَا قَدَّمَتۡ يَدَاهُ وَيَقُولُ ٱلۡكَافِرُ يَٰلَيۡتَنِي كُنتُ تُرَٰبَۢا
Open ayah 78:40Tunay na Kami ay nagbabala sa inyo ng isang pagdurusang malapit sa Araw na titingin ang tao sa anumang [maganda o masagwang gawa na] ipinauna ng mga kamay niya at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: “O kung sana ako ay naging alabok!”