عبس
Abasa
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
عَبَسَ وَتَوَلَّىٰٓ
Open ayah 80:1Nagkunot-noo siya[1] at tumalikod siya
- Ibig sabihin: si Propeta Muhammad
أَن جَآءَهُ ٱلۡأَعۡمَىٰ
Open ayah 80:2dahil dumating sa kanya ang bulag.[1]
- Ang bulag ay si `Abdullāh ibnu Umm Maktūm na sumasabad sa paghiling ng patnubay samantalang ang Propeta naman ay abala sa pag-aanyaya sa Islam ng mga malaking tao ng liping Quraysh.
وَمَا يُدۡرِيكَ لَعَلَّهُۥ يَزَّكَّىٰٓ
Open ayah 80:3Ano ang magpapaalam sa iyo na marahil siya[1] ay magpapakabusilak [sa kasalanan]
- ang bulag
أَوۡ يَذَّكَّرُ فَتَنفَعَهُ ٱلذِّكۡرَىٰٓ
Open ayah 80:4o magsasaalaala para magpakinabang sa kanya ang paalaala?
أَمَّا مَنِ ٱسۡتَغۡنَىٰ
Open ayah 80:5Tungkol sa nag-akalang nakasasapat [para mangailangan ng pananampalataya],
فَأَنتَ لَهُۥ تَصَدَّىٰ
Open ayah 80:6ikaw ay sa kanya nag-aasikaso.
وَمَا عَلَيۡكَ أَلَّا يَزَّكَّىٰ
Open ayah 80:7Ano [ang maisisisi] sa iyo na hindi siya magpakabusilak [sa kasalanan]?
وَأَمَّا مَن جَآءَكَ يَسۡعَىٰ
Open ayah 80:8Hinggil naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi [sa paghahanap ng kabutihan]
وَهُوَ يَخۡشَىٰ
Open ayah 80:9habang siya ay natatakot [kay Allāh],
فَأَنتَ عَنۡهُ تَلَهَّىٰ
Open ayah 80:10ikaw ay sa kanya nagwawalang-bahala.
كَلَّآ إِنَّهَا تَذۡكِرَةٞ
Open ayah 80:11Aba’y hindi! Tunay na ang mga [talatang] ito ay isang pagpapaalaala;
فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ
Open ayah 80:12kaya ang sinumang lumuob ay mag-aalaala siya nitong [ Qur’ān].
فِي صُحُفٖ مُّكَرَّمَةٖ
Open ayah 80:13[Ito ay] nasa mga pahinang pinarangalan,
مَّرۡفُوعَةٖ مُّطَهَّرَةِۭ
Open ayah 80:14na inangat na dinalisay,
بِأَيۡدِي سَفَرَةٖ
Open ayah 80:15na nasa mga kamay ng mga [anghel na] tagatala,
كِرَامِۭ بَرَرَةٖ
Open ayah 80:16na mararangal na mabubuting-loob.
قُتِلَ ٱلۡإِنسَٰنُ مَآ أَكۡفَرَهُۥ
Open ayah 80:17Sumpain ang tao [na tagatangging sumampalataya]; anong palatangging sumampalataya nito!
مِنۡ أَيِّ شَيۡءٍ خَلَقَهُۥ
Open ayah 80:18Mula sa aling bagay lumikha Siya nito?
مِن نُّطۡفَةٍ خَلَقَهُۥ فَقَدَّرَهُۥ
Open ayah 80:19Mula sa isang patak lumikha Siya nito saka nagtakda Siya rito.
ثُمَّ ٱلسَّبِيلَ يَسَّرَهُۥ
Open ayah 80:20Pagkatapos sa landas[1] ay nagpadali Siya nito.
- ng paglabas mula sa sinapupunan
ثُمَّ أَمَاتَهُۥ فَأَقۡبَرَهُۥ
Open ayah 80:21Pagkatapos nagbigay-kamatayan Siya rito saka nagpalibing Siya rito.
ثُمَّ إِذَا شَآءَ أَنشَرَهُۥ
Open ayah 80:22Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito.
كَلَّا لَمَّا يَقۡضِ مَآ أَمَرَهُۥ
Open ayah 80:23Aba’y hindi! Hindi pa ito gumanap sa ipinag-utos Niya rito.
فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ إِلَىٰ طَعَامِهِۦٓ
Open ayah 80:24Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito –
أَنَّا صَبَبۡنَا ٱلۡمَآءَ صَبّٗا
Open ayah 80:25na Kami ay nagbuhos ng tubig sa pagbubuhos,
ثُمَّ شَقَقۡنَا ٱلۡأَرۡضَ شَقّٗا
Open ayah 80:26pagkatapos bumiyak Kami sa lupa nang biyak-biyak [para sa halaman],
فَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا حَبّٗا
Open ayah 80:27saka nagpatubo Kami rito ng mga butil,
وَعِنَبٗا وَقَضۡبٗا
Open ayah 80:28at ubas at kumpay,
وَزَيۡتُونٗا وَنَخۡلٗا
Open ayah 80:29at oliba at datiles,
وَحَدَآئِقَ غُلۡبٗا
Open ayah 80:30at mga harding malago,
وَفَٰكِهَةٗ وَأَبّٗا
Open ayah 80:31at prutas at damo –
مَّتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ
Open ayah 80:32bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.
فَإِذَا جَآءَتِ ٱلصَّآخَّةُ
Open ayah 80:33Ngunit kapag dumating ang Dagundong[1]
- Ibig sabihin: ang ikalawang pag-ihip sa tambuli.
يَوۡمَ يَفِرُّ ٱلۡمَرۡءُ مِنۡ أَخِيهِ
Open ayah 80:34sa Araw na tatakas ang tao mula sa kapatid niya,
وَأُمِّهِۦ وَأَبِيهِ
Open ayah 80:35at ina niya at ama niya,
وَصَٰحِبَتِهِۦ وَبَنِيهِ
Open ayah 80:36at asawa niya at mga anak niya.
لِكُلِّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ يَوۡمَئِذٖ شَأۡنٞ يُغۡنِيهِ
Open ayah 80:37Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang sasapat sa kanya.
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ مُّسۡفِرَةٞ
Open ayah 80:38May mga mukha sa Araw na iyon na nagliliwanag,
ضَاحِكَةٞ مُّسۡتَبۡشِرَةٞ
Open ayah 80:39na tumatawa na nagagalak.
وَوُجُوهٞ يَوۡمَئِذٍ عَلَيۡهَا غَبَرَةٞ
Open ayah 80:40May mga mukha sa Araw na iyon na sa mga ito ay may alabok.
تَرۡهَقُهَا قَتَرَةٌ
Open ayah 80:41May lulukob sa mga ito na isang panglaw.
أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَفَرَةُ ٱلۡفَجَرَةُ
Open ayah 80:42Ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya na masasamang-loob.